Ilang buwan pa lang ako sa mundo ng blogging pero pakiramdam ko ay napakatagal ko ng nagbloblog. Medyo madami na rin akong naging kaibigan dahil dito. Mga kaibigan na hindi ko maituturing na online friends “lang”. Mga kaibigan na sandigan mo hindi lang sa saya at ligaya kundi pati sa hirap na rin at problema.
Mangilang beses na din ako lumabas at gumimik kasama ang mga bloggers na tinutukoy ko. At sa bawat pag labas ko na kasama sila ay isa lang ang masasabi ko, hindi matatawarang ligaya ang aking nadama sa mga panahong kapiling ko sila. Masarap sa pakiramdam, maginhawa ang bawat sandaling nagdaraan, at magaan ang usapan na nauuwi sa halakhakan. Pero siyempre mas masarap pa din ang sex, hallller?!?!?! Sex kaya ‘yon! Zeusdemet! Hehe, nakawin ko muna 'tong zeusdemet expression ni Tisay. =p
Una akong na-star struck sa mga blogger nung unang coke event. Isang linggo ang nakalipas ng sinundan ito ng maliit na pagtitipon bilang selebrasyon sa aking kaarawan. Ang ibang kwento ng selebrasyon na 'yon ay narito at meron din dito. Na nasundan pa ng pagnuod ng cinemalaya film entry na nauwi sa kainan, kwentuhan, inuman at pag-inom ng taho kasi inabot na kami ng sinag ng araw.
Kahapon ay ang pinakahuling party na napuntahan ko. Birthday treat ni Sam. Punta kayo sa site n’ya dito, may porn, hahaha. Ito din ang pinakamaagang pagkakataon na umuwi ako ng bahay galing sa bloggers party. Wala pang alas dose ay nasa bahay na ako. Sandaling panahon lang kami nagkasama sama ngunit umulan pa rin ng halakhak at bumaha ng tawa. Magmula sa masamang titig sa’kin ni Doc Mnel, hanggang sa temporary restraining order ni Trina Labandera, sa ALT + F4 ko, sa flanax ni
P.S. (Pahabol Salahat)
Nagkantahan kami ng mga tinagalog version ng umbrella, low at clumsy. Sinabay ni Doc si M at TL. Nauna na si Xienah, sabay si Sam at FB at umuwi ako kasabay si Manding, yikeeeee! Labing labing, hahaha. Galante at nilibre pa ako ng pamasahe sa aircon na bus.---Umabot na ng cubao at bumababa na ako. Naglalakad ako ng may mapansin akong kakaiba. Hindi na ako nag-atubili pa at walang patumpik-tumpik kong kinuhanan ang litrato ng isang kanto. Hango ito sa ideya ni Mr.D.
‘Di ba may bandang Gen. Mc Arthur? Bwahahahahahaha!
P.P.S. (Pinaka Pahabol Salahat)
Congrats kay Mr.D sa pagiging humor blogger for the month of august sa kwentongbarbero.com. Maging si xG ay natanghal na ding humor blogger for the month of january naman. Natutuwa ako na nakilala ko ang mga batikan at mga sikat na blogistang ito. Pa-autograph at papicture nekstaym ha! Hehe.
August 2, 2008 at 2:01 PM
masarap sana makasama ang mga taong kapalitan mo ng kuro kuro at pinagkukunan ng opinion. problema nga lang, sa lugar namin, bilang lang sa daliri ang bloggers.. =(
August 2, 2008 at 3:27 PM
sayang hindi tuloy-tuloy ang kasiyahan. =(
pero akala ko talaga babangungutin ako sa dance step ni mariano.
asan na pala yung mga pichurs? =D
August 2, 2008 at 3:36 PM
mare
paakap nga!
salamat sa pakikiramay
salamat sa pagiging mabuting kaibigan..
mwah!
August 2, 2008 at 3:42 PM
@dramachinedoypi'03, oo masarap nga talaga, lalo na at puro matatalino pa ang mga nakakasalamuha kong ito. teka, taga saan ka ba at wala masyadong bloggers dyan?
@mnel, oo nga. ganun talaga buhay eh. shit happens. :(
ay doc, nawindang ako sobra sa dance step ni mariano, muntik ko ngang isuka yung kinain ko, potek na yan. hahaha. yung fektyurs eh upload ko na lang sa multips. i-visible to selected individuals ko na lang.
@FerBert, sige lang, yakap lang mare, tatapikin ko lang likuran mo. wag mo lang sisingahan yung damit ko ha, gagamitin ko pa kasi bukas yan. condolence uli. :(
August 2, 2008 at 4:31 PM
natatawa ako at may klik ako mula sa site mo
akalain mo
meron kang nauuto
bwahahaha
:)
starstruck?
ulol
hahahaha
.xienahgirl
August 2, 2008 at 4:39 PM
@xienah girl, ahahaha, katawa tawa nga yan. akalain mong may mga nagkliklik pala ng mga kagaguhang pinaggagawa ko.
may nag-pm pa sakin, anonymous blogger daw siya, ayaw magpakilala, rising star daw ako, huwaaaaat?!?!?!?! putang ina, hindi mo alam kung nanggagago o nang-iinsulto. hahahaha.
oo kaya, nastar struck naman talaga ako. hindi nga ako nakaimik di ba? hahaha. ang ganda mo kasi. :D
August 2, 2008 at 10:39 PM
wow. special mention. heheh! zeusdemet.
syempre inggit nanaman me. gusto ko rin makita si mr_D... hahha! pero ayus lang. nyahahaha!
