Beer, gin, rhum, whisky, vodka, tequila, scotch, ilan lang ito sa mga klase ng inuming nakalalasing. According to the social weather station survey, 7 out of 10 people ages 17-24, drinks liquor.Eto ngaun ang tanong, bakit kaya masarap uminom? Unang una, ang mahal ng alak, 19 ang san mig light, ang red horse, 23 ang isa, ang grand matador 55 ang generoso naman 65, ang gin 26, plus ung pang chaser pa, sampung piso isang litro pack, sa tindahan pa lang yan, wala ka pa sa bar. Kung sakali mang libre, pupuyatin ka lang nito tapos ang hirap kumilos kinabukasan ng dahil sa hang over tapos masakit pa ung mga buto buto mo at mas lalo na ung mga joints, ahwwww, sakit tapos walang katapusang pakikipag heart to heart talk pa sa inidoro, wow, astig!. Minsan, masasabi mo na lang, tangna, ayoko ng uminom, pero pag nakaharap na sa hapag alakan, sige banat nanaman.


Isa pang panget sa alak ay ang amoy nito, eh ang baho ng amoy ng nakainom, amoy masangsang na hindi mai-eksplika, eeeew, disgusting kaya the smell, it’s like something chaka that stinks, haha. Tapos iba iba pa ang epekto ng alak sa tao, merong taong pag nalalasing, tamang senti, iyak iyak, tamang reminisce ng mga nakaraan, “akala ko mahal niya ko”, “tangna nya, ayaw ko na din sa kanya” “nilaro nya lang ung akin, este pinaglaruan nya lang pala ako” “ako na lang ang laging nakikitaan ng mali sa bahay” “ang tanga tanga ko talaga” at marami pang iba. Dinadamdam nya maxado kng gano kapathetic ang buhay nya, hindi mo tuloy alam kng anong gagawin at sasabihin mo sa kanya kasi isang saglit lang, nag-iinuman kayo then the following scene, pang Oscar award na drama ng kainuman mo, minsan, parang gusto mo na lang bang sabihin na, “oo, isa kang malaking loser, you just put a big L on ur forehead or better yet, pakamatay ka na lang, wag kang maglalaslas at baka di mo pa mapuruhan ung ugat, wag ka ding mag-o-overdose at hindi din masyadong sure un, inum ka na lang ng bubog shake with matching thumb tacks at blade tapos hampas mo ulo mo sa kahoy na may pakong nakausli”. Sabi ng iba, suicide is a permanent solution to a temporary problem. Kaso pang duwag lang yun eh, papayag ka bang hanggang sa libingan mo eh loser ang dating mo? It’s ur choice dude, feel free to choose and do what ever you want, it’s ur life, suit urself pare. May mga tao namang pag nakainom, hanap away naman ang trip, matignan lang, sasapakin na, mabangga lang, gugulpihin na, may marinig lang, feeling nya agad siya na ung pinag-uusapan tapos pagmumumurahin ka na. Masangga mo lang dulo ng kuko nya papatayin na buong pamilya mo. Anong napatunayan? Matapang xa ganun? Lalakeng lalake xa? Ang babaw kaya nun, cheap shot, phew. Meron naman pag tinatamaan na ng espirito ng alak, lumalakas na ang loob, ang mga dating di kaya sabihin, this time, all out na, “tay sorry, bakla ako” (from alvin babaran to his dad tito Arthur, haha!!) pwede din namang, “oo, bestfriend mo lang ako, and it was the biggest mistake of my life, falling in love with my bestfriend” hanep, lakas ng dating, parang si jolina at marvin. Maari din namang pag ginabi eh bubungad ka na lang sa mga magulang mo ng “Bakit ako ginabi? Bakit ngaun lng ako? Bakit ako lasing?” (a line from raymond dy to his mom, haha, dami ko ng nilalaglag ah) then suka, tapos derecho tulog. Madami pa, si cocoy limn a sumikat sa linya nyang “ella bakla ba ko?” hehe, at si jc manuel sa pang academy nyang “graceeeee, mahal kita” haha..


