Bukas ay August 8, 2008. Eh ano ngayon? Swerte? Malas? May mga magandang mangyayari? Ano bang meron sa araw na ito? Maliban sa pagsisimula ng Beijing 2008 Olympic Games ay wala na akong alam na kaganapan sa araw na ito.

Sabi nila, numero daw ng demonyo ang 6. Samakatuwid, malas daw ito. Lalo na pag ginawa mong dalawa (69) (66), at mas lalo naman siguro pag ginawa mo pang tatlo (666). Eh bakit naman buhay pa ako? Bakit wala naman akong maalala na masamang nangyari sa'kin nuong June 6, 2006? Meron pa nga akong kalabing labing nun sa ilalim ng isang poste sa madilim na eskinita sa isang lugar sa maynila. Si Bruno! Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalan n'ya, gaaarrrrabe ba naman kasing maglaway.

Sex Sex Sex Six Six Six! Base sa aking pagsasaliksik sa intarnets, ang June 6, 2006 ay araw na masarap mag-sex hindi malilimutan. Ang araw na ito ay ika-222 na araw matapos ang muslim riots sa paris. Ika-333 na araw matapos ang London Train Bombings. Ika-444 na araw matapos ang ika-2 anibersaryo ng pagsakop sa bansang Iraq. Ika-555 na araw mula November 28, 2004. Anong meron sa November 28, 2004? Ito lang naman ang ika-333 na araw ng taon at matapos nito ay may nalabi pang 33 araw sapagkat leap year. Ang June 6, 2006 din daw ay ang ika-777 na araw matapos ang foiled sears tower attack. Nagkataon lang ba? O sinadya?

May mga taong naniniwala na ang numero 7 ay swerte. Sa mga slot machines sa casino ay makikita ang numero na ito. Maging sa report card ko nuong hayskul ako ay nagkalat din ang numerong ito, palakol. Kung maaalala n'yo ang dating punong bayan ng Calauan na si Antonio Sanchez na nakulong sa salang panggagahasa, ahmmm, teka, naaalala n'yo pa ba s'ya? Ah basta, isa siya sa sa mga kilalang tao na mahilig sa numero 7. Magmula sa plaka ng sasakyan hanggang, sa bahay, at sa mga palamuti ng alahas ay makikita ang numero 7. Isa rin si dating Pangulong Ferdinand Marcos na mahilig sa 7. Ayon sa aking pag-aaral, hindi man matapat sa 7 ay madalas gamitin ni Marcos ang mga numero na divisible by 7. Ang dating hardcore ng hard court at dating senador na si Robert Jaworski Sr. ay mahilig din sa 7. Totoo nga bang bwenas ang numerong ito?----July 7, 2007. Wala akong kaswertehan na naaalala nuong nagdaan ang araw na 'to. Kung maituturing na swerte ang pagkain ng balyu mil namber wan sa jollibbee, go lards isprayt en frays as wel, pwes tingin ko siniwerte nga ako.

Napag-alaman ko na enero pa lang ng taong ito ay fully book na para sa kasal ang August 8, 2008. Karamihan din sa mga ito ay nakareserb sa ganap na alas 8 ng umaga. Isa lang itong patunay na marami pa ring naniniwala na swerte nga talaga ang araw na 'to. Kung hindi man swerte eh atleast matawag man lang cool. Nagpakasal ka ba naman sa petsang 888, hindi ba cool 'yon? Minsan lang ang 888 sa isang siglo, kaya para sa'kin ay cool na cool ang mga araw na ganito. Maganda sana ang araw na ito para magpatuli pero takot pa rin talaga ako. Next year na lang para 999.

P.S. (Pahabol Salahat)

Bukas ng gabi ay tutungo ako sa isang pagtitipon para sa mga blogista. Ito ay ang coke event part 2. Swerte na bang masasabi ang makakain ng libreng hapunan at makainom ng libreng sopdrinks at alkohol? Oo na rin siguro, libre 'yon eh. Bihira na ang libre sa panahon ngayon.

18 comments

  1. napunding alitaptap...  

    sayang. walang "ideal"...ahaha!

    oh well, di ko pa sya talaga nababasa ng tapos...

    at ang sasabihin ko lan, negatib, di ako makakapunta at makakalaklak ng coke...peborit ko pa man din yun, nun beybi ako, yun ang pinapadodo sa akin ng nanay ko kesa gatas, tsktk...nakakabitter talaga, BIHIRA NA NGANG MAKATIBA SA PAGINOM NG LIBRE. . .

    kung KJ AKO, mas KJ ANG NANAY KO.

    negatib, di ako sineryoso ng nanay ko na mapa-MLA ako, kmusta namang idahilan ko na "libre kasi an coke" di ko naman masabing par-teeey... hmfhmf!

    sana magenjoy kayo, OO YAN!

    flyfly!

