Bata pa lang ako ay hilig ko na talaga ang magsulat. Naalala ko pa nga nung minsang nagalit sa’kin ang lola ko sapagkat sinulatan ko ng uling ang pader namin. Wala lang, naikwento ko lang. Pagsusulat din ang naging sandata ko upang makamit ang matamis na oo ng unang babae na nauto ko aking naging kasintahan. Naalala ko din nung elementarya ako, sa paggawa ng sanaysay ako lagi nakakakuha ng mataas na marka. Puro kasi pambobola at kwentong barbero ang ginawa ko nuong minsang pinagawa kami ng sanaysay na ang titulo ay “Bakit mo paboritong guro si Ginang Marinyas?”

Naging kasapi ako ng pahayagan ng eskwelehan kong Montessori nung hayskul. Pagsusulat ng balitang isports ang naging linya ko. Taong 2000 ng mapasali ako sa isang journalism competition. Isa ako sa labintatlong estudyante na napili upang kumatawan sa aming eskwelahan. Nagsimula ang kompetisyon sa District Schools Press Conference at nangyari ang hindi inaasahan. Nakuha ko ang ika-pitong pwesto, ibig sabihin, pasok ako sa Division Schools Press Conference. Astig, aym da man! Marami akong ginulantang nuong mga panahon na ‘yon. Ultimo mga kasama kong kalahok at dalawang titser na walang silbing nagsilbi bilang coach sa’min sa kompetisyon ay hindi makapaniwala na nanalo ako. Hindi ko sila masisisi. Isa kasing pilyong palikerong gago ang naging imahe ko sa eskwelahan. Na-stereotype na ako, nailagay na ako sa isang kahon at nalagyan ng marka, marka na palatandaan na ako’y isang gago. Animo’y alam na nila kung ano lang ang kaya ko. Hanggang dun na lang ako. ‘Yun ang akala nila!

Magmula labingtatlo ay lima na lang kaming nakapasok sa DSPC. At muli ay nagwagi nanaman ako at nakapasok sa Regional Schools Press Conference. Tandang tanda ko pa, bilyar ang laro na gagawan ng balita. Mainam, kasi pamilyar ako sa mga salitang ginagamit sa larong ‘yon. Magaling ako sa mga tumbukan at takohan. Pati sa pagtira tira ay mahusay ako. Sargo kung sargo. Kahit na nakatuwad at nakaliyad kaya kong ipasok ang dapat ipasok. Alam ko ang rules, alam ko ang laro, madali lang ‘to sabi ko sa isip isip ko. Kilala ko na ang mga kalaban. Alam ko na kung gaano sila kagaling. Pero tiwala ako sa sarili ko. Alam ko na kaya kong umabot sa National Schools Press Conference. Tiniyak ko ‘yon sa nanay ko, sa mga kaibigan ko, sa punong guro namin, sa titser na gabay ko, sa mga kasamahan ko, sa takatak boy sa kanto na nagbebenta ng yosi, kending stork at vicks, kay mang carding na magtataho pati na sa alaga n’yang pusa na si mingming, sa mga harurot boys na traysikol drayber, at higit sa lahat, tiniyak ko ‘yon sa sarili ko. I’ll bring home the bacon! Yeah baby! Yeah!---Ngunit nabigo ako, at kung ano man ang kadahilanan ay hindi ko na ikwekwento. Ayokong sabihin pa na isinisisi ko ang kabiguan ko sa ibang tao.

Pumasok ako ng kolehiyo. Nabasa ko ang kampus nyus peyper. Binalak kong lumahok dito, ngunit umurong ang bayag ko. Wala na akong tiwala sa kakahayan ko. Kahit may pitpitang itlog pang maganap ay hindi na magbabago pa ang desisyon ko, hindi na ako ganado. Lumipas ng mabilis ang mga araw, buwan at taon. Halos patapos na ang kaleyds layp ko ng may mabalitaan akong patimpalak sa pamamahayag. Ito ay ang The Philippine Campus Journalism Awards. Nabuhay na naman ang sensasyon sa katawan ko. Parang gusto kong humablot ng bolpen at mag-ubos ng tinta sa kapirasong papel na hawak ko. Gusto ko kaagad gumawa ng draft para sa kompetisyon. Kakaibang pakiramdam, pakiramdam na apat na taon kong hindi nadama. Gumawa ako ng piyesa ko at napagdesisyunan kong ilahok ito. Anong nangyari? Putang ina, asa pa, edi syempre olats. Pip pleys lang ako. Ang masakit pa, pang lima ako samantalang aapat lang kami. Ayoko na, tama na, tapos na ang yugtong ito ng buhay ko, ‘yon ang tinatak ko sa kokote ko. (Impernes ay nanalo naman ako ng Texter’s Choice Award pero sigurado akong higit pa sa kalahati ng mga boto ay nanggaling sa akin mismo at sa mga kamag-anakan ko.)

Natapos na ako sa kolehiyo. Nagkaroon ako ng trabaho. Kinalimutan ko na ang pagsusulat. Hanggang isang araw na nag-iinternet ako at natuklasan ko ang salitang blog. Una kong nabasa ang blog ng isang blogger na kilala sa pangalang Xienah Girl. Hindi pa siya sa chiksilog.com dati. Dito pa siya sa site na ito naglalathala nuon at dahil sa inggitero ako ay gumawa din ako ng sarili kong blog site na hindi ko na babanggitin pa ang detalye. Matagal na panahon din akong naging lurker ni Xienah. Alam halos lahat ng nakakakilala sa’kin sa blogosperyo na si xG ang pinakahinahangaan kong blogista. Sa totoo lang, wala ako ngayon kung hindi dahil sa kanya. Sinara ko ang unang blog site na ginawa ko. Hinanap ko uli ang kumpiyansang nawala sa akin at ng matagpuan ko ito ay nagbukas muli ako ng panibago. Ito na iyon ngayon, ang ikalawang pagtatangka ko sa mundo ng blogosperyo.

