Akalain mong parang si flash din pala ang bilis ng takbo ng araw. Parang kailan lang at mayo a-uno pa lang. Ginawa ko ang unang walang kwentang lathala ko para sa buwan ng mayo. Gumawa din ako ng isang poll kung sino ang may pinakamakulit na sideline sa tatlo at eto ang mga iyon kung maaalala mo.

a.) Si PEDRO ba? (silipin dito)


b.) Si RENTOTZ ba? (tignan dito)

c.) O si BASTI ba? (wow fenk! haha, apihin si viny, APIHIN!! haha) (pagtyagaan dito wahaha!)


Matapos ang halos isang buwan, ay lumabas na ang resulta:

Sino Ang May Pinakamakulit Na Sideline?

At gaya ng inaasahan, ang nagwagi ay walang iba kundi si pedro. Wahaha. Patrip trip lang, pasulat sulat lang, papindot pindot lang na mga letra, di ko man lang namalayan, nalilibang na pala ako. Kasabay ng pagtatapos ng poll na ito, ay kasabay din ng pagkakamit ko ng mahigit isang libong hits sa site ko. Nakakatuwa din kahit papano, kasi naisip ko, may mga nagsasayang din pala ng oras sa pagbabasa sa walang kwentang kagaguhan ko. Ayun. Sana, dumami pa, para marami na akong nagagago, wahahaha. Salamat! Salamat! =)





Gaya nga ng sinabi ni XienahGirL ako daw ay isang ginoong kompyus ang katauhan. Marahil ay ganun na nga, sa kadahilanang, laging may mga mumunting bagay na bumabagabag sa aking isipan. Eto nanaman ako, nabanggit ko nanaman na nag-iisip ako. Nakalimutan ko nanaman na wala nga pala akong isip at kung meron man eh kakapiranggot lang.

Mabalik ako sa primaheng usapin. Nakatunganga nanaman ako buong maghapon at bigla kong naisip kung pareho lang ba ang salitang "ok" at "fine". Napansin ko lang kasi na minsan, may nagtatanong ng "are you ok?" tapos ang isasagot eh "yeah, im fine." Naisip ko tuloy, pwede mo sabihing "im asking if you are ok, im not asking if you are fine." Kaso parang mas lalong gugulo lang. Ikalawang halimbawa. Pag sinabi sayo ng kasintahan mo ang ganito "ayoko na sa iyo!" maaari kang sumagot ng "ok!" o di naman kaya ay "fine!" Kaya kahit anong isip ko, parang pareho talaga ang ibig sabihin ng "ok" at "fine".

Habang naninigarilyo ako, bigla na lang sumagi sa aking hinagap ang ideyang ito. Kung pareho ang ibig sabihin ng "ok" at "fine" bakit may mga taong nagsasabi ng "i'm ok, but im not fine." at ng " i'm fine, but im not that ok." Parang analogy lang din eh. Halimbawa:

Given: (considering ok and fine are the same)

Fine = Ok
Red = Red

Pag sinabi mong "i'm ok, but im not fine", para mo na ring sinabing, pula ang suot ko pero hindi pula. Anak ng kaanak anakang anak ng mga anak. Aba'y parang pinagloloko pala tayo ng mga amerikano eh. May nalalaman pa ang gobyerno na proyektong ESL (English as a Secondary Language). Eh magulo naman ang mga salita ng mga amerikano. Yeah, I speak the language. But i did it because it is mandatory in school's academic subjects. And in order to graduate, you have to follow the rules. English/American people kept on saying that you should follow the rules but i can't help but notice that they keep breaking it themselves. For example, the word laughter, is the gh sounds ff? NO! How about the word manslaughter, it has the word laughter in it but we read it as man-isloter not mans-lafter. Now, I agree with ESL (English is a Stupid Language) DEMET!

Hinagilap ka ang ibig sabihin ng "ok" at "fine sa google, at eto ang mga nakalap ko:

OK

or o·kay n., pl. OK's or o·kays.

Approval; agreement: Get your supervisor's OK before taking a day off.

adj.
  1. Agreeable; acceptable: Was everything OK with your stay?
  2. Satisfactory; good: an OK fellow.
  3. Not excellent and not poor; mediocre: made an OK presentation.
  4. In proper or satisfactory operational or working order: Is the battery OK?
  5. Correct: That answer is OK.
  6. Uninjured; safe: The skier fell but was OK.
  7. Fairly healthy; well: Thanks to the medicine, the patient was OK.
adv.

Fine; well enough; adequately: a television that works OK despite its age.

interj.

Used to express approval or agreement.

FINE

adj. fin·er, fin·est
1. Of superior quality, skill, or appearance: a fine day; a fine writer.
2. Very small in size, weight, or thickness: fine type; fine paper.
3.
a. Free from impurities.
b. Metallurgy Containing pure metal in a specified proportion or amount: gold 21 carats fine.
4. Very sharp; keen: a blade with a fine edge.
5. Thin; slender: fine hairs.
6. Exhibiting careful and delicate artistry: fine china.
7. Consisting of very small particles; not coarse: fine dust.
8.
a. Subtle or precise: a fine difference.
b. Able to make or detect effects of great subtlety or precision; sensitive: has a fine eye for color.
9. Trained to the highest degree of physical efficiency: a fine racehorse.
10. Characterized by refinement or elegance.
11. Satisfactory; acceptable: Handing in your paper on Monday is fine.
12. Being in a state of satisfactory health; quite well: I'm fine. And you?
13. Used as an intensive: a fine mess.
adv.
1. Finely.
2. Informal Very well: doing fine.
tr. & intr.v. fined, fin·ing, fines
To make or become finer, purer, or cleaner.

Ayun, naliwanagan na ako, ang "ok" at "fine" ay literal na hindi magkapareho ngunit nagiging pareho, depende sa konteksto ng pangungusap. Ang "ok" ay mayoryang ginagamit sa pag sang ayon while "fine" is majority used in saying the state of one's self being well.

Maliwanag na madilim, maayos na magulo, naiintindihan na parang hindi, oo, siguro nga kompyus lang talaga ang katauhan ko. O siya, paalam, nagugutom na ako, kain muna ko.









