Pedronggwapo, saan ko nga ba nakuha ang pangalang ito? Yung parte ng Pedro madali lang ipaliwanag sapagkat ‘yun ang pangalan ko. Sa parteng gwapo, ‘yan ang medyo mahihirapan ako. Mali! Hindi pala medyo kundi sobra pala, kaya uulitin ko na lang. ‘Yan ang sobrang mahihirapan ako.

Kung may tao mang magsasabi sa’tin ng gwapo o maganda tayo, ‘yan ay walang iba kundi ang mga magulang natin. Pero ibahin n’yo ang nanay ko. IMPAKTO, ‘yan ang bansag sa’kin ng pinakamamahal kong ina. Naalala ko tuloy, isang araw na nag-uusap kami, sabi niya “Ang panget mo talaga! Dun ka nga sa malayo, dun sa hindi ka maabot ng paningin ko.” Haha, ang sweet ng nanay ko no? :)

Mangilang beses na rin akong nagkaroon ng gelps. Oo, kahit ganito ang pagmumuka ko ay may natisod at nabingwit din naman ako kahit papano. Sa kakaunting bilang ng kababaihan na nahumaling sa akin, nobenta’y nuebe porsyento nito ang tsamba. Sa natitirang isang porsyento ay hindi ko pa rin masigurado hanggang sa mga sandaling ito kung ano ang dahilan at sila’y nabulagan sa’kin ng husto.

Walang babaeng dumaan sa buhay ko na hindi ko tinanong kung gwapo ba ako. Sa maniwala kayo’t sa hindi, wala ni isa sa kanila ang sumagot ng oo. Mabait ka. Totpul. May natatago kang apil. Matalino ka. Napapasaya mo ako. ‘Yan ang mga sagot na kadalasang natatanggap ko. Simpleng tanong hindi masagot. A o B lang pero C ang sagot. True or False tapos ni-leave it blank. Yes or No lang, sinagot nga pero binura pa rin kahit pa may nakasaad na erasure means wrong. Parang kumuha ng pagsusulit na 500 items, ‘yan ang nabakas ko sa muka ng mga ex-gelps na napagtanungan ko. Hindi ko tuloy alam kung mahirap ba ‘yung tanong o bobo lang talaga ‘yung mga babaeng napaibig ko. Kaya kahit masama ang loob ko, pinish or not pinish, past your paper na lang ang ginawa ko. Hindi ako gwapo. Samakatuwid, panget ako.

“Pare hindi ka panget!” Ito ang sabi sa’kin ng isang kaibigan nung minsang nag-iinuman kami. Nalito’t nakompyus nanaman tuloy ang kakapiranggot na utak ko. Ano ba talaga? Hindi daw ako gwapo. Ngayon naman, hindi daw ako panget. Nagugulo na talaga me! Katahimikan. Katahimikan. Katahimikan. ----Nakailang bote pa kami ng inuming nakalalasing at habang unti-unting nauubos ang bawat bote ay nagsimula siyang magsalita muli. Pinaliwanag n’ya ang mga bagay bagay at matapos ang ilang oras ay naintindihan ko na ang lahat. Hindi ako gwapo pero hindi din naman ako panget. Plain lang ang muka ko, walang something something, walang X paktor, hindi pansinin, walang angas, nothing special at sa madaling salita, ordinaryong pagmumuka lang na may sariling hulmahan.

Ilang araw kong tinimbang ang mga sinabi ng mga tao sa paligid ko. Ang nakakakilig na tawag sakin ng nanay ko at ang mga katagang kaakibat nito. Ang mga tila sagot sa periodical test ng mga ex-gelps ko, ang mga payo at paliwanag ng mga butihing kaibigan at ang sariling pananaw at opinyon ko. Matagal akong nag-isip. Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. Apat na oras. Limang oras. Anim na oras. Natapos din sa wakas ang pag-iisip at nanaig pa rin ang sarili kong opinyon. Putang ina! Gwapo ako, at kailanman ay hindi n’yo maaagaw sa akin ang katotohanang ‘yon.
GWAPO AKO! BWAHAHAHAHA! Masayang araw. Isa pang masayang araw. Isa pang masayang araw uli. At isa pang masayang araw. Masayang linggo. Masayang linggo uli. Isa pang masayang linggo. Isa nanamang masayang linggo. At isa pang masayang linggo muli. Hanggang dumating ang………

(epeks: thunderbolt and lightning ---- BAGAAAAAM!)


