absent ako kahapon, ala tuloy akong post na blog dito sa friendster. nagkasakit kasi ako. kaya ngayun lang uli makakapagpost..

well anyway, napanuod ko si tado sa boy and kris kahapon, may clothing line na pala ang gagong aktibista na yun. the shop was called limiTADO, infairness kay tado, mahusay ang mga t-shirt na tinitinda nya, iba talaga ang humor ng mga pinoy.

meron yung isang shirt, napaisip talaga ako, nakalagay kasi sa harap, "buti nga sayo" naisip ko, parang ang panget nga ng salitang tagalog, kasi yung print sa likod eh yung english nung nakalagay sa harap. and the english of that phrase says "good for you". o di ba? pag nadapa ang isang taong kinaiinisan mo, sasabihin mo, buti nga sayo. pag nakapasa ang kaibigan mo sa board exam o sa kung saan man, at kwinento nya sayo, sasabihin mo, good for you. literary parang pareho kasi tinagalog mo lang ung english pero pag dineliver mo na yung sentence, iba na ang dating. hehe, galing, natuwa ako.

meron pang isang shirt dun, nakalagay, "pinili kong maging masaya dahil mas madaling ngumiti kaysa ipaliwanag kung bakit ako malungkot", hmmmm, tama nga naman, may point nanaman si tado, tangna ka tado, tado ka talaga..

isa pang nakakuha ng aking atensyon ay yung isang plain white na t-shirt na may nakasulat na ang pag-ibig daw ay parang ulan, eto ang laman ng tula:

"ang pag-ibig parang ulan,

kung kelan ka hindi handa

tsaka naman bubuhos

kahit anong tago mo, mababasa ka...

ang nakakalungkot, kung kelan

nag eenjoy ka na

tsaka tila mawawala..."

nice naman..

andito pa ang ibang mga sample ng mga t-shirt ni tado:

at ito ay mabibili sa # 57 N. Roxas St., Kalumpang, Marikina City , Near San Roque Elementary School eto po ay bukas magmula martes hanggang linggo magmula alas tres ng hapon hanggang alas onse ng gabi. maari nyo ring puntahan ang kanyang multiply account sa http://www.bigtimetado.multiply.com at para sa mga advance orders maari nyo siyang i-email sa limitado24@yahoo.com o di naman kaya ay itext nyo mismo si tado sa, 0916 78 40 522..at siya nga pala, 250 lang ang isang shirt.

haha, para akong naging PR ni tado ah, natuwa lang kasi ako sa mga design, at pag may naappreciate akong isang bagay, isinishare ko talaga sa iba, ayun lang yun, kapwa pinoy naman natin si tado, pinoy na pinoy din mga damit na gawa nya, kaya pinoy pride pa rin yan kahit papano. isang araw, pupunta ako sa limitado at bibili ng mga damit, sana makatawad ako kay tado, hehehe..

0 comments

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)