Gaya nga ng sinabi ni XienahGirL ako daw ay isang ginoong kompyus ang katauhan. Marahil ay ganun na nga, sa kadahilanang, laging may mga mumunting bagay na bumabagabag sa aking isipan. Eto nanaman ako, nabanggit ko nanaman na nag-iisip ako. Nakalimutan ko nanaman na wala nga pala akong isip at kung meron man eh kakapiranggot lang.
Mabalik ako sa primaheng usapin. Nakatunganga nanaman ako buong maghapon at bigla kong naisip kung pareho lang ba ang salitang "ok" at "fine". Napansin ko lang kasi na minsan, may nagtatanong ng "are you ok?" tapos ang isasagot eh "yeah, im fine." Naisip ko tuloy, pwede mo sabihing "im asking if you are ok, im not asking if you are fine." Kaso parang mas lalong gugulo lang. Ikalawang halimbawa. Pag sinabi sayo ng kasintahan mo ang ganito "ayoko na sa iyo!" maaari kang sumagot ng "ok!" o di naman kaya ay "fine!" Kaya kahit anong isip ko, parang pareho talaga ang ibig sabihin ng "ok" at "fine".
Habang naninigarilyo ako, bigla na lang sumagi sa aking hinagap ang ideyang ito. Kung pareho ang ibig sabihin ng "ok" at "fine" bakit may mga taong nagsasabi ng "i'm ok, but im not fine." at ng " i'm fine, but im not that ok." Parang analogy lang din eh. Halimbawa:
Given: (considering ok and fine are the same)
Fine = Ok
Red = Red
Pag sinabi mong "i'm ok, but im not fine", para mo na ring sinabing, pula ang suot ko pero hindi pula. Anak ng kaanak anakang anak ng mga anak. Aba'y parang pinagloloko pala tayo ng mga amerikano eh. May nalalaman pa ang gobyerno na proyektong ESL (English as a Secondary Language). Eh magulo naman ang mga salita ng mga amerikano. Yeah, I speak the language. But i did it because it is mandatory in school's academic subjects. And in order to graduate, you have to follow the rules. English/American people kept on saying that you should follow the rules but i can't help but notice that they keep breaking it themselves. For example, the word laughter, is the gh sounds ff? NO! How about the word manslaughter, it has the word laughter in it but we read it as man-isloter not mans-lafter. Now, I agree with ESL (English is a Stupid Language) DEMET!
Hinagilap ka ang ibig sabihin ng "ok" at "fine sa google, at eto ang mga nakalap ko:
OK
or o·kay n., pl. OK's or o·kays.
Approval; agreement: Get your supervisor's OK before taking a day off.
adj.- Agreeable; acceptable: Was everything OK with your stay?
- Satisfactory; good: an OK fellow.
- Not excellent and not poor; mediocre: made an OK presentation.
- In proper or satisfactory operational or working order: Is the battery OK?
- Correct: That answer is OK.
- Uninjured; safe: The skier fell but was OK.
- Fairly healthy; well: Thanks to the medicine, the patient was OK.
Fine; well enough; adequately: a television that works OK despite its age.
interj.Used to express approval or agreement.
FINEAyun, naliwanagan na ako, ang "ok" at "fine" ay literal na hindi magkapareho ngunit nagiging pareho, depende sa konteksto ng pangungusap. Ang "ok" ay mayoryang ginagamit sa pag sang ayon while "fine" is majority used in saying the state of one's self being well.
Maliwanag na madilim, maayos na magulo, naiintindihan na parang hindi, oo, siguro nga kompyus lang talaga ang katauhan ko. O siya, paalam, nagugutom na ako, kain muna ko.
May 29, 2008 at 4:21 PM
woy
nagsekan demosyon lang ako
nung sinabi mong
kompyus ka
kasi sabi mo
di ikaw si pedro
kung gayon sino ka?
ok?
fine.
hahahaha
June 11, 2008 at 1:47 AM
yeah definitely they have the same meaning but different ways of saying it. I agree that English are sometimes confusing...
June 11, 2008 at 9:29 AM
@xG fine! haha!
June 11, 2008 at 9:30 AM
@hazelicious929 ahmmm, uhmm, ahmmm, yeah, yeah. haha! hirap talagang mag-ingles. argh!