Nuong bagong bukas ang diakosipeterpromise.blogspot.com ay may muka ko pa sa header/banner nito, subalit matapos ang ilang linggo ay tinanggal ko din ito agad at pinalitan ng panibago. Pinili kong magpaka-anonymous blogger kunwari sa paniniwalang hindi mahalaga ang kaanyuhan ng isang blogger, ang importante ay ‘yung mga kabuluhan ng pinagsasabi n’ya. (which in my case eh wala ding kwenta) Ayoko naman kasing dumating ang isang araw na may mga nagbabasa sa’kin dahil lang sa gwapo ako. Simple lang naman ang nais ko. ‘Yon ay walang iba kundi may magbasa sa mga pinaggagawa ko kasi nagugustuhan nila ang mga pinagsasabi ko. Kadalasan sa mga entry ko ay kwentong kutsero pero sitenta prosyento nito ay hango sa mga tunay na pangyayari ng buhay ko. Hindi ako mismo ang blog ko pero may pagkakakilanlan kami nito. Walang kwentang blog, emo na entry, masayang lathala, mahalay na post, maraming mali at may mga typo error. Ganun din ako, isang normal na gago tao, maraming pagkakamali sa buhay at hindi pekpek to perpekto.

Pinipilit kong maglathala sa wikang tagalog. Hangga’t maaari ay ayoko sanang may ingles na salita pero may mga pagkakataon talaga na ang pag gamit sa mga salitang banyaga ay hindi maiwasan. Pinili kong magpahayag sa wikang tagalong para mas maintindihan ito ng mas nakararaming kababayan natin. Hindi ko naman sinasabing bobo ang mga Pilipino para hindi makaintindi ng ingles. Ang punto ko lang, kung nanaisin ko na maiparating sa mga mambabasa ng derecho at malinaw ang mga sinasabi ko ay mabuting Filipino na lang ang wikang gamitin ko. Masaya ako ngayon sa ginagawa ko. Nagsusulat ng kung ano ano sa paraang hindi pormal. Walang sinusunod na batas sa pagsulat. Walang pinagbabatayang wastong istraktura. Walang tama, walang mali, mga opinyon lang at saloobin. Sariling pananaw na hindi ko naman pinagpipilitang gawin n’yo ding sarili n’yong pananaw.

Nagbabalak na akong dalin sa ibang lebel ang kaganapang ito ng buhay ko. Pinag-iisipan kong bumili ng sariling domain kaso ay wala pa akong maisip na magandang pangalan para dito, maliban sa supotsipedro.com at maliitnaetitsnipedro.com. Kung iisipin n’yong kinakarir ko na ito, ngayon pa lang ay uunahan ko na kayo. Seryoso po ako sa ginagawa ko dahil napapasaya ako ng bagay na ito. Ngunit hindi porke seryoso ako ay kinakarir ko na ito. Naglilibang lang ho ako. Hindi ko nanaising sumikat o makilala. Sa nakikita ko kasi ngayon, binabatikos lang at ginagawan pa ng isyu kapag sikat ka. Ayoko ng ganun. Hindi cool. Wala din akong balak na gawing training ground ang blogging para sa seryosohang pagsusulat. Hindi sumasagi sa isip kong mag-enroll ng short courses sa pagsusulat. Wala akong planong mag-apply at gumastos sa mga writing workshop sa ABS-CBN 2 at GMA 7. Hindi ko pangarap na makapagsulat ng libro dahil hindi ko kayang harapin ang hamon ng katanyagan. Hindi ako sanay sa mga pagkakataong magriring ang cellphone ko at malalaman kong si BOY and KRIS pala ang nasa kabila ng linya at iniimbitahan akong mag guest sa kanilang programa. Wala akong lakas ng loob para magpromote ng isang baguhang produktong papasikatin sa pamamagitan ko. Hindi ko kayang i-handle ang pressure pag inalok ako ng isang politiko para i-endorse siya sa susunod na eleksyon. Ayokong magpagamit sa mga telebisyon isteysiyon, sa mga produktong wala namang saysay, sa mga trapo at buwaya ng lipunan alang alang lang sa pera. Kung may mga tao mang nakatakda para gawin ang mga bagay na ‘yon ay nakasisiguro akong hindi ako isa sa kanila. Nais ko lang lumigaya at ang kaligayahang ‘yon ay natagpuan ko sa mundo ng pagbloblog. Ganun lang kasimple, walang labis at walang kulang. Tapos ang usapan. Tuldok. Wakas!

Gusto kong magpasalamat sa mga naging kaibigan ko sa pamamagitan ng blog. Sa mga taong walang sawang nagbabasa sa mga walang kabuluhan kong lathala. Sa mga taong nagkukumento. Sa mga nag-iiwan ng mensahe sa chatbox at nagsasabi ng care to x-link? Sa mga lurker kung meron man. Sa mga kumokontak sakin sa pamamagitan ng yahoo messenger para itanong kung wala pa ba akong bagong post. Sa mga nagsasabing wrong ispeling at wrong grammar daw ako. Sa mga kritiko, sa mga pumupuna, sa mga pumupuri at sa mga babaeng handang mag-alay sakin ng kanilang puri. Kung alam n’yo lang, hindi matatawaran ang ligayang dulot nito sa’kin. Sa lahat lahat, ipinapaabot ko sa inyo ang aking taos pusong pasasalamat.

100 araw na po simula ng ginawa ko ang blog site na ito. May 7,975 page loads. 4,558 unique visitors. 8 categories. 46 entries. 330 comments. At milyong milyong mambabasa mula sa iba’t ibang panig ng mundo na nag-aral pang magtagalog para lang mabasa ang mga lathala ko. Sa inyong lahat, maraming salamat! oxox tayong lahat. Kapit kamay, buklod buklod, sama sama, at walang bibitaw. Ang magpaiwan may tae sa pwet. Paramis! :D



...

66 comments

  1. Anonymous  

    nasabi ko na ito
    hindi ako naging parte ng kahit anong koponan na may kinalaman sa panulat
    panghihinayang ko talaga yun

    mababa ang marka ko sa sulating di pormal
    olats ako sa guro
    tsk

    naaalala ko nung
    100th day ko sa parapnasia
    potah
    akala nila
    100th post ko
    mga ulol sila
    hahaha

    kakaiba yung adiksiyon sa paglalathala
    at hindi ko alam na ako na naman pala ang may kasalanan kaya may ipinanganak na blogista

    ako ako
    lagi na lang ako ang pasimuno
    the shit

    tuloy mo lang yan pedro
    keri mo na ito
    ikaw na ito
    wala kang dapat
    ipagpasalamat sa akin
    kung tutuusin
    ako pa nga ang dapat
    magpasalamat sa iyo

    we share the same level of crazyness
    :)




    .xienahgirl

  2. Anonymous  

    ang sipag gumawa ng entry. congrats, akalain mo may lurkers na.tsktsk. bongga na ang leveling. nawa'y sipagin ka pa, at marami ka pang pwedeng aliwin. hindi mo na kelangan maghusto para makapag bigay aliw.

