Itong mga nakaraang araw, puro fektyurs lang at mga kagaguhan ang mga ipinaglalagay ko dito, kaya naisipan ko ngayong gumawa naman ng lathala na puro letra, salita at parirala. Kagaguhan pa rin, pero sa pinaka konti (at least, haha) hindi na puro litrato at larawang wala namang kapararakan.
Heto na! Ang emo ay putol na salitang hinango sa salitang emotional, sa madaling sabi, maarte, nag-iinarte, maraming alam na kaartehan, madrama, isang nobela ang buhay, maaaring pang maalaala mo kaya at magpakailanman ang sandaling kwento ng buhay na walang kasing gulo na parang isang pelikulang wala namang katuturan ang istorya. Matatapos ito na siya pa rin ang bida. Ngunit sa huli di nya man lang masasabi na mahal ka nya. Ayun ang emo!
Kwentong Emo:
May lalakeng nagtext sa babae, nagreply ang babae, nagpalitan sila ng mensahe, ilang araw na ganun ang ngyari. (hanggang sa....) Isang araw, nakahalata na ang babae, tinanong nya ang lalake, sabi nya, "ikaw lalake, crush mo ba ako?, nililigawan mo ba ako?" sagot ng lalake "ha? bakit mo naman naitanong yan" sabi ng babae, "eh kasi nahahalata na kita, aminin mo na, na may gusto ka sakin, ok lang naman eh" sagot ng tatanga tangang lalake, "hindi kita crush, mahal na kita, panaginip ba ito? kasi kung ito'y panaginip, ayoko ng magising pa" sagot ng babae, "ah ganun ba?, sorry ha, kaibigan lang kasi tingin ko sayo eh, pwede bang friends na lang?" sagot ng lalake __________ ehem ehem, sagot ng lalake ___________, EHEM EHEM (umuubo na ako ng malakas na tila nagpapapansin) EHEM EHEM, sagot ng lalake _____________, ayun, hindi na sumagot ang lalake, malamang ay nagpatiwakal na, kinitil ang sariling buhay na pinahiram lang ng maykapal. Emo kills! Ops Ops Ops, blog ko to, walang eepal!
Makatang Tulang Emo:
kung ikaw ay isang tula
pipilitin kong maging makata
magaakda ng pariralang ikaw at ako ang paksa
lilikha ako ng kwento ng aking pagnanasa...
***sumingit ang babae, sabi "stop, don't and NO!"***
LALAKE: nagpakamatay at hindi na natapos ang tula..
Kantang Emo:
♫ ♪ ♪
Nalimot mo na ba?
♫ ♫ ♪ ♪ ♫ ♫ ♪ ♪ ♪
Nang minsan kong ulit-uliting mahal pa rin kita
♫ ♪ ♪ ♫
Lagi na lang ganyan
♪ ♫ ♫ ♪ ♪ ♪ ♫ ♪ ♫
Sa tuwing kailangan mong muli ay saka lang lalapitan
♫ ♪ ♪ ♫ ♫ ♫ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫
Ilang ulit na kayang nagmumukhang tanga sayo at naiwang nag-iisa
♫ ♫ ♫
Parang kahapon lang
♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫
Sinasabay na naman ang luha sa buhos ng ulan
***dumungaw ang babae, isinarado ang bintana at pinatay ang ilaw***
LALAKE: nagbigti at hindi na nawakasan pa ang awiting nilikha ng kanyang imahinasyon na binase sa nararamdaman nya, sa pag ibig na bukal, sa pagmamahal na wagas na handa nyang iaalay sa babaeng pinakamamahal nya.
Iilan lamang ito sa mga halimbawang produkto ng pagiging emo, paminsan minsan, ayus lang maging ganito, makikining sa malulungkot at malalaman na musika, iinom ng serbesa, titingin sa kawalan at nanamnamin ang oras ng pag-iisa. Matapos nun, sa alak ay malalango na, sa higaan ay tutungo na, sa panaginip ay sasama na, at ang nararamdaman ay tila mapapawi at sa isang iglap ay papanaw na. Ganun lang sana kadali, subalit hindi.
Pag bangon sa umaga, kasabay ng pag hikab at pagmulat ng mata, pag naalis na ang espirutu ng alak, pag ang dating madilim ay maliwanag na, pag ang katinuan ay nag balik na, andun pa din ang lungkot, andun pa din pagdurusa, andun pa din ang duguang pusong, kahit anung pilit mong buuin ay wala na, wasak na wasak na, at kailanman hindi na iibig pa. Parang....
***walang nagbasa sa lathalang ito***
LALAKE: ayus lang, ano ako siraulo? magpapakamatay para sa inyo? hahaha, gago ako pero hindi sira ang ulo ko. Nyahaha.
P.S. (Paalala Salahat, hehe)
Iwasan ang pagiging malungkot, kung nahihirapan kayo sa buhay nyo, isipin nyo na lang na ganun talaga. Wala namang madali eh, lahat mahirap. Pagsubok lang ang lahat ng yan, sabi nga eh, there are obstacles that GOD created for you and all of it was designed to make you tough, although shit really happens, everything happens for a reason, always remember that if it doesn't kill you, it will make you stronger.
Kung kayo naman ay bigo sa pag-ibig, isipin nyo na lang ganun talaga, sa pinanganak kayong panget eh, haha, biro lang, buti sana kung ako kayo, isang gwapo't matalino, ano pang hahanapin mo? Hahaha, biro lang uli, kahit gwapo ako, nasasawi din ako, (gwapo daw, kasinungalingan!, hahaha, yung parteng nasasawi, yan ang kapanipaniwala ;p) ayan di na biro yan, hehe. Para mapakalma nyo mga sarili nyo pag sawi kayo sa pag ibig, isipin nyo na lang na hindi siya yung para sa inyo, kung kayo edi kayo, kung hindi edi hindi, mahaba ang pila, next!!! pucha, ganun kasimple. Kung iniwan ka naman ng mahal mo, wag mo siyang iyakan, hindi siya kawalan, huhuhuhu (humahagulgol sa iyak), nyahaha, be a positive thinker, be optimistic, demet, ang daling magpayo, pero pag sa sarili na ngyari ang hirap hirap ng gawin, it is always easier said than done, well, that's the irony of life. Ganun talaga eh! Ano angal? hehe, biro lang. O siya, Paalam! ;p
More P.S. (Paalala Salahat, hehe)
Naalala ko lang yung sinabi ng babae sa taas na "stop, don't and NO!" Para kasing di ko pa naexperience yun, kadalasan kasing sinasabi sakin, NO! DON'T STOP! wahahaha! lmao!
iTheme Techno Blogger by Black Quanta. Theme & Icons by N.Design Studio. Distributed by eBlog Templates