Halos mag tatatlong buwan na din simula ng magbukas ang blog site na ito. At sa loob ng halos tatlong buwan ng paglalathala ko ay wala pang kahit isang entry na sa tingin ko ay makabuluhan. Pakiwari ko ay puro ampaw lahat ng pinopost ko. Mababaw. Walang laman. Hindi kapupulutan ng aral. Walang kwenta. Sa madaling salita, BASURA!---Kaya heto ako ngayon sa inyong harapan. Magpapanggap na may sense. Mangangarap na may utak rin kahit papano. Magkukunwaring gumawa ng isang entry na educational kuno. Isang post na may saysay. Pero sa totoo, niloloko ko lang kayo, at higit sa lahat, niloloko ko lang ang sarili ko.
Natuto akong manigarilyo nung 2nd year hayskul pa lang ako. Feeling ko kasi dati, “in” ka pag marunong kang manigarilyo. You belong to the astigin upper class. Maporma! Maangas! Cool! Walang mambubully sa’yo kasi para kang si Robin Padilla na siga at palaban. Nagsimula lang sa ganito ang rason ng aking paninigarilyo, hanggang sa ma-adik na ko at tuluyang nalulong sa bisyong ito. Nagsisisi ba ako? HINDI!
Sa bawat isang pakete ng sigarilyo na mabibili mo, nakalagay dito ang ang mga babalang ito. GOVERNMENT WARNING: Cigarette Smoking is Dangerous to your Health, Cigarettes Kill, Cigarettes Cause Lung Cancer, Cigarettes Cause Emphysema, Cigarettes Cause Heart Disease;, Tobacco Is an Addicting Drug, Quitting Cigarettes Will Improve Health, Cigarettes May Cause Fatal Injury or Miscarriage, Cigarette Smoke is Harmful to Nonsmokers, Cigarettes Cause Stroke. Ilan lang yan sa mga nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo para kumbinsihin tayo na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Nagkalat din ang mga paalala sa mga tindahan, billboard sa edsa, at mga poster sa MRT. Oo na!!! Masama na sa katawan ang paninigarilyo. Yeah, yeah!!! Wateber!!!!
Ang pinagtataka ko lang ay bakit walang naglalabas at nagsasabi ng mga benipisyong nakukuha sa paninigarilyo. Dahil ba sa wala talaga? O dahil ayaw lang nilang maglabas? Alam ba nila na enjoy manigarilyo? Alam ba nilang nakakatanggal ito ng stress? Nakakarelax, panlaban sa kabagutan, pwedeng alternatibong pampapayat kasi smoking burns up an extra 300 calories each day, nakakatulong din ang yosi para makapag-focus at maaari din na panlaban sa kalungkutan at depresyon. Oha, oha oha!!!!
Napag-alaman ko din na mas mababa ang pagkakataon na magkaroon ng Parkinson’s disease kapag naninigarilyo ka ayon sa artikulong ito. Ayon naman sa artikulong ito, nakakaprevent din daw ng atopic disorder ang paninigarilyo. Smoking also prevents rare skin cancer according to this piece of writing. Dagdag pa sa mga benipisyong yan ay maaari mo rin i-click ito para mabasa mo na ang paninigarilyo daw ay nakaka-reduce ng kanser sa suso ng mga babae. Maaari mo rin puntahan ang site na ito para malaman mo kung ano ang mga naitutulong ng nicotine sa katawan ng tao.
Napakarami din naman pa lang mga pag aaral na nagpapatunay na may mga magandang epekto din ang paninigarilyo sa katawan nating mga tao. Hmmm, pero kung ako ang tatanungin n’yo ngayon kung bakit ako naninigarilyo, simple lang ang sagot ko. Malapit kasi sa puso ang lungs. Kaya sa bawat hithit at sa bawat buga ng usok galing sa yosi, natatakpan nito ang puso ko. Binabalutan ng ulap. Ulap na nagpapamanhid sa damdamin. Parang anestisya. At sa ganitong paraan, lahat ng sakit sa puso ko ay nababawasan. Mas gugustuhin ko pa kasing maunang mawasak ang baga ko kaysa unti-unti akong patayin ng hapdi sa puso na dulot ng nararamdaman kong ito. Pft. Ang emo!
