Katext ko kagabi yung isa sa mga girlfriend ko (ehem ehem, ang gwapo ko, ahaha) paalala lang girlfriend yun as in babaeng kaibigan (bakla po ako at wala po akong syota, haha), mabalik ako, katext ko siya at kung anu ano lang pinag uusapan namin. Bakit kaya may time na ganun? Yung kahit na walang kwenta mga pinag uusapan nyo eh parang hindi nakakasawa kahit na napupudpod na yung daliri at keypad ng celphone eh ayus lang. Minsan mapapangiti at mapapatawa ka pang mag-isa.

Well anyway, nag aasaran kami tapos bigla na lang naging ganito ang takbo ng usapan:

Ako: may time bang may sinabi ako sau o ginawa na kinilig ka?.

Siya: ano naman klaseng tanong yan?

Ako: seryosong tanong, sagutin mo na lang kasi.

Siya: aus lng.

Ako: ano namang klaseng sagot yan?

Siya: aus nga lang.

Ako: ah, so wala talaga? ok lang yun naiintindihan ko, hindi naman talaga ako kakilig kilig eh, hehe..

Siya: haha ang drama moh!

Ako: hehe, di naman, totoo naman kasi eh..

Siya: ahaha, humble ah.

Ako: wala ba talaga?

Siya: meon dn.

Ako: kanina aus lang, ngaun meron ng bigla?

Siya: meron nga din.

Ako: ows? Di ako naniniwala.

Siya: haha..bakit naman?

Ako: eh kasi si peter lang ako, bakit ka naman kikiligin sakin.

Siya: hahahaha..ang drama mo talaga.

Ako: o cge nga, kung meron talaga, ano naman ung ginawa ko at kinilig ka?

Siya: edi yung mga sinesend mo sakin sa friendster.

Ako: ano naman nakakakilig dun?

Siya: hahaha, ok naman eh, natuwa naman ako.

Ako: akala ko ba kinilig ka, bakit ngaun natuwa ka naman? Ano ba talaga?

Siya: natuwa lang.

Ako: kanina kinilig ka ngaun naman natuwa ka lang. magkaiba kasi un, ano ba talaga?

Siya: natuwa nga lang..

Ako: ah so natuwa ka lang pala, ako may time ng kinilig sayo.

Siya: haha, ang korni at ang baduy mo..haha..san naman?

Ako: yung unang nagmessage ako sa friendster mo, tapos natuwa ka, sabi mo ang sweet sweet ko.

Siya: eh sweet ka naman talaga eh.

Ako: oo nga cguro, sa sobrang kasweetan ko nga natuwa ka lang eh.

Siya: ahaha. Teka lang ligo lang ako.

Ako: cge.

****matapos ang ilang minuto****

Siya: wui, gising ka pa.

Ako: oo. Bakit?

Siya: wala lang, kakatapos ko lang maligo.

Ako: ah ok.

Siya: tulog na din ako maya maya.

Ako: ako tulog na ko ngaun, ge gud nyt.

Siya: antok ka na?

Ako: indi naman, baka kasi may masabi lang ako sayong sweet eh matuwa ka lang nanaman..

Siya: ahaha..

Ako: ndi, antok na din talaga ako, ge gud nyt miss natuwa lang ako.

WAKAS

Walang kwentang blog noh? Hahaha, wala kang magagawa blog ko to eh, edi gumawa ka ng sarili mo, haha..indi pa talaga ako inaantok kagabi ang katunayan nyan, inatake nanaman ako ng pagka moody ko, nakakatuwa naman kasi na may ginawa ka para kiligin ang isang tao tapos natuwa lang pala sayo. Para kang nagluto ng sinigang tapos sabi ng pinakain mo, wow ang sarap naman ng nilaga mo, nabusog ako, haha..wala akong maisip na i-blog ngayon, so para lang maubos oras ko, pinagtyagan ko na to.

Naisip ko lang ano ba talaga ang kilig? I can't help but wonder why "kilig" seems so unique among filipinos. the amorphous concept itself has no direct english translation (if i'm not mistaken, it's translated at best as “butterflies in the stomach”) and expresses so many levels of feelings and suits a variety of moods. and it's more impressive to feel that current in your veins that give you a rather warm tug or a tickle and suddenly makes you smile, after a tiring day.

