Isang araw na pauwi ako ng bahay galing opisina ng bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Nakahalata yata ang mga ulap sa kalangitan na hindi ako naligo nung araw na ‘yon. Eeeew, kadirdir, it’s like crazy you know? Ang hirap pumara ng masasakyan at kung makasakay man ay siguradong mababagot lang din ako sa mala-longganisang haba ng trapiko. Naalala ko ang kaibigan kong si Herminihildo. (Hermi for short) Nakatira si Hermi malapit lang sa kinatatayuan ko nu’ng mga sandaling ‘yon kaya minabuti kong puntahan s’ya. Naisip ko na tumambay muna duon para magpalipas ng trapiko at magpatila ng ulan.

*tok tok tok----tok tok*

Binuksan ni Hermi ang pinto. Matapos ang maiksing kamustahan ay pinatuloy n’ya ako. Dinatnan ko ang mga pamangkin n’yang nanunuod ng sex scandals cartoons. Nagulat ako ng biglang umeksena si Tita Remedios, ang nanay ni Hermi, pinagalitan ni Tita ang mga bata kasi nga ay buong maghapon na daw silang nakatanghod sa harapan ng telebisyon. Napag-usapan tuloy namin ni Hermi ang mga bata. “Ibang klase ‘yang mga batang ‘yan” sabi sa’kin ni Hermi. “May PSP may i-pod at may cellphone pa, masyado kasi nilang ini-spoiled kaya ang hihina tuloy ng utak” dagdag pa nito. Spoiled nga sa isip isip ko. Habang nag-iisip ay bigla na lang nagsimulang magpatintero at luksong tinik ang mga bagay bagay sa isipan ko.

Kung tutuusin ay mas maswerte ang mga kabataan ngayon. Google lang ang katapat ng bawat takdang aralin. Ilang click lang at siguradong tapos na ang assignment. Hindi katulad dati na kailangan pang magsunog kilay sa pagbuklat ng dictionary, almanac at encylopedia. Masyadong time consuming. Pero naisip ko din na mas matalas ang utak ng tao nuon kaysa ngayon. Wala lang, isiningit ko lang ‘yon para kunwari ay matalas din ang utak ko. ---Dagsaan ang mga produkto ng teknolohiya sa panahong ito at dahil dito ay naniniwala akong nagiging tamad na sa pag-aaral ang mangilan-ngilan sa ating mga kabataan. Pati sa sining, edukasyong pampalakasan at musika ay nagiging mahina na din ang mga ito. Naniniwala din ako na teknolohiya din ang dahilan kung bakit mas mahina ang katawan ng mga kabataan at kung bakit sila kulang sa nutrisyon. Naisip ko lang, kung walang TV, baka sakaling magbasa sila ng libro. Kung walng i-pod, baka sakaling matuto silang mag drums, violin, at piano. Kung walang computer baka ganahan silang magsulat. At kung walang playstation at xbox ay baka sipagin silang maglaro ng mga sport na magsisilbing ehersisyo para sa kanilang katawan. Bakit dati, meron bang kahit mp3 player man lang si Bethoven? Meron bang i-phone at psp si Einstein? Meron bang digicam si Bonifacio? At meron bang laptop si Rizal?

Hindi ko sinasabing walang kwentang bagay ang mga “gadgets”. Aminado ako na dahil sa mga haytek na bagay na bigla na lang nagsulputan ay dumaling gawin ang mga something something sa ating so called layp, totoo ‘yon at hindi ako kokontra dun. Ganun pa man ay masasabi kong hindi rin ganun kaimportante ang mga ito sa ating buhay kasi kung importante ang psp, i-phone, laptop etc., matagal na sanang patay ang mga tao nuon. Hindi naman ako galit sa teknolohiya. Ang totoo ay gustong gusto ko pa nga ang mga ito. Kung walang computer edi hindi na ako nakapagblog. Haller?!?! Sige nga, ikaw nga ang magblog sa type writer kung pwede! Mahal ko ang mga kagamitang bunga ng teknolohiya. Sa katunayan n’yan ay meron din ako ng ilan sa mga ito.

