Halos lahat ng mga nakakakilala sa akin ay alam na ang aking ina na lang ang nag-iisang magulang ko. Siya ang nagsilbing ama at ina sa aming tatlong magkakapatid na lalake simula pa nuong limang taong gulang pa lamang ako. Ng dahil dito ay naging sobrang close kami ni mama. Hindi lang siya ina kundi ama na rin, ate at isang mabuting tropa.

Mahirap ang walang kinagisnan na ama ngunit ano mang hirap ay ginawa lang itong simple ng nanay ko. Siya ang kasama ko nuong nagpatuli ako. Siya ang nagturo sa akin kung pano manligaw. Siya ang nangaral sa akin tungkol sa safe sex, magmula sa pag gamit ng condom hanggang sa withdrawal ay tinalakay n’ya sa aming magkakapatid. Lalake daw kasi kami kaya kailangang maging responsible at mas mabuting handa daw kami at maalam pag dating sa mga bagay na may kinalaman sa pagtatalik. Bilang isang lalake ay naiilang ako nuon na pag-usapan ang ganung paksa lalo na at nanay ko pa ang kaharap ko. Pero pagbali-baliktarin man ang pagkakataon ay wala din namang ibang mag gagabay sa amin sa mga ganung bagay maliban sa kanya.

Naalala ko nung grade 6 ako, dinatnan ako ng nanay ko na nagtitikol sa aking kwarto. Hiyang hiya ako sa kanya at nung maghahapunan na ay inakala ko na papagalitan n’ya ko. Kinakabahan ako sa pag aakalang papaluin n’ya ko sa pwet ngunit kabaliktaran ang ngyari, sa halip na pagalitan ay kinausap n’ya lang ako. “Mas ok na ‘yun anak kesa mag drugs”, ‘yan ang hinding hindi ko makakalimutang sabi sa akin ng nanay ko. Naalala ko din na binilan n’ya pa ako ng baby oil kinabukasan matapos ang insidenteng ‘yon, “gamitin mo sa libangan mo” nakangiting sambit n’ya pa sa’kin na parang nakakaloko.

Magkasunod lang ang edad namin ng kuya ko at dahil dito ay marami kaming hindi pagkakaunawaan nung mga bata pa kami. Lagi naming pinag aawayan ang mga laruang binibili para sa’min ng nanay ko at ang pag aaway namin ay laging nauuwi sa pag suntok n’ya sa muka ko. Olats ako lagi sa kanya ‘pag dating sa suntukan kaya umiiyak na lang ako sa tuwing dumarating ang pagkakataon na mina-manny pacquiao n’ya ako. Syempre ako ang kakampihan ng nanay ko, bibigyan ako ng magandang babae laruan at ice cream para lang tumigil ako sa pag-iyak ko.

Nuong linggo ay nagdiwang ng kaarawan ang nanay ko. Binilan ko siya ng cake at bulaklak bilang regalo. Manunuod sana kami ng sine pero epal ‘yung ulan at malakas na hangin kaya minabuti na lang namin na manatili sa bahay. Nag-inuman na lang kami nila mama. Masaya ngunit hindi ko matanggap na napatumba n’ya ako. Iba talaga nanay ko, nilasing kaming tatlo. ‘Yon ang dahilan kaya ginawa ko ngayon ang blog post na ito bilang pagpupugay sa kanya.--- Sa aking ina, salamat sa walang sawa mong pagmamahal sa’min. Maligayang kaarawan at sana ay maraming taon pa ang pagsamahan natin. OXOX mama, mahal ka namin, ngayon bukas at magpakailanman. Pomise!

35 comments

  1. Tisay  

    happy birthday sa mommy mo pedro! apir!

    mag-lock ka kasi ng pintuan. baby oil... zeusdemet. hahaha!

  2. TL  

    wow. bakit di mo sinama si mami mo nung berdey mo. mas masaya sana kung kasalo natin sya. kaw talaga, pakilala mo kami sa mami mo.

    nung isang gabi lang ay nag mother daughter talk din kami, di ko alam bakit nawiwirduhan ako. hindi kasi kami ganun ka close.

