Tama po ang inyong nabasa, Nagbalik na nga po ako sa mundo ng pagbloblog. Salamat sa mga makabagbag damdaming comments n'yo sa last blog post ko. Humigit kumulang isang tabong luha din ang nalipon ko magmula ng isa isa kong nabasa ang mga kumento n'yo. Hindi pa kasama dun ang tulo sipon at tagaktak pawis na kasalamuha ng aking mga luha dulot ng aking pag-iyak. Humihingi ako ng paumanhin sapagkat iniwan ko kayo sa ere. Kayo na halos araw araw na tumatambay dito at nagbabasa ng mga walang kwentang blog ko.
Mapait, masakit at mahirap ang lumayo ngunit ginawa ko 'yon para makapag-isip at makapag pahinga. At dahil sa ginawa kong 'yon ay nalaman kong marami pala angnagnanasa sa katawan ko nagmamahal sa akin. Sa inyong lahat, tanggapin n'yo ang aking taos susong pusong pasasalamat. Muli akong magsusulat at sana ay samahan niyo uli ako sa bagong kabanata ng aking paglalakbay sa mundo ng blogosperyo. Hawak kamay, kapit bisig, dikit braso, pantay siko, kalawit bagang, labas pwet, magkayakap, at lips to lips nating tahakin ang bagong daan. Daan tungo sa katotohanan. Daan tungong kasiyahan at kaligayahan. Daan para sa ikatatahimik ng lahat. Daan papuntang kapayapaan. Isang daan. Dalawang daan. Sangandaan. Padaan! Dead end, walang daan. Acheche!
Mapait, masakit at mahirap ang lumayo ngunit ginawa ko 'yon para makapag-isip at makapag pahinga. At dahil sa ginawa kong 'yon ay nalaman kong marami pala ang
Ituring na lang nating isang pahina ng
This is not the end. It is just beginning. This is not goodbye. This is a hello 'coz i'll see you soon.
See you all there and once again, thank you very much for everything! MABUHAY KAYONG LAHAT!
rakENrol \m/
P.S. (Pahabol Salahat)