Huling araw ng Hunyo ng taong kasalukuyan, dakong alas syete ng umaga. Nagising ako sa boses ng tatlong tao. Isang babaeng mataba na nasa late 40’s ang edad. Dalawang lalake, ang isa ay pandak na nasa mid 20’s at ang isa naman ay maitim at butas butas ang muka na boses tin-ey-jer. Sabay sabay umaawit ang tatlo ng “hapi bertdey 2 U.” Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Unti unti kong nasilayan ang liwanag. Pag dilat ko, isang cake lang na may kandila ang tumambad sa aking muka. Kung pekpek sanang may kandila natuwa pa ako. Naaninag ko ang mga muka ng mga pinang-gagalingan ng mga sintonadong boses-----ang nanay ko pala, kuya ko at ang bunso kong kapatid. Naisip ko na lang bigla, oo nga, bertdey ko nga pala. Bahagya akong bumangon. Pumikit muli ng panandalian. Taos pusong sinambit sa isipan ang isang kahilingan. (peace on earth) At agad agad kong inihipan ang sindi ng mga kandilang ilang minuto ko na ding pinagmamasdan.

Bumangon ako, nag-almusal, naligo at nagtooth brush para maiba naman. Bertdey ko so kinailangan kong magsipilyo. Humalik sa pisngi ng aking nanay. Nagpasalamat sa dalawa kong kapatid. Umalis ng bahay at lumisan patungong opisina. Nagulat ako nung dumating ako ng opisina. Himala, ako pa lang ang tao. Imposible sabi ko sa sarili ko. Magmula kasi ng nagsimula ako sa kumpanyang pinapasukan ko, wala pa akong naaalala na ako ang kauna-unahang tao pag bukas nito. Alam ko na agad kung ano ang ibig sabihin ng tahimik na kwarto. Isang surpresa galing sa mga kasamahan ko. Orgy lang kasama ang sampung babae, masaya na ako.

Sa letrang I, numero bente kwatro, BINGOOO!! Hindi ako binigo ng aking hinala. Hindi man group sex ay tumama pa rin ako na surpresa nga ang dahilan kung bakit tahimik ang kwarto. Ilang minuto lang kasi ang lumipas mula ng ako’y naupo sa cubicle ko, narinig ko agad ang isang putok kasabay ng pagbagsak ng mga confetti. Makukulay ang mga papel na nagbabagsakan. Malalakas ang palakpakan ng mga ka-opisina ko. May mga dalaginding pang naghihiyawan ng mga katagang “marry me PEDRO, marry me!” Isa isang naglapitan sa akin ang mga tao at kasunod nuon ay ang pagbati nila sa akin ng maligayang kaarawan. Sinamantala ko ang pagkakataon at ang lahat ng babae ay aking pinaghahalikan. Matapos ng batihan batian, ay may cake nanaman. As usual, nagwish nanaman ako. (pagkain sa mga plato ng mga nagugutom) At inihipan ko na ang dalawapu’t apat na kandila sa ibabaw ng cake na hawak ng isang napakasexy, napakabango at napakalaki ng [binura pagkat malaswa] na katrabaho.

Binuksan ko ang aking kompyuter. Nag log-in ako sa yahoo messenger, sandamakmak na offline message ng pagbati sa aking kaarawan galing sa iba’t iba kong mga kaibigan ang bumungad sa muka kong kyut at gwapong gwapo. Walang humpay din ang pagtunog ng selepono ko. (tutut tutut) (tutut tutut) Puro pagbati din ang karamihan sa mga ito, maliban sa isa na namis-sent ata at ang nakalagay ay ang mensaheng “hu u?” Nagbukas ako ng plurk account ko. As usual, puro birthday greetings din. Pati na din sa friendster, twitter, multiply, facebook, e-mail, dinagsa din ng mga pabati. Natapos din ang walang patid na pag bati, nagsimula na akong magtrabaho, natapos ang araw at umuwi na ako.