August 3, 2008 at 4:00 AM
Waaah. Kakainggit. LOL
The friendship! wow hanga ako :)
Yun lang, nakikisaya lang :D >.< nagsasayasayahan. weh :P
August 3, 2008 at 6:51 PM
ang saya naman ninyo at that time. From blogster to friendster na ang pagsasama ninyo. Bilib naman talaga ako sa nagagawa ng blogging.!Sarap ng kainan.
August 3, 2008 at 10:11 PM
sarap siguro nyong makasama ano? hmmm....
August 4, 2008 at 9:32 AM
@missTisay, ahahaha, oo naman, baka kasi copyrighted yang expression mo eh, mahirap na, hahaha. umuwi ka na kasi dito, para makamtam mo na yung sinabi ni Mr.D na isang buwan na iaalay niya sayo. :D
@Roxy, ako nga din ay nagulat, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng mga kaibigan ng dahil sa pagbloblog. isa lang masasabi ko. MASAYA! =p
@dansoy, marami din namang bloggers diyan sa parteng mindanao, bakit di ka maghanap ng mga makakasama mo diyan?
@pensucks, sila lang, ako kasi walang kwenta, hahahaahha.
August 4, 2008 at 12:18 PM
pedring ang sweet mo! pa kiss nga hangang tonsils!!!
August 4, 2008 at 9:29 PM
wow.. ang saya nyo naman...
namamasyal lang po =)
August 5, 2008 at 12:36 AM
sa susunod wag na tayong lumayo kung saan saang kainan pa. sa parking lot na lang tayo.
August 5, 2008 at 2:22 AM
hanep ang sandamakmak na plugging ng mga blog namin.
thank you pedro sa pagsabay sakin. natuwa ako. :)
sana wala ka nang sakit.
[akala ko nakacomment nako dito sa entry nato.]
August 5, 2008 at 10:04 AM
@mang badoy, iba na lang kiss mo, yung kwan na lang, mas matamis. hindi ko pa natikman pero yun kasi ang sabi nila hahahahaha.
@lambing, wow naman, napadpad ka dito sa bahay ko. salamat. :D
@mr_d, oo nga eh, pagkalayo layo naman kasi ng mga pinagkakainan natin. mabuti na lang at libre, hahahaha.
@TL, hahahaha, sandamakmak nga. nung na-i-publish ko na tsaka ko lang napansin na pagkadami daming link, hahaha, chinicheck ko sa out click stats ko, may mga nagcliclick naman, hahahahaha. at siyeeeet, hanggang ngayon may sakit pa rin ako. huhuhuhu.
August 5, 2008 at 3:06 PM
howdy pedro!
hardcore nga an nadadala ng blogging sa buhay ng tao, aside from prensip, madami-dami na rin akong naririnig na nagiging magboyps at gelps sa blogosperyo!
back to prensip, OO TALAGA. masaya nga talaga! iba din ang suprota at simpatya na nakukuha sa mga blagista friends...
o well, same location kami ni dramachine03. oo nga, maonti ang bloggers dito, teka, maitreat kaya to si dramachine.ahahaha! kawawa naman kasi, at least ako, babalik na sa manila(inaway) ahahaha!
apir! flyfly!
August 5, 2008 at 3:24 PM
@napunding alitaptap, URAGON naman pala. :D
iba talaga ang blog. parang pelikula lang din at komiks. may drama, may action, may away, may comedy, may love story at may sex scandal. hahahaha.
kelan ang balik mo? hmmm, parang nabasa ko pangalan mo sa reg form ng coke event 2.
August 5, 2008 at 9:05 PM
ANAK NG TOKWA.
mejo iningget mo ako dun
tae kasi tong lbm ko. arrghh
naiinggit ako talaga.
August 6, 2008 at 11:00 AM
@Dakilang Tambay, hahaha, eh ikaw kasi eh. ako nga may trangkaso nun eh. putlang putla ng ako nun eh, tanong mo sila. si mr.d may sakit din nun, inuubo. sana nagpunta ka, ang daming PIZZA! hahahaahha. :D
August 6, 2008 at 12:29 PM
tae sorry kung malayo kung kinainan ha. pft. ayoko na.
pedro, you are also the woman.
August 6, 2008 at 12:34 PM
@Saminella, nye! hindi naman ako nalayuan. akshuli, ang bilis ko nga nakauwi, tapos isang sakay lang ako papunta. ok naman. at ang sarap ng pizza. may sakit lang talaga ako pero masaya naman. :D neksyir uli! =p
August 6, 2008 at 11:17 PM
nakakaingit ka naman kayow. =(
August 7, 2008 at 10:24 AM
@TENTAY™, edi magpakita ka din kasi sa mga kapwa mo bloggers para masaya. :D