Dumating ako kila uncle at hinainan na ako ng makakain pag dating na pag dating ko pa lang. Inihaw na liempo, longganisa na galing pang lukban quezon, atsaka nilagang baboy na mainit init pa ang sabaw, mga 103 degress celsius siguro, ganun. Kumain kami at ng matapos kumain ay nanuod muna kami ng balita. (yung news anchor na butas butas ang muka, yung nagsasabi ng, ehem! Excuse me po, at hindi daw natutulog ang balita, idlip lang daw) Ganun pa rin ang news, alang pinagbago. Puro patayan, holdapan, at pagtaas ng kung anu anong bilihin gaya ng bigas, gulay, karne, condom (ay hindi pala kasali yun) at langis. Ang hirap na talaga ng buhay ngayon. Otso na ang pamasahe sa jeep. Kwarenta pesos na ang isang kilong bigas. Pati alak at sigarilyo, nagtaas na din. Tatlong bagay na lang ang hindi tumataas, ang fishball na singkwenta sentimos pa rin ang isang tusok, ang height ng pangulo ng pilipinas na 4 plat pa rin at ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa na tres siyentos bente singko pa rin isang araw. At tanging dalawang bagay na lang ang bumababa. Ang mga panga at panty ng mga babae pag nakikita nila si PEDRO.
Matapos ang balita ay tinignan ko na ang sirang kompyuter, ng malaman ko na ang sira ay sinabi ko kay uncle na madali lang ang sira nun. Sauce, sisiw! Kinantiyawan ko siya na magpainom na muna para ganahan ako at mamaya ko na titirahin yung sirang kompyuter.
Nagtungo kami sa tindahan upang bumili ng inuming nakalalasing at sigarilyong magdamag naming hihithitin. Tinignan namin ang grocery at nakita kong kahit pala mahirap ang buhay ay makakapagbisyo ka pa rin pala sa murang halaga. May sigarilyo na nakapakete lang, lima ang laman. So bale pag binili mo yun, sasabihin mo sa nagtitinda, pabili nga ho ng sigarilyo, yung half half pack. (anu daw??!!) At may ginebra san miguel gin na rin na nakatetra pack. Samahan mo pa ng pisong iced tubig na gagamitin bilang chaser. Pitong piso at singkwenta sentimos yung sigarilyo, sampung piso yung gin at piso yung iced tubig. Paghahatian nyo pa ang presyo nito, depende kung ilan kayong iinom. So bale ang equation ay X = (S+G+I); where S = presyo ng sigarilyo; G = presyo ng gin; I = presyo ng iced tubig and X = final price. Magiging ganito pa yan kung hindi lang ikaw ang iinom. Y = X/M; where X = final price; M = number of drinkers and Y = Chip-in price of each one. So pag dalawa kayong iinom, Voila! Sa halagang siyam na piso at bente singko sentimos, solb na ang gabi mo. Pero dahil sa hindi naman kami gipit sa salapi, syempre RH = red horse ang binili namin. I-bottom less mo, sabi pa nga ng uncle ko.
(click dito para makita ang yosi) at (click dito para makita ang gin)
Nakabili na kami ng alak. Bumalik na kami sa bahay at sinimulang uminom. Tawanan, kulitan, asaran, tapos asaran, kulitan at tawanan. Hindi lang yun, nagtawanan, asaran at kulitan din kami. Dami naming ginawa noh? Sayang di man lang namin nagawa na makapagtawanan, kulitan at asaran. Acheche!
Medyo gumagabi na at nag-umpisa ng umepekto ang espirito ng alak. Kung anu ano ang mga natutunan ko nung gabing yun. Nalaman ko na ang mga pangalan na; Salvador Tampac, Pablito Sarmiento at Alfonso Tagle ay walang iba kundi sila Cachupoy, Babalu, at Panchito pala. Nagtagal pa at binanatan na ako ng uncle ko ng mga malulupit na linya, mga tipong ganito:
lt is a melancholy truth that even great men have poor relations . – Dickens
You will hear the beat of… - Kipling
All great truths begin… - Shaw
Man is the only animal that blushes, or needs to. – Mark Twain
Nose bleed si PEDRO, ang lupit ng mga binitawan eh. Pag humirit eh parang kaututang dila at text mate niya lang si William Shakespeare. Malupit, malupit! Sa sobrang kasiyahan ay hindi namin namalayan na wala na palang alak. Tinapos na namin ang gabi. Ano ang ending? Hindi ko na nagawa ang sirang kompyuter. Hahaha!
P.S. (Pahabol Salahat, hehe!)
Ginawa ko din ang sirang kompyuter at nagawa ko naman ito kinabukasan pagkagising na pagkagisng ko. =)
WAKAS….
...