    Ipagpatuloy ang adiksyon na eto.

    magaling.

  3. old ka silyas  

    ayus ang galing mo pala, nakakatuwa at nakakatawa, paramis den

  4. Anonymous  

    nice site
    care to exlink?!

    bye

    hahahahahaha

  5. Anonymous  

    hindi ko na talaga ma reach ang post na ito.!

    Sumali din ako sa contest na may kauganayan sa sulatin..

    Sumubok at napakapasok,
    Doon lang ako nalaglag pagdating sa talumpatian, pero kahit papaano masaya ako dahil bilang baguhang nakapagsulat ng mataas na sanaysay, nakita at na-apreciate ng mga judge ang nagawa ko.

    Ibang klase talaga ang pagsusulat. Mapapamahal mo ang tao sa pamamagitan nito.

    Salamat pedro, may realize na naman ang bata.! haha.! gago pala ang idol ko. hehe

  6. Anonymous  

    ano ka ba, marunong ka naman magsulat. di ka lang marunong magkoment.

    napakasipag mong bata ka. pagpalain ka ng Diyos. yey!

  7. Anonymous  

    magandang pangalan ang supotsipedro(dotcom)

    ilang babae na ang nagalay ng puri sayo? hahaha!!! dahil dito sa blog mo? weh?

    hahah! tuwa ako d2 s blog mo kasi marami akong natututunang malalim na salita. heheh! apir na lang!

    happy 100th day sa blog mo.

    p.s.

    anong tagalog ng chocolate hills?

  8. jiMboy  

    sinubukan ko din magsasali sa mga yan. Ayun palaging rejected oh kaya madaming edit ang ginagawa ko. Di daw appropriate mga contents ko. Sinasabi ko lang naman kung anu ang nangyayari sa tunay na katotohanan(redundant?? LOL). Naisip ko na lang na masyadong tradisyonal ang approach nila na di ko masakyan trip nila kaya wag nalang haha..

    anyway, nice post! di ka na ma-reach XD

  9. Anonymous  

    sa sobrang mahal mo sa pagsusulat, naaalala ko yung unang beses na nagcomment sa blog ko.

    ang haaaaaaaabbbbbbbbbaaaaaaaaaaa


    nawalan tuloy ako ng gana magreply. hahaha.

    salamat sa pagkakaibigan pedrita. masaya ako na may kaibigan akong maganda.

    mas bagay sa iyo yung prettypedrita.com lolitang-lolita ang dating. hehehe.

    yung batteries ko ha.

  10. Anonymous  

    dear pedro,

    ako lumiham sayo upang ipaalam na ang manyak manyak mo biruin mo sinabi mong "Pati sa pagtira tira ay mahusay ako. Sargo kung sargo. Kahit na nakatuwad at nakaliyad kaya kong ipasok ang dapat ipasok"

    puro sex yan, wag ganun... ayusin mo ha... heheh!!!

    happy 100days... muah! i love you.. take care... miss your hugs and kisses...

    love,
    mang BADoy

  11. Anonymous  

    Bob Ong kaw ba yan?!! hahaha!!! nice blog! mabuhay tayong mga typo error addicts at informal ang gramar! >.<


    -brenznotfull

  12. Anonymous  

    Happy 100th day sa blog mo pedro...


    Winner ka pa rin! ^___^

  13. PoPoY  

    Pedring, pinahanga mo ko sa entry na to. Itinaas mo ang lebel ng pagtingin ko sau, i karass u na, TAE KA!!! hahaha.

    *seryus mode*

    Naalala ko ang mga panahon nung elementary pa lang ako. Ang sama sama ng loob ko dahil ndi ako isinali sa YOUNG WRITERS SEMINAR nuong ginanap sa school namin. Bagkus naging entertainer lang nila ako dun, pinaawit ako. shet talaga. Iba ang pakiramdam pag sinabing magaling ka magsulat, may saysay ang sinusulat mo, at hindi ko nararamdaman yun ngayong blogger na ako. Tinamaan ako sa comment mo sa nakaraan mong entry Pedro. Kung titignan mo ang site ko ngayon makikita mo dun na under construction yun, isang palatandaan na inaayos ko ang site ko, obvious ba? ahahaha.

    Tae ka. Tinamaan talaga ko dun. Pero salamat kasi gago ka ndi ka plastik sinabi mo yung totoo.

    Pareho tayo, si xGirl din ang dahilan kung bakit ako nagblog at alam nya din yun. Malaki ang utang na loob ko sa babaeng yun. Kaya ganun na lang ako kung masindak sa kanya.

    Keep it up Pedro. Born-writer kang ungas ka :D

    More entries to come. Bili ka na din ng domain. Mayaman ka na naman :)

  14. Hadassah  

    yung mga schools press conferences na yan, puro rules, rules, at rules.

    hehe.

    dumaan lang at naki-sulat.

  15. Anonymous  

    nalula ako sa haba ng post.
    binalak kong tumigil na sa kalagitnaan kaso nasimulan ko na, kailangan kong tapusin.
    Hehe..
    naks! 100 days na ang iyong blog.
    congrats..
    wag kang mawalan ng gana sa pagsusulat,
    magaling ka naman eh.
    Sikat ka na nga sa mundo ng blogging eh.
    apir!

  16. Anonymous  

    --

    talo mo pa rin ako, di ako umabot ng regional eh

    letsugas nga ung kpatid ko, hanep nanalo p ng 2nd sa NSPC

    hakhak

    elyens

    XXXxx

  17. Anonymous  

    nkakahanga. alam m b pedro ( parang kilala kita) hehe, nastucked ako sa tapat ng pc qo sa loob ng 6 oras kakabasa ng mga post mo hehe.6 n oras mtgal msyado gwin nting 5. hehe npahanga ako :) umepal aqo mglagay ng comment para sbhin n kukalat na ang skit ng pagbabasa sa blog mu haha dhil nga epal aqo, snbi ko sa isang friend ko n ngagandahan aq sa mga sinusulat mo at adik din sya tnpos din nya ang mga entries mo hehe.la lang. haha. dumaan lang n npakahaba ng komento.hihi.

  18. Anonymous  

    ang galing nemen! haha!
    kahapon ko lang nabasa lahat ng entries mo. kakatuwa!

    ako yung tinutukoy ng
    nasa taas na nag-comment.
    kaya nagcomment din ako.
    haha! halatang inggitera.

