San ba nakakabili ng kasiyahan? Astig sana kung merong tindahan na basta may pera ka eh makakabili ka na ng ligaya. Pwedeng i-cash, pwedeng i-swipe gamit ang credit card at pwede pang lista muna kung close kayo ng may ari kasi ni-add mo siya sa friendster at multiply tapos lagi kayong nagpapalitan ng mga joke na text message tuwing umaga. Ang saya naman. Makakautang ka ng ligaya. Yikeee!---Sos! Wholesome entry to. Ibang ligaya nanaman kaagad yang nasa isip mo. Ang likot talaga ng imahinasyon ng utak mo. Malayo sa panandaliang aliw ang tinutukoy ko. Hindi pekpek ng pokpok ang hinahanap ko. Pft. Makapag sindi na nga muna ng isang stick ng sigarilyo.

*hithit, buga---hithit, buga---hithit, buga*

Ahmm, naisip ko lang, dumarating sa buhay ng kahit na sino ang lungkot. Kadalasan may batayan o pinag-uugatan ang isang kalungkutan. Minsan naman, nalulungkot na lamang ng walang kahit na anong dahilan. Paking shet! Ayoko ng ganitong eksena. Ayoko ng ganitong pakiramdam na napakawalang kwenta. Naniniwala kasi ako na ang pagiging masaya ng walang dahilan ay di hamak na mas mainam sa pagiging malungkot ng dahil sa wala.

Gusto kong pumasok uli sa isang unibersidad. Tapos kukuha ako ng kursong bachelor of arts major in cheerful living. Syempre dapat merong sab-dyek na happiness 101. Gusto ko ang titser ko ay isang payaso. Gusto ko din na mga komedyante lahat ng kaklase ko. Tapos sa taas ng pisara ng silid aralan, may mga katagang nakasaad na “SA CLASS ROOM NA ‘TO, BAWAL ANG NAKASIMANGOT!” Ang saya siguro kapag ganun. Walang drama at puro lang komedya. Palakasan ng tawa ang prelims. Pagandahan ng patawa ang midterm. At pakulitan ng pagme-make face ang finals. No wrong answers, lahat tama. May mock recitation. May biruan na sagutan. May kengkoy quiz. May joke time pagkatapos ng break time at may laugh trip kasabay ng field trip. Magmumulta ang mga estudyangteng iiyak. Mag flo-floor wax at magbubunot ang mga mahuhuling sisimangot. Magbubura ng black board sa loob ng isang linggo ang makikitang estudyanteng nakakunot ang noo. At iiskwat ng nakadipa ang mga kamay at lalagyan ng libro sa ulo at magkabilang palad sa loob ng isang oras ang kahit na sinumang mamamataan na hindi nakangiti. Walang peyboritisim at pati propesor ay walang eksempsiyon.---Sa unibersidad na ito, walang babagsak. Walang matalino walang bobo. Nakakatawa lang at corny. Pero kahit corny ka, hindi mababa ang ibibigay sa’yong marka. Corny ka na, pagtatawanan ka pa.

*balik seryoso na muna uli tayo*

May mga pagkakataong madali lang sumaya. Minsan nga, natutulog ka lang tapos pag gising mo, may isang di maburang ngiti agad ang namumutawi sa iyong mga labi. Ngiti na animo’y nanalo ka ng 235 milyon sa kara krus. Ngiti na parang may naka-sex ka na 5 sexy at magagandang babae kahit ba na kamuka mo pa si long mejia. Ngiti na parang nakakaloko. Ngiti na parang nakakagago. (pause for a while, ahmmm, mga 30 seconds, then, action) At may mga pagkakataon din naman na kahit nasa iyo na ang lahat eh parang kulang pa rin. Sa kabila ng lahat ng mga natamo mo ay hindi mo pa din magawang sumaya, hindi mo pa din makuhang maging maligaya.---Sabi nila, dalawa lang daw ang pinanggagalingan ng saya. Una ay ang pagmamahal at ikalawa ay ang pera. Ngunit ano nga ba sa dalawa ang mas mahalaga? Sa aking sariling pananaw, pagmamahal pa rin ang nangingibabaw sa mundo. Pagmamahal sa pera. Nakakalungkot mang isipin ay naniniwala akong tama ang paniniwala kong ito.

Kung ako ang papipiliin ninyo, hindi pera o pagmamahal ang magpapasaya sa’kin sa mga sandaling ito. Simpleng comment lang sa entry na ‘to masaya na ako. Nyahahaha! OXOX mahal ko kayong lahat. Pramis, peksman, koros may hart, ay swer, mamatay man si Popoy! Ahahaha, maiba lang, lagi na lang kasing si Mariano. =p

P.S. (Pahabol Salahat)

May bagong porn dito. Hahahaha. Joke lang. Kwelang Komiks yang mga yan. =p Sorry na xG. OXOX na tayo. Peace! :D




...