Analogy is a comparison based on such similarity and a similarity in some respects between things that are otherwise dissimilar. The process by which words or morphemes are re-formed or created on the model of existing grammatical patterns in a language, often leading to greater regularity in paradigms. It is also a form of logical inference or an instance of it, based on the assumption that if two things are known to be alike in some respects, then they must be alike in other respects.

Example:

God is love.

Love is Blind.

Therefore. God is blind. Haha!

Sino ba kasi nakaimbento ng analohiya na yan. Pinapagulo lang nyan at ginagawang kumplikado ang mga titik, pangungusap, salita, at parirala. Pa-ana-analohiya pang nalalaman. Gunggong! Wahaha.. \m/

Nakakapagod ang walang ginagawa, nakakapagod tumunganga. Nakakangawit maupo ng buong hapon. Put*%$ In@#g kumpanya to, binabayaran ako para mag internet, magchat at magblog. Ayoko na ng ganito, hindi na ako masaya. Hindi ko naprapractice yung field of expertise ko. Teka, may expertise ba ako? Naku, wala ata, pero kahit na, tao pa din ako, ayokong kumikita ako ng pera sa pamamagitan lang ng pagtunganga. I feel like im so useless, walang silbi, walang kwenta, palamunin, paswelduhang nakatunganga lang, mangmang, bobo at isa't kalahating tanga. I feel like I already reach the peak of knowledge that the company has to offer. I feel like crap, basura, trash, mga kalat na tinatapak tapakan, sinisipa sipa. Ang nakakainis pa, wala akong magawa, literal na wala akong magawa kasi nga wala akong ginagawa, kasi nga wala namang pinapagawa sakin at kahit na magtanong ako sa mga boss ko kung anong gagawin ko, ang isasagot lang nila eh wala, "i will call you when i need you" amputzz why dont they just tell me that they dont need me. Pero naisip ko, kung di nila ako kelangan, eh bakit andito pa rin ako, bakit di pa nila ako tanggalin, bakit pa di nila ako sisantehin, "SUNOG KA NA" (you are fired) bakit di na lang nila sabihin yun? Nakapagtataka, siguro swerte ako sa kumpanyang ito, ako siguro ang swerte nila, kaya siguro kahit di nila ako pinapakinabangan eh hindi nila ako tinatanggal. Ganun na nga siguro. Kung ganun, since swerte pala ako, dapat pala humingi ako ng increase, tapos takutin ko sila na aalis na ako pag hindi nila binigay ang gusto ko sabay biglang sabi na "gusto nyo bang mawala swerte nyo?" Haaay, walang kwenta, hindi ko pa rin majustify kung bakit ganito. Gusto ko na talagang maglahong parang bula. Everytime na pumapasok ako at nasa opisina ako, naiisip ko na lang na i'm just here to do my time, siyeeet parang preso, binubuno ang sintensiya. Aalis na talaga ako, eto na, 5, 4, 3, 2, 1, 0. 5:30 na kasi, uwian na, wahahaha, yey! \m/

Kung mapapansin nyo, wala akong bagong kagaguhang nailalagay nitong mga nakaraang araw, nauubos kasi ang oras ko sa pagkalikot at pagtuklas ng mundo ng blogosperyo, kung anu anong pinagtititignan ko ngayon sa wikipedia. Kung anong ibig sabihin ng ganito, kung anung ibig sabihin nun, kung para san ito at kung para saan yun. Ilang araw ng puro ganun na lang ang aking pinaggagawa kaya ayun. Tulad nito, isiningit ko lang itong konting walang kwenta pinagsasabi kong ito pero ang totoo, gagawin ko lang aktibo ang aking bagong technorati profile sa pamamagitan ng pag paskil ng link na galing sa website nila. Kaya ayun, paalam muna.

Technorati Profile

Undergoing MyBlogLog Verification

Itong mga nakaraang araw, puro fektyurs lang at mga kagaguhan ang mga ipinaglalagay ko dito, kaya naisipan ko ngayong gumawa naman ng lathala na puro letra, salita at parirala. Kagaguhan pa rin, pero sa pinaka konti (at least, haha) hindi na puro litrato at larawang wala namang kapararakan.

Heto na! Ang emo ay putol na salitang hinango sa salitang emotional, sa madaling sabi, maarte, nag-iinarte, maraming alam na kaartehan, madrama, isang nobela ang buhay, maaaring pang maalaala mo kaya at magpakailanman ang sandaling kwento ng buhay na walang kasing gulo na parang isang pelikulang wala namang katuturan ang istorya. Matatapos ito na siya pa rin ang bida. Ngunit sa huli di nya man lang masasabi na mahal ka nya. Ayun ang emo!

Kwentong Emo:

May lalakeng nagtext sa babae, nagreply ang babae, nagpalitan sila ng mensahe, ilang araw na ganun ang ngyari. (hanggang sa....) Isang araw, nakahalata na ang babae, tinanong nya ang lalake, sabi nya, "ikaw lalake, crush mo ba ako?, nililigawan mo ba ako?" sagot ng lalake "ha? bakit mo naman naitanong yan" sabi ng babae, "eh kasi nahahalata na kita, aminin mo na, na may gusto ka sakin, ok lang naman eh" sagot ng tatanga tangang lalake, "hindi kita crush, mahal na kita, panaginip ba ito? kasi kung ito'y panaginip, ayoko ng magising pa" sagot ng babae, "ah ganun ba?, sorry ha, kaibigan lang kasi tingin ko sayo eh, pwede bang friends na lang?" sagot ng lalake __________ ehem ehem, sagot ng lalake ___________, EHEM EHEM (umuubo na ako ng malakas na tila nagpapapansin) EHEM EHEM, sagot ng lalake _____________, ayun, hindi na sumagot ang lalake, malamang ay nagpatiwakal na, kinitil ang sariling buhay na pinahiram lang ng maykapal. Emo kills! Ops Ops Ops, blog ko to, walang eepal!

Makatang Tulang Emo:

kung ikaw ay isang tula
pipilitin kong maging makata
magaakda ng pariralang ikaw at ako ang paksa
lilikha ako ng kwento ng aking pagnanasa...