    -uno_phom

  19. Mar C.  

    naks! galeng mo pedro ah, astig ka. hmm.. parang gusto ko tuloy iadd kita sa blog roll ko.haha

  20. @chellie@  

    ayos magaling! magaling! magaling! Congrats! BURJER BURJER BURJER... thanks uli sa code hehehe

    keep it up tsong...enjoy ako sa site mo cool!!!

  21. Anonymous  

    Naging bahagi na ng pang-araw araw kong pagngiti ang magbasa ng mga blogs ni Peter. Lage ko naman syang pinupuri pero umaalingawngaw na "BOoooo!!.." lamang ang tanging naging kapalit sa lahat ng pagtitiyaga kong magbasa sa maga isinulat nya,pero ganunpaman ---ayoko na magbasa - kakainis lang wahahaha...

  22. Dean and Lee Schroeder  

    I had fun reading your blog! keep on dreaming! keep on blogging!

  23. pb  

    wow may ganun. hehe. ayos toh... iba tayo ng pananaw sa pag kung bat tayo nag susulat. gagawa ako ng entry tungkol naman sa pagsusulat ko. siguro sa august pa. hehe. pero ewan ko lang. basahin mo ah. ahihi.

    eto ata ang first comment ko sayu at nabasa kong entry mo. aliw. lalo na ung mga naka slash na words. hihi.

  24. BURAOT  

    ang ke pedro, ke pedro! yun lang! wala lang! basta!

    nyeheheheh!

  25. Anonymous  

    Naks gusto pa daw magpa anonymous, chura. :P

    Milyung-milyong mambabasa? Sira. Paulit-ulit mo lang tinitingnan blog mo kaya mataas ang pageviews mo!

    HAHA. Kiddeeeeng. Anyways, more power to your blog.

  26. Pedro  

    @xienah girl, hindi na mabilang kung ilang beses mo akong sinorpresa. nung nagpost ka ng msg sa shoutbox ko, nung unang beses na nagcomment ka sa post ko, nung bigla kang dumating nung bday ko at ngayon naman, unang unang comment sa 100th day entry ko. salamat. iba pa rin talaga pag ikaw ang nagcocomment sa mga post ko. siguro dahil nga sa ikaw ang mentor ko. lagi may kasamang kabaklaan at kilig pag binabasa ko ang bawat linya at katagang inililimbag mo sa comment page ng blog site na ito. maraming salamat sa lahat lahat at marami pa sana akong matutunan sayo. yung mga secrets pa sa blogging spill mo na. hahaha. we share the same level of crazyness, cheers to that! :D

    @lunes, magmula nung may bumati na masipag akong gumawa ng entry ay tinamad akong bigla. salamat aleli, wish ko lang ay naaaliw nga talaga ang mga nagbabasa! hahaha. :D

    @ka silyas, salamat at tinawag mo akong magaling pero tingin ko ay sobra sobra naman ata yan. marunong lang siguro. hehe. salamat! :D

    @FerBert, walangya, ayus na ayus ang comment mo mareng ferberta. hahaha.

    @dansoy, walang pinag-iba tong post na ito sa mga nakaraang post ko, pareho lang din, walang kwenta. hahaha. wag naman akong tawaging idol, hindi ko naman kamuka si april boy regino. yung mga readers dito, sila ang dapat hangaan kasi sila yung mga tunay na astig!

  27. Pedro  

    @V, sos, nag-grade one ako, marunong talaga ako magsulat, panget nga lang hand writing ko. hahaha. pagpalain tayong lahat ng Diyos! =p

    @Tisay, at talagang sineryoso ang supotsipedro(datkom)hahaha. ahmmm, yung pangalawang line mo hindi ko na sasagutin, hahaha. oo nga, buti naman at kahit papano ay may natutunan kang salita na galing dito. apir miss tisay! yung chocolate hills, hindi ko alam tagalog, tae, hahahaha. :D

    @jiMboy, sos, normal na blogger lang ako. jologs lang poh me. hahaha, walang dapat i-reach kasi hindi naman tayo mataas. steady lang. salamat! :D

    @mnel, naalala ko din yung iksi ng reply mo sa unang comment ko na yun doc. akala ko tuloy suplada at isnabera ka. pero malayong malayo pala yung akala ko sa tunay mong pagkatao. tignan mo ngayon, napakabuti pa nating magkaibigan at dahil dun, salamat. ok nga din daw yang prettypedrita na yan, tapos pink daw ang lay-out, walangya talaga kayo. hahaha. yung batteries mo doc, buhay pa naman, hehe. :D

    @mang BADoy, sos ka, billiards term yung mga yan. sex? omg! i'm lost, hindi ako makarelate. hahaha. salamat mang badoy. oxox. muahugyousotight!

  28. Pedro  

    @brenznotfull, sssshhh, wag kang maingay ha, oo ako nga ito. hahahaha. para mo namang ipinagkumpara ang langgam at elepente. nakakahiya na inihalintulad mo pa ako kay bob ong. hindi ko kayang pantayan yun at kahit kelan, hindi ko magagawang tapatan ang isang alamat. normal na tao lang po ako na masaya sa pagsusulat, walang labis, walang kulang. salamat! hehe. :)

    @eniala, ang mga readers dito ang tunay na winner, at isa ka dun. salamat! :D

    @PoPoY, ako born-writer? hahaha, how i wish. nakakatuwa naman at napahanga kita, kung kelangan mo ng autograph sige sabihin mo lang at kahit sa pwet pa, pipirmahan kita, hahaha.

    @buzzing flowerpecker, oo nga, fuck the rules! hahaha.

    @enday, nyay, ako sikat sa mundo ng blogging? hahaha. wag ganun. walang ganun. sikatsupoy lang ang sikat. salamat sa pagbati! isa ka din sa mga naunang readers ng blog site na ito. mabuhay ka.

  29. Pedro  

    @rimewire, malupit yung kapatid mo kung ganun. taas dalawang kamay ko sa kanya pati tatlong paa. magaling magaling. :D

    @yiene, parang kilala mo ako? o sige, sino ako? hahaha. shit, nakakatuwa naman at pinag aksayan mo ng panahon ang mga walang kwentang post ko. at di ka pa nakuntento, nandamay ka pa. hahaha. salamat!

