My fingers are swollen and it hurts like hell. Ang sakit sakit, waaaaaa. Oooops, if you guys are thinking na nakipagsuntukan ako kaya masakit ang mga daliri ko sa kamay, pwes, you guys are wrong, ahmm, partly right din naman kasi nakipagsuntukan talaga ako, pero hindi sa tunay na tao, kundi sa mga sikat na character sa larong Fight Night 3 sa PS 2 (kung di nyo alam ang sinasabi ko, tignan nyo lang dito sa site na ito. I’ve played yesterday from 4:00 pm to 9:00 pm, with no interruptions, pause, break and whatsoever except when I ate dinner at around 7:00 ata yun. Tapos naligo ako ng mga 9:30 kasi nangangamoy baktol na ko, after nun pinanuod ko uli yung national treasure 2 (book of secrets) wala kasing bagong dvd, hmmm I wonder what’s on page 47, can’t wait na maipalabas na yung part 3 ng movie ng gates family including riley and abigail (kung di nyo nanaman alam ang sinasabi ko, maari nyo uling silipin dito sa site na ito). After ng movie, naglaro uli ako hanggang 2:00 am in the morning (nyahaha, redundant, a.m na morning pa) tapos gumising ako ng 7:00 am kasi may pasok pa sa trabaho. Ang bilis natapos ng lingo bitin ang pahinga ko. Bad trip.

Eto ang mga ngyari, wala kasi akong magawa kahapon, tapos tinatamad ako, kaya di ako lumabas ng kwarto, tamang higa lang ako buong maghapon, 7 am, nagising ako kasi aalis na yung lolo ko, pnta na ng airport pabalik na sa middle east, so I woke up early just to say goodbye. After that, hilamos lang and toothbrush tapos umakyat na uli ako para mahiga. Around 8 am tinext ko yung bunso kong kapatid na nasa baba lang naman, tinatamad kasi akong magsalita kaya tinxt ko na lang, sabi ko “paki-panikan nga ako dito ng almusal, samahan mo na din ng isang tablet ng centrum tsaka calamansi juice kung meron pa” tapos ayun na nga, nag almusal na, at nahiga pagkatapos, maya maya inantok na ako kaya natulog nanaman ako, tapos mga bandang 10:45 gumising nanaman ako, nag bukas ng TV at naghanap ng mapapanuod, nakita ko basketball, new Orleans hornets laban sa san Antonio spurs na tumalo sa paborito kong koponan na phoenix suns, so xempre new Orleans ako para maipaghigante man lang yung team ko na pinagbibidahan nila steve nash, amare stoudamire, old skul na grant hill, at bobong walang kwenta at lampang shaquille o’neal. Natapos na ang laro at nanalo nga ang new Orleans, 1-0 na ang standing, nakauna sila ng isang panalo sa 7 game series sa second round ng western conference playoffs. Nilipat ko ang channel at napadpad ako sa channel 2, wow boxing, dela hoya laban kay forbes, ayun panalo si dela hoya, walang kwentang laban, unanimous decision, walang thrill, kaya natulog na lang ako, pag gising ko ng mga 3:30 ala akong magawa, sound trip sandali, tapos naisip ko ng maglaro ng PS at naalala ko yung boxing kaya fight night na lang nilaro ko, gumawa ako ng boxer ko, tapos nagsimula ako ng career mode, nagsimula sa 2008 at bago ako matulog, year 2029 na at 40 years old na yung boxer ko, 8 times title holder in 3 different division class, with 69 wins 0 lost 0 draw and 69 KO’s, sarap makipagsuntukan, lalo na pag hindi man lang nakakasurvive ng round 1 ang kalaban, ayun nga lang, sa sobrang tagal kong naglaro, sumakit ang mga daliri ko, pero ok lang, naalis naman stress ko, parang ang sarap kasing ilabas lahat ng sama ng loob at gigil sa kalaban mo sa kompyuter sabayan mo pa ng mga naglulutungan mura na mas malutong pa sa chicharon na tigseseventy pesos sa mga bus na dumadaan sa bulacan.

Tapos ayun, tapos na, wala nanaman kwenta blog ko, isang araw na, ng katamaran ang lumipas at nakuha ko pang ikwento, wala, ganun talaga eh, gaya ng lagi kong sinasabi, blog ko to, kung ayaw mong basahin, edi wag, kung binasa mo naman at may gusto kang mangyari, edi gumawa ka ng sarili mong blog. Walang pakialamanan ng trip, bwahahaha..

0 comments

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)