Isang malungkot na gabi kasama ang isang bote ng alak at isang kahang sigarilyo. Umiinom ako mag-isa sa sulok ng madilim kong kwarto. Nakikinig ako ng radyo, tumutugtog ang kantang Feeling Gwapo na kinanta ni Tado and the G Girls. Biglang sumagi sa hinagap ko, sino sino pa ba ang magtutulungan kundi sila Me, Myself, and I lang. Isama mo pa si ako at si AKO. Walang magmamahal sakin ng lubos maliban sa sarili ko. “Paminsan minsan ay hindi masamang magbuhat ng sariling bangko.” Isang linyang hinding hindi ko makakalimutan galing sa yumao kong lolo. Gamit ang mga katagang ito, nahabi sa aking isipan at nagsimula ang kapanganakan ng isang malupit na pangalan. Isang sawi, isang talunan, isang walang patutunguhan at isang walang kwentang nilalang. PEDRONGGWAPO! Nyahahaha! Parang gago lang!

P.S. (Pahabol Salahat)
Tanggap ko na panget ako. Kaya hayaan n’yong sa pangalan man lang ay maramdaman kong gwapo ako. Sabi nga sa simbahan “Sa mata ng dyos, walang panget at walang maganda, lahat tayo ay pantay pantay.” Oh ha! =)

More P.S. (More Pahabol Salahat)
Ang magbabasa na hindi mag-iiwan ng comment, mas panget pa sakin. Hahahaha!





...

33 comments

  1. PoPoY  

    ano to pedro? dramahan mo na naman? hahaha.

    ..."Nakailang bote pa kami ng inuming nakalalasing at habang unti-unting nauubos ang bawat bote ay nagsimula siyang magsalita muli..."

    -- asteeg! masarap bang kumain ng bote? hehehhe.

    Pedring, bakit mo ba pinapnsin yung itsura mo? napakaarte mo naman. buti nga binigyan ka pa ng Diyos ng mukha eh, wag kang choosy. kung ano binigay sau tanggapin mo. ganun talaga ang buhay. :)

    ayan nagcomment ako. :) ndi ako panget!!! yahoo!!! :)

  2. Anonymous  

    eh pano ang hindi nagbasa na nagcomment?

    mamaya ko na aatupagin to. putaena kala ko suicide note na kaya ko kinlock yung tinyurl eh.

  3. Anonymous  

    uhmm.. sorry naman. click pala. kaya ko kinlick.

    english nalang puta. ambastos e. kinLICK

    i clicked the link because i thought it was a suicide note.

  4. Anonymous  

    kelangan talga my threat sa huli?
    haha.

    oo na,hindi ka panget.




    pero hindi ka rin gwapo.
    hahaha!

    emoness!
    ikain mo na lng yan.

  5. Anonymous  

    gwapo si jet pangan
    at maganda si john lapus

    ok na?
    gwapo si jet pangan pero di ko tipo
    maganda si john lapus pero di uso

    thank you
    :)


    .xienahgirl

  6. Pedro  

    @popoy, pilosopopoy. ayaw ko naman kasi pansinin kaso sila eh, pansin ng pansin, grrrr.

    @V, tae natawa ako sa comment mo, wahahaha. ang laswa nga pag tagalog. hahaha.

    @churvah, natakot ka no?. hahaha, epektib, napakoment ka agad eh, wahahaha.

    @xG, naligawa ka nanaman sa bahay ko, iba talaga ang tuwa ko pag nakakakita ako ng comment galing sayo. kahit na di mo type si jet pangan at kahi di na uso si john lapus, salamat pa rin sa pagbabasa at pagkumento. :D

  7. Anonymous  

    hmmmmm

    hello mare!

    haha

  8. Pedro  

    @FerBert, potang comment yan! hahaha. ayus!

    ok naman me?

    eh u? ok lang din ba u?

    kamustahan box?

    ika nga ni V, get a room!! hahaha.

