maligayang kaarawan edilberto legaspi (tunog ng tambol kasabay ng masigabong palapakpakan)
ika-tatlo ng hunyo, nagpapaantok ako, pagtingin ko sa oras sa aking
dumating na ang takdang araw, ika-pito ng hunyo, sabado. pumasok muna ako sa opisina at nagtrabaho. nung hapon na, tinatamad na akong kumilos at nakatingala na lang ako sa kisame. pakiramdam ko ay may mga pagkain dun, parang pelikulang cartoons na may naghahabulan na kanin at ulam paikot sa ulo ko, bigla akong ginutom. bandang mga alas singko ng hapon, ng makatanggap ako ng mensahe mula sa magdidiwang ng kaarawan, ito ang nakasaad sa mensaheng aking natanggap, "pre asan na kayo" biglang naghilab ang aking sikmura, bigla na lang sumagi sa aking hinagap na hindi pa nga pala ako kumakain magmula pag gising ko nuong umaga, naisip ko kasi na sayang ang pera, babawi na lang ako sa kaarawan na aking dadaluhan, kakain ako, yung maraming marami, para kahit hindi na ako kumain uli kinabukasan eh ayus na. dali dali akong sumagot at kahit matigas ang mga pindutan nito ay mabilis kong nailagay ang mga letra na bumuo ng pangungusap na "dyan lang u, papunta na me" (o di ba? baklang bakla yung text, haha!)
ilang saglit lang ay dumating na ako sa pagdarausan ng kaarawan. binati ko agad si edi (the celebrant) pagkabati ko sa kanya ay dali dali akong pumasok agad sa kanilang bahay at dire-diretso sa kusina, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinunggaban ko kaagad ang mga nakahandang pagkain. nagsunuran na ring kumain ang ibang mga nauna sa aking panauhin. mabuti na lang pala at sinumulan ko na. maya maya pa ay natapos na ang lahat, subalit ako'y nanatili pa rin sa harap ng hapag kainan, ninamnam ang bawat PUTA-heng pumapasok sa aking bibig, nginunguya ng malumanay bago ito lunukin. tapos na silang lahat, pero ako? hmmm, nagsisimula pa lang ang himagsikan! tuloy pa rin ang rebolusyon ng mga bulate sa aking tiyan na mag mula umaga pa lang ay hayok na hayok ng masayaran ng biyaya. lumipas ang ilang oras, at medyo nahiya na ako, kaya kahit hindi pa ako ganun kabusog ay tinapos ko na ang aking pagkain. ang daming pagkain, grabe. it's like, the sky is the langit! (tama ba yun?) yah! wateber! basta maraming pagkain, ayun!
matapos ang kainan ay sinimulan na ang inuman at kantahan. unang tagay sakin at inalok kaagad sa akin ang talaan ng mga kanta at ang mikropono. tinanggihan ko ito at sinabing maya maya na lang ako aawit. ang totoo, maganda naman talaga ang boses ko, pwede nga akong maging sikat na mang aawit kung aking nanaisin, ngunit ayaw ko lang gamitin ang aking mala-ibong adarnang tinig para kumita ng salapi, hindi ito ang linya ko. mabalik sa usapan, tumanggi ako sa dahilang, marami kasing mga panauhin ang naruon, mahiyain kasi akong tao, nsabi ko na lang sa aking sarili na mga 4 o 5 tagay pa, talu talo na. dumating nga ang oras na aking hinhintay, ang pagsapit ng ika limang tagay, tinantiya ko ang aking sarili, demet! aym drank! laban na to. muling iniabot sa akin ang talaan ng mga awit at ang mikropono, sinabi ko na pag pasensiyahan na nila ako kasi hindi ako handa. at para mapatunayan ko sa kanilang hindi ako handa, ay inabot ko ang mikropano ngunit hindi ko na tinignan ang talaan ng maaawit at bigla kong binigkas ang mga numerong 159625. (haha, hindi daw handa!) matapos ang kanta, nagpalakpakan ang lahat, hindi lang ang mga bisita kundi pati ang mga kapit-bahay na rin. haaay, kaya ayokong kumakanta eh.