    @uno_phom, weh? hindi nga? nabasa mo talaga lahat? eto talaga si yiene, nandamay pa, hahaha. pasensya at nasayang ko ang oras nyo. salamat. =)

    @pensucks, salamat, pero mas astig ka kasi reader ka ng blog site na to. salamat kung i-aadd mo ako. hehehe. :D

    @chellie, walang anuman sa codes. sana wag kang magsawa sa pagdaan dito at patuloy ka pang mag enjoy. more power sa lahat ng mambabasa ni PEDRO! :D

  30. Pedro  

    @Anonymous, ikaw ata si ate jas? o hindi ata. hahaha. kung sino ka man. salamat salamat. hahaha.

    @hazelicious929, thanks a lot. keep on reading, keep on commenting. bwahahaha. shit, nose bleed nanaman ako. salamat! :D

    @pb, aba, naligaw si pb, ang reyna ng short story sa blogosperyo. mabuti naman at kahit papano ay naaliw ka, salamat sa pag-aaksaya ng oras sa pagbabasa at sa pagkumento. isang araw ay babasahin ko din mga short stories mo.:D

    @BURAOT, tama, at ang kay buraot ay kay pedro pa rin, hahaha, biro lang, huwaw, isa nanamang sikat ang dumaan sa site ko at nagkumento, maraming salamat po buraot. muah! hahaha.

    @Kevin, ahahaha, baklang to, nangingialam pa. einubeh? more power to me too. hahaha. salamat utakgago/menthol-guy. you're the man! :D

  31. Roxy  

    Grabe. Eto at bano nanaman ako. Ilan ba kayooo? Haay. Hirap na hirap na ako sa kakabasa ha! Pero infernes. Talagang adictus na ako. :D

    Aha! fellow montessorian. hmmm.. Now I understand! :D

    Sulat pa at ako ay iniinspire nyong lahat. :D

  32. Pedro  

    @roxy, fellow montessorian? hmmm, baka ibang montessori. ayus yan, basa lang ng basa. suportahan ang mga walang kwentang blogistang pinoy. hahaha. salamat!

  33. Roxy  

    Definitely ibang montessori. naalala ko lng nung HS pa ako, tawag ng outsider friends ko OTI - Kasi daw montessorian ako, means - Autistic/Special child/May sariling mundo! asows. at shmpre may special talent! - Kasi daw.. (ewan ko kung totoo) School daw ng mga special child yun :D So siguro may special talent ka nga. fellow montessorian, fellow OTIness! :D Ako di ko alam special talent ko pero I admit special child ako! :D
    Cheeers!

  34. Pedro  

    @roxy, ay pota oh! welkam ka dito. abnormal kasi karamihan sa mga nagpupunta dito. eh since may saltik ka din at sapak sa utak. hahahaha. pwes! welkam na welkam ka dito. :D

  35. Roxy  

    Weeee! Tnx! :D

  36. Pedro  

    @Roxy, no problem :D

  37. Laya  

    LOL I love this blog post. Especially yung mga hirit mo. Nga pala, I quoted this blog post in this article I wrote about bloggers who are NSPC alumni.

  38. Kodigo  

    patay nakalimutan ko isusulat ko dito. nakaligtaan ko kasi password ko sablogger kaya un. tae talaga. speaking of tae. tae talaga blog mo pedro pero gaya nga ng tae maraming nakakaamoy kaya marami karing mambabasa. At wag ka, may nakatapak pa yata dito kaya talamak ang readers mo. tsktsk. lupet.

  39. Anonymous  

    tupperware dating games [url=http://loveepicentre.com/]love dating sim for girls cheats[/url] free adult classifieds dating http://loveepicentre.com/ washington state singles

  40. Anonymous  

    hp laptop [url=http://www.hqlaptopbatteries.com/-1412lmi-laptopbatterymodel1362.html]Find a Dell Laptop Battery[/url] LG Laptop http://www.hqlaptopbatteries.com/-a35-s209-laptopbatterymodel1942.html Acer Laptop
    Wholesale Price on Laptop [url=http://www.hqlaptopbatteries.com/battery-aoa150-1570-batterytype1.html]Wholesale Price on Laptop[/url] Averatec Laptop http://www.hqlaptopbatteries.com/-ze5000-laptopbatterymodel545.html Lenovo Laptop
    Apple Laptop [url=http://www.hqlaptopbatteries.com/-c314xc-laptopbatterymodel1106.html]LAPTOP Magazine[/url] Asus Laptop http://www.hqlaptopbatteries.com/-1413lmi-laptopbatterymodel1390.html laptop batteries reviews

  41. Anonymous  

    detox tea for drug screen [url=http://usadrugstoretoday.com/products/acticin.htm]acticin[/url] natchez health http://usadrugstoretoday.com/categories/gum.htm how can i give myself a orgasm http://usadrugstoretoday.com/products/bactrim.htm
    what does high blood pressure mean [url=http://usadrugstoretoday.com/products/nimotop.htm]nimotop[/url] eos blood test [url=http://usadrugstoretoday.com/products/levitra.htm]quick start diet pills[/url]

  42. Anonymous  

    can i clean my lungs after smoking [url=http://usadrugstoretoday.com/products/brand-tamiflu.htm]brand tamiflu[/url] norther illinois medical center http://usadrugstoretoday.com/categories/gastrointestinale.htm active directory health check snapshot tool http://usadrugstoretoday.com/products/chloroquine.htm
    blood thinner medication and shots [url=http://usadrugstoretoday.com/products/atrovent.htm]atrovent[/url] weight management clinic vanderbilt university medical center [url=http://usadrugstoretoday.com/products/cytoxan.htm]order dexedrine without prescription[/url]

  43. Anonymous  

    http://www.schraubergott.de/mainpage/viewtopic.php?f=11&t=7944 http://www.srikrungbroker.co.th/Webboard1/viewtopic.php?f=4&t=160324 http://www.themusicplace.com/phpBB3/viewtopic.php?f=2&t=324145 http://justwhitepowder.net/forum/viewtopic.php?p=359905#359905
    http://www.seshimwon.or.kr/bbs//view.php?id=freeboard&page=1&page_num=20&select_arrange=headnum&desc=&sn=off&ss=on&sc=on&keyword=&no=655&category= http://starwars.ssenge.com/phpBB2/viewtopic.php?f=4&t=226298 http://matcell.com/webform/viewtopic.php?f=2&t=166251 http://confa.org/forum/index.php?topic=186252.new#new
    http://www.blogcountry.net/phpbb/viewtopic.php?f=2&t=134722 http://sickofdis.com/viewtopic.php?f=2&t=288974 http://caronkeating.com/forum/viewtopic.php?f=1&t=8678

