Showing posts with label Pedro's Uncategorized. Show all posts

WordPress, a prestigious blog platform will be conducting a seminar on what’s hot and what’s not in the blogging arena for the first time in Philippine blogging history. And I'm so delighted that I will be there to be part of this historic event!

Huwaw ingles, susyalers! Hu em ay kidding? Halos tatlong oras ang ginugol ko upang makabuo ng dalawang pangungusap sa wikang banyaga. Slayt na dumugo ang ilong ko at sumakit ang ulo ko partikular na sa bandang diencephalon ng utak ko kaya susundin ko na lang ang instraksyon. Sabi sa website ng Wordcamp Philippines, kailangan “in your own words” daw ang pagpapaliwanag sa intensiyon ng pag sali kaya heto na ang aking eksplinasyon in may own wordssss.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga madalas magbasa dito sa site na ito na malapit na akong magkaroon ng sariling domain at lumipat sa wordpres. At dahil sa magaganap na ito ay minabuti kong sumali sa WORD CAMP PHILIPPINES 2008 na inorganisa ng Mindanao Bloggers.

Ang magarbong pagtitipon na ito ay maisasakatuparan sa tulong ng mga sumusunod:

Kaya kung iniisip mong pipichuging pagtitipon lang ito, pwes, mag isip ka uli at sosyalers ang event na ito. It's like crazy you know? Maraming matututunan sa pagtitipon na ito gaya ng kaalaman sa CSS at PHP. Kaya kung interesado ka din ay sumali ka na at magregister sa site na ito.

P.S. (Pahabol Salahat)

Salamat nga pala sa mga miyembro ng Mindanao Bloggers na sina Blogie at Migs. Kay Blogie sa pagsagot sa tanong ko sa contact form sa website ng wordcamp at lalong lalo na kay Migs sa pagsagot pa rin sa iba ko pang mga katanungan sa YM, mabuhay kayo!


Isang araw, kasama ko ang aking KAPATID. Nagpunta kami sa bandang SOUTH BORDER ng PAROKYA NI EDGAR. Gagamitin namin sana ang kotse, kaso nga lang sira ang CAMBIO kaya minabuti na lang namin na sumakay na lang ng PEDICAB. Ng dumating kami doon ay kumain agad kami ng paborito naming SANDWICH. Nilagyan ko yun ng palaman na HOTDOG, MAYONNAISE, QUESO, at BLUE KETCHUP. Matapos nun ay umorder kami ng inuming PROTEIN SHAKE. Walang iba kundi ORANGE AND LEMONS, yung may RADIOACTIVE SAGO. Wala daw sabi ng tindera kaya pinalitan na lang namin ang order ng SPONGECOLA na SUGARFREE. Ang sarap sobra, mas masarap pa sa pekpek KJWAN.

Gusto sana naming magpunta sa baguio. Sa calderon street corner SESSION ROAD, kaso malayo. Buti sana kung parang America ang pilipinas na may mabilis na GREYHOUNDZ bus.

Naisipan namin na bumalik na lang ng CIUDAD. Wala kaming masakyan kaya nung may nakita kaming MANO-MANO na naglalakad lang pauwi ay minabuti naming mag-JOIN THE CLUB na lang. Naglalakbay kami pauwi ng makita ng kuya ko ang kabigan niyang si JUANA na isang teacher sa kabilang bayan. Wala din siyang masakyan kaya minabuti niyang sumabay na din sa amin. Habang naglalakad ay nakita ng kaibigan ng kuya ko ang kanyang PUPIL na may hawak na BAMBOO stick, Nilapitan niya ito at kinausap. Nag SPEAKS siya. Sabi niya, “PUT3SKA! THE DAWN na! Malapit ng magdilim, sos kang bata ka!” Sumagot ang bata, “Kakaubos lang po kasi ng mga nilalako kong SAMPAGUITA atsaka bumili lang po ako sa tindahan ng MONGOLS, ubos na po kasi ma’am yung ERASERHEADS nung isang lapis ko.” Wala ng nagawa ang teacher na kaibigan ng kuya ko kundi isabay ang bata pauwi.

May nadaanan kaming ilog, tapos may nakita kaming magandang ibon. Kinuhanan ko ito ng litrato at tinawag ko itong RIVERMAYA. Pag dating namin ng bahay ay dali dali akong pumasok ng banyo. Kinuha ko ang SOAPDISH at ang pang body scrub kong STONEFREE at ako ay dumerecho na sa pag ligo. Pag labas ko ng banyo ay hindi ako makahinga, nanikip ang dibdib ko kaya ako ay nag in-HALE at exhale. ----Nagbihis na ako.