***sumingit ang babae, sabi "stop, don't and NO!"***
LALAKE: nagpakamatay at hindi na natapos ang tula..

Kantang Emo:

♫ ♪ ♪
Nalimot mo na ba?
♫ ♫ ♪ ♪ ♫ ♫ ♪ ♪ ♪
Nang minsan kong ulit-uliting mahal pa rin kita
♫ ♪ ♪ ♫
Lagi na lang ganyan
♪ ♫ ♫ ♪ ♪ ♪ ♫ ♪ ♫
Sa tuwing kailangan mong muli ay saka lang lalapitan
♫ ♪ ♪ ♫ ♫ ♫ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫
Ilang ulit na kayang nagmumukhang tanga sayo at naiwang nag-iisa
♫ ♫ ♫
Parang kahapon lang
♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫
Sinasabay na naman ang luha sa buhos ng ulan

***dumungaw ang babae, isinarado ang bintana at pinatay ang ilaw***
LALAKE: nagbigti at hindi na nawakasan pa ang awiting nilikha ng kanyang imahinasyon na binase sa nararamdaman nya, sa pag ibig na bukal, sa pagmamahal na wagas na handa nyang iaalay sa babaeng pinakamamahal nya.

Iilan lamang ito sa mga halimbawang produkto ng pagiging emo, paminsan minsan, ayus lang maging ganito, makikining sa malulungkot at malalaman na musika, iinom ng serbesa, titingin sa kawalan at nanamnamin ang oras ng pag-iisa. Matapos nun, sa alak ay malalango na, sa higaan ay tutungo na, sa panaginip ay sasama na, at ang nararamdaman ay tila mapapawi at sa isang iglap ay papanaw na. Ganun lang sana kadali, subalit hindi.

Pag bangon sa umaga, kasabay ng pag hikab at pagmulat ng mata, pag naalis na ang espirutu ng alak, pag ang dating madilim ay maliwanag na, pag ang katinuan ay nag balik na, andun pa din ang lungkot, andun pa din pagdurusa, andun pa din ang duguang pusong, kahit anung pilit mong buuin ay wala na, wasak na wasak na, at kailanman hindi na iibig pa. Parang....

***walang nagbasa sa lathalang ito***
LALAKE: ayus lang, ano ako siraulo? magpapakamatay para sa inyo? hahaha, gago ako pero hindi sira ang ulo ko. Nyahaha.

P.S. (Paalala Salahat, hehe)
Iwasan ang pagiging malungkot, kung nahihirapan kayo sa buhay nyo, isipin nyo na lang na ganun talaga. Wala namang madali eh, lahat mahirap. Pagsubok lang ang lahat ng yan, sabi nga eh, there are obstacles that GOD created for you and all of it was designed to make you tough, although shit really happens, everything happens for a reason, always remember that if it doesn't kill you, it will make you stronger.

Kung kayo naman ay bigo sa pag-ibig, isipin nyo na lang ganun talaga, sa pinanganak kayong panget eh, haha, biro lang, buti sana kung ako kayo, isang gwapo't matalino, ano pang hahanapin mo? Hahaha, biro lang uli, kahit gwapo ako, nasasawi din ako, (gwapo daw, kasinungalingan!, hahaha, yung parteng nasasawi, yan ang kapanipaniwala ;p) ayan di na biro yan, hehe. Para mapakalma nyo mga sarili nyo pag sawi kayo sa pag ibig, isipin nyo na lang na hindi siya yung para sa inyo, kung kayo edi kayo, kung hindi edi hindi, mahaba ang pila, next!!! pucha, ganun kasimple. Kung iniwan ka naman ng mahal mo, wag mo siyang iyakan, hindi siya kawalan, huhuhuhu (humahagulgol sa iyak), nyahaha, be a positive thinker, be optimistic, demet, ang daling magpayo, pero pag sa sarili na ngyari ang hirap hirap ng gawin, it is always easier said than done, well, that's the irony of life. Ganun talaga eh! Ano angal? hehe, biro lang. O siya, Paalam! ;p

More P.S. (Paalala Salahat, hehe)

Naalala ko lang yung sinabi ng babae sa taas na "stop, don't and NO!" Para kasing di ko pa naexperience yun, kadalasan kasing sinasabi sakin, NO! DON'T STOP! wahahaha! lmao!

Nakita ko nanaman ang sarili ko. This line really struck me. It's so simple yet so complex and meaningful.

I was on my way home from work yesterday when i saw my tattoo artist/friend alex checking things on his new tattoo shop. He then called me the moment he saw me. He ask something about increasing the free space of his partitioned hard disk without losing any data, lucky him that i have my software utilities with me and since i realized that i dont have anything to do at home, i decided to help him and do it by myself instead of just telling him the instructions.

I dont have any intentions of staying long in his shop, i said to myself that i will go home immediately after i finished the thing that i am doing, but then he said, "pare trip mo bang uminom? tara, shot tayo!" then i replied "parang totoo ah, kala ko ba pass ka muna sa mga alak, kung iinom ka, cge ok lang" i said those things because i knew for a fact that he's been sobber for already more than a month. After he heard my reply, he called his tattoo model/brother nog nog and he texted few regular customers/friends like my older brother jude, dr. tan tan and arman just to name a few, to come over and have a drink. Then he gave money to his henna artist and asked him to buy some booze. After that, my cellphone beeps and when i read it, it's a message from one of my newly found friend, saying that she dont have anything to do and so bored, so i decided to invite her to come over. I went out of the shop for a while to puff a stick of cigar and i felt the cold breeze of wind brought by the typhoon cosme. I love the chillin' sensation. Wheeew! I was still taking a puff in my cigar and before i finish it my friend arrived...

The night is so young and the weather is so inviting. Large number of beers are already on the table, some tube ice, fried duck and pig's face for pulutan (yummy-high-blood-stuffs). Alex and i were starting to get drunk while waiting, then one by one, the invited ones came as fast as a speeding bullet. While sound tripping, we drank, we shared stories, we had plans for our future tattoos, we tease each other, we bullied everbody, we clowned each and everyone of us, we had fun and then alex stopped for a while and looked at the mirror, then he said "nakita ko nanaman ang sarili ko" then he laughed. The sentence was so straight forward. Literally, he really saw his self in the mirror but what he was really trying to say last night was, he saw his real him again. I knew alex for quite a while now. And i know that drinking booze is not a hobby for him anymore, it's already part of his lifestyle, but recently, he decided to lay low for a while. He's not drinking for almost two months already and for me, in my meek opinion, that is already a huge accomplishment to a certain extent.