  44. Anonymous  

    http://xws.in/divalproex/valproic-acid-divalproex-at-the-same-time
    [url=http://xws.in/allopurinol/allopurinol-with-chemotherapy]lancashire drugs agency blackburn[/url] giant eagle pharmacy seven fields pa [url=http://xws.in/adalat/adalat-cc-synthroid-pravachol-bontril-amaryl-phencyclidine]adalat cc synthroid pravachol bontril amaryl phencyclidine[/url]
    sap drug test http://xws.in/amiodarone/chronic-atrial-fibrillation-amiodarone-protocol
    [url=http://xws.in/amoxicillin/allergic-reaction-amoxicillin]cheat drug sniffing dogs[/url] list of party drugs [url=http://xws.in/allergic/dog-starr-seizures-day-fine-now-allergic-hartz-flea-tick]dog starr seizures day fine now allergic hartz flea tick[/url]
    sunshine pharmacy http://xws.in/allegra/allegra-and-glucoma
    [url=http://xws.in/amlodipine/amlodipine-vs-norvasc]drug depakote[/url] thai drugstores [url=http://xws.in/amiodarone/iv-infiltration-amiodarone]iv infiltration amiodarone[/url] drug possesion [url=http://xws.in/erectile/foods-to-eat-for-erectile-dysfunction]foods to eat for erectile dysfunction[/url]

  45. Anonymous  

    http://webhealthcentre.in/amiodarone/amiodarone-captisol-complex
    [url=http://webhealthcentre.in/cordarone/cordarone-injection]drug trans[/url] ethnography of drug use [url=http://webhealthcentre.in/health/health-and-fitness-studio-port-macquarie]health and fitness studio port macquarie[/url]
    what does a drug test test for http://webhealthcentre.in/cymbalta/cymbalta-dosages
    [url=http://webhealthcentre.in/altace/altace-taken-off-the-market]can i take 2 cialis in 36 hours[/url] if we get the drugs [url=http://webhealthcentre.in/health/environmental-factora-affecting-health-at-home]environmental factora affecting health at home[/url]
    drugs databank http://webhealthcentre.in/robaxin/can-i-take-robaxin-and-dilaudid
    [url=http://webhealthcentre.in/triamcinolone/what-is-triamcinolone-for]ordering equine prescription drugs[/url] drugs that are amphetamines [url=http://webhealthcentre.in/rizatriptan/rizatriptan-bentoate]rizatriptan bentoate[/url] jefferson county drugs [url=http://webhealthcentre.in/toradol/toradol-and-bone-growth]toradol and bone growth[/url]

  46. Anonymous  

    travel radio orpheus island australia http://greatadventures.in/tours/grise-fiord-tours bookit online travel agent reviews
    [url=http://greatadventures.in/plane-tickets/cheap-plane-tickets-to-vancouver]travel geneva to nice[/url] access able travel source [url=http://greatadventures.in/hotel/atlantif-bermuda-best-hotel-rates]atlantif bermuda best hotel rates[/url]
    travel agents in florida http://greatadventures.in/tourist/fresno-california-tourist-attractions
    [url=http://greatadventures.in/tourist/tourist-oriented-directional-signs-in-colorado]used travel trailer htm[/url] travel pillow and blanket [url=http://greatadventures.in/tourism/tourism-in-germany]tourism in germany[/url]
    dsl travel http://greatadventures.in/tourist/tourist-in-ealing macchu picchu travel [url=http://greatadventures.in/tourist/kiawah-island-south-carolina-tourist-information]kiawah island south carolina tourist information[/url]

  47. Anonymous  

    usah travel bag http://atravel.in/flight_flight-pdx-schedule travel advice phone uk
    [url=http://atravel.in/airline_airline-seat-counter]travel bordshore[/url] travel insurance how to claim [url=http://atravel.in/airline_airline-14-br-912a]airline 14 br 912a[/url]
    last minute long distance travel deals from uk http://atravel.in/cruise_nissan-2004-altima-cruise-control-repair-diagnostics-photos
    [url=http://atravel.in/airlines_airlines-out-of-youngstown-ohio]sawtelle travel[/url] wood travel case [url=http://atravel.in/motel_sunset-beach-motel-fl]sunset beach motel fl[/url]
    travel air fare http://atravel.in/airline_airline-watch-time book 737 time travel [url=http://atravel.in/flight_ch-products-for-flight-simulator-accessories]ch products for flight simulator accessories[/url]

  48. Anonymous  

    viponds mercedes http://autoexpress.in/racing/hawks/racing/8000/series/nodular/iron/crankshaft mercedes benz mechanic diesel repairs tacoma
    [url=http://autoexpress.in/nissan/nissan/r35/gt/r]used volkswagen inventory[/url] automobile repair in brig switzerland [url=http://autoexpress.in/maybach/maybach/instruments/company]maybach instruments company[/url]
    detroit auto show tickets http://autoexpress.in/saturn/saturn/vues/for/sale
    [url=http://autoexpress.in/seat/sunday/seat/nies]auto milking male cum[/url] semi auto bren [url=http://autoexpress.in/scooter/geely/big/chief/scooter]geely big chief scooter[/url]
    where is the fuel filter located in a 2001 volkswagen jetta http://autoexpress.in/buell/root/buell/chopper
    [url=http://autoexpress.in/radiator/afco/aluminum/radiator]denver automobile history[/url] turnersville volkswagen [url=http://autoexpress.in/porsche/porsche/944/timing/adjustment]porsche 944 timing adjustment[/url]

  49. Anonymous  

    base notes of truth by calvin klein http://topcitystyle.com/brown-beige-women-color183.html free cad designer [url=http://topcitystyle.com/29-women-size16.html]rocket dog shoes for women[/url] ralph lauren discount bedding
    http://topcitystyle.com/multi-color-dress-shirts-color180.html modeling and fashion and summer camp and virginia [url=http://topcitystyle.com/?action=cart]english interior designers[/url]

  50. Anonymous  

    elegant fashion outlet http://topcitystyle.com/women-apos-s-long-sleeve-tops-category21.html graphic designer job opportunities [url=http://topcitystyle.com/silver-shoes-color170.html]lifestride shoes[/url] mike vallely shoes
    http://topcitystyle.com/black-white-color187.html fashion clothes [url=http://topcitystyle.com/energie-t-shirt-for-men-yellow-item1970.html]giada de laurentiis nude[/url]