There, I already have my definition of it, but like what I always do, naging hobby ko na ang humingi ng second opinion sa mga kaibigan ko. Parang pagpapacheck up lang yan, sabi sa ganitong ospital may dengue ka daw, hindi ka naniwala so humingi ka pa ng second opinion sa ibang ospital at sinabi sayo na wala kang dengue may cancer ka at mamatay ka na sa isang taon, ok di ba? Ang importante, atleast wala kang dengue, eh kung ikamatay mo un?.(ang hirap talaga tumawa pag ipinilit na lang yun joke, indi na nakakatawa, wahahha)

****Balik Sa Topic****

I texted and asked a friend what’s the translation of “kilig” to English. He couldn’t figure out a direct translation, but he says that it has everything to do with romance. How your body reacts to romance – the butterflies in the stomach (dito kami nagkaparehas), goosebumps, the way your heart beats faster, breaking out into a nervous sweat, uncontrollable giggling, blushing, that big, goofy grin that you can’t wipe off your face, and the list goes on. Shit ang haba, so nagtxt pa ako sa isang tropa ko, mahusay din kasi yun at hindi xa maxadong kumplikadong tao sabi ko “pare ano ba ang kilig?” sabi nya “naranasan mo na ba yung ihing ihi ka na, tapos mahaba pa yung pila, so ikaw tamang tiis ka lang muna tapos pag ikaw na, yung rapid outburst ng ihi mo, yung pakiramdam nay un, yung sensation, parang ganun din yung kilig” ahahaha, pota natawa ako kaya nireplayan ko na lang xa ng “indi na sana kita tinxt, ala ka talagang kwentang kausap”.

***OFF TOPIC***

Now I’m thinking kung ano naman ang definition at translation ng natutuwa. At bigla kong naisip na the word is so easy to understand, an eight letter self explanatory word, kaya nyo na yan.

***OFF TOPIC***

So in general, ang point lang ng blog na ito eh ang, ahhhh, ehhhh, ahmmm, uhmmm, ahmmm, shit wala akong maisip, then I therefore conclude that this blog is pointless (wahaha) shit, ang kauna unahan kong blog na sobrang walang kwenta, haha, bad trip, grrrrrrrrr. (padabog na clinick ang publish post)

5 comments

  1. ladybeatrice_25  

    halos ikamatay ko nga ang pag iisip ng pinakamalapit na translation ng kilig sa english.shit, ilang gabi akong napuyat kaya pumayat ako.
    anyways, kaya lang ako nagkomento ay para itanong sayo kung panu mo kaya nasulat ang padabog na clinick and publish habang nasa akto ka ng pagclick ng publish button?

  2. Pedro  

    huwaw, may nagcocomment sa blog ko, hehe, your question was "panu mo kaya nasulat ang padabog na clinick and publish habang nasa akto ka ng pagclick ng publish button?" the answer is simple, my right hand is typing and after i typed it, with a split mili second i think, faster than a blink of an eye, pdabog kong clinick ng right hand ko yung publish button.. =)

  3. ladybeatrice_25  

    mali ka ng tense then,instead of padabog na clinick ang publish post, dapat padabog na icliclick ang publish post..heehee.paxenxa na po, mga ganitong bagay lang ang kaya kong ianalyze.
    anyways,enjoy talaga ang pagbasa sa blog mo.kahit na yung ilan ay narinig ko na dati,(at korni minsan),natatawa pa din ako sa mga hirit mo.
    tsaka nga pala, all time favorite ko din yung the client,ilang beses ko nga binasa yun para marelive yung feeling.nabasa mo na yung the run away jury?tsaka yung the alchemist ay ilang beses ko din binasa kasi nung una di ko maintindihan,ahehe..
    shit ang haba na pala neto.

  4. Dawn  

    walang kwenta ba yun? walang kwenta nga siguro, pero nakakatuwa... i enjoyed reading your post. napaisip tuloy ako, what if tanungin ko rin yung mga kaibigan ko kung may instance ba na kinilig sila sa ginawa ko? hehehe. what a weird question... wala pang gumawa nito sa amin... kung ipauso ko kaya? hehehe.

  5. Anonymous  

    bakit hindi? wlaa namang mawawala. at oo, weird nga. haha..

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)