Ika labing-isa ng mayo, taong dalawang libo’t walo. Nagsimula ang aking araw, ika-pito ng umaga, sa isang simpleng pag gising, dahan dahang pagmulat ng mata, pagbibinat binat at pagkukuyos ng mga kamay sa mata upang tanggalin ang mga namuong muta. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at nilisan ko na ang aking malambot na higaan. Agad akong bumababa sa sala, (habang binibigkas ang mga letra ng awiting dahil mahal na mahal kita na inawit ni binibining rosel nava, wahaha, biro lang..) at nakapikit na dumerecho sa kusina patungo sa lababo upang maghilamos at magsipilyo. Matapos nun, pinunasan ko ang aking basang basa sa tubig na muka ng aking tuwalya na nakasampay sa aking balikat na siya kong kinuha sa sabitan na nakasampay malapit sa aking higaan bago ako bumababa. Matapos nun, nakita ko ang hapag kainan na may nakahain na pan cake, butter, syrup, tinapay, itlog, cheesedog, bacon, ham at isang pitsel na calamansi juice na nakatabi sa isang botelya ng centrum. Naisip ko, huwaw, almusal pa lang fiesta na, anong meron? Bigla kong nakita ang isang post it may pandikit na papel na may nakasulat na mensahe na nakapaskil sa botelya ng bitamina at eto ang nakasaad doon: “I prepared breakfast, mag-a-aerobics lang ako with your tita esther, (nanay ko talaga, as if naman kasing papayat pa, hahaha) eat well my sons, I love you all – mama”. Ang lambing talaga ng butihing ilaw ng aming tahanan. Nasabi ko na lang sa sarili ko, teka sandali lang, bakit ang dami naman ata nitong masyado para sa aming tatlo, ganito ba kami kalakas lumamon? Ano kayang meron? Kumuha muna ako ng isang tinapay, nilagyan ito ng isang itlog, pinatungan ng isa pang tinapay, nilagyan ito ng hinati hati ko sa maliliit na cheesedog, nilagyan ko uli ng isa pang tinapay, dinagdagan ko ng ham, muli ay pinatungan ko uli ito ng isa pang tinapay, nilagyan ko pa ng bacon at dinagdagan ko pa ng isa pang tinapay para sa huling patong, hmmmm, talap. Matapos nun ay nag lagay ako ng calamansi juice sa isang baso at tinignan ang aking nakatatanda at bunsong kapatid, nasilayan ng aking mga mata na nahihimbing pa sila sa kanilang pagkakatulog, marahil ay nasa kabilang mundo pala sila, sa mundo ng kanilang mga imahinasyon, sa mundo ng kanilang mga panaginip, naisip ko ang kasabihan na respetuhin ang mga natutulog kaya sila’y akin na lang munang hinayaan at kumain na ako. Habang ako’y ngumangata ng aking espesyal na almusal, bigla na lang ako napatingin sa talaan ng mga petsa na kung tawagin ay kalendaryo at agad kong naalala na araw nga pala ng mga ina. Tsaka ko lang naisip na, “ahhhh, kaya pala madaming almusal, ang bait bait talaga ng nanay ko, hindi naman kaya nilalagnat lang yun?” (hehe) Matapos kong kumain ay naligo na ako, nagbihis at pagkatapos kong magbihis, napansin kong tulog na tulog pa rin ang dalawa kong kapatid kaya hindi ko na sila ginising at nilisan ko na ang aming pamamahay.
Mag-i-ika-siyam na ng umaga, nasa labas na ako ng aming tahanan at pumara ako ng isang pampublikong sasakyan (jeepney) patungong proyekto walo (project 8) upang puntahan ang isang kakilala na magpapagawa ng kanyang personal na makinarya (personal computer), inalok nya ako ng almusal na binili sa isang banyagang establisimyentong ang pangalan ay ronald mcdonald, dahil sa ako’y busog pa, tinanggihan ko ang alok niya kahit na ako’y nanghihinayang sapagkat libre ang mga pagkain na yun, sayang, hehe. Ginawa ko na ang aking sinadya duon at maya maya pa ay natapos ko na ito, madali lang naman pala, hindi naman pala ganun kakumplikado gaya ng aking inaasahan. Nag paalam na ako sa mag asawang nagpagawa ngunit hindi nila muna ako pinayagan at ipinilit nila na dun na ako mananghalian, tumingin ako sa aking orasan at nalaman ko na alas dose na pala ng tanghali, ang bilis ng oras at hindi ko man lang namalayan. Sa pag aalalang baka gutumin ako sa aking paglalakabay pauwi, pumayag na din akong duon na managhalian.