  9. Anonymous  

    alam kong maganda ako kaya di ko kailangan magpakadefensive sa pamamagitan ng pagcocomment sa entry na to.

    i thank you. *bow*

  10. Anonymous  

    pedring. naniniwala ako na nagsasabi ka ng katotohonan. wehehe.

    don't worry with the looks, all you need is money.

  11. Anonymous  

    aba sabi ko na nga ba eh sa huli may nakalakip na sumpa.. ano ba un!! sige na

    comment hahaha..

    sus walang panget..meron kulang sa kagwapuhan.. un lang.. period!

  12. Anonymous  

    Binasa ko ang post mo..

    kaya napilitan akong magcomment dahil di ko matatanggap na panget ako pag di ako nag react!

    haha..

    pedro..

    g
    gw
    gwa
    gwap
    gwapp
    gwappp
    gwaappp

    di ko matuloy eh.hehe.. cute na lang.

  13. Anonymous  

    hindi ako magco-comment dahil natakot ako sa sumpa. alam ko naman hindi totoo yun. pero magco-comment na rin ako.

    natawa ako sa "may natatago kang apil" bkit mo kasi tinatago ang sex appeal mo? ilabas mo! hahah! parang weird...

    meron akong kilala na girlash, di rin naman kagandahan, pero malandi at mataas ang level ng self-confidence, kaya dalawang notebook na ang listahan nya ng boylets.

    kaya ang advice ko sayo, lumandi ka na lang at ang self-confidence mo paabutin mo hanggang sa Neptune. kapag ganun, ang listahan mo ng boylets... i mean chicklets aabot na din ng dalawang notebook.

    rawr. hahah!

    have a sexy day Pedro.

  14. Anonymous  

    Pahabol Salahat.

    anong ibig sabihin ng hulmahan?

  15. Pedro  

    @docmnel, defensive ka, nyahahaha. pero impernes, nagimbal din ako sa kagandahan mo nung nakita kita. mas nai-star struck nga lang ako kay xG, ehem, sipsip, haha.

    @lunes, ay nako mare, yung nga ang problema eh, wala na nga akong beauty, wala pa akong money, dadaanin ko na lang siguro sa lakas ng dibdib at tibay ng sikmura. haha.

  16. Pedro  

    @jep, salamat sa panlalait mo. hahaha, biro lang. ang totoo may itsura naman talaga ako, masagwa nga lang, hahaha! salamat sa pagkumento.

    @enday, waaaaaaaaaaa,ituloy mo yan. O na lang ang kulang binitin mo pa. alangya, ayheytchoo na. hahaha. pero cge, tatanggapin ko na yung cute baka bawiin mo pa. weeeeee, i'm so cute. hahahaha.

  17. Pedro  

    @Tisay, natuwa naman ako sa haba ng comment mo. lab mo talaga ako. haha. mysterious epek kasi yung appeal ko. i am never boastful of what i have. hindi ako showy. hahaha. pero ang totoo, hindi ko alam kung nasan yung apil na yun, sa sobrang tago eh hindi ko din makita. haha.

    yaan mo at susundin ko yang payo mo. gusto ko ding magkaroon ng dalawang notebook na listahan ng gelay. no erase that, let's make it three. hahaha. maglalandi ako at hindi lang hanggang neptune kundi paaabutin ko pa hanggang pluto. :)

    P.S

    according to Mariano Huwantso, hulmahan is a moulding tray. :D

  18. damdam  

    pedro oo gwapo ka..

    pautang... (biro lang chong)

    nga pala, di ka nag iisa. ako rin hindi nasabihan ng nanay ko na maganda. apir! nung minsan e nasabihan nya ako ng "anak, parang gumaganda ka" parang na yun at naka medication si ermats, so not counted.