Pagkabihis ko ay naupo ako sa sala at hinanap ko ang remote ng telebisyon. Masakit na ang NERVELINE ko pero never SAYDIE pa rin ang ang drama ko sa paghahanap. Nung hindi ko ito matagpuan ay minabuti kong tanungin na ang aking napaka sexy na ina. Sabi ko, “Ma, asan ba yung haytek na kulay itim na pinipindot para bumukas yung colored nating telebisyon?” Inilakas ko talaga ang pagtatanong para marinig ng mga kapit-bahay naming pobre na di-pihit lang at black and white pa ang mga telebisyon. Maya maya ay sumagot ang aking ina, “A YANO! Ang lapit lapit na sa’yo di mo pa nakita!”

Hindi ko na tinapos ang sermon niya at binuksan ko na lang ang telebisyon at nag ROCKSTEDDY na lang ako, bawas init ulo at tamang chillax lang. Inilipat ko sa music channel at napanuod ko ang mga bandang SLAPSHOCK, URBANDUB, RAZORBACK, DICTA LICENSE, WOLFGANG, UP DHARMA DOWN, TROPICAL DEPRESSION, at marami pang iba. Napalakas ang volume kaya may isang kumatok ng kapitbahay at pinagmumura kami kasi lagi na lang daw kaming maingay. Inggit lang sila kasi black and white lang mga telebisyon nila. Putang inang mga iskwater na mahihirap. Bwahahaha! Hindi na din ako nagsalita sapagkat alam kong KAMIKAZEE ang may kasalanan. Nagpaumanhin na lang ako at pinatay ko siya ang telebisyon.

Matutulog na ako. Ako nga pala si JUAN DELA CRUZ anak ako ni PEPE SMITH, salamat sa pagbabasa ng walang kwentang lathala na ito. Tang inang entry yan! Basura!!! Hahaha!




...









Kung mapapansin nyo, wala akong bagong kagaguhang nailalagay nitong mga nakaraang araw, nauubos kasi ang oras ko sa pagkalikot at pagtuklas ng mundo ng blogosperyo, kung anu anong pinagtititignan ko ngayon sa wikipedia. Kung anong ibig sabihin ng ganito, kung anung ibig sabihin nun, kung para san ito at kung para saan yun. Ilang araw ng puro ganun na lang ang aking pinaggagawa kaya ayun. Tulad nito, isiningit ko lang itong konting walang kwenta pinagsasabi kong ito pero ang totoo, gagawin ko lang aktibo ang aking bagong technorati profile sa pamamagitan ng pag paskil ng link na galing sa website nila. Kaya ayun, paalam muna.

Technorati Profile

Undergoing MyBlogLog Verification

Waaaaaaaa, bilis ng oras, natapos nanaman ang araw, muntik ko na makalimutang magblog, sabagay wala din naman ako ma-i-blog kasi busy ako sa pag pipimp ng mga profiles ko, both sa friendster at multiply. Natuwa nanaman kasi ako at sinipag kaya ayun pinagtripan ko nanaman uli. Walang kwentang blog, wahaha, cge bukas na lang uli, pacenxa na sa mga nag abang, bawi ako sa inyo sa susunod..hehe..

pag wala kayong magawa, pwede nyong tignan kung ano yung pinagkaabalahan ko ng buong araw..

kung gusto nyo matutong mag overlay, maari nyong bisitahin ang site ni markyctrigger sa link na ito..

salamat at hanggang sa muli..paalam! :)

isinulat ni PEDRO (walang magawa eh)

TAGPO: Isang araw, nag usap si PUSO at si UTAK.

PUSO: Eto kasing si utak, parang hindi nag-iisip!

UTAK: Anong hindi nag-iisip? Ikaw nga itong padalus-dalos dyan. Puro bugso ng damdamin. Alam natin na sa ating dalawa, ako ang palaging gumagawa at nag-iisip ng mga solusyon sa mga problema. eh ikaw?

PUSO: Kaya pala ako ang sinisisi mo kapag namomroblema ka dyan sa pag-ibig!

UTAK: Eh sino pa ba naman ang sisisihin ko? Ikaw itong walang ibang ginawa kundi mahulog kung kani kaninong loob.

PUSO: Hoy! Wag mo akong susumbatan! Ikaw itong nagsasabi na okay at pwede syang matipuhan. Tapos ngayon, ako itong sisisihin mo!

