(click dito para mabasa ang umpisa ng istorya)
Lumipat ako ng eskuwelahan. Itago na lang natin ito sa pangalang Montesorri. Sa eskuwelahan na ‘yon ko natutunan na umiwas muna sa pagmamahal. Hindi sa pagmamahal ng kaibigan kundi sa pagmamahal ng babae. Iwas bebot muna, parang masamang bisyo kasi, nakakaadik kahit na puro kabiguan pa ang hatid nito. Minabuti ko na lang na mag-aral ng husto. Painom inom at payosi yosi paminsan minsan. En samtayms, a litel seks drags en rak en rol. Sa ganun umikot ang istorya ng sekon yir hayskul ko.
May nakilala akong babae. Ayan nanaman, may nakilala nanaman. (Matigas talaga! ‘Di pa nadala ang putang ina!) Ngunit tinatamad na akong ikwento ito. Puro sakit at hinagpis lang kasi ang dinulot sa’kin ng mga alaalang sariwa pa rin hanggang sa mga oras na ito. Kaya para hindi ko na maalala pa, pas-porward na lang ang kwento. Natapos ko ang hayskul at ang iskor kard.
Oo – 1, Hindi –13 , Di-Tiyak - 1
Wuhooooo, akalain mo nga namang nakabingwit ng isa si PEDRO. Pero ‘di rin nagtagal ang lab istori, ayaw kasi ng pamilya niya sa kagwapuhan ko. (Dey eyes eyes my personality). Mga matapobre, muka namang mga mahihirap ang pag-uugali. Kaya muli, bigo nanaman ako. Sauce, lumang istorya na sakin yun, ano pa ba ang bago? Gusto ko lang linawin na sa 13 na sumagot ng hindi, eh hindi po sila 13 na tao, 5 tao lang yan. May isang tao lang na binasted ako ng siyam na beses. Matigas din kasi ang aking ulo, sinabi ng hindi, ipipilit pa, pag ayaw, edi ayaw, move on, galaw galaw, makulit pa kasi, ayan, inubos tuloy ang mala-pusang buhay ng puso ko.
Bumalik ako ng maynila upang magkolehiyo. Umpisa pa lang ng klase, may nakilala na agad ako. Lumipas ang ilang buwan, nahulog na saking bitag ang babaeng ito. Tangnang yan, akalain mo nga namang nakatsamba nanaman ako. Nagtagal din kami. Ayos naman
Oo – 2, Hindi –13 , Di-Tiyak – 1
Pinarusahan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi ang sama sama kong tao. Minsan na lang may magmahal sa’kin, tapos iniwan at pinaiyak ko pa. Hindi na ako nagmahal simula nuon. Hindi ko magawang magmahal sapagkat nakakaramdam pa rin ako ng pagkaguilty sa nagawa ko. Pero kahit anong pag-iwas at pagpipigil ko, may mga bagay talagang dumarating sa buhay ng tao, na hindi mo kayang balewalain kahit ano pang pagtitimpi mo.
Nakatapos na ako ng kolehiyo. At may trabaho na din ako. Isang gabi, nagbukas ako ng kompyuter ko, i-clinick ko ang ym ko at nakita kong online si Lorna, kabatch ko noong hayskul pa ako. Nagkamustahan, nagkwentuhan at pag sapit ng alas dose ng gabi, natuloy na ang lahat sa landian. Ilang oras na nagpatuloy ang aming landian hanggang sa sumapit na ang alas kwatro at nagpasya na kaming matulog pareho.
Siya: Uy, inaantok na ako, tulog na tayo.
Ako: Sino ba kasama mo diyan sa kwarto, pwede bang tumabi sayo?
Siya: Wala, ako lang, ahihihi, sakto, nilalamig pa naman ako.
Ako: Sige next time na lang, kunin ko na lang ang number mo.
Siya: Sure. Eto na. 0919xxxxxxx. Sige good night. Muahs. Text mo ko ha.
Ako: Ok, text kita minsan. Good night din.
Nagtext ako kinaumagahan. Ilang araw na naging ganun ang routine ng buhay namin. Magmula good morning pagkagising ng umaga, hanggang good night bago matulog sa gabi. Kulang na lang pati sa pag tae magtext pa rin kami, ganun kadalas ang pag-uusap namin na ngyari. Naging malapit kami sa isa’t isa, at isang araw, bigla n’ya na lang sinabi na mahal n’ya daw ako.
