Siyam na taong gulang pa lamang ako ng unang tumibok ang aking puso. Takot ako sa karayom nung bata pa ako, kaya grade 4 na ako, hindi pa rin ako tuli. Pero kahit supot pa ako nuon, naglakas pa rin ako ng loob na ipagtapat ang nararamdamam ko sa babaeng unang nagpatibok ng aking puso. Ano ang kanyang kasagutan nung tinanong ko siya kung mahal n’ya rin ba ako? HINDI! Tang ina kasi, kung bakit ba naman ang aga kong lumandi.
Oo – 0, Hindi - 1
Nasaktan ako at sa sobrang sama ng loob ko, sinira ko ang lahat ng mga pag-aari ko na nagpapasaya sakin. ‘Yung battery operated at remote controlled na kotse, yung mga G.I Joe, ‘yung mga mumurahing tau-tauhan, ‘yung mga jolens at trumpo, ‘yung mga teks (tsub, tsa, tagilid, akin) kasama pa yung paborito kong pamato na batas ng korenta’y singko. Pati ‘yung mga funny comics ko, ‘yung may eknok, combatron at planet of the apes, lahat yun, sinunog ko. Nagfile ako ng Leave Of Absence sa eskuwelahan na pinapasukan ko (elementary, LOA???), nagkulong ako sa kwarto habang nakikinig ng mga musika ng my chemical romance at the used, (aba teka, meron na ba tong bandang to nung panahon ko?) natuto akong manigarilyo at uminom ng alak. Sayang lang at patay na ang tatay ko, wala man lang tuloy nagsabi sakin ng, “Anak, ano ba ‘yang ginagawa mo sa buhay mo? Naturingan ka pa namang gwapo!”
Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan at taon. Sa wakas naka move-on na din ako. Matagal kong hinintay to, ang masaya at masiglang pagbabalik ni PEDRO. :D
*sound epek --- opening song ng voltes V*
Back to school na uli ang drama ko. Balik grade 4 nga lang. Kundi ba naman kasi ako tanga’t gago! Ng dahil lang sa babae, nagpakasira ako. Unang araw pa lang ng klase, napag-initan agad ako ng teacher ko. Mrs. MariĆas! Hinding hindi ko makakalimutan kailanman ang guro na nagpakain sa’kin ng siling labuyo. Napahiya ako sa buong klase pero hindi sumama ang loob ko, dahil sa araw din na ‘yon, nakilala ko si anna, ang babaeng nagtanong sa’kin kung ok lang ba ako.
Naging mabuti kaming magkaibigan ni anna. Ume-steady lang ako, chillax kumbaga, just goin’ with the flow ika nga ng mga amerikano. Hindi ko minadali ang pagsuyo, binansagan tuloy ako ng mga kaklase ko na diskarteng marino. Masaya ang araw kapag kasama ko si anna. Animo ngiting McDo ang laging mababakas sa aking mga labi. Sa isip isip ko tuloy nuong mga panahong ‘yun, sure ball na ‘to, kahit ipusta n’yo pa pati nanay at tatay n’yo!
Grade 6 na kami ni anna. Ok na
Oo – 0, Hindi – 1, Di-Tiyak - 1
Nakatapos na ako ng elementarya (ehem!), bagong kabanata nanaman ng aking buhay ang aking sinimulang tahakin. Hayskul layp! Yebah! Pers yir hayskul, praybeyt skul, bagong pakikisama, bagong mga muka, bagong mga kaklase, bagong mga chicks, at syempre,
First day of school dapat cool na cool!
Mas cool pa sa tubig ng swimming pool!
Dapat talaga maganda na agad ang pasok
Pagpasok mo ng classroom, dapat umuusok!
Literal na parang umuusok ang ulo ko sa init ng araw na ‘yon. Papasok pa lang kasi ako, dinampian na ako ng ‘sanglibo’t isang kamalasan. Mahuhuli na ako sa flag ceremony, nakakahiya, unang araw pa naman ng klase. Tumatakbo ako ng bigla akong may nakabanggaan na babae, sumabog ang mga dala dala nyang libro. Humingi ako na paumanhin kasabay ng pagtulong ko sa kanya sa pagpulot sa mga gamit n’ya sa semento. Nagkadikit ang aming mga kamay at bigla kaming nagkatinginan. Tila may 630 volts na kuryente ang dumaloy sa aking katawan. At sa mga sandaling ‘yon, tila siya at ako ay naging isa. Yiheeeeeeeeeee!