  3. Ayiene  

    AWWW! :) Define cool si Mother, parang friend lang. Cooler pa! :)
    Happy Birthday sa kanya! XD

  4. FerBert  

    mare

    happy bday kay mudra!

    ilock lagi ang pinto para hindi mahuling nagtitikol..

  5. churvah  

    happy birthday sa mama mo.
    haha!
    baby oil?

  6. eniala  

    aw ang sweet naman. ^_^ Happy birthday sa mama mo pedro!

    Maswerte ka at may mama ka ng sobrang cool.. biruin mo binilan ka pa ng baby oil... hehehehe

  7. mnel  

    haha. ang cute cute ng nanay mo. nakakatuwa. kita mo naman na all out ang support ng nanay mo sa mga kalokohan mo. hahaha. in fairness concerned siya sa iyo. nagawan ka pa niya bilhan ng baby oil. hahaha.

    happy bday sa mama mo. =)

  8. Roxy  

    Cool ni mama! Weh Close? happy bday!

    Dear god Baby oil. ayus. para nga naman wag ka mahirapan! hehe lol.

    Cheers to your mum! and to the baby oil... haha

  9. rok  

    wow naman! kunsintidor ang nanay mo pero cool men. haha.

    hapi bertdey sa kanya. =))

  10. Lyzius  

    happy birthday ke mami pedrita...

  11. napunding alitaptap...  

    just pay things back, or atleast forward. . .

    hmmmm, napakasupportive, nakakatuwa.

  12. lunes  

    happy birthday mama ni pedring!!! napaka-cool na mama..

  13. Pedro  

    @Tisay, makakarating kay mama ang iyong pagbati. hahaha, oo nga dapat mag-lock, pero ok lang yun, bata pa naman ako nun, hahaha.

    @TL, sabi ni mama magbakasyon daw kayo sa probinsya namin, mga bandang late oct or early nov daw. :D

    @Ayiene, ay oo, sobrang cool si mother, para lang talagang tropa. Makakarating ang iyong pagbati. =p

    @FerBert, ang totoo nyan mare, sira kasi yung lock ng pinto nun, hahahaha.

    @churvah, oo baby oil! hahahaha. teh shit! :D

    @eniala, salamat, yaan mo at ipapabot ko ang greetings mo. oo nga, grabe, kunsintidor na ina, hahaha. :D

    @mnel, pag kinuha mo yung battery sakin doc at andito pa si mama sa manila eh ipapakilala kita, makulit pa sa makulit yun, mawiwindang ka, hahhaha.

    @Roxy, hahaha, bakit alam mo kung anong gamit ng baby oil? ikaw ha! hahahahha. =P

    @rok, cool at kunsintedor talaga siya, pero hindi siya men. women. ay isa lang pala sa woman. hahaha. ang korni ko.

    @Lyzius, makakarating po ang iyong greeting. salamat. :D

    @napunding alitaptap, oo naman, lagi kong dinedate at nililibre sa dinner yong si mama, hahaha. yun pa lang ang kaya eh. :)

    @lunes, salamat aleli, super mom yun, cool na cool :D

  14. Mariano  

    Ay bertdey nga pala ni mami. Happy bertdey mami.

    Medyo ganto din ang nanay ko. Minus the tikol and the inom. Kahit minsan medyo nakakairita, labs na labs ko pa din siya. Parang tropa na din.

  15. PoPoY  

    natatawa talaga ako sa entry mo na to Pedring.

    Maglock ka nga ng pinto kapag ginagawa mo yun hahaha.

    dapt sinabi mo sa nanay mo na ang pagtitikol at drugs ay pareho lang, parehong nakakaadik. hehehe

    nice one. belatd hapi burtday sa nanay mo!

  16. Pedro  

    @mariano, astig ang mga cool na ermats, pero hindi pa rin talaga maaalis yung fact na minsan nga eh nakakairita. nanay kasi natin sila, hahaha, non sense yung sagot ko, tae, parang ako.