Gaya ng nakagawian ko, sumaglit muna ako sa tambayan kong tattoo shop bago ako umuwi. Pag dating ko sa shop, SAUCE, SANTISIMA, JUICE MIYO, MAMA MIA, OHH LALA! Isa nanamang hindi ko inaasahang pangyayari ang naganap. Sandamukal na pulutan at hindi mabilang na bote ng red horse ang nakalatag sa isang lamesa. At sa isang pader, nakalagak ang isang banner na may nakalimbag na “Happy 24th birthday PEDRO!” Isa nanamang cake ang iniabot sa akin, syempre nagwish nanaman ako. (tahanan para sa mga walang masilungan) At inihipan ko na ang mga kandilang may apoy. Matapos nun ay nagkamayan, nagbatian, nagkainan, nagtawanan, nagkulitan, at nag-inuman. Natapos ang gabi at umuwi na ako.

Habang sakay ng isang fx pauwi ay tulala ako. Ang saya sana ng birthday ko kung totoo lang sanang naganap ang lahat ng mga sinabi ko. Pero hindi, walang katotohanan at isang kathang isip na gawa gawa lamang ng malawak kong imahinasyon ang mga kaganapan na nabanggit ni PEDRO. Pft. Wala talaga akong kwenta, gumagawa ng sariling kaarawan at sariling kasiyahan sa sarili kong mundo. Nadagdagan nanaman ng isa ang edad ko. Eh ano naman? Dalawampu’t apat na taong gulang na pala ako. 7 years shy para mawala na ang numero sa kalendaryo. Tumatanda na, wala pa rin pinagbago. Pinanganak na emo at mamamatay na emo. Welkam sa buhay ko. Ang basurang kasaysayan ni PEDRO!

P.S. (Pahabol Salahat)

Taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan. Buong buhay kong dadalin ang saya na naidulot niyong ligaya sa espesyal na araw kong ito. Pangako ko, hinding hindi ko kayo malilimutan, ngayon, bukas at magpakailanman.

Nagmamahal,

Ang inyong kapamilya,

Tita Charo




...

51 comments

  1. Anonymous  

    emo.
    emo.

    eh ano nga nman ngaun kung b-day mo?
    hahaha..

    belated happy b-day!

  2. Pedro  

    @salamat churvah. hindi ako emo. hanubah? hahahaha.

  3. damdam  

    awww.. ang emo mo talaga..

    hayaan mo sa next birthday mo mag hahanap ako ng orgy na sasalihan mong hayup ka! joke lang

    happy bday ulit..

  4. Anonymous  

    tawa ako ng tawa tapos bigla akong na - sad....wish ko nlng next year eh magkatotoo na yan sinulat mo for your birthday.Happy Bday!

  5. Pedro  

    @damdam, sos ka. akala ko naman totoo, naeksayt pa naman din ako. ipapasporward ko ang panahon para makamtam lang yang orgy na yan, hahaha.

    @mau, actually, totoo naman talaga halos lahat yan, ginulo ko lang, para emo. di ba? hahaha. pero ok naman, kasi joke lang tong sinasabi ko, hindi talaga siya totoo. hahaha, magulo. :D

  6. Anonymous  

    oi kumanta ako ng happy birthday sa ym mo ah. hahaha!

    emo emo. ano bang napapala mo sa pagiging emo? dapat think happy thoughts.

    happy belated birthday.

  7. Anonymous  

    anung kaguluhan itoh?! May pa group sex2x ka pa. At least sayo diba mukhang masaya kaysa sa bday ko last june. Sosyal pa nga sa iyo eh kasi may cake sakin photomaya binulat pa. T-T

    belated haapi bday panget!