Natuto akong manigarilyo nung 2nd year hayskul pa lang ako. Feeling ko kasi dati, “in” ka pag marunong kang manigarilyo. You belong to the astigin upper class. Maporma! Maangas! Cool! Walang mambubully sa’yo kasi para kang si Robin Padilla na siga at palaban. Nagsimula lang sa ganito ang rason ng aking paninigarilyo, hanggang sa ma-adik na ko at tuluyang nalulong sa bisyong ito. Nagsisisi ba ako? HINDI!
Sa bawat isang pakete ng sigarilyo na mabibili mo, nakalagay dito ang ang mga babalang ito. GOVERNMENT WARNING: Cigarette Smoking is Dangerous to your Health, Cigarettes Kill, Cigarettes Cause Lung Cancer, Cigarettes Cause Emphysema, Cigarettes Cause Heart Disease;, Tobacco Is an Addicting Drug, Quitting Cigarettes Will Improve Health, Cigarettes May Cause Fatal Injury or Miscarriage, Cigarette Smoke is Harmful to Nonsmokers, Cigarettes Cause Stroke. Ilan lang yan sa mga nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo para kumbinsihin tayo na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Nagkalat din ang mga paalala sa mga tindahan, billboard sa edsa, at mga poster sa MRT. Oo na!!! Masama na sa katawan ang paninigarilyo. Yeah, yeah!!! Wateber!!!!
Ang pinagtataka ko lang ay bakit walang naglalabas at nagsasabi ng mga benipisyong nakukuha sa paninigarilyo. Dahil ba sa wala talaga? O dahil ayaw lang nilang maglabas? Alam ba nila na enjoy manigarilyo? Alam ba nilang nakakatanggal ito ng stress? Nakakarelax, panlaban sa kabagutan, pwedeng alternatibong pampapayat kasi smoking burns up an extra 300 calories each day, nakakatulong din ang yosi para makapag-focus at maaari din na panlaban sa kalungkutan at depresyon. Oha, oha oha!!!!
Napag-alaman ko din na mas mababa ang pagkakataon na magkaroon ng Parkinson’s disease kapag naninigarilyo ka ayon sa artikulong ito. Ayon naman sa artikulong ito, nakakaprevent din daw ng atopic disorder ang paninigarilyo. Smoking also prevents rare skin cancer according to this piece of writing. Dagdag pa sa mga benipisyong yan ay maaari mo rin i-click ito para mabasa mo na ang paninigarilyo daw ay nakaka-reduce ng kanser sa suso ng mga babae. Maaari mo rin puntahan ang site na ito para malaman mo kung ano ang mga naitutulong ng nicotine sa katawan ng tao.
Napakarami din naman pa lang mga pag aaral na nagpapatunay na may mga magandang epekto din ang paninigarilyo sa katawan nating mga tao. Hmmm, pero kung ako ang tatanungin n’yo ngayon kung bakit ako naninigarilyo, simple lang ang sagot ko. Malapit kasi sa puso ang lungs. Kaya sa bawat hithit at sa bawat buga ng usok galing sa yosi, natatakpan nito ang puso ko. Binabalutan ng ulap. Ulap na nagpapamanhid sa damdamin. Parang anestisya. At sa ganitong paraan, lahat ng sakit sa puso ko ay nababawasan. Mas gugustuhin ko pa kasing maunang mawasak ang baga ko kaysa unti-unti akong patayin ng hapdi sa puso na dulot ng nararamdaman kong ito. Pft. Ang emo!
...
July 14, 2008 at 3:13 PM
ang emo naman... may Pusong natatapakan pang nalalaman.. hehehehe
wow nakakapagpababa ng rate ng chances of getting Parkinson's disease? (uhm... sino si Parkinson? ay korni)... kapalit naman lung cancer.. hehehehe
ok lang magyosi pogi.... ayoko lang yung mga yosi kadiri na bad breath after... hahahahaha..
