Nasubukan mo na ba nung bata ka na pinangakuan ka ng nanay mo na kakain sa labas tapos hindi natuloy? Yung matagal mong hinintay, tapos sobrang excited ka, maaga ka lagi natutulog, ang sigla sigla mo sa umaga, tapos parang ang bilis bilis ng takbo ng araw, tapos pag gising mo sa araw na yun, biglang sasabihin na "anak may importante akong gagawin, hindi tayo matutuloy". Oo naiintindihan mo na importante yung gagawin na yun, pero bakit parang ang pakiramdam eh iba, bakit di mo maiwasang magtampo. May sense ba yung sinasabi ko? Kasi ako, parang di ko din maintindihan sinasabi ko eh, walang kwenta no?

O sige try kong explain ng mabuti, ibang analogy naman. Ganito yan, sabihin natin na gusto mong mag basketball, tapos, nag aya ka ng mga kaibigan mo, so ang ginawa mo, nagpareserve ka ng court, matagal pa yung date na napareserve mo kasi it's eighter na hindi available yung ibang inaya mo, o kaya may pasok ka sa trabaho, o kaya naman, may nakareserve na sa court. So may nakita ka ng date, let's say friday, tinxt mo yung mga kalaro mo, at ok daw sila nun, so pinareserve mo na yung court. Tapos pag sapit ng monday, biglang may nagsabi na hindi siya pwede ng friday, thursday na lang daw, so ikaw naman, kahit na hindi ka pwede nun kasi marami kang gagawin sa work eh pumayag ka na kasi gustong gusto mong magbasketball at gustong gusto mo ng makasama yung mga kaibigan mo at makalaro sila. Ngunit, subalit, datapwat, pag sapit ng wednesday night, biglang may nagtxt, siya rin yung isang hindi pwede ng friday na siya ding nagpamove ng sched sa thursday tapos sinabi na may importante daw siyang gagawin bukas, ang araw na napagkasunduan nyong magbasketball. Ang punto ko lang, I was trying so hard para lang makalaro at makasama sa basketball ang mga kaibigan ko, pero no matter how I tried, lagi na lang hindi natutuloy. Ginagawa ko na ang lahat, pati schedule ko ilang beses ko ng inayos para lang matuloy yung araw na yun, but then, hindi pa rin, bigo pa rin, malungkot pa rin, totoo talagang SHIT really HAPPENS! Pero kahit ganun pa man, hindi pa rin ako magagalit na hindi siya pwede, at hindi natuloy ang basketball, magtatampo lang ako pero maiintindihan ko pa rin siya. Masasaktan ako pero ok lang, kasi kahit ilang beses pang mangyari ang ganito, paulit ulit kitang maiimtimdihan kahit paulit ulit pa akong madisapoint at masaktan. Ganun talaga, ala naman akong magagawa. At kung meron man, ayoko namang gawin.

Naintindihan nyo na ba yung sinasabi ko? Ako kasi hindi pa rin, kaya ang walang kwentang bagay na ito ay ganito na lang at bigla na lang magwawakas……

2 comments

  1. Anonymous  

    Hahaha, tumatanda na tayo pedro, nauunawaan na natin ang mga bagay na nun gunang panahon ay tinatawanan natin. :)

  2. Unknown  

    TAMOOOOHH

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)