June 20, 2008 at 2:37 PM
Pre, aus to ah... kahit mahal na ang lahat, alak pa rin ang kayang gawan ng paraan basta makainom lang... hahaha, part na tlaga ng buhay natin yan... Pero sana sa bday mo wag TETRA PACK na GIN ha... lumlipad ako jan eh, potah dapat RH, RH at RH lang... hahaha
June 20, 2008 at 2:41 PM
@eddie, kwento na lang pre, pwede ba yun?.haha, alang breads eh. boo pedro! boo! hahaha.
June 20, 2008 at 5:16 PM
putek yan!
talagang na lagyan mo pa ng equation ang mga bagay bagay..
napa "ano daw?" ako eh.
bobo pa nman aq sa math.
hehe..
my tetra pack na ba na gin?
June 20, 2008 at 5:24 PM
@churvah..oo meron na, sampung piso isa. hahaha. tang inang pilipinas talagang naghihirap na.
June 20, 2008 at 5:44 PM
tawanan kulitan at asaran
potah
hahahaha
ang haba ng pasakalye
nagawa naman pala ang pC
acheche
:|
June 21, 2008 at 11:46 AM
shet. may haf haf pak na?
Sana may menthol.
P.S. hassle ang work veri. haha
June 21, 2008 at 11:51 AM
Ay mali! Hindi work veri, WORD VERI.
Hassle ang word verification. ahehehey.
June 21, 2008 at 12:30 PM
@saminella, dalawang bagay, isang good news at isang bad news.
bad news muna. marlboro red lang, walang menthol. haha!
good news. dahil sa baka hindi ka na bumalik at mag comment uli, inalis ko na ang work veri,
Ay mali! Hindi work veri, WORD VERI. wala na ang hassle na word verification. Ahahay. Hahaha. :D
June 21, 2008 at 12:32 PM
@xG, next tym, tayo naman ang magtawanan, kulitan, asaran. :D
paulit ulit. paulit ulit. paulit ulit. paulit ulit. :D
xet, paulit ulit. hahahaha! :D
June 21, 2008 at 10:46 PM
government warning: smoking kills.
weh? di nga?
natuwa ako sa mga equations, magaling ka pala sa math. haha!
baka naman kaya mong ayusin ang computer ko. ano bang ibig sabihin kapag nagka-crash? wah, severe na ba ang sakit ng computer ko? sagutin mo! sagutin mo!
June 23, 2008 at 10:52 AM
@tisay, ang magaling at nag-gagaling galingan lang ay dalawang magkaibang bagay. san ako dun? nag-gagaling galingan lang. haha!
anong ibig sabihin ng crash? paghanga. wah! korni!
maraming dahilan para mag-crash ang isang kompyuter. kumplikado. mahirap magtrouble shoot pag di nakikita mismo yung unit. :D
June 23, 2008 at 10:38 PM
hmmm...ahaha, oo, mahusay nga ang equation. . . naaliw din ako dun. . .
ahaha, hmmm, mukha ngang sisiw lan yun pagayos nun pc...try mo din kayang magayos ng aircon? hmmm. . .
epal lan, magandang gabi!!
flyfly!
June 24, 2008 at 8:39 AM
nagcomment ako dito..
asan na yun?
taena na binura mo?
ayhetchoo na talaga!
huhuhuhuhuhu
ang haba nung comment ko..
tas buburahin mo lang..
June 24, 2008 at 9:14 AM
HAHAHA TALAGANG NAKASACHET YUNG ALAK! :p
Nahahawig ang iyong mga solusyon sa isa sa mga ginagamit namin sa larangan ng ekonomiks. Napansin ko lang. :D
@Saminella: Huli ka na ata sa balita?! Pero wala pa kong nakikitang MENTHOL na sachet.
Meh. :D
June 24, 2008 at 10:15 AM
@napunding alitaptap, hindi ko linya ang aircon, pc na lang, hahaha.
cge lang, epal lang ng epal, balik ko uli, hihintayin ko ang susunod mong pag epal :D
salamat!!!!
June 24, 2008 at 10:16 AM
@FerBert, waaaaaaa, wala akong nibubura.
baka di lang nagpost, ala sigurong kwenta, wahahaha. ayheytchoo too.
hmmmmp, grrrrrr. rawr!
June 24, 2008 at 10:18 AM
@utakGAGO, huwaw si kevs, nagcocomment na sakin. yikeeee! kinikilig me. hahaha.
ayus yun, tetra pack tsaka iced tubig, solb. :D
xet, pwede na pala ako maging ekonomis di ko pa lam, hmmm, mapag-isipan ko nga yan. haha!
August 4, 2009 at 3:23 PM
SAAN PO NAKAKABILI NG TETRA PACK NA GIN?!?!