July 14, 2008 at 3:56 PM
ang yosi tulad yan ng isang bilmoko girl. kala mo may nakukuha kang benepisyo, oo meron nga naman pero ang katotohanan mas maraming kang nakukuhang perwisyo dito..
ayon din sa pag-aaral nakakapag enhance ng memorya ang yosi kaso iilan ang magandang naidudulot ng sigarilyo sa katawan ng tao mas marami pa rin ang magiging masamang epekto nito sayo..
Nagmamahal ang iyong kumare,
FerBerta
July 14, 2008 at 4:52 PM
quit na kami. wag mo kaming i-BI. malinaw?
mga after 4 years mag kakaanak na ako. syempre dapat malusog ako. oo mataba na ako pero.. dapat "healthy lifestyle" na ang sundin ko.
madami na akong stock ng nicotine sa baga, okay na yun panghabang buhay.
okay. all is clear.
July 14, 2008 at 5:20 PM
Ang sarap kaya magyosi. Kahapon lang nagyosi ako, nakadalawang kaha ako eh, binawi ko yung hindi ko nayosi ng isang linggo.
AY SHIT SI TRINA PALA YUNG ASA TAAS KO!
Isa sa pinakamahirap na labanan sa pagsisigarilyo eh kontrol. Okay lang naman magyosi wag lang papa out of control. Which is somewhat impossible sa kahit na sinong nagsisigarilyo.
San ba tayo makakarating kapag nagpatuloy tayo sa pagyoyosi?
July 14, 2008 at 6:05 PM
manigarilyo kayong lahat
at ang mamamatay
ay yung katabi niyo
yessssss.
palagi ko sinasabi
na sinubukan ko manigarilyo
pero hindi ko hinithit
binugahan ko yung yosi
hahahaha
hindi ko maintindihan
ang gastos ng yosi
isipin mo na lang
ang naipon mong pera
imbes bumili ka nun
kaya kapag magboboypren ako
gusto ko ako lang ang bisyo
yesssssss.
.xienahgirl
July 14, 2008 at 7:35 PM
haha..
loko ka pedro, parang kinukumbinsi mo kaming manigarilyo ah?
haha..
nangalap ka pa ng mga ebidensya sa mabuting dulot..?
geh, pagbutihin mo yan...
palakpakan.
July 14, 2008 at 8:24 PM
abah. yan nga sabi ko eh. Pedro mag LAW ka nalang. Bigyan mo ng paliwanag lahat ng mga kagaguhan ng mga tao. Lang hiya yang upos na sigarilyong iyan. ang papa at kuya ko na aadik diyan buti nalang naka iwas ako diyan.! *hithit muna ako* hoooo...
July 14, 2008 at 10:24 PM
wala akong makoment sa post mo. hahahha babatiin ko na lang ang bagong mong layout. impernes. maayos.
July 15, 2008 at 2:39 AM
hehehe nakahanap ka rin ng benefits about cigarettes ah
July 15, 2008 at 8:28 AM
taena naman emo pa rin ang dulo...walang kwenta.pis!ahahaha
pedring, i cant agree sa mga pinagsasasabi mo, "EPINTOMY" pala ng pagiging astig ang isang indibidwal na naninigarilyo, its BS*, sori pero i just want to be honest about smoking.
ndi naman ako beergin pagdating jan. naranasan ko din naman ang magsigarilyo, OUT OF CURIOSITY naman ang akin. Hindi ko talaga kinaya dahil ako'y isang hikaing bata. Madaling mairitate ang lungs ko at madaling maubo. Kaya buti na lang ndi ako naadik jan. BUTI NA LANG!
Isa pa, ang tatay ko ay twice nang muntik muntikang magkaempaysima. At isa pang dahilan ko ang mga putragis na mga taong kung san ka nakaharap ay dun pa magbubuga ng PI* usok na yan (galit na galit?hahahaha)
SO IRONIC ng mga pakete ng sigarilyo. taena wala akong bilib talaga jan.
Sori marami por sure magagalit sa comment ko na to pero ndi ko talaga gusto ang sigarilyo.
:)
July 15, 2008 at 8:30 AM
correction = "EPITOMY"
July 15, 2008 at 9:05 AM
HINDOT paenglish english pa talaga. Chura!