  8. napunding alitaptap...  

    pedro pedro pedrooooo. . .

    happy burthday to youuuu. . .

    ayos ang DREAM SEQUENCE MO. . . alam mo ang nagpaisip sa akin na kalokohan ang lahat ng ito, YUNG WISHES MO. . .jowk, hindi, yun nun pumunta ka sa tattooshop. paano kasi, kumusta naman na sila ang naghanda ng panginom for you, DAPAT IKAW. diba? yun cake from family and officemates and greetings, medyo OKAY PA. . .hehe

    ako i had a 3day bday celeb nun recent birthday ko. sa isang parte sa intramuros yun bonggang bongga. . . soobrang dami, i mean, medyo lan, mga 30 na tao at kumanta ng. . . i wont go into details na, baka maingggit ka lan.wahahahaha. . .am bad.

    HINDI MAHABA ANG COMMENT KO, i know.wahahaha

  9. Anonymous  

    beleyted
    pft
    :|

    .xienahgirl

  10. Mar C.  

    natatawa ako sa entry at nasad din sa huli, anyway hapi bertdey!!!

  11. Anonymous  

    belated happy birthday john lloyd.

  12. Pedro  

    @tisay, wala kasing gelps kaya puro emo ang entries. yaan mo, minsan isang araw, puro masaya na ang mababasa mo dito. you're right, think of a happy thought. wooooshaaaaa! :D

    @dansoy, sos ka! hindi lang ako gwapo pero hindi ibig sabihin nun na panget ako. hahaha. salamat! :D

  13. Pedro  

    @napunding alitaptap, hactually, totoo yung sa tattoo shop. puro kasi tropa yung mga andun. hehe. tapos hindi siya dream, ang theme hactually uli is guni guni, iba ang panginip sa guni guni. hahaha. nagulat naman ako sa haba ng comment mo. at dahil diyan teacher, may libre kang isang kiss sakin. hahaha. salamat sa pagbati. it's very well appreciated. hugs and kisses. xoxo :D

    @xienahgirl, salamat sa napakainspiring na comment mo. sa lahat ng comment, diyan ako sa comment mo natuwa ng husto. labs mo talaga me. Pft. wateber. hahaha. :D

  14. Pedro  

    @pensucks, hindi ko alam kung pano mo natagpuan ang walang kwentang blogsite na ito ngunit ganun pa man, pinaaabot ko sayo ang aking taos pusong pasasalamat. i love you na kita! sumpa ko yan sa tatlong bituin at isang araw kasama ang walaong sinag nito, pati sa pula sa bughaw at sa dilaw na kulay i swear na din. pinuntahan ko ang iyong site at wala akong makitang sibaks kaya hindi ako nakapag iwan ng mensahe, hayaan mo at magkukumento na lang ako sa isa sa mga lathala mong makukulit din. maraming salamat uli.

    @eniala, sshhhhh, wak kaw ingay na ako si john lloyd, baka dumugin ng fans ang site ko. salamat sa bati, cge po, ingat! :D

  15. dramachinedoypi'03  

    pibertdei tol.. tearpeacetopieces! este.. peace on earth! ahaha tagatytagaytagaytagay.......

  16. Pedro  

    @dramachinedoypi'03, salamat pare koy. next year uli ha. hahaha.

  17. Anonymous  

    bigyan mo ko pambili ng keyk mo.. ako ang gaganap sa role sa pangarap o na magandang babae na may hawak ng bertdey keyk mo.. hahahahha

  18. Pedro  

    @eniala, sos ka. may katuloy pa kaya yun, malaki ang, wahahaha.

    salamat na lang eniala. salamat. :D

  19. Anonymous  

    belated happy birthday...

    haha..
    bakit parang emo ka na ngayon?

    haha

    lupet ng imagination mo, hanga ako!

    Apir!

  20. Pedro  

    @enday, emo-emohan lang yan. hindi ka na kasi nagwawalis sa bahay ko. hahaha. palamas este salamas este salamat naman napuri mo ang walang kwentang imahinasyon ko. wahahahaha. :D

  21. Anonymous  

    hahaha di ko na dinagdag yun kasi di ko alam kung anong malaki ang sinasabi mo(pa-demure!) hahahaha mamaya ibig mo palang sabihin dyan eh malaki ang ilong... naku malabong ako ang makakuha ng role na yun.