It's alright to moderate things, it's alright to stop bad habits, it's alright to be health conscious, and it's definitely alright to change things for the better. But you know what is not alright? It's not alright to change things if some part of your personality will be taken away from you. When you change for the better but in reality, it's not making you better, when it's already making you a different person, that's definitely not alright. Hindi ka na nag eenjoy, masaya ka nga pero kulang na kulang yung araw mo. Hindi ka na masyadong nagsasaya at natutuwa, para sa akin, hindi na maganda yung ganun. Hindi ko naman sinasabing maging lasenggo ka, ang sinasabi ko lang, mahirap alisin ang isang bagay na alam mong nagpapasaya sayo. Bakit mo ba itinigil yun? Para sa ikakabubuti mo? Eh pano mo naman masasabing nakakabubuti nga sayo yong ginawa mo, kung sa kaloob looban ng sarili mo eh nararamdaman mong may kulang sa pagkatao mo?

My point here is, it's hard to change, especially if you dont want the new someone that you'll become. I will change if it's for the better, if not, then I will stay as what I am right now. I don't want to happen that one time, when I'm standing in front of the mirror, I will not see my real self, all I can see is a different person that i dont even recognize. I will not allow that to happen me. Magpapakatotoo lang ako, magpapakasaya ako at mamatay akong masaya...Yun lang!

Waaaaaaaa, bilis ng oras, natapos nanaman ang araw, muntik ko na makalimutang magblog, sabagay wala din naman ako ma-i-blog kasi busy ako sa pag pipimp ng mga profiles ko, both sa friendster at multiply. Natuwa nanaman kasi ako at sinipag kaya ayun pinagtripan ko nanaman uli. Walang kwentang blog, wahaha, cge bukas na lang uli, pacenxa na sa mga nag abang, bawi ako sa inyo sa susunod..hehe..

pag wala kayong magawa, pwede nyong tignan kung ano yung pinagkaabalahan ko ng buong araw..

kung gusto nyo matutong mag overlay, maari nyong bisitahin ang site ni markyctrigger sa link na ito..

salamat at hanggang sa muli..paalam! :)

Ika labing-isa ng mayo, taong dalawang libo’t walo. Nagsimula ang aking araw, ika-pito ng umaga, sa isang simpleng pag gising, dahan dahang pagmulat ng mata, pagbibinat binat at pagkukuyos ng mga kamay sa mata upang tanggalin ang mga namuong muta. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at nilisan ko na ang aking malambot na higaan. Agad akong bumababa sa sala, (habang binibigkas ang mga letra ng awiting dahil mahal na mahal kita na inawit ni binibining rosel nava, wahaha, biro lang..) at nakapikit na dumerecho sa kusina patungo sa lababo upang maghilamos at magsipilyo. Matapos nun, pinunasan ko ang aking basang basa sa tubig na muka ng aking tuwalya na nakasampay sa aking balikat na siya kong kinuha sa sabitan na nakasampay malapit sa aking higaan bago ako bumababa. Matapos nun, nakita ko ang hapag kainan na may nakahain na pan cake, butter, syrup, tinapay, itlog, cheesedog, bacon, ham at isang pitsel na calamansi juice na nakatabi sa isang botelya ng centrum. Naisip ko, huwaw, almusal pa lang fiesta na, anong meron? Bigla kong nakita ang isang post it may pandikit na papel na may nakasulat na mensahe na nakapaskil sa botelya ng bitamina at eto ang nakasaad doon: “I prepared breakfast, mag-a-aerobics lang ako with your tita esther, (nanay ko talaga, as if naman kasing papayat pa, hahaha) eat well my sons, I love you all – mama”. Ang lambing talaga ng butihing ilaw ng aming tahanan. Nasabi ko na lang sa sarili ko, teka sandali lang, bakit ang dami naman ata nitong masyado para sa aming tatlo, ganito ba kami kalakas lumamon? Ano kayang meron? Kumuha muna ako ng isang tinapay, nilagyan ito ng isang itlog, pinatungan ng isa pang tinapay, nilagyan ito ng hinati hati ko sa maliliit na cheesedog, nilagyan ko uli ng isa pang tinapay, dinagdagan ko ng ham, muli ay pinatungan ko uli ito ng isa pang tinapay, nilagyan ko pa ng bacon at dinagdagan ko pa ng isa pang tinapay para sa huling patong, hmmmm, talap. Matapos nun ay nag lagay ako ng calamansi juice sa isang baso at tinignan ang aking nakatatanda at bunsong kapatid, nasilayan ng aking mga mata na nahihimbing pa sila sa kanilang pagkakatulog, marahil ay nasa kabilang mundo pala sila, sa mundo ng kanilang mga imahinasyon, sa mundo ng kanilang mga panaginip, naisip ko ang kasabihan na respetuhin ang mga natutulog kaya sila’y akin na lang munang hinayaan at kumain na ako. Habang ako’y ngumangata ng aking espesyal na almusal, bigla na lang ako napatingin sa talaan ng mga petsa na kung tawagin ay kalendaryo at agad kong naalala na araw nga pala ng mga ina. Tsaka ko lang naisip na, “ahhhh, kaya pala madaming almusal, ang bait bait talaga ng nanay ko, hindi naman kaya nilalagnat lang yun?” (hehe) Matapos kong kumain ay naligo na ako, nagbihis at pagkatapos kong magbihis, napansin kong tulog na tulog pa rin ang dalawa kong kapatid kaya hindi ko na sila ginising at nilisan ko na ang aming pamamahay.

Mag-i-ika-siyam na ng umaga, nasa labas na ako ng aming tahanan at pumara ako ng isang pampublikong sasakyan (jeepney) patungong proyekto walo (project 8) upang puntahan ang isang kakilala na magpapagawa ng kanyang personal na makinarya (personal computer), inalok nya ako ng almusal na binili sa isang banyagang establisimyentong ang pangalan ay ronald mcdonald, dahil sa ako’y busog pa, tinanggihan ko ang alok niya kahit na ako’y nanghihinayang sapagkat libre ang mga pagkain na yun, sayang, hehe. Ginawa ko na ang aking sinadya duon at maya maya pa ay natapos ko na ito, madali lang naman pala, hindi naman pala ganun kakumplikado gaya ng aking inaasahan. Nag paalam na ako sa mag asawang nagpagawa ngunit hindi nila muna ako pinayagan at ipinilit nila na dun na ako mananghalian, tumingin ako sa aking orasan at nalaman ko na alas dose na pala ng tanghali, ang bilis ng oras at hindi ko man lang namalayan. Sa pag aalalang baka gutumin ako sa aking paglalakabay pauwi, pumayag na din akong duon na managhalian.