  51. Anonymous  

    matt and lauren harris dothan http://topcitystyle.com/gianfranco-ferre-pullover-brand23.html miles keogh clothes [url=http://topcitystyle.com/green-color53.html]video game designer career[/url] clothes storage bins
    http://topcitystyle.com/turquoise-white-polo-shirts-color98.html running shoes online [url=http://topcitystyle.com/-casual-tops-on-sale-category48.html]lauren hill[/url]

  52. Anonymous  

    sexy blonde midget http://theporncollection.in/gay-man/enola-gay-atomic-bomb-little-boy
    [url=http://theporncollection.in/gay-love/gay-dentists-los-angeles]resumes of lubricants sales[/url] rocko italin porn [url=http://theporncollection.in/moms/sweet-moms]sweet moms[/url]
    adult penis circumcision video http://theporncollection.in/gay-movie/gay-masturbation-trailers
    [url=http://theporncollection.in/porn-galleries/filipina-porn-movies]anal insert[/url] adult friendly videos [url=http://theporncollection.in/gay-anal/ibiza-gay]ibiza gay[/url]
    amateur black lesbian sex pics http://theporncollection.in/porn-dvd/march-25-amateur-susan-couch-porn-fingering
    [url=http://theporncollection.in/gay-video/gay-boys-underwear-blogs]older anal women xxx[/url] uncensored sexy hentai girl interactive flash [url=http://theporncollection.in/sex-mature/free-older-mature-women-pics]free older mature women pics[/url]
    camshaft lubricant break in http://theporncollection.in/lesbian-xxx/big-black-lesbian-booty
    [url=http://theporncollection.in/lesbian-xxx/french-lesbian-movie]cervix dildo[/url] adult chat lines in dallas texas [url=http://theporncollection.in/sex-mature/mature-womens-pussy]mature womens pussy[/url]

  53. Anonymous  

    mobile home sales wv http://www.orderphonetoday.com/p800w-quad-band-single-card-with-bluetooth--item6.html t mobile wing unlock codes [url=http://www.orderphonetoday.com/jc68-quad-band-dual-cards-dual-standby-with--item65.html]mobile uhf duplexor[/url] grove mobile

  54. Anonymous  

    no shoes no shirt no problem guitar http://luxefashion.us/blue-funky-color32.html info on earth shoes in cuyahoga falls ohio [url=http://luxefashion.us/30-women-size12.html]macbeth shoes[/url] customizable shoes
    http://luxefashion.us/-funky-men-category7.html louis vuton shoes [url=http://luxefashion.us/energie-leather-big-bags-brand65.html]forced in womens clothes[/url]

  55. Anonymous  

    pewterr tea service [url=http://usadrugstoretoday.com/products/erexor.htm]erexor[/url] low acid tea http://usadrugstoretoday.com/products/naprosyn.htm
    medical spas houston texas [url=http://usadrugstoretoday.com/products/kamasutra-superthin-condoms.htm]kamasutra superthin condoms[/url] neucular medicine technician [url=http://usadrugstoretoday.com/products/zoloft.htm ]how to give a facial penis cum [/url] the kidney filters your blood supply times every day
    volunteer texas medical center [url=http://usadrugstoretoday.com/products/kamasutra-longlast-condoms.htm]kamasutra longlast condoms[/url] muscle strain in throat http://usadrugstoretoday.com/products/myambutol.htm
    titan health [url=http://usadrugstoretoday.com/products/brahmi.htm]brahmi[/url] altoids chewing gum [url=http://usadrugstoretoday.com/categories/disfunzione-erettile.htm ]what is cross infection and its prevention and control [/url] holyoke dental associates complaints

  56. Anonymous  

    merrell shoes http://www.thefashionhouse.us/zu-elements-t-shirts-for-men-brand61.html cato fashion [url=http://www.thefashionhouse.us/brown-women-color12.html]against designer babies[/url] joseph bank clothes
    http://www.thefashionhouse.us/prada-running-shoes-for-men-white-item1926.html toddler girls clothes [url=http://www.thefashionhouse.us/bizzbee-men-brand70.html]crocodile shoes[/url]

  57. Anonymous  

    how dental partials are made [url=http://usadrugstoretoday.com/products/celebrex.htm]celebrex[/url] barley diet http://usadrugstoretoday.com/products/zocor.htm
    counterfeit drugs [url=http://usadrugstoretoday.com/products/quibron-t.htm]quibron t[/url] current statistics on teenage drug abuse [url=http://usadrugstoretoday.com/products/cialis-super-active-plus.htm ]mineral group for nickel [/url] prescription smoking cessesation medication
    benefits of green tea for weight loss [url=http://usadrugstoretoday.com/products/bactroban.htm]bactroban[/url] legend of zelda heart container locations http://usadrugstoretoday.com/products/dramamine.htm
    cordova tn sexual health clinic [url=http://usadrugstoretoday.com/categories/perdita-di-peso.htm]perdita di peso[/url] staining bacteria function crystal violet stain [url=http://usadrugstoretoday.com/products/acomplia.htm ]penis enlargement gels [/url] moussaoui mental health

  58. Anonymous  

    robinson family drug charges [url=http://usadrugstoretoday.com/products/diamox.htm]diamox[/url] tea tree oil for hemroids http://usadrugstoretoday.com/#third
    diet pumpkin baking recipes [url=http://usadrugstoretoday.com/products/serevent.htm]serevent[/url] marketing health promotion [url=http://usadrugstoretoday.com/products/prednisone.htm ]pictures of diaper rash and yeas infections in infants [/url] ua drug test aspirin
    zylorin weight loss capsules [url=http://usadrugstoretoday.com/products/topamax.htm]topamax[/url] breast pills celebrities http://usadrugstoretoday.com/products/chloramphenicol.htm
    how do virus defend itself against white blood cells [url=http://usadrugstoretoday.com/products/eulexin.htm]eulexin[/url] ferree purple heart 2006 2007 engr iraq [url=http://usadrugstoretoday.com/products/strattera.htm ]chronic fatigue syndrome fibromyalgia [/url] post surgery muscle pain