Alas dose y medya na ng hapon ng matapos kami, muli akong nagpaalam at inabutan ako ng pera ng mag asawa, bayad daw nila sa serbisyong ginawa ko, tanggapin ko na daw, pamasahe ko daw pauwi. Hindi na ako nakatanggi, kaya kahit na hiyang hiya ako ay tinanggap ko na din at ibinulsa ang kanilang ibinigay. Nagsabi na kami ng pasasalamat sa isa’t isa at kami ay nagpaalamanan na, pagtingin ko sa binigay nilang pera, napamura na lang ako at nasabing “putang inang pamasahe yan, dalawang libo?!? Bakit san ba ko pupunta? Sa davao?”. Habang ako ay naglalakad pauwi at naghihintay ng masasakyan, nabaling ang aking mga mata sa isang tindahan at binasa ang pangalan nito “ukay-ukay” at may nakalagay pang “we are on sale”, nasabi ko na lang sa sarili ko, ang sosyal naman ng ukay ukay na to, paenglish english pa. Pumasok ako at may bumati sakin ng “welcome sir, enjoy your ukay” tsk tsk, talaga naman, si ate gumaganun pa, tumingin tingin muna ako at sa tagal tagal ng aking paghahalukay ng mga damit na ukay sa ukay ukay ay may nakita akong isang damit ukay na kulay ube na pawisang damit (sweat shirt, hehe, korni) na ang tatak ay rip curl, “huwaw ang ganda” yun na lang ang aking nasambit, agad kong tinanong sa nagbabantay kung magkano ang halaga ng damit panlamig na iyon. “sixty-five only” yun ang kaniyang isinagot (aba si ate, parang hindi ko kakayanin ah, inglesera talaga) “hindi ho ba maaaring singkwenta na lang” yun ang aking sinabi at sumagot siya ng “mababa na yun iho, wala na kaming kikitain pag binigay ko pa sa iyo yan sa halagang hinihingi mo” (ayuuunnnn, marunong na man pa lang magtagalog si ate)kaya sinabi ko na lang ay ganito “sige na ate, kahit 60 na lang, kaganda ganda pa naman din ho ninyo” at sumagot siya ng “naku! binola mo pa ako, ok 50, take it” (haneffff talaga si ate, take it pa daw?!?) at ayun nga sa halagang animnapung piso, nabili ko ang rip curl na damit panlamig. Lumabas na ako at awa naman ng diyos, wala namang nagsabi ng “thank you sir, come again”.
Ala una na ng hapon ng ako’y makasakay. Nagpunta ako ng dangwa para bumili ng bulaklak para sa aking pinakamamahal na ina.
- Sumakay kami ng taxi.
- Nagkulitan kaming magkapatid at nagpicture picture muna habang nasa byahe.
- Dumating kami sa the block, sm north edsa.
- Nanuod kami ng when love begins dahil yun ang gusto ni mama. (pero alibi ko lang si mama, gusto ko din talaga yun panuorin kasi ang gwapo gwapo ni aga, wahahaha)
- Hindi kami nakuntentong magkapatid kaya bumili muna kami ng pop corn at softdrinks at nanuod ng what happens in vegas.
- Kumain kami sa wham! burgers.
- Yey, may isang daan pang sukli, haha.
- Naghintay sa aming inorder.
- Double 1/3 pounder wham, cheese burger (bale 2/3, haha, tama ba? 1/3 + 1/3 = 2/3, sa presinto ka na magpaliwanag, nyahaha).
- Mauubos ko ba yan?
- Huwaw talap!
- Yum yum!
- I want more.
- Picture picture uli pagtapos kumain.
- Pati sa mga comics.
- At pati ang poster hindi pinatawad, haha!
- Yosi muna habang abang taxi pauwi. (lagot ako kay rosel, hindi ako nagpaalam, hehe, ok lang naman cguro, ngaun na lang naman na uli, busog eh, haha)
- Sa dami ng tao, ang hirap sumakay ng taxi kaya nag-fx na lang kami.
- Haaay, kapagod, but it was all good!
- To my one and only parent, my mom,
- Hindi na namin kelangan si darna, si alwina ng mulawin, si lyka ng lobo, si marina, si dyesebel, volta, super booba, inday bote, at kahit na sino pang super hero, para sa amin, hindi ka lang isang ulirang ina, ikaw ang nag-iisang super hero sa buhay namin. Happy mother’s day mom-c! We love you too. A lot! =)
Kung may araw na masakit ang ulo nyo, isipin nyo na lang na wala yan sa sakit ng ulo na nabibigay nyo o naibigay nyo sa mga nanay nyo, maligayang araw ng mga ina sa nanay nating lahat!