Alas dose y medya na ng hapon ng matapos kami, muli akong nagpaalam at inabutan ako ng pera ng mag asawa, bayad daw nila sa serbisyong ginawa ko, tanggapin ko na daw, pamasahe ko daw pauwi. Hindi na ako nakatanggi, kaya kahit na hiyang hiya ako ay tinanggap ko na din at ibinulsa ang kanilang ibinigay. Nagsabi na kami ng pasasalamat sa isa’t isa at kami ay nagpaalamanan na, pagtingin ko sa binigay nilang pera, napamura na lang ako at nasabing “putang inang pamasahe yan, dalawang libo?!? Bakit san ba ko pupunta? Sa davao?”. Habang ako ay naglalakad pauwi at naghihintay ng masasakyan, nabaling ang aking mga mata sa isang tindahan at binasa ang pangalan nito “ukay-ukay” at may nakalagay pang “we are on sale”, nasabi ko na lang sa sarili ko, ang sosyal naman ng ukay ukay na to, paenglish english pa. Pumasok ako at may bumati sakin ng “welcome sir, enjoy your ukay” tsk tsk, talaga naman, si ate gumaganun pa, tumingin tingin muna ako at sa tagal tagal ng aking paghahalukay ng mga damit na ukay sa ukay ukay ay may nakita akong isang damit ukay na kulay ube na pawisang damit (sweat shirt, hehe, korni) na ang tatak ay rip curl, “huwaw ang ganda” yun na lang ang aking nasambit, agad kong tinanong sa nagbabantay kung magkano ang halaga ng damit panlamig na iyon. “sixty-five only” yun ang kaniyang isinagot (aba si ate, parang hindi ko kakayanin ah, inglesera talaga) “hindi ho ba maaaring singkwenta na lang” yun ang aking sinabi at sumagot siya ng “mababa na yun iho, wala na kaming kikitain pag binigay ko pa sa iyo yan sa halagang hinihingi mo” (ayuuunnnn, marunong na man pa lang magtagalog si ate)kaya sinabi ko na lang ay ganito “sige na ate, kahit 60 na lang, kaganda ganda pa naman din ho ninyo” at sumagot siya ng “naku! binola mo pa ako, ok 50, take it” (haneffff talaga si ate, take it pa daw?!?) at ayun nga sa halagang animnapung piso, nabili ko ang rip curl na damit panlamig. Lumabas na ako at awa naman ng diyos, wala namang nagsabi ng “thank you sir, come again”.

Ala una na ng hapon ng ako’y makasakay. Nagpunta ako ng dangwa para bumili ng bulaklak para sa aking pinakamamahal na ina.


Pasado alas tres na ng ako ay makabalik sa aming tahanan. Pinuntahan ko ang aking nanay sa taas at binigay ang bulaklak, tapos nun ay binati ko siya ng maligayang araw ng mga ina at sabay hinalikan siya sa pisngi. Wala ang aking nakakatandang kapatid, umalis kasama ang kaniyang kasintahan kaya tatlo lang kami sa bahay. Habang kami ay nagkwekwentuhan kasama ang aking ina at bunsong kapatid ay nabanggit ng aking ina na gusto niyang mapanuod ang pelikula na pinagtatampukan ni aga muhlach at anne curtis. At dahil sa mainit ang panahon, naisipan ko ding magpalamig at dahil sa nagkaroon naman ako ng dalawang libong piso ng bigla bigla, inaya ko na lang sila na mamasyal sa nunal (mole ay MALL pala yun, mali!). Paalis nanaman ang nanay ko kaya naisipan ko na din siyang ilabas (i-date). Medyo tinatamad na akong magtype pumindot sa keyboard makabagong makinilya at magpanggap na makata, hirap na hirap na akong magtagalog, haha, kaya papaiksiin ko na lang ang blog lathalang ito.

  • Sumakay kami ng taxi.
  • Nagkulitan kaming magkapatid at nagpicture picture muna habang nasa byahe.
  • Dumating kami sa the block, sm north edsa.


  • Nanuod kami ng when love begins dahil yun ang gusto ni mama. (pero alibi ko lang si mama, gusto ko din talaga yun panuorin kasi ang gwapo gwapo ni aga, wahahaha)
  • Hindi kami nakuntentong magkapatid kaya bumili muna kami ng pop corn at softdrinks at nanuod ng what happens in vegas.
  • Kumain kami sa wham! burgers.
  • Yey, may isang daan pang sukli, haha.


  • Naghintay sa aming inorder.
  • Double 1/3 pounder wham, cheese burger (bale 2/3, haha, tama ba? 1/3 + 1/3 = 2/3, sa presinto ka na magpaliwanag, nyahaha).


  • Mauubos ko ba yan?


  • Huwaw talap!
  • Yum yum!
  • I want more.
  • Picture picture uli pagtapos kumain.
  • Pati sa mga comics.
  • At pati ang poster hindi pinatawad, haha!
  • Yosi muna habang abang taxi pauwi. (lagot ako kay rosel, hindi ako nagpaalam, hehe, ok lang naman cguro, ngaun na lang naman na uli, busog eh, haha)
  • Sa dami ng tao, ang hirap sumakay ng taxi kaya nag-fx na lang kami.
  • Haaay, kapagod, but it was all good!
  • To my one and only parent, my mom,

  • Hindi na namin kelangan si darna, si alwina ng mulawin, si lyka ng lobo, si marina, si dyesebel, volta, super booba, inday bote, at kahit na sino pang super hero, para sa amin, hindi ka lang isang ulirang ina, ikaw ang nag-iisang super hero sa buhay namin. Happy mother’s day mom-c! We love you too. A lot! =)

P.S (Pahabol Salahat, wahaha!)

Kung may araw na masakit ang ulo nyo, isipin nyo na lang na wala yan sa sakit ng ulo na nabibigay nyo o naibigay nyo sa mga nanay nyo, maligayang araw ng mga ina sa nanay nating lahat!