24 comments

  1. Anonymous  

    "Naniniwala kasi ako na ang pagiging masaya ng walang dahilan ay di hamak na mas mainam sa pagiging malungkot ng dahil sa wala."

    agree. :P

  2. Anonymous  

    erm.. hindi mamamatay ang boypren ko kahit ilang beses pa syang gawing eksampol sa "mamatay man si.."

    kami muna nung papatay sakanya ang magtutuos. tignan ko lang kung di sya mamatay sa kagandahan ko.

    --yan o, pagmamahal yan pedro.
    sana makahanap ka na ng babaeng magpaparamdam sayo na milyonaryo ka kahit na 100 nalang ang laman ng pitaka mo.

  3. Anonymous  

    Ang taray ng post na ito ah?..

    Nabiktima din ako nung title.. pagkatingin ko sa title dali dali kong binasa..

    haha, iba pala ang laman kesa sa iniisip ko.

    malupit..

    sama ko sa university na sinasabi mo ah?haha,
    sabay tayong pumasok dun

  4. Anonymous  

    "Naniniwala kasi ako na ang pagiging masaya ng walang dahilan ay di hamak na mas mainam sa pagiging malungkot ng dahil sa wala."

    -hindi ah mukhang abnormal tignan ang taong tumatawa ng walang dahilan? Marami kasi nun sa mental hahaha :D.

    *seryoso* Sa buhay natatakot ako pag sobra ang ngiti ko. Dahil alam na alam ko na sakit ang susunod. unfair nga dahil sa bawat simpleng ligaya o tawa ko lang, twice ang magiging kasunod na mangyayaring alam kong malulungkot ako.!

    xet!

  5. damdam  

    kung may tindahan lang ng ligaya, nilibre na kita.
    kung may unibersidad na nag tuturo ng gusto mo, ieenrol kita sagot ko pa tuition, mag kakalase pa tayo.
    kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay.... humanap ka ng panget at ibigin mong tunay...(xet ang korni nahawa lang sa iyo)

    *seriously - happyness ko ay... wrong spelling.

    *seryoso na talaga - sabi nga ni tolstoy, "if you want to be happy, be." we create aour own happiness kahit di man tayo nasa ideal world na inisip natin nung mga bata pa tayo. hindi man natin maabot ang lahat, but we dont have any other better option but to be happy.

    i hope someday you'll meet someone who can make you "deliriously happy".

  6. Anonymous  

    uhmm... anong ibig sabihin ng payaso at ng pisara?

    maganda yang ganyang unibersidad. rawr. sana totoong may ganyan baka yan na lang din ang course na i-take ko. nyahaha! rawr.

  7. Dean and Lee Schroeder  

    if people are all happy, I guess the whole world will always have happiness...

    yan lang masasabi ko Peter!

  8. Anonymous  

    kung gusto mong maging masaya, wag kang gumawa ng dahilan para maging malungkot. kahit na sabihin pa natin na mundong ginagalawan nating lahat ay nagkalat ang mga dahilan na makakadagit sa ating kaligayahan, sa huli, sarili pa natin ang mananaig at makakapagsabi kung napagwagian ba natin ang kalungkutan. dahil ikaw rin ang talo kung magpapadaig sa mga ito.

  9. Pedro  

    @eniala, apir tayo jan. :D nakakatuwa na may nag-aagree kahit papano sa mga sinasabi ko, kadalasan kasi, kinokontra ako ng mga tao. just to piss me off. hahaha!

    @Trina Labandera, ay oo naman mareng V, masamang damo kaya yang si M. :D pag ako nakahanap na ng babaeng tinutukoy mo, mag papainom uli ako. hahaha!

    @enday, sos ka! puro kasi kahalayan ang nasa utak mo. ahahaha, sorry bawal green minded sa university na yun. hahaha!

    @dansoy, tsk tsk, binasa mo ba ang post? ang sinabi ko, pagiging masaya ng walang dahilan hindi ko sinabing tumatawa ng walang dahilan magkaibang bagay yun. hindi dahil masaya ka eh kelangan mo ng tumawa. tama ba? sos ka! haha!

  10. Pedro  

    @damdam, someone who can make me deliriously happy? hmmmm, i can't hardly wait. asan ba yang putang inang babae na yan? hahaha!

    @Tisay, pisara is black board, payaso is a clown. you know, ahmm, uhmm, well, YES! hahaha! pag nakakita ako ng ganung univ at ganung course, sasabihan kita agad. haha! :D

    @hazelicious929, ahmmm. right right. hahaha!

    @kingdaddyrich, salamat sa kumento mo. naalala ko tuloy yung yumao kong lolo sa tuhod, parang ikaw kasi kung magpayo. yaan mo at susundin ko lahat ang mga sinabi mo. ang masasabi ko naman sayo ay sana wag kang magbabago. sana ay lagi ka pa ring magkumento dito. wag mo kalimutan ang magulang mo na nagpalaki sa iyo. wag mo rin kalimutan yung titser mo noong grade 1 ka. please always fray at night. tccic. oxox. muahugyousotight! yun lang. pasensiya na, speechless kasi ako.

