Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang hingin ang inyong walang hanggang pagpapakumbaba sa biglaan kong pagkakaroon ng init sa katawan pagpapahayag. Nawa’y maging handa tayong lahat sa paglabas ng ideya ko mula sa kahon na natabunan na ng samot saring kung ano man na hindi ko alam ang tawag. Ang totoo nyan, tinatamad akong maglahatla ng kahit na ano sa panahong ito. Anong dahilan? Hindi ko alam, marahil ay inatake lang ako ng sakit na kung tawagin ay katam.

Para sakin kasi ang pagsusulat ay hindi nadadaan sa paramihan, o sa pagandahan. Hangga’t nanggagaling sa PUSO mo ang iyong isinusulat, sapat na yun. Ang dati ko ngang motto nung writer pa ako sa school newspaper namin nung hayskul (Infant Jesus Montesorri School) eh ganito: “I write to express not to impress” (tamang yabang!) hehe . Mabalik ako sa usapan, eto ngayon ang tanong. Pano ba makakagawa ng ka-BLOG-stugan na galing sa SUSO PUSO?

Unang una, syempre kelangan ko ng ideya, ideya na kung minsan ay sangkaterba sandamakmak kung magsulputan sa utak kong kakapiranggot kakapiraso, kung minsan na man ay wala kang maisip kahit na isa at kahit na gaano ka pa katagal mag isip, wala pa din. Kahit pa maghintay ka pa ng kalibugan kabilugan ng buwan, wala pa din, kaya ako, kahit sa pagtulog, may ballpen at papel na malapit sa higaan ko, kasi naniniwala ako na minsan, may mga ideyang susulpot, kahit pa sa mahimbing na pag tulog mo. Eto ngayon, sabihin na natin na mayroon ka ng natatanging ideya, bukod sa ideya ano pa ang kelangan?

Kelangan ng inspirasyon, ang inspirayon ay isang malaking aspeto sa pagsusulat, maari mong isipin ang insperasyon na yun habang nagsasalsal nagsusulat ka, at minsan ay tila mararamdaman mong kusang lumalapat na lang ang mga daliri mo sa bawat titik na nakalimbag sa modernong makinilya na kung tawagin ay kompyuter. It’s like your heart, soul and body are interconnected with each other and your brain cells rapidly dictates letters and words from you heart and soul directed to your body specifically to the tips of your fingers. Wow, I rili lab may inglish, wahaha.

Nabasa ko ang isa nanamang blog ng kapwa kong BLOG-istang si viny at dahil nabanggit nya nanaman ang aking pangalan, nagkaroon ako ng ideya na sagutin ang ilan sa mga nakalathala sa blog na ito.

Sang ayon ako sa sinabi nyang Kung mahal mo ang isang bagay o isang tao, hindi ka dapat magkakaron ng rason.” Isaang daang porsyento ang aking pag sang ayon sa pahayag na yan. Bibigyan ko kayo ng halimbawa, (paalala, matagal ng naganap ang mga pangyayaring ito) nag-uusap kami ng kaklase ko dati, may gusto din kasi siya sa babaeng ako ay may natatangi ring pag tingin (yiheee!) tinanong ko siya, sabi ko, “pare bakit mo siya mahal?” sabi nya, “ganyan kasi tipo ko pre, maputi, ang linis linis tignan, ayokong magpakaplastik, syempre yung pisikal kaagad yung una kong napansin, pero sa pagtagal ng panahon, nalaman ko din na malambing, mapagmahal sa kaibigan at pamilya, at masipag at mabait din siya, yun ang dahilan kung bakit ko siya mahal”, tumahimik kaming pareho ng bahagya, at maya maya pa ay umutot ako, syiiieeet! Amoy mangga na may alamang. Matapos nun ay siya naman ang nagtanong “eh ikaw pre, bakit mo siya mahal?” sabi ko, “di ko alam pre, basta ang alam ko lang, mahal ko siya” tapos sabi nya “ayos sa sagot ah” sabi ko naman “may mga bagay talagang hindi mo alam ang dahilan pre, parang hangin, di ko nakikita pero nararamdaman ko, parang diyos, pinaniniwalaan ko kahit na walang katibayan na may diyos, ganun lang din yung pagmamahal sa kanya, nararamdaman ko, kahit walang dahilan” tapos dinugtungan ko pa ng, “mahal ko siya at seryoso ako sa kanya, para sa akin, sapat na yun at hindi ko na kailangang magkadahilan pa kung bakit, sang ayon ako sa mga sinabi mo kung bakit mo siya mahal, totoo ang lahat ng iyon, pero para sa akin, dahilan lang yun para magustuhan ko siya at may mas malalim na dahilan kung bakit ko siya mahal, kung ano man yun, hindi ko pa alam.” Tapos sabi niya, “*#%ang ina ang gwapo mo naman” kaya ang nasabi ko na lang “pre, it is stupid to state the obvious, haha” (ang mga susunod na pangyayari ay gawa gawa na lang ng aking di naman ganon kalawak na imahinasyon) naghurumentado na siya at sinabi nya ang ganito “pare this time I still want to state the obvious, ako ang mahal niya, can’t you sense that” totoo yung sinabi nya, naniniwala ako dun kaya eto na lang ang nasabi ko “alam ko naman na mas mahal ka niya. kasalanan ko ba na katawan ko lang ang habol niya sa akin? Ikaw pa ang galit eh ako na nga itong agrabyado, pero ok lang, bagay naman kayo, isang basura at isang basurera, haha!” Seryoso na uli, tama na muna ang kagaguhan.

Para sa kaibigan kong si BastiBasurero, ang masasabi ko lang eh tama ka, mag isip ka muna, huwag hayblad, pag ganyan eh baka makagawa ka ng mali. Laging pakaalalahanan na “nakakatuwa ang tama, nakakatawa ang maliIsang kamalian ang isama sa matematiks na hindi piliin ang babaeng nagpapasaya sayo tapos sasampa ka sa roleta at ivivideo mo para panoorin mo pagkatapos kung saan ka titilapon, una muka sa semento. Oo nakakatawa yun pero hindi masaya. Wala naman talagang pormula para maging masaya dahil tayo ang talagang magpapasya sa kung paanong paraan natin gugustuhing maging maligaya. Isa pang bagay share ko lang, ilang lines mula sa pelikulang No Reservations na pinagbibidahan ni Catherine Zeta-Jones.

Kate: I wish there was a cookbook for life, you know? With the recipes telling us exactly what to do. (pause) I know. I know. You're gonna say, "How else can we learn, Kate?"

Therapist: No. Actually, I wasn't gonna say that. You wanna guess again?

Kate: Oh, no, go ahead.

Therapist: What I was gonna say was, you know better than anyone. It's the recipes you create yourself that are the best.

Sinigit ko lang din pala, ung nabanggit ko kaninang kapiranggot tsaka kapiraso, alam nyo ba pinagkaibahan nun? yung nauna para sa kambing at yung pangalawa naman ay para sa dog, mga bata, ulitin natin ha, hahaha, kapirang-GOAT at kapir-ASO, korni talaga, sana di ko na siningit, nyahaha..=)

Kaya kung saan ka masaya dude, suportahan taka. Hehe! =) Post nga ako ng kanta, pangulit lang, at para majustify man lang yung title ng blog, wahahaha..


0 comments

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)