  19. Pedro  

    @damdam, sauce, wag kang mag alala. ako na nagsasabi, damdam, maganda ka. :D pramis! =)

  20. Anonymous  

    hahaha.. uy mag-iiwan ako ng comment dito pero di dahil sa natakot ako sa threat mo sa More P.S. mo. hehehe

    ang kagwapuhan nadadala yan ng sense of humor. sa mga posts mo lang dito sa blog kitang kita na gwapo ka naman eh... hehehe

    patingin nga ng piktyur mo.

  21. Pedro  

    @eniala, ahahaha, bakit piktyur pa, kung pwede namang sa personal. hahaha. salamat salamat. ssshhhh, sikwet lang, gwapo talaga ako. ako kasi si john lloyd, wahahaha. :D

  22. dramachinedoypi'03  

    tol pa-epal ha.. mahirap talaga kasing maging pogi sabi ng Pulis. pangalawa hindi ka nag-iisa. hehe

  23. napunding alitaptap...  

    hmmm, ikaw nga ba si john lloyd(oha, naabot g basa ko pati last comment) ummm, maniniwala ako na ikaw nga si john lloyd kapag sa biogesic ad nya e magsasabi muna sya ng "ps, pahabol salahat, INGAT" lalo na pag may "more PS" pa, ikaw nga yun..ahahaa

    hindi ako naniniwalang hindi ka gwapo.. =p

    magandang araw!

  24. Anonymous  

    John Lloyd!!!! pa-autograph naman ^_^

  25. Pedro  

    @dramachinedoypi'03, wag mo kong agawan ng trono, at loner ako at swapang, gusto ko mag-is alang ako, wahahaha. biro lang. salamat, sana ay umepal ka ulit sa susunod. :D

    @napunding alitaptap, sige, next na may commercial ako, gagawin ko yan. pahabol lang, kung di naniniwala na panget ako, pwes!!! maniwala ka na!!! wahahahaha.

    @eniala, cge minsan meet kita, pirmahan kita kahit sa anong parte ng katawan mo gusto, wahahaha. biro lang. :D

  26. Anonymous  

    Lupet ng nanay mo noh. Walang katulad, pero sino bah ang nagsabing gwapo ka esti panget ka!? iDedemanda natin kakasuhan natin ng estafa. Kapal ng muks nila. Sorry na carried away lang. hindi na sana ako magcocoment kaya lang may nakakalagay na mas panget ang hindi magcomment ayaw kong magkasala eh sorry hah..hehehe

  27. Pedro  

    @dansoy, hinay hinay lang, puso mo. ahahaha. ang totoo nyan, mga insecure lang nagsasabi na panget ako. sa sobrang gwapo ko kasi, naiinggit sila. hahahaha.

  28. Anonymous  

    kelangan kong magcomment, nagbasa ko. wahaha. mahirap ng masabihn ng panget. lol

  29. Señora Regina  

    Aaaaaahhhhhhhh GETS KO NA. Kaya pala ipinilit mong idikit yang "gwapo" sa dulo ng tinagalog mong pangalan.. hmmm... clever.. haha

    Pero imperness.. ang sweet ng nanay mo ah.. Nako! Pinakasweet sa mga sweet na nanay dyusko. Buti di ka naglalayas. haha

    Pero wala nga namang pangit sa mata ng Diyos. O sige na nga!

  30. Dean and Lee Schroeder  

    sus, nanakot ka pa para maka-comment lang ako! hahaha...

  31. Dean and Lee Schroeder  

    ang dami mo naman P.S (pahabol sulat)

    here in states, you will only see P.S. (post script) in credit card letters or bank statement or thank you note, hehehe

  32. Anonymous  

    dear pedro.......sana sa kwento mong yan.....tinignan kung sinong may sala sa buhay mo ngaun at sisihin mo ang ung mga magula kung bkit ganyan ang itssura mo? binigay lahat sayu un tiratira....

    sumulat
    san pedro

  33. Husdatchik  

    waw.prng next bob ong ang dtng ah.masyado kcng amabab tngn nten sa rili nten kaya nssbhn n ten sarili nten ng panget.pero piling ko di k nmn ganon eh.pilng mo lng ata un wla lng kcng nagssbng gwapo sau.kaya siguro ganun

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)