Masaya ang unang araw ng klase. Panget man ang naging simula nito, napawi naman ito agad, sa sandali na nasilayan ko ang nakasisilaw na kagandahan ng isang babae, babaeng sa unang tingin ko pa lang ay tinigasan na agad ako nabighani agad ang aking puso. Iba talaga magbiro ang pagkakataon, sa dinami dami ng magiging kaklase ko, yun pang babaeng maganda na nakabanggaan ko, siyempre, kinilig naman agad ako. Nilapitan ko agad siya at muli ay nagpaumanhin ako, at dali daling tinanggap n’ya naman ito. Mabilis kaming nagkagaan ng loob ni Aida. Madalas kaming kumain ng sabay sa kantina ng eskuwelahan. Lagi din kami magkasamang naglalakad sa school ground sa hapon bago kami magsi-uwian. Ilang buwan din na nagpatuloy ang ganung set-up namin, hanggang dumating ang isang araw na kinausap n’ya ako.
Paparating pa lang s’ya nuon sa tagpuang lugar na aming napag-usapan ay bakas na bakas kaagad sa kanyang mga muka ang kasiyahan. Naisip ko tuloy, xet, dis is it, mahal na ata ako nito. Panandaliang tumahimik kaming dalawa. Lumipas ang limang minuto.Tik Tak Tik Tak. At
Oo – 0, Hindi – 2, Di-Tiyak - 1
...
June 24, 2008 at 5:14 PM
err.. kulang ka lang sa diskarte.. at dahil dyan sayo na si rens.. naawa na ko sayo eh.. sawi ka pala sa pag ibig..
meron din akong kwentong puppy love (eto yun) kaya lang di tulad mo.. 13 na ako lumandi.. saka maganda ang ending ng akin.. ayun lang..
pity you.. bigyan kita biskwit... paglamayan naten ang susunod na pagkabigo ng iyong puso.. hahaha.. ineekspek na talagang mabigo ka eh no..
nagmamahal ang kumare mong si
FerBerta
June 24, 2008 at 11:38 PM
so sad naman. hahah! na 1-up ka na alfredo. dapat sinapak mo si alfredo. hahaha!
June 25, 2008 at 10:02 AM
awts nman!
huhuhu...
ang saklap nun,tol!
abangan ang susunod na kabanata.
ang haba na..itutuloy pa.
sus yn!
June 25, 2008 at 10:03 AM
aba!
at naka comment moderation ka na pla ngaun.
hehe.
June 26, 2008 at 1:27 PM
@FerBerta, oo, mahina talaga ako pag dating sa babae, maaari nyo ba akong turuan ni mariano? balita ko kasi kayo talaga ang matitinik sa babae.
nabasa ko na yung link na binigay mo dati pa. lurker mode pa lang ako sa site mo nun, di pa ako nagpaparamdam. :D
hmmmm, pag-iisipan ko kung itutuloy ko pa to, kasi tama ka, puro kabiguan lang din, baka wag na, hahaha!
June 26, 2008 at 1:28 PM
@Tisay, hactually, bagay naman si aida at si alfred, bukod sa parehong "A" ang simula ng pangalan nila eh pang love team din talaga ang dating nila. Isang basura at isang basurera! wahaha, bitter. boo! :D
June 26, 2008 at 1:28 PM
@churvah, gaya nga ng sinabi ko kay kumareng FerBerta, pag iisipan ko pa, baka hindi ko na ituloy pa ang kabalbalang ito. ganun din kasi ang katapusan, walang iba kundi ang kabiguan, haha!
comment moderation mode, wala lang maiba lang. :D
June 27, 2008 at 11:16 AM
tsk, tsk, tsk... Don't dare expect something big...you will get hurt in the end
June 27, 2008 at 11:54 AM
@hazelicious929, dont worry, i'm a man with low expectations. :D
June 28, 2008 at 11:24 AM
and they called it puppy looovvvveeee...
grade 4 din ata ako nagkaroon ng puppy love. at nung mgapanahong yun ay wala pang my chemical romance pedro pero may raggamuffin girl na. hehe.
June 29, 2014 at 2:48 PM
Hey! I know this is kind of off topic but I was wondering which blog platform are you using for this site?
I'm getting fed up of Wordpress because I've had problems with
hackers and I'm looking at alternatives for another platform.
I would be fantastic if you could point me in the direction of a
good platform.
Take a look at my page ... service de serrurier ahuntsic