  22. Anonymous  

    malas ang araw na'to para saken. :|
    nadukot ang pinakamamahal kong sipi. hindi tuloy kita nabati. heniweys, belated happy birthday!

  23. napunding alitaptap...  

    ahaha... =p

  24. Anonymous  

    pedro try mo namang basahin new post ko. Pag panget mag leave ka ng message pag hindi panget mag leave ka parin ng message. haha

  25. Anonymous  

    sasabihin ko pa naman sana na napaka-sweet naman ng mga tao sa paligid mo.

    pffft.

    ilusyon lang pala. hehe.

    pero masaya naman kagabi di ba pedro? maraming salamat! happy happy bday! =D

  26. Anonymous  

    anak ng! haha. belated pedro. napatawa mo na naman ako. hihi

  27. @chellie@  

    belated happy birthday PEDRO wish ko makita mo na ag hinhanap mong pagibig naks!!!

  28. Anonymous  

    happy birthday sayo kahit late na. pede bang makihabol ako sa pagsabi ng "marry me?" mwahahahahaa

  29. Lyzius  

    huli man daw at magaling, maganda pa rin...heneweiz, maligayang bati...

    i love you gurl!

  30. Anonymous  

    uy, birthday mo pala?

    pft.

  31. Señora Regina  

    BASTUSING BATA. Tsktsktsk.
    hahahahahahaha

    Pero ang EMO EMO naman ng huli.. kakalungkot.

    Kung nabasa ko lang 'to bago ka nagpaparty, bibilhan kita ng cake para naman mai-wish mo na ang mga dapat mong naiwish.. Sayang din yun.. haha Natuwa pa naman ako akala ko napaka-buting bata mo naman para iwish yung mga yun, yun pala, peyk! ROAR. hahahahaha

    Onga pala, thank you nung Saturday =)

    Belated Happy Birthday, PETER! ;)

  32. Dean and Lee Schroeder  

    sus! akala ko naman totoo na lahat! ang sosyal naman ng mga friends mo sa isip ko pa, pero walang kwenta rin pala kasi hindi totoo! all were imaginations!

    anyway, happy birthday Peter! I was out of town exploring different states (there were 8 states we visited - Missouri, South Dakota, Montana, North Dakota, Minnesota, Wisconsin, Illinois and Indiana)...

    I had fun reading your imaginations! thanks! you are really funny!

  33. Anonymous  

    Heyheyheypibday.

















    Sorry tlga di ako nakapunta. =(

  34. PoPoY  

    Pedro, at least naimagine mo yang mga eksenang ganyan sa kaarawan mo. akala ko totoo na at nakaramdam ako ng inggit, yun pala kathang isip mo lang pala di potah ka hahaha.

    Pedro, importante naman ay may nakaalala sa bertdey mo di ba? yun lang. ndi ka nila nakalimutan. masaya na yung ganun. kasi para sa akin, masaya na sa pakiramdam ang makatanggap ng mga pagbating ndi napipilitan, kusang loob na naalala ang kaarawan mo.

    Pedro, eto ang isipin mo. walang taong emo. choice mo lang yan. :)

    ngumiti ka nga, tae ka! hehehehe

  35. Mariano  

    Isang putanginang belated birthday greeting para sayo.

    Yun lang. Maganda ang birthday mo, puro ilusyon lang. Daig si David Copperfield.

    Salamat sa iyong treat. Napatunayan kong kahit emo ka, may silbi ka pa din, ahaha.

    Salamat, salamat. Happy Belated Birthday.