Naniniwala akong kung gagamitin sa tamang paraan ang mga bagay bagay ay magiging kapakipakinabang sa’tin ito. Ngunit kung aabusuhin at gagawin lang luho ay hindi na tama siguro. Mas makabubuti kung gagabayan na lang natin ang mga kabataan at bilang mga mas nakakatanda ay dapat maging responsable tayo. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko ang post na ito. Hindi ko din alam kung bakit ang entry na ito ay ganito kaseryoso. Sinimulan ko lang mag-type at nagulat ako na tapos na agad sa loob lang ng walong minuto. Walang kwenta, oo, binasa ko bago ko tapusin at ako mismo eh dismayado. Hindi ko mahanap ang mga wastong salita para makapaglathala ng maayos. Ganun pa man ay ipopost ko pa rin ito, para isang araw ay babasahin ko at babalikan, at aalamin ko kung saan ako nagkamali, ano ang kulang, at anong dapat gawin. Ang panget talaga. Hindi ko pa nga alam kung pano wawakasan ang istorya. Nagsimula sa ulan kaya marapat na tapusin ko din sa ulan. Nabanggit ko si Herminihildo na nawalang bigla sa usapan kaya dapat lang din atang ibalik ko s’ya sa pagtatapos. Pero hindi na. Pwede na ‘to. Ayos na ‘to. Tapos na ‘to. Ang panget talaga. Pft. Wakas!

25 comments

  1. PoPoY  

    Pedring, ako ba ang unang magcocomment dito?Hahahaha.

    Nabulol akong basahin ang pangalan ng kaibigan mong si Herminihilhildo este Her-mi-nihildo? Hermi na lang nga.

    Tama ka, yang mga gadgets na yan panira ng buhay. Hay kelan kaya ako makakabili ng PSP???

    Hahhaaha.

    Walng kwenta. Pero may koneksyon pa rin naman ang lathala mo at may sense naman kahit papaano.

    Take it from me Pedring. Take it from the expert.

    RANDOM naman to yata???

  2. Anonymous  

    ito ang isa
    sa mga dahilan
    kung bakit kailangan ibalik
    ang batibot

    dahil lahat ng bahay ngayon
    mat telebisyon na
    :)

    maswerte ang kabataan ngayon
    pero mas maswerte ako
    at di ko naranasan
    ang ganitong kagarbo
    at katamad na buhay





    .xienahgirl

  3. Anonymous  

    pedro, pinanood mo ba yung dvd mo ng my bff's gf? nyahaha! rawr.

    in my opinion, nasa magulang naman yan. kung i-enroll na lang nila mga anak nila sa mga workshops instead na nakatambay sa bahay at nakatapat sa tv. or i-control nila ang number of hours na pwedeng manood ng tv ang anak nila.

    mga bata ngayon mas magaling pa sakin maglaro ng videogames, pangasar. pero tanungin mo kung sino si napoleon bonaparte at si julius caesar. di nila alam.

    ganyang klaseng mga bata ang magpapahirap sa ating economy. kaya i don't believe the children are our future! nyahahah!

    wala lang.

  4. Anonymous  

    may sense naman ah! =D

    may PSP ka ba? pahiram.. haha!

    uu,nabasa ko lahat ng entries
    mo..=D

    -uno_phom

  5. Ev  

    alam mo bang isang napakalaking reyalisasyon ssa'kin ang entry mong 'to?kaya di kaya eto walang kwenta..
    mula sa traffic, pagbuhos ng ulan hanggang sa maikwento mo ang mga negatibo at positibong epekto ng "gadgets" ng henerasyong eto...hmmm..ang galing mo Pedro!:)

  6. Anonymous  

    nagiging seryoso mga tema natin ah? nga ba? hehe. jokes! :)

  7. Hadassah  

    Malas nga ang ibang mga bata ngayun eh. Dahil sa sobrang inis ng ibang mga parents sa mga anak na laging nakatunganga sa harap ng TV, mukhang PSP, at internet adik...aba gumawa sila ng paraan para i-rescue ang future ng mga kids.

    anlakas ng mga tutorial centers ngayon! Sa kung anu-anong workshop pinapadala yung mga bata. hehe.

    hindi lahat ng bata may time nang maglaro ngayon. Busy na sila masyado sa pagpapa-tutor.