Nasubukan mo na ba nung bata ka na pinangakuan ka ng nanay mo na kakain sa labas tapos hindi natuloy? Yung matagal mong hinintay, tapos sobrang excited ka, maaga ka lagi natutulog, ang sigla sigla mo sa umaga, tapos parang ang bilis bilis ng takbo ng araw, tapos pag gising mo sa araw na yun, biglang sasabihin na "anak may importante akong gagawin, hindi tayo matutuloy". Oo naiintindihan mo na importante yung gagawin na yun, pero bakit parang ang pakiramdam eh iba, bakit di mo maiwasang magtampo. May sense ba yung sinasabi ko? Kasi ako, parang di ko din maintindihan sinasabi ko eh, walang kwenta no?

O sige try kong explain ng mabuti, ibang analogy naman. Ganito yan, sabihin natin na gusto mong mag basketball, tapos, nag aya ka ng mga kaibigan mo, so ang ginawa mo, nagpareserve ka ng court, matagal pa yung date na napareserve mo kasi it's eighter na hindi available yung ibang inaya mo, o kaya may pasok ka sa trabaho, o kaya naman, may nakareserve na sa court. So may nakita ka ng date, let's say friday, tinxt mo yung mga kalaro mo, at ok daw sila nun, so pinareserve mo na yung court. Tapos pag sapit ng monday, biglang may nagsabi na hindi siya pwede ng friday, thursday na lang daw, so ikaw naman, kahit na hindi ka pwede nun kasi marami kang gagawin sa work eh pumayag ka na kasi gustong gusto mong magbasketball at gustong gusto mo ng makasama yung mga kaibigan mo at makalaro sila. Ngunit, subalit, datapwat, pag sapit ng wednesday night, biglang may nagtxt, siya rin yung isang hindi pwede ng friday na siya ding nagpamove ng sched sa thursday tapos sinabi na may importante daw siyang gagawin bukas, ang araw na napagkasunduan nyong magbasketball. Ang punto ko lang, I was trying so hard para lang makalaro at makasama sa basketball ang mga kaibigan ko, pero no matter how I tried, lagi na lang hindi natutuloy. Ginagawa ko na ang lahat, pati schedule ko ilang beses ko ng inayos para lang matuloy yung araw na yun, but then, hindi pa rin, bigo pa rin, malungkot pa rin, totoo talagang SHIT really HAPPENS! Pero kahit ganun pa man, hindi pa rin ako magagalit na hindi siya pwede, at hindi natuloy ang basketball, magtatampo lang ako pero maiintindihan ko pa rin siya. Masasaktan ako pero ok lang, kasi kahit ilang beses pang mangyari ang ganito, paulit ulit kitang maiimtimdihan kahit paulit ulit pa akong madisapoint at masaktan. Ganun talaga, ala naman akong magagawa. At kung meron man, ayoko namang gawin.

Naintindihan nyo na ba yung sinasabi ko? Ako kasi hindi pa rin, kaya ang walang kwentang bagay na ito ay ganito na lang at bigla na lang magwawakas……

  • ANG BUHAY AY PARANG GULONG:

Minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa vulcanizing shop, alam ko korni! haha..

  • ANG BUHAY AY PARANG AKO:

Masarap, haha. (di mo ako matitikman, wahahha)

  • ANG BUHAY AY PARANG BATO:

It's hard. And it hurts too. (IT HARTS YU KNOW?)

seryoso na muna:

  • ANG BUHAY AY PARANG YELO:

Natutunaw, nauubos at iyong makikita sa linaw ng tubig ang lahat ng iyong ginawa, malinis ba o madumi? Ngunit sino nga ba talaga tayo upang humusga kung ano ang malinis at madumi? At kung ang pagiging madumi ay mali, at hindi karapat-dapat.


  • ANG BUHAY AY PARANG KOMIKS:

Sa komiks may hatid na drama, bakbakan at romansa sa bawat kabanata. Mayroon ding takot at luha na nababalot sa bawat pahina. Sa bawat paglipat, may pahinang nabubuklat. Sa bawat pahina, may istoryang nakikita. At sa bawat istorya, may buhay na nararamdaman.

  • ANG BUHAY AY PARANG CREDIT CARD:

Buy now, pay later, hiram lang ang atin buhay na ginagamit ngayon kaya kung ano man ang mga gagawin natin habang gamit natin ito ay siguradong pagbabayaran din natin ito sa bandang huli pag dating ng takdang panahon.

  • ANG BUHAY AY PARANG SINTAS:

Minsan mahaba, minsan maiksi, isa lang ang sigurado, ang sintas, kadalasan magulo, anong gagawin mo? Hahayaan mo bang madapa ka kasi buhol buhol ang sintas mo, o titigil ka muna para itali ito ng maayos para deredrecho ang pag lalakad mo?

  • ANG BUHAY AY PARANG ROLLER COASTER:

Mabilis magbago ang estado at kinalalagyan mo. Kailangan mong sabayan ang lahat, kahit na nahihirapan ka na. Hindi ka dapat sumuko kahit anong hirap na ng sitwasyon. Ayus lang mahilo, wag ka lang susuka.


  • ANG BUHAY AY PARANG ELEVATOR:

Dahil masyado ng gamit ang roller coaster at hindi naman laging nagsa-cyclone loop ang buhay, may mga taas baba lang, at darating din ang isang minsan na magiging steady lang. Chillax lang mga pare, STEADY LANG!


  • ANG BUHAY AY PARANG LANSANGAN:

Madumi at mabaho pero pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat, nasa lugar na at mabango na. Isang pagbabagong idudulot ng pagtitiyaga.

  • ANG BUHAY AY PARANG BASEBALL:

Kung ang taga bato ng bola ay sinaktan ka minsan eh ayus lang, parte ng laro yun, hindi sinasadya. Pero kung paulit ulit ka na nyang binabato at sinasaktan, anong gagawin mo? Gagamitin mo ba ang bat mo para bweltahan siya at hampasin hanggang magtanda siya o hahayaan mo na lang kasi nakakaintindi ka? Ganyan lang din ang buhay.


  • ANG BUHAY AY PARANG RUBIK'S CUBE:

Maraming kulay, parang buhay. Umiikot ng paulit ulit, minsan nasa baba, minsan nasa taas, sa likod sa harap at minsan nasa tagiliran. Bigla na rin itong bumabaliktad pag pinihit at nag rarambol ang kulay kada pihit. Mabubuo ba o hindi? Magtutugma ba ang mga kulay o maghahalo halo na lang hanggang masira?