Umaariba talaga si PEDRO, nakabingwit nanaman ng pangatlo. Akala n’yo ba ayos ang ngyaring ito? Akala n’yo lang ‘yon. Parang karma sa akin ang relasyon na ‘yon, kasi lahat ng sakit natanggap ko. Isang bawal na relasyon. Isang pagtatagpo na nagaganap lang pag talikod ng kasintahan n’yang si Brando. Ang ending ng istorya: iniwan ako at pinili n’ya si Brando.
Oo – 3, Hindi –13 , Di-Tiyak – 1
Naulit pa ang ganitong katangahan sa buhay ko. Sa pagkakataong iyon ay sa katauhan naman Fe. Parehong eksena. May kasintahan din si Fe, si Restituto. At
Oo – 4, Hindi –13 , Di-Tiyak – 1
Ngayong panahong ito, binabalikan n’ya ako, pero hindi n’ya pa rin maiwan si Restituto. Sabi ko sa kan’ya, minsan na akong nagpakagago, i-galang mo naman
Para sa darating na huling babae sa buhay ko. Sa isang mapagmahal, mabait at malaki ang suso puso. Ito lang ang masasabi ko sa’yo. Mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko. ‘Iyong ‘iyo lang ang aking katawan ako hanggang kamatayan! ‘Yan ang itaga mo sa bato. Kumbaga sa red horse, i-bottom less mo! Hindi ko maipapangako na parang sun cellular na 24/7 ang magiging serbisyo ko sa’yo. ‘Wag naman ganun. ‘Wag ka namang abuso. Hindi ako si kuya germs (walang tulugan) at lalong lalong hindi rin ako ang sinasabi ni mike enriquez (hindi natutulog ang balita). Umiidlip din naman ako. Kung ang mantika nga natutulog din, ako pa kaya na tao lang. Oo nga, tama ka, sinabi ko na parang red horse na i-bottom less mo, ngunit gaya nga ng sinabi ko, hindi ako robot, tao lang ako, at sa haba haba ng inuman, darating at darating sa puntong malalasing din ako. Pero para hindi ka na magtampo, ito ang maipapangako ko sa’yo. Kung ikaw man ang magiging dahilan ng kalasingan ko, kahit mistulang magdilim ang paningin ko at mag black out pa ako, sumpa ko sa tatlong bituin, araw at walong sinag nito, kahit huling patak mo, lalagukin ko. At kailan man ay hinding hindi kita isusuka, kahit na magka-hang over pa ako.
Umpisa pa lang ng lathalang ito, sinabi ko ng hindi ito emo. Pero binabawi ko na ang sinabi ko. Kahit kasi pagbabalik-baliktarin pang basahin ‘to, madrama pa rin at emong-emo. Kompyus na nanaman tuloy ako sa katauhan ko. Komedyante ba talaga ako o isang emo?
Si willie revillame ng wowowee, isang komedyante, naglitanya ng “ikaw joey de
...
June 26, 2008 at 4:29 PM
kung sino man ang babaeng un.
ang malas..
este swerte niya kung matutupad lahat ng pinagsasabi mo dito..
haha!
June 26, 2008 at 6:52 PM
ito talaga ang kagulat gulat eh... self proclaimed komedyante ka pala.. tsktsktsk.. gusto ko sanang tumutol pero dahil blog mo to.. hindi na lang ako magsasalita.. my lola told na wag na lang magsalita kung hindi rin naman ito maganda..
Makakahanap ka din ng babae Mareng peter.. Antay antay ka lang.. Darating din sya.. Sana nga may mabulag ka..
hangad ko na makatagpo ka ng magmamahal sayo at mamahalin mo..
lubos na nagmamahal
your kumare;
FerBerta
*wink
June 26, 2008 at 6:58 PM
Hi napadaan lang..natuwa naman ako sa post mu...emong komedyante..pwedeng titol sa blog..ahehe...
wag mung hintayin..kusang darating yan ;-)
June 26, 2008 at 10:40 PM
RAWR! si aida, o si lorna, o si fe.
totoo ba tong mga to o nangti-trip ka lang?
natuwa ako sa pangalan ni restituto. parang di ko ma-imagine na may taong may pangalan talaga na ganun.
kawawa ka naman at siyam na beses kang nabasted ng isa, parang inapak-apakan pa ang puso mo pagktapos itong basagin. rawr.
tas ginamit ka lang ni lorna. baka naman kasi maganda ang abs ni Brando.
gagaya na rin ako at sasabihin na, tumigil ka muna sa kakahanap. kapag it's time for you to love again, dadating din yan, hahabulin ka pa. ahahah! rawr. or sumali ka na lang sa e-harmony.com.
apir!