    @PoPoY, hoy hoy hoy, hindi naman ako naadik sa pagtitikol at hindi ko alam kung nakakaadik ang drugs, di ko pa kasi nasubukan, hahahaha.

  17. jericho  

    happy bday sa nanay mo. miss ko na nanay ko..:(

  18. Anonymous  

    baby oil?
    tsk
    hahahaha

    aabangan ko
    yung isabela adventure natin
    at
    wag mo na ako ikwento
    sa nanay mo
    dahil ikaw
    di kita kinukwento
    sa nanay ko
    bwahahahaha

    belated pibertdey kay mudraks
    :)



    .xienahgirl

  19. Dakilang Tambay  

    belated happy birthday.. :P

    pusa, baby oil? aus, napakasuportive ni mader a.hehehe

  20. Rio  

    halu..happy birthjday kay nanay mo..
    hehehe..natawa naman ako sa baby oil..=)

  21. mang badoy  

    happy birthday sa nanay mo at ibalik mo na daw yung hiniram mong kyutiks, headban at lotion na ginagamit mo twing nag jekjek ka!

    muah pedring!

  22. GYK  

    natawa ako dito.

    happy birthday sa nanay mo.

  23. GODDESS  

    kamusta naman at pinataob kayo ni mother sa inuman!??! how cool is that! karelate naman ako ng medyo kasi single mom din ako. kaya mabuhay ang lahat ng single moms!

    happy birthday kay mudra!

  24. Pedro  

    @jericho, salamat.

    @xienah girl, sana matuloy yung isabela adventure na yan. masaya yun. :D

    @Dakilang Tambay, ay oo, ang supportive ng aking ina, hahaha. xet, na yan, naalala ko nanaman tuloy. =p

    @Rio, salamat, makakarating ang iyong pabati. :D

    @mang badoy, acheche! hahahaha. salamat mang badoy.

    @GYK, salamat naman at natawa ka, salamat din sa bati. :)

    @GODDESS, bilib talaga ako sa mga single mom, kasi ganun nga din si mama. kaya tama ka, mabuhay ang mga single moms. cheers to that! :D

  25. dansoy  

    Pirst and Pormost i wud layk to grit ur mother a happy bonggacious b-day(belated pala).Gusto ko ring ilibre mama ko sa tuwing mag bbday siya pero wala ako pera kaya akap nalang at halik.
    nakak-haha naman yung nahuli ka ng nanay mo na nagtitikol. Suwerte mo nga kasi ang nanay mo ang nakahuli sayo at hindi tulad sakin, ate talaga.! sus.

  26. Roxy  

    oooh. May iba pa bang gamit ang baby oil? hahaha Just teasing :P

  27. damdam  

    belated happy bday sa mom mo..
    youre very lucky to have a fascinating woman to be with every day..

  28. Pedro  

    @dansoy, salamat.

    @Roxy, hmmm, teaser, hahahaha.

    @damdam, i am really lucky. hehe, salamat sa greetings. :D

  29. leviuqse  

    maligayang bati kay mama!!

  30. Pedro  

    @leviuqse, kapatid kita? hahaha, biro lang. salamat sa pagbati.

  31. Hachi  

    wahahahaha! binigyan ng baby oilll! astig nanay mo pedro! hahaha!

  32. Pedro  

    @Hachi, ay nako, sinabi mo pa, napaka astig talaga niyang nanay ko. wala ng mas aastig pa sa kanya. rakenrol. \m/

  33. enday  

    iniimadyin ko lang..
    nu kayang itsura mo nung nahuli ka habang *toot*
    haha..
    caught in the act ang eksena.
    tas binigyan ka pa ng baby oil,
    ehem..
    haha..
    kulit ng mama mo..
    pareho kayo.
    toinks!

  34. Pedro  

    @enday, lagot ka kay dudong mo, iniimdyin mo akong nagtitikol, bwahahahaha. hala ka! ahahahaha.

    makulit talaga mama ko, mas makulit pa sakin, hahahaha.

  35. Anonymous  

    am so spitsles..sanamabits...panisssssssssss....nyahahaha!!

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)