GANYAN LANG TALAGA ANG BUHAY, PARANG LIFE!

WAG PADADAIG!

WAG PAPATALO!

CHILLAX!

STEADY!

AT MAGING MASAYA LANG TAYO!

My fingers are swollen and it hurts like hell. Ang sakit sakit, waaaaaa. Oooops, if you guys are thinking na nakipagsuntukan ako kaya masakit ang mga daliri ko sa kamay, pwes, you guys are wrong, ahmm, partly right din naman kasi nakipagsuntukan talaga ako, pero hindi sa tunay na tao, kundi sa mga sikat na character sa larong Fight Night 3 sa PS 2 (kung di nyo alam ang sinasabi ko, tignan nyo lang dito sa site na ito. I’ve played yesterday from 4:00 pm to 9:00 pm, with no interruptions, pause, break and whatsoever except when I ate dinner at around 7:00 ata yun. Tapos naligo ako ng mga 9:30 kasi nangangamoy baktol na ko, after nun pinanuod ko uli yung national treasure 2 (book of secrets) wala kasing bagong dvd, hmmm I wonder what’s on page 47, can’t wait na maipalabas na yung part 3 ng movie ng gates family including riley and abigail (kung di nyo nanaman alam ang sinasabi ko, maari nyo uling silipin dito sa site na ito). After ng movie, naglaro uli ako hanggang 2:00 am in the morning (nyahaha, redundant, a.m na morning pa) tapos gumising ako ng 7:00 am kasi may pasok pa sa trabaho. Ang bilis natapos ng lingo bitin ang pahinga ko. Bad trip.

Eto ang mga ngyari, wala kasi akong magawa kahapon, tapos tinatamad ako, kaya di ako lumabas ng kwarto, tamang higa lang ako buong maghapon, 7 am, nagising ako kasi aalis na yung lolo ko, pnta na ng airport pabalik na sa middle east, so I woke up early just to say goodbye. After that, hilamos lang and toothbrush tapos umakyat na uli ako para mahiga. Around 8 am tinext ko yung bunso kong kapatid na nasa baba lang naman, tinatamad kasi akong magsalita kaya tinxt ko na lang, sabi ko “paki-panikan nga ako dito ng almusal, samahan mo na din ng isang tablet ng centrum tsaka calamansi juice kung meron pa” tapos ayun na nga, nag almusal na, at nahiga pagkatapos, maya maya inantok na ako kaya natulog nanaman ako, tapos mga bandang 10:45 gumising nanaman ako, nag bukas ng TV at naghanap ng mapapanuod, nakita ko basketball, new Orleans hornets laban sa san Antonio spurs na tumalo sa paborito kong koponan na phoenix suns, so xempre new Orleans ako para maipaghigante man lang yung team ko na pinagbibidahan nila steve nash, amare stoudamire, old skul na grant hill, at bobong walang kwenta at lampang shaquille o’neal. Natapos na ang laro at nanalo nga ang new Orleans, 1-0 na ang standing, nakauna sila ng isang panalo sa 7 game series sa second round ng western conference playoffs. Nilipat ko ang channel at napadpad ako sa channel 2, wow boxing, dela hoya laban kay forbes, ayun panalo si dela hoya, walang kwentang laban, unanimous decision, walang thrill, kaya natulog na lang ako, pag gising ko ng mga 3:30 ala akong magawa, sound trip sandali, tapos naisip ko ng maglaro ng PS at naalala ko yung boxing kaya fight night na lang nilaro ko, gumawa ako ng boxer ko, tapos nagsimula ako ng career mode, nagsimula sa 2008 at bago ako matulog, year 2029 na at 40 years old na yung boxer ko, 8 times title holder in 3 different division class, with 69 wins 0 lost 0 draw and 69 KO’s, sarap makipagsuntukan, lalo na pag hindi man lang nakakasurvive ng round 1 ang kalaban, ayun nga lang, sa sobrang tagal kong naglaro, sumakit ang mga daliri ko, pero ok lang, naalis naman stress ko, parang ang sarap kasing ilabas lahat ng sama ng loob at gigil sa kalaban mo sa kompyuter sabayan mo pa ng mga naglulutungan mura na mas malutong pa sa chicharon na tigseseventy pesos sa mga bus na dumadaan sa bulacan.

Tapos ayun, tapos na, wala nanaman kwenta blog ko, isang araw na, ng katamaran ang lumipas at nakuha ko pang ikwento, wala, ganun talaga eh, gaya ng lagi kong sinasabi, blog ko to, kung ayaw mong basahin, edi wag, kung binasa mo naman at may gusto kang mangyari, edi gumawa ka ng sarili mong blog. Walang pakialamanan ng trip, bwahahaha..

I’m the kind of guy who’s not really good in words. Yes, I admit that I always write something about anything from time to time but all of those that I wrote were just an instant idea that had crossed my mind during those times that I wrote those blogs. It’s like your doing something and then you’ll pause for a moment because you thought of something kengkoy and something funny, tapos ayun, isusulat mo na kung ano yung naisip mo na yun. Yesterday, I promised my friend otel that I will write something about her but right now I cannot find the appropriate words to describe an incredible person like her, as I always say to her, words aren’t enough to tell the world how great she is. But since she’s nagging me right now (kiddin’) and her text messages are flooding my inbox at this very moment (haha), I think I have no choice but to do it right here, right now, so I think I’ll just let the end of my finger tips to type on it’s own. I assume that this will be better this way, I will not think about it, I will just let the words to come out from my heart and not from my mind (wala din naman kasi akong utak at kung meron man, kakapiraso lang, haha), bahala na, so now here it is:

Rosel is my buddy, friend and my companion and even I met her just recently, I am proud to say that she’s one of the most important person to me right now. Roselinita or otel as her friends called her is very unique in her own way, astonishing and atypical. In my humble opinion, I believe that this little woman (not a girl anymore but literally little, haha) is matchless and incomparable; she’s beyond compare and only one of its kind to be exact. She’s a great daughter to her parents or at least trying her best just to meet if not overcome their expectations. She’s a sweet sister to her brothers, makulit na apo sa mga lolo’t lola at kengkoy na pinsan sa mga pinsan nya, hehe. Pasaway na kabigan minsan, at mapagmahal sa mga naging bf nya, hehe. She’s without equal and I will not trade her for anything, pero negotiable, let me just know what is it that you have to offer, madali naman ako kausap, haha. Kidding aside, rosel for me is perfect and having a special friend like her is like having the greatest treasure for the devotion that she shows will give you too much pleasure and of all the expensive gems the world can ever hold, to have a friend like rosel is a beauty to behold.