May mga benepisyo (para sakin) ang pagyoyosi. Kapag gabi lang ako nagyoyosi, pampatagal libog este LAMIG sa katawan.
Yun.
Ang bobo ng site mo, KINLICK KO YUNG VOTE FOR PEDRO. Akala ko COMMENT SECTION. Tas mga limang minuto ako nagtataka at walang lumalabas na comment box.
FIX YOUR LIFE NGA. :p
July 15, 2008 at 9:58 AM
..nax, akalain mo un brod. may benefits din pala pagyoyosi, hahaha. so parang samakatuwid, magyosi man or hindi, mamamatay din naman tayong lahat.
July 15, 2008 at 1:22 PM
@eniala, aym prawd to be so homo este emo. tang ina typo. oo magyoyosi lang ako ng magyoyosi at oo pogi ako. bwahahaha. :D
@FerBert, masama naman talaga mare ang yosi, wala lang, ginawan ko lang ng entry, makakontra lang, hahaha. muah.
@Trina Labandera, hindi ko naman kayo bini-BI, ang sinasabi ko lang, masarap manigarilyo. sobrang sarap. ehem, naglalaway ako, bwahhahaha! :D
@Mariano, huwaw nag-comment ka nanaman sa basurang post ko. haha. ang totoo, yosi ako ng yosi pero hindi ko rin alam kung san ako makakarating pag pinagpatuloy ko ang pagyoyosi. pft. ang alam ko lang, masarap siya. kewl! :D
@xienahgirl, yaan mo, pag naging tayo, hindi na ako magyoyosi, ikaw na lang ang gagawin kong bisyo, hahaha. =p
July 15, 2008 at 1:23 PM
@enday, hindi naman ako nangungumbinsi, ahmmm, pero try mo, sige na, kahit isang hithit lang, hahahaha.
@dansoy, ayokong mag-LAW, kasi pag nagkataon, lahat na lang ng tuwid babalukturin ko at ang mga baluktot ay itutuwid ko. taeng yan. hehe.
@mr_d, kahit na wala kang mai-comment ay gusto kong malaman mo na kinikilig pa rin ako na parang 2nd year hayskul sa bawat sandaling may nasisilayan akong comment galing sayo. may kwenta man o wala. haha. oxox. muah! aylabyu manding. hahaha.
@hazelicious929, isang taon, siyam na buwan, dalawampu't tatlong araw, walong oras at limampu't pitong minuto ang ginugol ko sa pagsasaliksik na iyan, nawa'y nagkaroon naman ng kinahinatnan ang masusing pagkalap ko ng kasagutan tungo sa katotohanan. anong silbi? WALA! hahaha. :D
@PoPoY, naaaliw ako sa sobrang haba ng mga comment mo. pinararating ko sa'yo ang aking taos pusong pasasalamat sa napakahusay na laman ng kumento mo. nais ko rin ipagbigay alam sa'yo na mas may kwenta pa ang mga kumento mo dito sa mga post ko kesa sa mga entry na inilalathala mo sa site mo. hahahaha.
July 15, 2008 at 1:23 PM
@PoPoY, buti naman at kinorek mo, muntik na tuloy kitang masabihan ng PoPoY, ang TANGA TANGA mo!
@Kevin, well, you know, with the everyday visiting of me to your site, ahmmm, i'm kinda beginning to uhmm, you know, pick some words and sytles of yours trully, and it's greats so much helpings learn a lots adding to my ability and knowledge of course. that's why i'm always dropping buy a bomb to your site so that i can grabbing opportunity to ahmmm, well, adopt your variety ways of writing and so far it's good. thank you. bwahahahaha. ay lab my english! PEDRO the next UTAKGAGO. har har. P.S kevin, fix your face. hahaha!