UTAK: Pero hanggang doon lang ang sinabi ko! Meron pa bang iba? Wala na di ba?

PUSO: Kaya pala ha... Sino ang nagsabing kailangan ko syang idate? Di ba ikaw din?

UTAK: Oo, date lang naman yun.. Wala na! Sinabi ko bang mahulog ka sa kanya?

PUSO: Ah basta! Kasalanan mo pa rin! Kung hindi mo pinagawa saakin lahat yun,wala sana tayong problema. Pag-ibig na naman! Kagagawan mo ito!

UTAK: Akala ko ba, hindi nadidiktahan ng utak ang puso! Kaya pala may kasabihan pa kayong "kung anong nasa puso mo, sundin mo!". Kakornihan nyo lang pala iyon!

PUSO: Ako ba ang nagsabing mahalin sya? PUSO ba? o UTAK?

UTAK: Baka yun lang talaga ang nasa puso nya? Kasalanan mo pa rin!

PUSO: Ako na lang palagi! This is unfair...

UTAK: Unfair? Unfair? Hallleeer!! Sige nga, kapag namomroblema na sa pag-ibig? Sino sinisisi nila? Ako din naman di ba? May maarte pa dyang sasabihing, "Madapakinshit naman oh! Kelangan me makalimutan all the problems of love! Hindi ko matake na makita ko syang may kasamang iba. I wana die! Di ko maforget yunnnn!" Ako din naman namomroblema ha. At yun ay dahil sa mga kagagawan mo! Nagmahal ka kasi!

PUSO: Why is that everytime na may naiinlab, laging puso ang kailangan sisihin? Nasa akin ba ang LOVE?? Hindi ba nasa UTAK lang LOVE!!

UTAK: Aba, malay! Basta ang alam ko, wala sa akin! Itanong mo kay Penis, baka nandoon.

PUSO: Ok. wait.

(Mabilis na pinindot ni Puso ang mensahe niya para kay Penis)

... Ay. ay. ay pag-ibig, nakakakilig, parang sine, parang..... (<>)

Huminto muna si Penis at mabilis na kinuha ang celfone nya nung narinig nya itong nagring.. text lang pala at dali dali nya itong binasa

MSG mula kay PUSO: [NASN ANG LUV? GGGRRRR! TXT BAK ASAP]

PENIS: Anak ng Titi nga naman. Bat ako hinahanapan neto? Hmmmm... Ano ako, LOST AND FOUND?

(Magrireply si Penis)

MSG mula kay PENIS: [BUWAKANGINAMO! Bk8 mo ba hnanap yng lab sakn? D q alm. Ikw ang puso. Dpat alm mo yn!]

MSG mula kay PUSO: [EH IKW NMN KC PALAGNG NAG A-I LUV U DBA? B4 KA TITIRA, SSBHIN U, I LUV U! PGKATPOS, I LUV U!]

(Biglang uminit ulo ni Penis sa pang iinsulto ni Puso)

MSG mula kay PENIS: [TANg INA nga nmn! Mahilig nga aq mg-iluv u pro hndi ibg sabhin nun ay nsa akin yang katrntaduhng hnahanap mo! Hapi aq khit wlng luv. Kya wag nyo na aq idmay, OK?]

MSG mula kay PUSO: [EH C UTAK KC. LAGI AQNG CNICC JAN SA PG-IBIG NA YN. CMULA PA NOON. EH, NATNONG Q LANG SAU DHIL SA ATNG 3, IKW KDLSANG NAG-A-ILUVU. KAKAKILALA MO PA LNG SA TAO. INA-ILAB UHAN MO NA!]

(Sabay tayo si PENIS at naninigas sa gigil)

PENIS: Gagong PUSO to! Dinadamay ako sa problema nila. Hindi ko kailangan ang Pag-ibig para mabuhay! Kaya kung magtrabaho kahit mag-isa! Eh sila? Mga gago! Isasali pa ako!

....

(Dahil sa di mapigilang galit ni Penis, tinawagan nya si Puso)

...Where is the LOVE.. Where is the LOVE.. the LOVE.. (<>)

PENIS: Ayaw sumagot! Anak ng tete naman oh!

(nagdial ulit si PENIS)

..Where is the LOVE.. Where is the LOVE.. the LOVE..

PENIS: HEEELLLLOOO!!! HHEELLLOOO!!! Isa ka ba sa mga tangang Puso?