  8. Anonymous  

    korekness yan pedro!
    hindi naman msamang sumabay sa pag unlad ng tecknolohiya,
    pero wag nga lang gawing luho.

    nung nag ka cp ako,akala ko di ko na kayang mabuhay ng wala ito, pero ngaun,2 months na akong walng CP at kinaya ko naman.mas mabuti pa nga ang wala,less gastos at less worries..(sa pag iintay ng text ni ganito,ni ganyan)

    Bakit dati, meron bang kahit mp3 player man lang si Bethoven? Meron bang i-phone at psp si Einstein? Meron bang digicam si Bonifacio? At meron bang laptop si Rizal?

    naalala ko lang yung sinabi ng ate ko sa anak niya nung isang gabi,gusto kasi ng ate ko na magtipid ng gasolina so ang sabi niya sa bayaw ko, motor na lng gmitin paghatid sa anak nila na 4 yrs old sa school at wag ng kotse. ang sabi ng anak nila "ayaw ko ng motor, mainit, gusto ko kotse,aircon"

    ang sagot ng ate ko" magtigil ka,ke bata bata mo pa ang arte mo na, bakit?PINANGANAK KA BANG MAY GULOG SA PAA?

    hehe,wala lang.
    ang haba na ata ng comment ko.
    tatapusin ko na.
    nakakahiya naman,wala pa namn atang sense mga nasabi ko.
    hahah!

  9. Anonymous  

    May point po kayo dun!! :) Haha. Minsan ganyan rin reklamo saken ng nanay ko. "Ikaw, meron kang ipod, mron kang cellphone, meron kang computer, samantalang ako, grade 5 palang marunong na maglinis, magluto at maglaba!" sabi nya. Aminado ako na sa generasyong ito, sobra sobrang laruan ang naihandog sa'tin ng technolohiya. AT oo, minsan nagsisilbi itong hadlang para sa kabutihan namen in relation sa pagiisip at logic.

    Pero balewala rin ang mga yan pag natutunan rin nameng mabuhay ng walang technolohiya. Actually nga, may time rin sa buhay ko na pinagsawaan kong pakinggan ang ipod ko, samantalang dati rati, halos araw araw nakakabit ito sa tenga ko.

    Mas gusto ko nga pagbrownout eh. Hahaha.

    At hindi lang yun, nagdahil sa pagkaoverdose ko sa mga likha ng technolohiya, natuto rin akong maging practical sa buhay.

    :) Gud day po!

  10. Anonymous  

    partly maswerte sila, partly hindi rin. basta ang alam ko masaya kabataan ko, kahit walang gadgets na dala dala.

    pero ok ngaun mga bata, pag nagipit sila, maraming pag-aari na pwede isanla. wehehe.

  11. Anonymous  

    Salamat sa pagbisita, Mr Pedro. Sanay muli kitang makita sa aking mga munting pahina.
    Ester's Celebrity Blog
    Array Of Hopes

  12. Anonymous  

    dear pedring aka (sweathurt),

    kumusta ang araw mo mahal ko? miss ko na ang mga gingawa natin loving labing natin! yuckers....

    kung walang internet makakanuod ka pa ng mga paborito mong pornsite habang nag tatrabaho?

    nagmamahal,
    mang badoy

  13. Yas Jayson  

    salamat sa pagdaan.

    i like your blog. ;)


    [yas]

  14. Anonymous  

    Hmmm di naman masama na magkaron ng gadgets...or kung ano pa mang hi-techs na yan... depende na lang sa gamit... kahit ano namang sobra masama di ba?