@raingoddess, oo naman brod. dpat lahat ng bagay eh maghalukay tayo ng kaalaman kung may mga benipisyo ba tayong mga makukuha dito, kung wala, idispatsa kaagad. walang silbi, inutil, mangmang, sira ulo, tanga, tonto at gago. ay OA na ako. hahaha. korni ko talga. pota. pakamatay na nga lang ako, laslas pulso. -gone-
July 15, 2008 at 1:39 PM
matagal ng may benefits ang yosi.. ayaw lang nilang ipromote kasi siguro dahil addictive sya. other than that malaki ang kinalaman ng pang uuto ng ating utak sa naidudulot ng stress.. maraming psychosomatic achuchuness.. hehe..
i started smoking mula 3rd year HS. pag huminto ako, automatic laalbas bronchitis ko at hika. yeah! ma hohospital pa ako ng limang araw. so eto nag yoyosi pa rin. siguro hihinto lang ako(ulit) pag hmmm, may super bigat na na dahilan.
pero bakit ganun ang emo pa rin sa dulo? sos ka..
July 15, 2008 at 1:46 PM
@damdam, siyempre naman, balak ko ng gawing trademark yan, kahit na masaya, kahit na makabuluhan, kahit na basura, lahat ng post dapat emo pa rin. from ashes to rushes and dust to dusk. anu daw?!?!?! hahaha. o cge ganito na lang. emo na ipinanganak at emo din mamatay. yebah! :D
P.S.
xet, at talaga namang may life experience sharing pa. hahaha. kewl! :D
July 15, 2008 at 1:48 PM
kebs na ako sa kung anik-anik na pagtatalo sa yosi. titigil lang ako kapag pinalitan ko na pangalan ng blog ko. hmp!
July 15, 2008 at 1:52 PM
@jericho, ahahaha, right right. mabuhay ang blog site mong kape't yosi. sunog lang ng sunog! astig! \m/
July 15, 2008 at 5:08 PM
sabe ko sayo emo ka din e! ahahahha.. bwahahahaa.. hahaha...
at least ako emo without the yosi.. :P ganito.. dapat pinichuran mo lahat ng kaha ng yosi na may ganung mga warning.. sabay pinost mo.. wala lang.. gusto ko lang may pichur!
feeling close e. ahahha
July 15, 2008 at 5:45 PM
wow may sense nga nahilo ako kaka-click ng "ito" mo...
bat yung iba gingawang kape ang sigarilyo?
July 15, 2008 at 6:21 PM
you gonna hate mo for this... smoking doesnt make you cool or astig, you're just polluting the air...
the pros and cons, mukhang mas marami 'yong cons, kesa pro.
ganoonpaman, lahat naman eh may karapatan.. karapatan mo 'yan, iginagalang ko... sana igalang din sana ng mga smokers 'yong karapatan ng mga non-smokers to have the clean air... he he he. peace.
July 15, 2008 at 7:18 PM
anak ng tokwa! ung huling paragraph ang nagdala dun e. ang emo mo pedro. haha but nice words. aprub!
July 15, 2008 at 10:16 PM
anong kabaliwan ito pedro??? paano mo pa naisingit ang pagiging emo mo sa post tungkol sa yosi?? iba ka, peter! you're the man! pakiss nga!
July 15, 2008 at 10:39 PM
"" @eniala, aym prawd to be so homo este emo. tang ina typo. oo magyoyosi lang ako ng magyoyosi at oo pogi ako. bwahahaha. :D ""
ayune eh feel na feel ang pagiging pogi.. sama mo naman ako dyan... ^__^ syempre sino pa ba ang magkakaintindihan di ba kundi tayong may magagandang lahi lang...
yun, nagcomment lang bago ako matulog.. ^__^ gud nyt...
July 16, 2008 at 12:20 AM
ang emo mo pedro. ang lakas ng loob mo sabhan ako na emo. shet
July 16, 2008 at 1:42 AM
Pedro, parang nakuha ko na yan text na yan sa huli. lol. emo mode tayo lahat!
smoking burns up an extra 300 calories each day
huwaw! pwede, magyoyosi na ko ng magyoyosi kesa mag exercise. bwahahahha!!
Smoking also prevents rare skin cancer
-lol un rare na yon, maliit ang chance, pero sa lung cancer sapul na sapul. hahahhaha
pengeng yosi? napadaan din dahil dumaan ka sakin eh! heheheh
July 16, 2008 at 8:10 AM
Napadaan lng at naaliw sa mga post mo. hehehe
astig yung last part.