Iba ibang tao, iba iba ang epekto sa kanila ng iba’t ibang klaseng alak. Meron ding mga fud trip lang ang gusto pag katapos uminom, ung iba lugaw sa boyaks ang trip, ilokano’s best lugaw, may lugaw wid egg, lugaw wid twalya, lugaw wid mata ng baka, lugaw wid isaw at xempre hindi mawawala ang lugaw na may kasamang tokwa’t baboy. Ung iba naman mga ihaw ihaw naman ang gusto, barbeque, isaw, ulo, betamax, adidas, pakpak. O diba ayos? Dito lang sa Pilipinas ka makakakita ng magmula ulo hanggang pekpek (este pakpak pala) eh nakakain. Ung iba naman, pares ang trip, sa katipunan, sa espanya, sa welcome rotonda at sa kung san san pa. Ang iba naman sosyal, magpapadrive thru sa kownloon, pork pao siopao na halagang 45 pesos lang naman pala at sharks fin na 90 pesos tatlo ata un, huwaw, mukang sosyal pero di sing mahal, sarappppp!!! Maliban sa fud trip may mga, manyak din pag nakainom, mapalalake man o babae, they get agressive or slutty or whatever. They said it’s because drink accentuates the mood that the person was in before they actually got drunk. Or, it can just put someone into a state of mind that they would never usually be in when sober. Parang si gretchen bareto, nalasing, ayun, halos mamaga nguso sa pakikipaghalikan kay john estrada. Yesssss, showbiz!!! Sorry ruffa at ylmaz hindi ko alam kng pano ko kayo isisingit eh, haha. Hmmm, bakit nga ba ganito ang mga tama pag nakainom? According to my professor in my psych class, she said that “when you are under the influence of liquor, the "truth" is not coming out because ur drunk. It is fact that when you drink alcohol, the effect caused is the cutting off of certain neurons in the brain (Yes, alcohol chews away at your brain cells) through neural connections being eroded, the alcohol strips away certain behaviors regulated by the brain, and therefore your inhibitions are down and you act different!” Very well said Ma’am. Professor a.k.a Ms. Tapia, pero ni isa wala man lang ako naintindihan, ingles kasi, ay kent anderstand a sing-gel word dat yu sed, tagalugin mo naman ah so dat ay ken anderstand, hehe. Sabi din sa bible, it is wrong to get drunk, sabi sa Proverbs chapter 20 verse 1, “It isn't smart to get drunk! Drinking makes a fool of you and leads to fights”. Sabi naman sa Hosea chapter 4, verse 11, The Lord says, "Wine, both old and new, is robbing my people of their senses!", at sa Ephesians chapter 5 verse 18, “Don't be drunk with wine, because that will ruin your life. Instead, let the Holy Spirit fill and control you”. Eh kaso, ibang espiritu ang gusto ng nakararami eh, ang espiruto ni san Miguel, haha. Ang sakit na ng ulo ko, ang totoo nyan, may hang over pa kasi ako, 5:30 na kasi kami natapos uminom kagabi, este kaninang medaling araw pala or dapat ko atang sabihing, umaga na. Yun yun eh. Birthday kasi ni me-an, tamang kulitan at inuman lang, si alma nakasampung ice tea ata, haha, si joyce cguro mga lima lang, hehe, tapos kami lang ni meme ang alak, kasi si shervin lady’s drink lang din, nyahahaha. Tapos ngaun, nakaonline ako sa ym, kanina pa nangungulit si “Karen Kay Bayawa” nagyaya nanaman uminom (o ayan, naisingit ko na pangalan mo ha, hahaha!!), tapos sila me-an nagyayaya nanaman sa quattro kasi uwi na daw sila sa santiago at matagal tagal daw kaming di magkikita kita. Ang haba na nito, dapat ng tapusin, hehe. Sa aking sariling pananaw, masarap uminom pag nagsasaya at nagrerelax, kulitan, kantyawan (wala lang mapipikon), may kanya kanyang joke (kahit korny, pwede na) at pampakwelang baon ang bawat isa tulad ng mga card tricks at puzzle using inuman parapernalyas na maari mo namang ibida sa mga ibang taong makasasalamuha mo sa harapan ng mesang may alak sa mga susunod pang mga araw, lingo, buwan at taon. Masarap din uminom pag may problema, hindi man tuluyan nawala at nasolusyunan ang iyong problema eh atleast even for just a while, nakawala ka sa magulong mundo ng iyong isipan. Ganun lang ang labanan sa buhay, inom lang ng inom hangga’t gusto, respetuhan lang naman yan eh, sa mga hindi umiinom, irespeto nyo naman kami gaya ng pag respeto namin sa inyo, walang pakialaman, tsaka nyo na kami pakialaman pag pineperwisyo na namin kayo, pero kng hndi naman namin kayo ginugulo, wala naman kayong naririnig samin, hangga’t sa tiyan at hindi sa ulo namin pinapasok ang alak at hindi namin hinihingi sa inyo ang bawat pisong ibinibili namin para sa bawat isang patak ng alak na dumadampi sa aming labi at dumadaloy sa aming lalamunan eh wala kayong karapatan na pakialaman kami, eto lang masasabi ko sa inyo, “try nyo, masarap malasing!”. Sa mga maxado ng hayok sa alak, intindihin na lang natin sila kasi I believe na behind every heavy drinker is a reason that made him/her that way. Sa mga gimikero at gimikera namang big time na de kotse, hinay hinay lang sa pag-inom at magmamaneho pa kayo pauwi, drive safe kasi bawal maaksidente at mamatay kasi bukas may inuman pa uli =). Pero isn’t it weird, kasi sabi nila if you drive, don’t drink and if you drink, don’t drive, pero bakit sa mga inuman eh may mga parking space, hehe, ang kitid ba ng utak ko? Eh kasi naman, hindi naman lahat ng may kotse eh may driver di ba? So that literally means na ang mga law enforcers natin are tolerating these kind of acts. Well anyway, maiba naman tayo, sa mga estudyante at mga nagtratrabaho naman. Busy people who work so hard and students who study well need to relax at least once in a while din naman, and one way of doing it is to sit, talk and laugh with friends and drink some booze. They deserve it, mahirap kasi pag maxadong seryoso sa trabaho at pag aaral, nakakasira ng ulo, ok lang kng magpapetix petix naman minsan, si Einstein nga eh, bagsak sa physics pero naging isang sikat na scientist, deden deden, tayo na, sa sineskwela, tuklasin natin ang sensiya, har har, ang korni. =) Dapat balance lang ang lahat. You have a career but at the same time you must also have a life. Cheer up, sit back, relax and drink. But also don’t forget the commercial line na “drink moderately” hehe, =)


Hanggang dito na lang po. Tatapusin ko ang blog na ito sa pamamagitan ng isang linyang napulot ko sa pelikulang hitch. Quoting Alexander Hitch, “life is not measured by the amount of beer you drink, it is measured by the moments in every drinking session that u make” haha, ang layo. Salamat sa mga nagtyagang magbasa. Hehe. Paalam at hanggang sa susunod kong blog na mapagtripan.. =)

1 comments

  1. Anonymous  

    Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now. Keep it up!
    And according to this article, I totally agree with your opinion, but only this time! :)

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)