June 27, 2008 at 9:39 AM
@churvah, swerte talaga nun. ako na ang pinakamagandang mangyayari sa buhay nya, sigurado yan. hahaha.
June 27, 2008 at 9:42 AM
@ferberta, lagi mo akong binabara, ang sweet sweet mo talaga, alam ko namang kahit puro mura ang tinatamo ko sayo, mga salitang kamatayan, huling tawa, at libingan ang mga sinasabi mo sakin, ay know deep inside na mahal na mahal mo ako. salamat kumare.
lubos na nagmamahal,
ang iyo ring kumare.
pedrita
June 27, 2008 at 9:44 AM
@ellieshe, salamat sa pagdaan, daan ka lang ng daan, haha.
buti naman at natuwa, yung mga regular readers ko kasi naaasiwa na, haha, isa na yang kumare kong si ferberta.
salamat sa advice. pwede ka ng maging dr. love. haha!.
June 27, 2008 at 9:47 AM
@tisay, RESTITUTO, kaawa awang bata, parang pinagtripan ng magulang. tila mga high sa droga nung nagpabinyag. haha!
50 percent ng entry na to ay totoo. 30 percent naman eh pure barbers cut and sarcasm plus 30 percent exaggeration. so total of, ahmmm, xet sobra ata ng 10 percent. haha.
well, anyway, i like that idea that you said. hahabulin ako ng babae, weeee, gusto ko yan. mapuntahan nga yang putang inang e-harmony.com, hahaha!
tnx tisay. :)
June 27, 2008 at 7:43 PM
ako pala emo ha!?! ahehehe.. nice pedro. hay lav et!
June 27, 2008 at 8:42 PM
wala pedro. mahalin mo na lang yang manok mo.wehehe.
June 27, 2008 at 8:56 PM
ang haba, hanubayun... pero bilang pa rin ang kurap ng mga mata ko. binasa ko ng buong buo, enjoy nga talagang magbasa basta kalablaypan ang tema.
petiks lan, dadating din yun, pero. . . baka naman may calling ka sa. . .hmmmm, hehe.
hmmm, siguraduhin ang mga binibitawang salita ha.
hehe, IMPERNES, daming dumaang gels sa iyong layp.
napraning pa din ako dun sa perslab...ang aga ngang kumerengkeng, tas nagpakawala pa sa iskul. perstaym akong makarinig nun.hehehe
June 28, 2008 at 9:00 AM
ayos! haba non ha! buti na lang malalaki ang letra kaya hindi nakakahilo.
Dadating din yan...jan lang yan sa tabi tabi. Ayos din trip nung isa nho akalain mo ipagpalit ka sa pangalang Restituto tsk tsk eh di hamak naman mas maganda ang pa ngalang pedro. hahahah
June 28, 2008 at 11:13 AM
@damdam, emo na kung emo. hahahaha. salamat. :D
@lunes, sauce, darating ang panahon na may iba ding hihimas ng manok ko. nyahaha. nagcomment ka ha, por da pers taym. natuwa naman ako *wink*
@napunding alitaptap, nagigiguilty ako, hindi ko pa nabibisita ang site mo. hahaha. dadaan din ako dun, pangako yan. =P marami talagang dumaang gelps, nagkataon lang na literal lang na dumaan ang mga putang ina. hahaha.
@chellie, AMEN ako sa sinabi mo. di hamak na mas maganda ang PEDRO sa RESTITUTO. ang baho kaya ng name nya. hahahaha! apir! salamat sa pagkumento. :)
June 28, 2008 at 11:21 AM
^_^ stayput ka lang ginagawa pa lang ng mga parents yung girl na para sayo... antay antay lang ipapanganak na din yung para sayo.. hehehehe
June 28, 2008 at 11:32 AM
yes naman. hahaha. pag nakita mo na yung babaeng yun, ipabasa mo sa kanya to. mantakin mong may mensahe ka na para sa kanya. wala pa nga siya, sa kanya na ang puso mo. yes naman. hehe.