  59. Anonymous  

    is running good for your health [url=http://usadrugstoretoday.com/categories/anti-diabetic.htm]anti diabetic[/url] pennyroyal herb dosage http://usadrugstoretoday.com/products/flovent.htm
    what can happen when you take drugs whilst being pregnant [url=http://usadrugstoretoday.com/products/accupril.htm]accupril[/url] south beach diet carbohydrate addict diet [url=http://usadrugstoretoday.com/products/brahmi.htm ]large vaginal beads [/url] risk factor categories in atherosclerotic heart disease
    withdrawal symptoms fom non smoking [url=http://usadrugstoretoday.com/products/lukol.htm]lukol[/url] anne arundel medical center http://usadrugstoretoday.com/products/lynoral.htm
    blood pressure closepen [url=http://usadrugstoretoday.com/categories/anti-depresseur---anti-anxiety.htm]anti depresseur anti anxiety[/url] making copper sulfate crystals [url=http://usadrugstoretoday.com/products/allegra.htm ]red heart yarn free dog patterns [/url] sudden weight loss in the upper forso

  60. Anonymous  

    kleine robbe http://luxefashion.us/xl-sport-jackets-size6.html medical graphic designers [url=http://luxefashion.us/off-white-men-color175.html]fashion runway[/url] blue suede shoes tabs
    http://luxefashion.us/grey-navy-blue-jackets-amp-sweatshirts-color74.html kelly shoes [url=http://luxefashion.us/34-roberto-cavalli-size25.html]yorkie clothes[/url]

  61. Anonymous  

    wholesale mens fashion accessories australia http://luxefashion.us/black-silver-color118.html mens gucci shoes [url=http://luxefashion.us/sky-blue-white-polo-shirts-color200.html]shoes insoles[/url] jess myer designer
    http://luxefashion.us/armani-polo-shirts-brand8.html adidas casual shoes [url=http://luxefashion.us/women-page38.html]highest paying fashion job italy[/url]

  62. Anonymous  

    il lottery game results http://xwn.in/casino-playing-cards_red-spades-playing-cards tudor hord bingo
    [url=http://xwn.in/joker_batman-joker-posters]stuff to do with playing cards[/url] lottery results uk [url=http://xwn.in/blackjack_samsung-blackjack-ii-walpaper]samsung blackjack ii walpaper[/url]
    gold star casino bus tours http://xwn.in/keno_keno-mcdermon
    [url=http://xwn.in/keno_superball-keno-picture]bingo game holiday printable[/url] betting line of nfl playoffs [url=http://xwn.in/betting_inplay-betting]inplay betting[/url]
    the jokers http://xwn.in/casino-online_casino-employee-theft-zannone bingo caller software [url=http://xwn.in/poker-online_how-to-throw-cards-into-muck-in-poker-game]how to throw cards into muck in poker game[/url]

  63. Anonymous  

    volkswagen steinbach http://xwm.in/honda/customize-honda-ridgeline mobile heated automobile seat cushion
    [url=http://xwm.in/saleen/saleen-placemats]sheepskin seatcovers automobile[/url] flash player auto start [url=http://xwm.in/saleen/twin-turbo-saleen-mustang]twin turbo saleen mustang[/url]
    dog racing in alabama http://xwm.in/royce/i-wanna-get-next-to-you-rose-royce
    [url=http://xwm.in/buick]centre auto[/url] automobile invoice prices [url=http://xwm.in/chrysler/austin-chrysler-town-and-country]austin chrysler town and country[/url]
    automobile deer warning http://xwm.in/geo/geo-chain
    [url=http://xwm.in/yamaha/forwar-controlsfor-yamaha-vmax]southwest auto st louis[/url] hillsborough automobile insurance [url=http://xwm.in/car-racing/legge-racing]legge racing[/url]

  64. Anonymous  

    joker and the theif mp3 file http://lwv.in/online-casino/spotlight-29-casino list of 14 most recent excite lottery winners
    [url=http://lwv.in/casino-playing-cards/dragon-playing-cards]low profile lifestyle after lottery win[/url] jackpot powerball [url=http://lwv.in/roulette/morris-levy-roulette-buddy-holly]morris levy roulette buddy holly[/url]
    online gambling payment types http://lwv.in/roulette/pico-roulette-password
    [url=http://lwv.in/jackpot/fame-trivia-jackpot-question-echuca]blackhawk casinos[/url] casino rewards casinos [url=http://lwv.in/bingo/bingo-supplies-philadelphia]bingo supplies philadelphia[/url]
    mississippi lottery http://lwv.in/online-casino/aquarius-casino samsung blackjack 2 reviews [url=http://lwv.in/jokers/jokers-tattooing-and-piercing]jokers tattooing and piercing[/url]

  65. Anonymous  

    burn movie with imgburn [url=http://moviestrawberry.com/films/film_all_quiet_on_the_western_front/]all quiet on the western front[/url] alien invasion arizona the movie http://moviestrawberry.com/hqmoviesbyyear/year_2007_high-quality-movies/?page=19 gorger ruels the movie
    fierce people movie in toronto [url=http://moviestrawberry.com/films/film_the_hard_corps/]the hard corps[/url] bran stoker dracula movie http://moviestrawberry.com/films/film_pluto_junior/ drunk teen movie
    anne shirley free download movie [url=http://moviestrawberry.com/films/film_proof/]proof[/url] youtube we went to a movie
    vintage movie reviews [url=http://moviestrawberry.com/films/film_the_basketball_diaries/]the basketball diaries[/url] new movie releases http://moviestrawberry.com/films/film_jackass_number_two/ free xxx hardcore sex teen movie videos
    gay free movie galleries [url=http://moviestrawberry.com/films/film_the_producers/]the producers[/url] timeline movie http://moviestrawberry.com/films/film_i_love_miami/ blind dating movie 2007 wiki

  66. Anonymous  

    a funeral and a death movie [url=http://moviestrawberry.com/films/film_bubba_ho_tep/]bubba ho tep[/url] east brunswick movie theatre http://moviestrawberry.com/films/film_s1m0ne/ movie about tattooed man who tells future
    brunettes movie thumbs [url=http://moviestrawberry.com/films/film_star_wars_episode_vi_return_of_the_jedi/]star wars episode vi return of the jedi[/url] movie about blues music made in 1980s http://moviestrawberry.com/films/film_breakdown/ shirley maclaine movie
    disney movie crafts [url=http://moviestrawberry.com/films/film_babylon_a_d_/]babylon a d [/url] broken english movie
    man bites dog movie [url=http://moviestrawberry.com/films/film_the_venture_bros/]the venture bros[/url] cheech and chong movie http://moviestrawberry.com/films/film_appurushido/ free gay piss movie post
    bridge to teribethia movie trailor [url=http://moviestrawberry.com/films/film_in_the_bag/]in the bag[/url] watch entire movie when a man loves a woman http://moviestrawberry.com/films/film_prometheus_triumphant_a_fugue_in_the_key_of_flesh/ free movie downloads online

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)