(Pasigaw na Hello ni PENIS dahil sa galit)

PUSO: Pare naman! Wag naman mainit ang ulo mo! Dahan dahan lang! Palagi ka na lang galit! Kaya iyan, namumula ka na naman sa galit!

PENIS: Eh, gago ka pala eh! Sinasali nyo ako sa usapang hindi naman dapat ako kasali!

PUSO: Nagtatanong lang naman kami! Ang init lagi nyang ulo mo! Tapos mamaya, ikaw din naman ang iiyak! Pasalamat ka at wala ako sa mood na sumipa ng bayag!

PENIS: Eh gago kasi kayo! Ginagalit nyo ako palagi! Wala saakin ang Pag-ibig na yang hinahanap nyo!

PUSO: HHuwaaatt?? paano nangyari yun? Eh madalas mong nababanggit ang salitang I LOVE YOU!! Tapos sasabihin mong wala sayo? Niloloko mo ba ako?

PENIS: Kung hindi ka naman pala gunggong eh! Titi lang ako! Anak ng TITI! At... SEX lang ang gusto ko! Walang LOVE LOVE na yan!

PUSO: Akala ko pa naman nasa sayo ang LOVE! Pareho ka din pala ni UTAK!

PENIS: (Nakalimutan nyang galit sya kaya napapangiting nagsalita) Kaya nga kami bestfriends nun eh. Kung anu iniisip nya, naiisip ko na rin! Hehehe.

(nagalit si PENIS ulit)

PENIS: Bat mo kasi hinahanap samin yun! Hindi ba dapat nasa puso yun?

PUSO: Sino ang nasabing nasa puso ang pagmamahal? Sabi ni Nora, himala lang ang nasa puso ng tao! Hindi Pag-ibig!!! TANGA!!!

PENIS: Lalong lalo nang wala sa PENIS ang pag-ibig! Kumusta ka naman di ba?

PUSO: Akala mo lang wala! Wala! pero meron! Meron! Meron!

PENIS: Nasa PUSO anga pagmamahal! Nasa PUSO! Nasa kaloob looban ng damdamin!

(bumilis ang tibok ni PUSO dahil sa galit)

PUSO: Palagi na lang ako! Ako! Ako! Ako na walang malay! Ako na ang tanging Kasalanan ay maging.... ano?

PENIS: Oh ano?? Aber?? Tama na! Tama na! Kung lagi lang tayong magbabangayan, walang mangyayari satin!

PUSO: Ikaw naman itong palaging mainit ang ulo at galit!

PENIS: Wag ka kasing highblood! Ang PUSO mo!

PUSO: O cge, sorry na..

(naiyak sa konsensya si PENIS)

PENIS: (paluha) Kaya sa susunod pare, wag mo ako ginagalit. Lumalabas tuloy mga ugat ko!

PUSO: Pasensya na pare.

PENIS: Oo na. Alam ko naman na malambot na Puso ka.

(hindi na galit.. malambot na si PENIS)

PUSO: Matigas ang ulo......Hello? Hello? Hello.... Paksyit!

(tunog ng lowbat na celfone dahil na lowbat si PENIS)

PENIS: TITI naman oh! Di pala ako nakapagcharge! Saksak ko muna ito!

.......

WAKAS

PERO Nasaan nga ba ang pagmamahal? NAKAY PUSO? KAY UTAK? O KAY PENIS? Wala kasing umamin eh... MY goodness! GRRRRRRR…


Kung may mga bayolent reaksyon ka. Kung may mga nais kang ipaabot sa may gawa ng walang kwentang blog site na ito. Kung nais mong sabihin sa kanya ang mga katagang "Mahal Na Mahal Kita PEDRO". Kung gusto mo siya murahin ng "Putang Ina Mo!" Kung gusto mo siyang padalan ng pera para meron siyang pambisyo. At sa kahit ano pang konserns ay maari mo siyang kontakin sa pamamagitan ng mga kajologang ito:

Personal Message mo siya sa YAHOO MESSENGER:



Habulin mo siya sa TWITTER:

Click Mo Ito Para Ma-invade Mo Privacy N'ya

Sundan mo siya sa PLURK:

Click Mo Ito Para Ma-stalk Mo S'ya Sa Plurk

E-mail mo siya sa YAHOO MAIL:

pedronggwapo@yahoo.com

Add mo siya sa Friendster:

http://profiles.friendster.com/pedronggwapo


Add mo siya sa MULTIPLY:

http://pedronggwapo.multiply.com

Subscribe to: Posts (Atom)