si pedro. ang tahimik na komedyanteng emo na may hikaw sa tenga at tattoo sa katawan. *bow*
June 28, 2008 at 11:42 AM
@eniala, kamusta naman yun? lolo na ko, hindi pa dinadatnan yung batang yun. hahaha. salamat. :D
June 28, 2008 at 11:45 AM
@mnel, si doc, nag-comment din sa post ko sa wakas. kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito doc. maaari na akong mamatay! haha!
ahaha, at talagang nawindang kayo sa katahimikan ko. babawi ako next tym, magkakalat na ako, dadaigin ko si mariano para sayo ikatutuwa mo doc. pero xet, wishful thinking lang yun, nothing can beat mariano huwantso, ibang lebel talaga ang kakulitan nun. :D
June 28, 2008 at 9:01 PM
waaaaaaaa...frustrated murderer, esti lover pala. EMOtional ka rin pala.! Well, its just something we newly discover from you.
June 29, 2008 at 11:51 AM
wah. teka. di ba ko nagcomment dito noon? haha. madalas kasi eh pag bumibisita ako ng blog, nagbabasa at nagcocomment ako. baka yun yung panahong tinatamad lang talaga ako.
gusto mo na mamatay? tara. tulungan kita. haha.
June 30, 2008 at 9:28 AM
@dan, akshuli, frustrated blogger/writer ako, frustrated comedian, at frustrated drama actor. hahaha. hindi ko mapuntahan yung link mo, mag-iwan ka naman next tym ng link mo kung saan kita maaaring pasalamatan. sakamat! :D
@doc mnel, hindi ka kaya nag-comment. dami mo pang sinabi, sa presinto ka na magpaliwanag. haha. hindi mo ko pwede patayin, kasi doctor ka, bumubuhay ka ng patay, di ka pumapatay ng buhay. hehe. :D
June 30, 2008 at 11:07 AM
hehehe at least di ba? pero malay mo natutulog lang talaga yung girl na para sayo.. don't worry may katapat ka din. ;)
June 30, 2008 at 11:48 AM
@eniala, kung natutulog man siya, pwes, pagod na ako, kahit wag na siyang magising, wahahahaha. :D
June 30, 2008 at 4:22 PM
NABOBO AKO DUN SA SKOR KARDS AH! :))
Nako pare, iinom na lang natin ang kasawian mo sa pag-ibig. Yaks. Pero darating din naman ang tamang chiks para sayo! :D
Ika nga nila, boys do falling love!
Haha, gets mo ba? LULZ
July 1, 2008 at 10:07 AM
@utakGAGO, salamat moses. wahahaha.
ang totoo niyan, matinik talaga ako sa chick, gusto ko lang magmukang loser, kasi teknik yan sa mga babae, wahahaha. joke lang.
yung sa huli di ko nagets. english kasi. argh!
July 1, 2008 at 10:47 AM
.ahh. cge pagtiyagaan mo nalang pero bakit may frustrated pa talaga. You can be an actor naman, comidian and whatsoever na like mong maging.
July 1, 2008 at 11:46 AM
@dan, ahehehe, binonola mo na ako nyan. salamat sa pagbalik sa walang kakwenta kwentang page ko. =)
July 1, 2008 at 3:53 PM
hehe. ok lang. sino pa ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang, tsaka nakaka aliw ang mga post mong walang kwenta. haha.!
July 2, 2008 at 11:20 AM
@dan, salamat uli. hehe.
July 4, 2008 at 2:34 PM
love stinks pare. emo-dyante ka pala.. hehehe
March 6, 2013 at 8:20 PM
Hello just wanted to gіve you a quicκ heads up.
The words in your artiсle sеem to be running off the screen in Internet explorer.
I'm not sure if this is a format issue or something to do with internet browser compatibility but I thought I'd ροst to let you know.
The ԁeѕіgn looκ grеat
though! Hope уou get the problem fiхed
soon. Many thanks just click the up coming website
April 16, 2013 at 6:36 PM
Mу pаrtneг anԁ I absolutely love уouг blog аnd find nearly all of youг ρoѕt's to be just what I'm looking fоr.
can you offeг guest ωriters to ωгіte content fοr yourself?
I wouldn't mind creating a post or elaborating on many of the subjects you write related to here. Again, awesome site! Read Www.Getbackyourexnow.Com