ilang oras pang nagpatuloy ang inuman at kantahan, umiinom ako ng bigla akong nakarinig ng kaguluhan sa labas, nagkakagulo ang mga tao, nagtatabukhan patungo sa direksyon namin. naalarma agad ako, naisip kong marahil ay may mga nag away sapagkat nakainom na ang mga tao. ngunit nagkamali ako. nung matunton na ng mga tao ang aming kinauupuan, ay biglang sabay sabay silang nagsigawan ng "PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! " hindi na maawat ang mga tao, humihiling sila na kumanta ako. eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kung bakit kasi kinanta kanta ko pa yung time of my life ni david cook.
kinailangang dumaan ako sa daanan sa likod para lang matakasan ang mga dumagsang kapit-bahay na ayaw paawat na marinig ang aking boses. ang sarap talagang dumalo sa isang kaarawan. busog ka na, lasing ka pa. at etong mga kalokohang ito ang pruweba na hanggang ngayon ay lasing pa ako. haha.
SIR EDI, HAPPY BIRTHDAY! next year ulit. yung tupperware na pinaglagyan ko ng mga inuwi kong pagkain, tsaka ko na lang ibabalik. =)
June 10, 2008 at 12:49 PM
wow magaling ka pala na singer.. assstig!
June 10, 2008 at 1:12 PM
tHANKS pRE.. sa bday mo naman... ako naman ang babawi hahahahahha...
June 10, 2008 at 1:28 PM
@pipita - oo magaling ako, talo ko si david cook. parang david over-cooked ako, korni, haha!
June 10, 2008 at 1:29 PM
@eddie, walang na bawi bawi sir, wala naman akong panghanda sa birthday ko eh, haha.
June 10, 2008 at 9:04 PM
tae
mas natawa pa ako
sa reply mo kay pipita
david over cooked
hahahaha
:)
sa bertdey mo ba
manlilibre ka?
yahoo
at ang lightbox
asa iyo ngaaa
inggiterong kapitbahay
June 11, 2008 at 1:37 AM
wow! you should join some amateur singing contest!
June 11, 2008 at 9:43 AM
@xG ahaha, ako nga nakornihan, ikaw naman natawa.
hindi, pero kung magpapakita ka, cge manlilibra ako. :)
oo nasa akin nga ang lightbox, at oo inggitero ako. haha!
ang ganda naman kasi. impernes, haha, atleast di na kita ginawang tech support ng lightbox di ba? bleh! :)
June 11, 2008 at 9:45 AM
@hazelicious929 sorry dear, i'm too good to join an amateur singing contest. I can do better than that. haha! :)
June 11, 2008 at 1:02 PM
pre marami ng naniniwala sa talent mo ah... hmmm... Paburger ka na...
June 11, 2008 at 3:02 PM
@eddie, oo nga eh. dinudumog na nga din ng messages pati e-mail ko eh. hindi maganda to. haha!
June 11, 2008 at 6:51 PM
wah! gusto ko rin marinig ang boses mo!! haha
yan ang masaya sa parti talaga. maraming puds! haha!
June 11, 2008 at 8:32 PM
huwaw.. talo mo si david cook? :) nyahahahaha..
manlibre ka sa bday mo a.. wag ka magbblog leave o hiatus! huhunting-in ka namin. haha
June 12, 2008 at 10:04 AM
@hachi, sige one of this days, post ako ng entry, kakanta ako, itataob natin lahat ng mga sikat na singer ngaun. pero wag nyon ililink yung post ko ha, mahirap na baka sumikat, hindi pa man din ako sanay. BWAHAHAHAHA!
June 12, 2008 at 10:20 AM
@dakilang_tambay oo mas magaling ako sa david cook mo. ako si pedro, pedrong hilaw pa. korni nanaman argh!
sinong may birthday? bwahahaha! no comment! :)
June 17, 2008 at 10:54 AM
ang humble mo naman! hehehe
June 17, 2008 at 4:06 PM
@hazelicious929, oo hambog ako, hahaha!