July 16, 2008 at 12:01 PM
hahaha! natuwa ako sa comment ni xG.
pedro palaging emo.
ako hindi ako pwede mag-smoke kasi may asthma ako. heheh! at ayokong ginagamit ang inhaler ko kaya as much as possible lumalayo ako sa mga smokers.
pero hindi naman ako yung kagaya ng ibang tao na kung umubo sa tapat ng mga smokers parang lalabas na ang lungs. discreet lang ako magpapansin hahaha!
mag-kape ka na lang.
July 16, 2008 at 12:13 PM
@ayzprincess, naisip ko din yung pichur-pichur, kaya nga lang tinamad ako, hahaha. at oo, emo ako, mabuhay tayong mga emo! hahaha!
@mang badoy, yessss, sa wakas may nagsabi ding may sense ako. hahaha. alternatibo ata nila ang sigarilyo sa kape mang badoy, hindi nga lang ako sure, hahaha!
@me, ahmmm, tama ka jan, galangan lang talaga. hehe. :D
@rok, hindi si tokwa ang nanay ko, acheche! hahaha. yung dulo talaga ang nagdala dun, pasakalye lang yung naunang limang paragraph, hahaha. emo rules! itaas mo! :D
@GODDESS, pag emo emo talaga, kaya kahit anong post, maisisingit at maisisingit mo pa rin ang pagiging natural mo. nakow, baka mabasa ni popoy yung kiss kiss na yan, patay tayo. pero wala naman ata siya, cge na kiss na! hahaha!
July 16, 2008 at 12:13 PM
@eniala, ay oo naman, pangalawa ka pa lang kasi sa nagsabing pogi ako, kadalasan kasi handsome daw, bwahahahaha!
@Dakilang Tambay, hahaha, emo ba? nakakahawa kasi ka-emohan mo, hahaha, atleast di kita tinawag na pisnge baka kasi magbounce back sakin, hahaha.
@TENTAY™, nakuha mo na? shet, ibig sabihin may nagkakalat na sa text ng mga salita ko? bwahahaha. pilingero talaga ako, pilingerong emo. haha. gustuhin ko mang bigyan ka ng yosi, eh mahirap ang buhay ngayon, bumili ka! hahaha!
@Halo-halo Master, astig ba yung last part? mas astig ka kasi nagbasa ka na, nagcomment ka pa. mabuhay ka kapatid. :D
@Tisay, naatawa din ako sa comment ni xG paramis! haha. at natawa din ako sa comment mo, hindi ko kasi maimagine kung pano yung discreet magpapansin, hahaha. iba ka talaga miss tisay. :D ay siya nga pala, may asthma ako pero ang gamot ko sa asthma ay yosi, pasaway kasi ako, hahaha. :D
July 16, 2008 at 12:17 PM
may kabuluhan ang iyong isinulat dahil may mga nagbasa! ayan oh ang daming nagreact!
un lang...at isa ko sa nagreact!
ganda ng blog mo!
ingats po!
July 16, 2008 at 5:14 PM
pedro,
emo ka?
emo ka nga!
walang duda.
hahaha..
at hindi po BASURA ang blogsite mo.
dahil kung BASURA to, ano pa kaya yong sa akin?!
bwahahah..
makiki-emo na rin ako..apirr!!
nadaan lang po..
July 16, 2008 at 6:51 PM
haha. umaming ang mga paliwanag niya dito ay pawang pambabaluktot lang. Aneh bah. Napapa utot tuloy ako.
July 16, 2008 at 8:55 PM
Haba ng post mo kaibigan.. Pero salamat sa paglathal mo ng iyong mga nasa isipan.
Ester's Celebrity Blog
July 16, 2008 at 11:33 PM
nbusog ang isip ko hehe...ntatawa qo nung binabasa ko.naisip ko dapat ipabasa to sa kapatid qo n naninigrilyo hehe.