  2. napunding alitaptap...  

    uy, itabihan mo naman ako ng coke, tas ip eber na magkita tayo, iabot mo nalan. . .

    pag wala, edi wala. . .

    mas KJ ka pa sa akin o sa nanay ko!

    ahahaha!

    uh, cooooke. ..cooooke, malamang di ako makakatulog ng maayos(aysuuus, aysus) ahaha!

    flyfly! =p

  3. Anonymous  

    wow olympics na.

    binilang mo lahat yung araw na un pedro? hahaha!

    chaka kelan pa naging malas ang no. 69? hahaha!!

  4. Anonymous  

    wow. may natutunan ako dun ah. nice! :)

  5. Anonymous  

    sa pagkaka alam ko malas ang 8, dahil daw "pilipit" ung pagkaka sulat, nag si-symbolize daw ng hirap..pero di naman nakabase sa malas o swerteng numero ang kapalaran ng tao,daba?

    may isa pa palang mangyayari ngaung araw bukod sa olympics at coke event..concert ni sharon cuneta sa araneta..hehe,la lng,nasabi lng.

    enjoy and have fun sa coke event!

  6. Anonymous  

    well reaserched pedro.

    kudos to you!!! :)



    --boy buhok

  7. Anonymous  

    kaya pala nung minsan sinilip mo yun akin tinitignan mo kung tuli nako...

    whaaaaaa... mag patuli ka na mabaho yan tol!

  8. Anonymous  

    inanawns mo
    na nasa coke event ka?
    ukinamness
    :|

  9. Anonymous  

    patabi na lang ng coke para masaya. :)

  10. Anonymous  

    tsalap naman ng coke event.! Swerte nga ang 888. kitams.Free bah coke dun?

  11. Anonymous  

    interesting things you got to research about the date. maybe 080808 was really anticipated because of the lucky number 8 and bec it 080808 only comes in every 100 years. :D

  12. Mar C.  

    ako minalas ako sa 888 na yan, ewan may pagkasademonyo ata ako.haha... basta naniniwala ako na merong Diyos at responsibilidad ko ang buhay ko mapa-malas man o mapaswerte.

  13. Pedro  

    @napunding alitaptap, oo nga. hindi ko maisip tagalog ng ideal eh, hahaha.---sayang naman at wala ka nung coke event pero ayos lang, hindi din naman ganun kasaya kagaya nuong nauna.

    @napunding alitaptap, ikaw nanaman, hahaha. walang freebies. walang take home coke. hindi tuloy kita natabihan. KJ!!!! hahaha.

    @MissTisay, oo nga, olympics na. zeusdemet! hindi ko binilang yun, nasearch ko lang sa net, hahaha. ewan ko sa 69 na yan, wala akong alam dyan. hahahahaha.

    @Lei, ahehehe, buti naman may napulot kang aral. ok yan, ibig sabihin eh hindi lang puro kagaguhan ang mga laman ng blogsite na to. =p

  14. Pedro  

    @Anonymous, huwaw sharon cuneta, hindi ko alam yun, wala kasing lumabas sa search query ko sa google. salamat sa adisyonal na impormasyon. pasasalamatan sana kita kaso hindi ko naman alam kung sino ka kaya dito na lang. thank you. :D

    @boy buhok, salamat!!!

    @mang badoy, oo nga sinilip ko pero hindi para malaman kung tuli ka na. ang cute cute. ang tiny kasi, hahahaha!

    @XienahGirl, oo inanawns ko, bwahaha. sos, eh ano naman? wala naman nakakakilala sakin.

  15. Pedro  

    @Hachi, tatabihan sana kita kaso nagtipid ang coke. hindi gaya nung naunang event na may take home na isang case. wala na silang freebies na pinamigay. bad trip.

    @dansoy, oo free, pati hapunan at beer.

    @acey, oo nga, interesting, akshuli eh naaliw din ako nung nakita ko yang mga naresearch ko. ang galing. :D

    pensucks, ganun talaga, may swerte at may malas. yan ang tinatawag na newton's law of balance. teka, may ganun ba? hahahaha. imbento ko lang yun. :D

  16. Bryan Anthony the First  

    the drama--fun!!

    woof!

  17. Pedro  

    @Bryan Anthony the First, right right.

  18. Anonymous  

    senior pedro... patambay... :)

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)