    pero dahil din sa technology mas naengganyo akong ipagpatuloy at muling buhayin ang tinatago kong mumunting talent sa sining... andyan ang photoshop... movie maker.. etc etc... etong blog.. part na rin to ng technology... may masama at may maganda din naman na idinudulot...

    yung frend ko na nangangarap maging isang sikat na singer nakakapagrecord ng sarili nyang album album-an dahil sa isang software na inistall lang nya sa kanyang laptop at pc...

    madaming good.. madami ding bad effects.. pero siyempre... di pa rin mapapantayan ng psp, gameboy yung nasisira ang tsinelas mo dahil sa patintero at habulan.. yung umuuwi ka ng putikan at pawisan tapos bubulyawan ng magulang. yung magsasabi ka ng "time purse" (pers ba o perse ay kahit ano)

    mas masarap pa rin yung nakikipagpadamihan ka ng tex, jolen, at goma sa mga kalaro mo. di ba? di ba? :D

  15. Anonymous  

    haba ng comment ni eniala, ahaha...

    heniweys, this reminds me of bob ong's litany, "kung di ntin kayang mabuhay ng walang de-kamera na cellphone, malamang dati pa'y di na tayo nabuhay"

    not exactly stated that way, but the thought, yun yun. hehe.

    hmmmmm, yun na nga ang sinasabing sa pagusad ng panahon, di pwedeng di din uusad ang tao, at sa tao, kalakip na dyan ang mga teknolohiyang tao mismo ang umembento.

    whashebeeeeer.

    pero, di hamak na MAS magaling ang mga bata DATI kesa pa sa panahon natin. sila dati, patayan sa thesis... tayo, may net na.

    flyfly!

  16. Anonymous  

    tae ayos ka ha, kahit panget ung sulat mo nagiimprove ung kalokohan mong style sa pagsusulat. magiging proud ung psych prof natin nung 2yr. hahaha. pak yu! inuman minsan! ") tex tex na lang :) - basti

  17. The Gasoline Dude™  

    Nyahaha! Pucha! Mahirap atang mag-blog ng typewriter ang gamit! *LOL*

    Off-topic: Nabasa mo na din pala Harry Potter and the Deathly Hallows. Kakatapos ko lang kasi basahin, at may gumugulo sa isip ko. Paano nakuha ni Neville Longbottom ang Sword of Griffindor na pinampatay niya kay Nagini?

  18. The Gasoline Dude™  

    Nyahaha! Pucha! Mahirap atang mag-blog ng typewriter ang gamit! *LOL*

    Off-topic: Nabasa mo na din pala Harry Potter and the Deathly Hallows. Kakatapos ko lang kasi basahin, at may gumugulo sa isip ko. Paano nakuha ni Neville Longbottom ang Sword of Griffindor na pinampatay niya kay Nagini?

  19. Pedro  

    @PoPoY, hindi mo nanaman ako binigo sa haba ng kumento mo. Akshuli nabubulbol este nabubulol din ako sa buong pangalan ni Hermi. Kung random to poy pwes lahat ng entry ko eh random, sa madaling salita, wala talagang kwenta. hahaha.

    @xienah girl, may naalala lang ako sa batibot. si kiko matsing, lagi nya kasi sinasabi yung linyang, ate xienah, matigas pa yung saging ko. hahahaha.

    @Tisay, hindi ko pa napapanuod miss tisay, pero pag napanuod ko na pagkwentuhan natin, hahahaha. binubuko mo ang kabaklaan ko, hahaha. hindi naman talaga lahat ng kabataan ang pag asa ng bayan. mangilan ngilan lang, kaya dapat yung mga walang kwenta, bata pa lang patayin na habang wala pang mga sungay hahahaha. biro lang. :D

    @uno_phom, hihiram ka ng PSP, pwes wala pala ako nun. hahaha. =P

    @rok, seryoseryosohan lang kunwari. nagmamagaling lang, hahaha.

  20. Pedro  

    @buzzing flowerpecker, huwaw tutor, ang sosyal mo ha. hehe. baka naman may piano lessons pa tapos french, mandarin at spanish? hahaha.

