Nakakapagod ang walang ginagawa, nakakapagod tumunganga. Nakakangawit maupo ng buong hapon. Put*%$ In@#g kumpanya to, binabayaran ako para mag internet, magchat at magblog. Ayoko na ng ganito, hindi na ako masaya. Hindi ko naprapractice yung field of expertise ko. Teka, may expertise ba ako? Naku, wala ata, pero kahit na, tao pa din ako, ayokong kumikita ako ng pera sa pamamagitan lang ng pagtunganga. I feel like im so useless, walang silbi, walang kwenta, palamunin, paswelduhang nakatunganga lang, mangmang, bobo at isa't kalahating tanga. I feel like I already reach the peak of knowledge that the company has to offer. I feel like crap, basura, trash, mga kalat na tinatapak tapakan, sinisipa sipa. Ang nakakainis pa, wala akong magawa, literal na wala akong magawa kasi nga wala akong ginagawa, kasi nga wala namang pinapagawa sakin at kahit na magtanong ako sa mga boss ko kung anong gagawin ko, ang isasagot lang nila eh wala, "i will call you when i need you" amputzz why dont they just tell me that they dont need me. Pero naisip ko, kung di nila ako kelangan, eh bakit andito pa rin ako, bakit di pa nila ako tanggalin, bakit pa di nila ako sisantehin, "SUNOG KA NA" (you are fired) bakit di na lang nila sabihin yun? Nakapagtataka, siguro swerte ako sa kumpanyang ito, ako siguro ang swerte nila, kaya siguro kahit di nila ako pinapakinabangan eh hindi nila ako tinatanggal. Ganun na nga siguro. Kung ganun, since swerte pala ako, dapat pala humingi ako ng increase, tapos takutin ko sila na aalis na ako pag hindi nila binigay ang gusto ko sabay biglang sabi na "gusto nyo bang mawala swerte nyo?" Haaay, walang kwenta, hindi ko pa rin majustify kung bakit ganito. Gusto ko na talagang maglahong parang bula. Everytime na pumapasok ako at nasa opisina ako, naiisip ko na lang na i'm just here to do my time, siyeeet parang preso, binubuno ang sintensiya. Aalis na talaga ako, eto na, 5, 4, 3, 2, 1, 0. 5:30 na kasi, uwian na, wahahaha, yey! \m/
iTheme Techno Blogger by Black Quanta. Theme & Icons by N.Design Studio. Distributed by eBlog Templates