  11. Anonymous  

    maybe we're not supposed to be happy gasgas na linya ni meredith gray..

    naniniwala akong walang permanenteng kaligayahan dahil ang cycle ang buhay pagkatapos ng kaligayahan susulpot naman ang kadramahan.

    pero sana kahit saglit lang eh mapaligaya ka ng hiling mo na magcomment kame..

    wish you all the happiness in life mare..

    happy birthday!
    hahahahah

  12. Pedro  

    @FerBert, sobrang aga ng happy birthday greeting mo, ahaha. xet, lurker ka rin pala ng grey's anatomy. i'm a number fan of mcdreamy and mcsteamy. wahahha. apir tayo jan mareng ferberta. :D

  13. Anonymous  

    alam mo kung ano
    ang makapagpapasaya sa akin?

    yung pagbukas ko ng ref
    may laman na malamig na tubig
    yung inumin ko.

    salamat sa promotion
    hahahaha
    tangina
    porno ampotah?
    shet



    .xienahgirl

  14. Pedro  

    @xienahgirl, ako alam mo kung anong makakapagpasaya sakin? alam ko wala kang paki alam pero share ko pa rin. hahaha.

    yung pagbukas ko ng ref eh yung may hot na babaeng nakahubad na bubungad sakin.

    the fuck! ref nga eh, edi cold dapat yun at hindi hot. sos! ang korni ko.

  15. Anonymous  

    Emo ang puta.
























    Puta ang emo.

    P.S.
    Wla akong masabi hehehe sorry na.

  16. Anonymous  

    tumatawa ka dahil masaya ka, masaya dahil tumatawa ka. !bali baliktarin mo man ang kahulugan, kahulugan parin. Naku nalang.! haha. O anu?!

  17. Anonymous  

    ang dami mo pang sinabi hihingi ka lang pala ng comment.




    pffft



    eto comment. lumigaya ka sana.

  18. PoPoY  

    pedring. naextra pa ko sa entry mong ito at gusto mo pa akong mamatay. dont wori if that happens, unang una ka sa listahan ko na papatayin ko sa sindak bwahahaha.

    seryus mode*

    pedring isipin mo to: malungkot, masaya, malungkot, msaya, malungkot masaya = KANORMALAN ndi kaabnormalan.

    hindi ka tao kung ndi mo yan nararamdaman. Puta ka EMO ka na naman. pero i can relate(shet). naranasan ko din yan nung mga panahong may mga magugulo akong iniisip at tila nagiisa akong nasa gubat ng problema. BLOG ang tangi kong naging sandata para maiwaksi at maovercome lahat ng putragis na pagEEMO ko. Nandyan din yung mga blogger friend ko na kahit siguro eh inis na inis na at korning korni na sa mga rants ko at kagaguhan sa buhay ay nananatiling nandyan at gumagabay sa akin. si FB at xG ang ilan sa mga iyon. (pause, iiyak)

    tarantado ka pedring kung iniisip mo ang kalungkutan. parang ako lang yan, tarantado din. at lahat ng emo emohan.

    wala tayo magagawa. TAO tayo at hindi robot o laruan na prinogram sa isang partikular na emosyon lang.

    isipin mong ang lahat ng yan ay lilipas din. parang LIBOG lang, kapag nakipagsex ka o nakapgsalsal ka, lilipas na sya :)

    NGITI LANG PEDRO. Ocean Park :)

  19. Pedro  

    @saminelle, ok lang yang comment mo, birthday mo naman eh. hahaha. happy bday!

    @doc mnel, ang panget ng comment mo, hahaha, but atleast comment pa rin so liligaya na ako. :D

    @dansoy, eto ang punto, hindi porke masaya ka eh tatawa ka na. hindi ka tao kung hindi mo pa nararanasang sumaya ng hindi tumatawa. magkaibang bagay. wag mo ng ipagpilitan pa. hahahaha.

    @popoy, WATEBER! bwahahaha. haba ng comment mo poy, parang isang entry na, hahaha, anong yung libog? shet hindi ako makarelate. hahaha.

  20. churvah  

    hehe.
    alm ko magpapasaya sau, LONGGANISANG LUCBAN,

    wait mo lang.

  21. Pedro  

    @churvah, ay oo naman, masarap talaga yan. tapos mas masaya kung habang kinakain ko yan eh may babaeng sexy na nakahubad tapos nagsasayaw sa mesa ko. hahaha. shet ang saya. :D

    salamat in adbans! hihintayin ko yan. :D

  22. Anonymous  

    emolet na entry!

    parang mas gusto ko ung malungkot na walang dahilan. Kasi pag meron dahilan, ibig sabihin for real na yung kalungkutan. di na un kaartehan.

  23. Pedro  

    @lunes, korek ka jan, ok kasing malungkot ng walang dahilan, tamang nag iinarte ka lang, may karapatan naman tayong mag inarte kasi hindi naman tayo naggaganda gandahan lang, sadyang mga magaganda lang talaga tayong nilalang, hahaha. :D

  24. Paoper  

    in fairness, hindi ako prepared sa ending punchline ;>

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)