    @churvah, at talaga namang tinalo mo si popoy sa pahabaan ng comment, ang haba. mala-longganisang lukban. hahaha. oo tama ka, nagpaparinig ako, asan na yung ipapadala mo? hahaha. biro lang. salamat churvah sa napakahaba mong kumento. :D

    @cursed-mushroom, wala namang PO-an. bata pa po ako. hahaha. talaga sawa ka na sa i-pod mo? akin na lang. hahaha. salamat at gud day din po.:D

    @lunes, ang galing mo talaga. naisip mo pa yun? korekness! marami silang pwede dalin sa cebuana, tambunting at lhulier, mali ispeling hahaha, tae di ko kasi alam. :D

  21. Pedro  

    @Raptured Dreams, Salamat din sa pagbisita, yaan mo at bibisitahin ko yang mga link na iniwan mo. mabuhay ka!

    @mang badoy, bulgaran na ba to? akala ko ba secret couple lang tayo? hahaha, ginaya mo pa ko sayo, kaw ata tong mahilig sa porn site eh, nyahahaha. muah!

    @elayas, salamat din sa pagcomment at pagbasa at pagbisita. i like my blog too. hahaha.

    @eniala, may contest ata dito ng pahabaan ng comment, hahaha. nagtetex ka din pala. pati jolens at goma. sige minsa laro tayo, taguan, bahay bahayan tsaka sawsaw suka. ikaw nanay ako tatay, yikeeee! hahaha. :D

  22. Pedro  

    @napundingalitaptap, natuwa nga ako at pers taym ngyari tong sobrang hahaba ng comment ng mga kumentarista. hehe. ang sarap naman ng feeling na maihalintulad kay bob ong. akshuli gusto ko siyang gayahin, tang ang naman. para kung may bobong pinoy, meron ding tangang pinoy, hahahaha. :D

    @basti, sos ka, binubuko mo ako masyado. anonymous blogger ako, baka naman ipagkalat mo tong blog site ko sa dati nating eskuwelehan. hahaha. cge text text, painom ka ha. hahaha.

    @The Gasoline Dude, aba huwaw, napadaan ka dito, natutuwa naman ako. pinahirapan mo ako sa tanong mo sa HP, hehe, pero sa pagkakaalam ko, nakuha ni neville yung sword ni Griphook sa sorting hat na inilagay sa ulo niya, parehas na paraan kung pano nakuha ni harry potter sa chamber of secrets kung iyong naaalala. sabi rin sa chamber of secrets tanging ang tunay na Gryffindor lang ang makakahugot ng espada palabas ng sorting hat meaning, the sword comes to a "true gryffindor" when he needs it. huwaw english pa yan ah. hahahaha.

  23. Anonymous  

    @napundingalitaptap: hahaha di kaya mas mahaba yung kay churvah hehehe...

    @pedro: may contest ba? pano yan walang nanalo kasi ikaw ang may pinakamahabang comment... tamo o 4 sections pa ng comment hehehe

    oo naman tara laro tayo. no mats ka sakin... yung goma ko nun ilang pang chinese garter na ang nagawa... hihihihi

  24. Anonymous  

    chatroom?
    wahahahahha!

    hmmm, ang hahaba nga. . . o well, ako naman, minsan, DATI, nasabihan daw na semi-bob ong/jessica zafra daw ang sulat ko... ang reaction ko? HUWWAAAAAAAAAAt? o_O?

    masyado silang magaling. hehe, madalas, iniisip ko kung negatibo lan ba ang perspektibo ko sa sarili kong panulat!

    ikaw, MAGALING ka talaga! aliw ako!

    flyfly!

  25. Pedro  

    @napundingalitaptap, jessica zafra? huwaw, haneeeeeeeeep. iba talaga lebeling mo. sos, ako magaling? taeng yan! hahaha. tama na ang bolahan dito, baka may sumigaw na ng "wtf?!?! get a room!!" hahahaha.

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)