  36. Pedro  

    @eniala, believe me, hindi ilong ang tinutukoy ko. at kung malaman mo kung ano yun, siguradong makukuha mo yung role na yun, wahahahha, =p

    @NOIME, hindi ka nag-iisa, si saminella din malas nung araw na yan. malas talaga ang araw na ipinanganak ako. haha. fcuk that shit. :D

    @napunding alitaptap, ahaha din.. :D

    @dansoy, hindi mo na kailangang magmakaawa dansoy, lagi ko namang binibisita ang blog mo. sos ka. haha. yaan mo at mag-iiwan ako ng comment sa panget mong post, haha, biro lang.. :D

    @doc mnel, sweet naman kayo doc, masaya na ko dun. :D at isa pa tama ka, masaya tayo nung sabado, inggit ako sa legs mo. wahahaha.

  37. Pedro  

    @rok, natatawa ako sayo, kasi napapatawa kita, samantalang ako mismo hindi natatawa sa sarili ko. hahaha, salamat rok, i appreciate it. :D

    @chellie, salamat ng marami, don't worry, hindi ako naghahanap, sila ang humanap sakin, hahaha. salamat uli. :D

    @hachi, maligayang pagbabalik dito sa site ko, hmmm, cge gagawan natin ng paraan yang "marry me" na yan. haha. salamat sa pagbati. :D

    @Lyzius, salamat, sa magandang bati ng isang magandang nilalalang. tenchu girl. :D

    @Trina Labandera, hactually, hindi ko din alam, pft. haha. :D

  38. Pedro  

    @Señora Regina, nice meetin' you senyora. next year na lang yung cake, hahaha, sansrival pwede? wahahaha. salamat! :D

    @hazelicious929, huwaw, kaya pala ngayon ka lang uli nakabalik, on tour ka pala. patingin naman ng mga pictures. :D salamat sa pagbati. at salamat sa pagbabasa. :D

    @Saminella, wala, you missed the fun. hahaha, syang. :D

    @PoPoY, ang drama mo! wahahaha, salamat poy. tae ka! hahaha.

    @Mariano, Pft. hahaha.

  39. Anonymous  

    sa mga artista lang nangyayari yang kwento mo..haha! masarap isipin pero malayo sa katotohanan sa katulad nating simpleng empleyado lang.

    hindi naman hadlang yun para magsaya ka sa bday mo..madami ka pa rin friends! happy bday sayo pedro!

  40. Pedro  

    @gasti, astig, si gasti nasa bahay ko. hehe. salamat sa pagbati. muah! hahaha!

  41. Anonymous  

    Kamukha mo pala blog ko.!? hehe, biro lang. Salamat, salamat, tenchu, tenchu, at least na confirm kong hindi ka isa sa kanila,(tamad)kasi nag comment ka may effort na yun. hehe.

  42. Anonymous  

    happy bday tita charo.

    wehehe.. oi pedring..belated.

  43. Pedro  

    @dansoy, ang dami mong kabaklaan na alam, hahaha, pota, emo emohan ka din..

    @lunes, salamat mareng lunes. :D

  44. the hopeless chick  

    belated happy beerday brod!

  45. Anonymous  

    wala! talo ang legs ko sa legs mo. hinayupak! haha.

    sa susunod, magpapapinta muna ako ng legs sa kung sinong pintados jan para may laban ako.

  46. GODDESS  

    happy birthday peter!!!! yung libre mo sa akin, paguwi ko next year ha!

  47. Pedro  

    @raingoddess, salamat, my condolences again to your family. :(

    @doc mnel, sos ka doc! ang sexy mo grabe. hahahaha.

    @GODDESS, hmmm, itapat mo lang sa bday ko, wahahaha. akala ko ba ikaw magpapainom? weeeeeeee. lasingan nanaman to. :D

  48. Dean and Lee Schroeder  

    sure check my Multiply or Friendster... take care!

  49. Pedro  

    @hazelicious929. okie dokie. you take care too. :D

  50. Anonymous  

    pft mo your face.

  51. Pedro  

    @Mariano Huwantso, wateber. bwahahahah!

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)