• ANG BUHAY AY PARANG GULONG:

Minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa vulcanizing shop, alam ko korni! haha..

  • ANG BUHAY AY PARANG AKO:

Masarap, haha. (di mo ako matitikman, wahahha)

  • ANG BUHAY AY PARANG BATO:

It's hard. And it hurts too. (IT HARTS YU KNOW?)

seryoso na muna:

  • ANG BUHAY AY PARANG YELO:

Natutunaw, nauubos at iyong makikita sa linaw ng tubig ang lahat ng iyong ginawa, malinis ba o madumi? Ngunit sino nga ba talaga tayo upang humusga kung ano ang malinis at madumi? At kung ang pagiging madumi ay mali, at hindi karapat-dapat.


  • ANG BUHAY AY PARANG KOMIKS:

Sa komiks may hatid na drama, bakbakan at romansa sa bawat kabanata. Mayroon ding takot at luha na nababalot sa bawat pahina. Sa bawat paglipat, may pahinang nabubuklat. Sa bawat pahina, may istoryang nakikita. At sa bawat istorya, may buhay na nararamdaman.

  • ANG BUHAY AY PARANG CREDIT CARD:

Buy now, pay later, hiram lang ang atin buhay na ginagamit ngayon kaya kung ano man ang mga gagawin natin habang gamit natin ito ay siguradong pagbabayaran din natin ito sa bandang huli pag dating ng takdang panahon.

  • ANG BUHAY AY PARANG SINTAS:

Minsan mahaba, minsan maiksi, isa lang ang sigurado, ang sintas, kadalasan magulo, anong gagawin mo? Hahayaan mo bang madapa ka kasi buhol buhol ang sintas mo, o titigil ka muna para itali ito ng maayos para deredrecho ang pag lalakad mo?

  • ANG BUHAY AY PARANG ROLLER COASTER:

Mabilis magbago ang estado at kinalalagyan mo. Kailangan mong sabayan ang lahat, kahit na nahihirapan ka na. Hindi ka dapat sumuko kahit anong hirap na ng sitwasyon. Ayus lang mahilo, wag ka lang susuka.


  • ANG BUHAY AY PARANG ELEVATOR:

Dahil masyado ng gamit ang roller coaster at hindi naman laging nagsa-cyclone loop ang buhay, may mga taas baba lang, at darating din ang isang minsan na magiging steady lang. Chillax lang mga pare, STEADY LANG!


  • ANG BUHAY AY PARANG LANSANGAN:

Madumi at mabaho pero pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat, nasa lugar na at mabango na. Isang pagbabagong idudulot ng pagtitiyaga.

  • ANG BUHAY AY PARANG BASEBALL:

Kung ang taga bato ng bola ay sinaktan ka minsan eh ayus lang, parte ng laro yun, hindi sinasadya. Pero kung paulit ulit ka na nyang binabato at sinasaktan, anong gagawin mo? Gagamitin mo ba ang bat mo para bweltahan siya at hampasin hanggang magtanda siya o hahayaan mo na lang kasi nakakaintindi ka? Ganyan lang din ang buhay.


  • ANG BUHAY AY PARANG RUBIK'S CUBE:

Maraming kulay, parang buhay. Umiikot ng paulit ulit, minsan nasa baba, minsan nasa taas, sa likod sa harap at minsan nasa tagiliran. Bigla na rin itong bumabaliktad pag pinihit at nag rarambol ang kulay kada pihit. Mabubuo ba o hindi? Magtutugma ba ang mga kulay o maghahalo halo na lang hanggang masira?

GANYAN LANG TALAGA ANG BUHAY, PARANG LIFE!

WAG PADADAIG!

WAG PAPATALO!

CHILLAX!

STEADY!

AT MAGING MASAYA LANG TAYO!

1 comments

  1. Anonymous  

    The information were very helpful for me, I've bookmarked this post, Please share more information about this
    Thanks

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)