July 17, 2008 at 12:03 PM
@bunso, mga tunay lang silang kaibigan kaya sila nagbasa at nagreact, mga pwinersa ko yang mga yan para magkumento, hahaha. ingat din. :D
@ayyzzz, yebah! emo lang ako ng emo hanggang umabot sa puntong lubid, isang palad na pills at blade pang laslas pulso na ang kaharap ko. hahaha. kalat lang yung sayo ayyzzz, etong akin eh smokey mountain, PAYATAS! hahaha. :D
@dansoy, kelan ka ba matututong magbasa? wala akong inamin dahil wala naman akong dapat aminin. wala akong sinabing baluktot ang mga pinagsasabi ko dito, kung inintindi mo ang mga binasa mo, ang sinabi ko ay ganito, pag nag Law ako, babalukturin ko ang mga tuwid, yun eh pag nag Law ako, nagbloblog lang ako, hindi ako abugado, walang dahilan para balukturin ko ang mga nakasulat dito. sos ka talagang bata ka.
@raptured dreams, salamat din sa pagkumento.
@yeine, mainam kung ganun. kaso medyo napaisip ako, nabusog kasi yung isip mo, baka mamaya ay sumama yang bigla, mahirap i-tae yan kasi wala namang pwet ang isipan. har har, ang korni ko talaga. Pft.
July 17, 2008 at 1:41 PM
ang iba ay hindi nakakapagtae kapag hindi nagninigarilyo. bisyo sa banyo.
bagay na hindi ako natuto.sayang nga.tsktsk.nagfocus kasi ako nun sa alcohol,kaya nakalimutan ko ang nicotine.asar!
July 17, 2008 at 2:26 PM
@lunes, naku, usapang tae, dapat ata ay ikonsulta natin yan kay mr.d. :D
mabuti at hindi ka nagpokus sa yosi, mahirap tigilan. tama lang yan. :D
July 20, 2008 at 12:36 AM
sa totoo lan, uminit ang ulo ko ng mabasa ko ang mga comments dito.
sa pagkakaalam ko kasi, nagcomment ako pangatlo. sabi na nga ba, hindi nahabol nun nagloko ang net connection ko.
nakakalungkot. mahabang mahaba pa man din ang comment ko.
o well, wala naman akong magagawa e, wala kung wala!(highblood)
o, cool na ulit. . . HAPPY HAPPY BLOGGING DAYS nalan!
apir! gusto ko ang sinusulat mo at ang paraan ng paglalahad mo!
flyfly! (hahaha, hanep talaga ako sa mood swings) hehe =p
July 21, 2008 at 10:20 AM
@napunding alitaptap, bad trip talaga yung ganun, todo eport ka pa sa pagcomment, kasi giliw na giliw ka tapos mawawala lang. pakshet!
salamat naman at natutuwa ka sa paraan ng pagtuwad ko este paglalahad ko. ako din gusto kita. tangna typo error bad trip. ang ibig kong sabihin ay gusto ko din ang paraan mo. hahahaha.
cge, pagaya ako. fly fly! =p
July 21, 2008 at 7:25 PM
at ang komedi dito, i got the wrong post to comment on.
tae, ang bobo ko talaga. . . dapat dun sa bata bata tsorba. . . taeness!
ahaha, naglalandi ka pa dyan a, hahaha...
flyfly! =p
July 22, 2008 at 10:07 AM
@napunding alitaptap, ahahaha, ang bobo nga, komedi, hahaha, mali mali yung post mo ng comment, at talagang wla ka pang comment sa bago. hahaha.
xet na yan, natatawa talaga ako. LMAO! fly ka kasi ng fly ayan tuloy, hahaha. :D
July 23, 2008 at 4:21 PM
tshe!!! bobo na nga, sinabihan mo pa akong bobo! ang saket, ang saket saket. . . awts, aw aw, ang sabi ng aso.
e malamang wala akong comment sa bago dahil dito ko nga nailagay, DITO AKO WALANG COMMENT TALAGA, misplaced ang tseneling na comment, vofolz ko...
=p
flyfly! ahaha! fly lan ng fly!
July 23, 2008 at 4:24 PM
@napunding alitaptap, at talagang nagchat na tayo sa comment box nitong post na to? hahaha.
jump jump. hahahaha. korni ko talaga. pft!