Kapag matanda na ako, ipagmamalaki ko sa kahit kanino na minsan may naging kaibigan ako na saksakan ng kyut, rosel ang pangalan nya at 4’11” lang ang taas nya, haha. Natutuwa ako kasi kahit sandali pa lang kami magkakilala eh parang ang dami dami na kaagad naming pinagsamahan. Magmula sa good morning sa umaga, hanggang good night sa gabi, awww, ang sweet, nakakatuwa, hehe. Minsan emo pero madalas kengkoy at komedya, walang katumbas ang saya na nararamdaman ko pag nag aasaran kami, walang makapapalit sa ngiti sa mga labi ko pag nagkakausap kami, napapasaya ako ng mga kaibigan at pamilya ko pero iba yung saya na nararamdaman ko pag siya ang kausap ko. Si otel ang keso ng aking pandesal, asukal sa kapeng almusal, sago sa aking gulaman, at puto sa aking dinuguan, nakanampuch! Haha, hanep.

Back to serious mode =), I read the blog of her brother that she reposted, (click here if you wanna read it) and I agree on almost everything that was said in there, in one of its paragraph it says:

“Sister, with your beauty and charm, I know a swarm of boys tails on your back, like hungry dogs salivating for a sumptuous meal. Just enjoy this stage of your life, enjoy your beauty, enjoy being a goddess in your own right. But don't rush things, don't jump ahead of your time. I assure you, there is not just one fish in the sea. Choose! Learn the process of choosing as much as you mastered the process of collecting!”

At tama siya, don’t rush things. You are maybe a woman now but you are still young, you still have a lot of things ahead of you, be patient and just wait for those right moments, time will come that you will experience anything that you want but as of now, just enjoy being at your age coz once it’s over, you cannot go back to being young. Tsaka isa pa, galingan mo na sa studies mo at madami dami na din ang sakit ng ulo na naibigay mo sa mama at papa mo at pati sa mga kuya mo, tama na ang pag iisip bata, it’s already time para gumawa naman ng bagay na ikakatuwa ng family mo. Let them see that you are really “something”. Make them proud! Ahmm, enough of that sermon, pagod na din ako, haha, at ala ng maisip. Dapat ng tapusin, haha.

Rosel/otel/bords/echang/bakla, if you are reading this I just want you to know that you are one of my special friends, kasi nga special child ka di ba? may pagka otistik. haha. Joke lang, para sakin kasi special friends are those that come into your life for a variety of reasons, most of which can not be seen for years. But, because these people are your special friends, they are friends forever, and no matter what life may bring, these people are always dear to your heart and mind. Thank you for being one of my special friend. Please lang wag kang maiinlove sakin kasi masasaktan ka lang, hindi kasi kita type, ahaha, joke lang, ang totoo type na type kita, para ka kasing keyboard kaya type kita, wahaha korni, biro lang. Oooops, wag kang iiyak, ahaha, indi naman to emo eh, tsaka isa pa, mas papanget ka. Hehe.Mag papayat ka na tabachoy, hehe. Wag ka sanang magbabago. Salamat sa lahat, salamat!

Life is like programming, it is very confusing, it turns your brain upside down That's why to know the language you will use is a very big advantage to take over all those challenges in life.

doing a code in life wouldnt be hard, really like executing a line of codes picking the one you love

import love.someone.oppositesex;

import data.mySQL;

Select * from oppositesex where attitude = "myType of attitude" and age17;

which in java... or ruby which is...

if age17 and attitude="myType" => I will marry her..

you can even put your life on Rails, or either on PHilippinePeso -- which is Php for people looking for rich peeps around...

or taking advantage C++,C#,D for people who choose brain... or lastly you can use VB for people who are stupid that execute first and result a VB(baby) then now crazy enough to find what goes wrong(bug) from the code...

kaya dapat mag-isip muna, hindi yung hindot pindot ka ng pindot ng enter. kung nadede-bug nga lang sana yung mga nagawa mo ng mali para maitama uli, eh kaso hindi eh. kung pwede lang sanang mag umpisa magmula sa umpisa (ctrl+a tapos del) tapos (ctrl+n) tapos ayun umpisa na, ok din sana kung pwedeng magsave tapos reload mo na lang sa system check point pag nagkamali ka, o kaya pag ayaw mo na, (alt+f4) lang katapat nyan, pag pagod na pagod ka na pwede ring (winlogo+u+u) o kaya (alt+f4+u) sana ganun lang kadali ang buhay, sana may cut and paste, sana may google, at sana wag mag brown out pag enjoy na enjoy ka na..sana lang puro sana, sana, sana, sana…….

BABALA (WARNING)
Ang ka-BLOG-stugan na ito ay naglalaman ng mga di kanais nais at masasagwang muka.
Tignan at basahin sa inyong sariling kagustuhan (View and Read at your own risk)
Patnubay ng magulang ay kailangan (Parental guidance is advised)
Hindi mo na ako maaaring matahin (You cannot eyes me anymore)
Balang araw maghihiganti ako sayo (Bullet day I will giant you)
Hindi ako basta basta (I'm not just just)
syieeeet, i rili lab may inglish!

Pahabol: This is for adults............ALSO.
:)

wala akong ma-iblog kaya poll na lang, hehe.
ang tanong:
"Sino ang may pinakamakulit na sideline sa tatlo?"

a.) Si PEDRO ba? (silipin dito)

b.) Si RENTOTZ ba? (tignan dito)

c.) O si BASTI ba? (wow fenk! haha, apihin si viny, APIHIN!! haha) (pagtyagaan dito wahaha!)

nasa inyo na po ang pagpapasya, ang magwawagi ay mananalo ng isang kilong NFA rice at sa mga bumoto sa nanalo, bubunot ang mga hurado na sina (Peter, Pedro, Paul, Me, Myself and I) ng isang magwawagi ng trip to jerusalem, tama na kasi korni na, haha..

Subscribe to: Posts (Atom)