Ika labing anim ng hunyo ng taong kasalukuyan, nakaupo ako sa cubicle ko sa opisina, nagmumuni muni habang nakatitig sa monitor ng kompyuter. Napadaan ang aking mga mata sa bandang kanan at baba ng screen at nakita ko ang oras. Tik…5:20…Tak…5:30. Nag umpisang bumuo ng ngiti ang aking mga labi. Isa lang kasi ang ibig sabihin ng oras na iyon. UWIAN NA!!!!!


Pag labas ko ng opisina, nagsindi agad ako ng isang stick ng sigarilyo, marlboro lights, yung gold. Naglakad ako hanggang sa kanto sapagkat doon ang sakayan. Ilang minuto pa ng maubos ko ang sigarilyo at marating ko na ang lugar ng tamang sakayan. Nag aabang ako ng pampasaherong sasakyan ng biglang kumulimlim…..


Naisip ko na ayos yung ganun para naman lumamig ang panahon kahit kaunti. Maginhawa na sana, malamig na, kaso hindi pa ako nakakasakay ng biglang magpapansin ang mga ulap at nag-umpisa ng umepal ang mga malalaking patak ng ulan. Ayokong maulanan at baka dumami ako, mahirap pag ngyari yun, masyadong dadami ang mga magagandang lalake sa sanglibutan. Kaya minabuti kong gumilid muna sa may tindahan. Kinuha ko ang aking celphone na 5110i para tignan ang oras (para sa mga hindi pa nakakaalam, may i yung celphone ko, hindi basta basta 5110 lang) Alas sais na pala ngunit hindi pa rin ako nakakasakay. Unti unting naglaho ang mga patak ng ulan at lumapit na ako sa kalsada para mas madaling pumara ng sasakyan. Akala ko wala na yung ulan ng biglang dumagundong ang isang napakalakas na kulog, BAGAAAAAM!!! Putang inang yan! Kumuha lang pala ng buwelo ang sangkalangitan, at tsaka ibinuhos ang final assault. Parang fatality sa larong mortal kombat pag sinabi na ang salitang FINISH HIM! Ganun ang nangyari.


Nakasakay na ako at ilang saglit lang ay nasa bahay na ako. Basang basa ako kaya minabuti kong maligo agad para hindi matuyuan ng tubig ulan at maiwasan ang magkasakit. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay kung anu anong bagay ang pumasok sa aking isipan. Naisip ko lang, ang tagal ko na palang single, walang kasintahan, walang iniirog, walang minamahal, walang pag-ibig, walang syota, at sa madaling salita, TAGLIBOG TIGANG! Parang lupa na uhaw sa ulan. Naisip ko tuloy, baka parang nata de coco na yung kwan ko, parang kaong, parang buko na malasado, tatlo na yun ah, konti na lang makakabuo na ng fruit salad. Naalala ko tuloy yung usapan ng dalawang lasing na lalake sa c.r ng isang resto-bar nung minsan na lumabas kaming magbabarkada at nagdesert kami ng fruit salad after ng dinner.


Lasing 1: Pare ang lake ng etits mo ah!

Lasing 2: Putang ina! Malaki nga hindi ko naman magamit!


May point siya. Oo nga naman, aanuhin mo nga naman yung malaking etits kung hindi mo din maitatarak sa dapat tarakan? Halleeer! Einubah? (haha, parang si xienah lang ah)Hindi niya man lang maexperience yung parang sa larong basketbol sa mga kanto na kung tawagin ay balik shoot. Naisip ko tuloy, para kang may magarang sapatos pero putol naman ang iyong paa. Wala ding silbi. Pero naisip ko mas malala problema ko kesa kay lasing 2. Kasi yung sakin, ga-toothpick na nga lang, di ko pa magamit. Pffft! Boo! Loser! Walang kwenta! Basura!


Para malibang ay binuksan ko na lang ang telebisyon at tumambad sakin ang parabista (tv commercial) ng nalalapit na bagong telepantasiyang dyosa na pinagbibidahan ni anne curtis. Ako’y napa-huwawwww! Ang sexy sobra, sa isip isip ko, sarap naman kumain, parang ginutom tuloy ako. Maya maya pa ay biglang may kumiliti sa aking isipan. Nakaisip ako ng ideya para mawala ang aking pagkatigang. KITING! Tila isang bumbilya na may 100 watts na liwanag ang nag appear sa taas ng aking sentido. Uhmmm, ahhhhh, YEAH!!! Akma ko na sanang gagawin ang naisip ko ng biglang tumunog ang aking 51110i. Sobra ng isang 1, 5110i lang pala. KIRIRING KIRIRINGGGG! Tumatawag ang uncle ko, pinapapunta ako sa kanila para gawin ko daw ang sirang kompyuter. Bad trip! Nakakabitin. Sa ibang araw na nga lang ako magbabate. Magbabate ng itlog at kakain ng marami. Dun na lang ako kila uncle kakain, balita ko kasi eh maganda daw na diversion ang pagkain kapag tigang ka. Especially ang papaya. :D


Itutuloy……….


Spoiler:


Dumating ako kila uncle at hinainan na ako ng makakain. Inihaw na liempo, longganisa na galling pang lukban quezon, atsaka nilagang baboy na mainit init pa ang sabaw.


...

16 comments

  1. Anonymous  

    parang toothpick? mas worse pa pala kesa sa made in china na ano ni ef bee... hahah!

    pano na yun? hindi na yun made in china, parang recycled na siguro. hahaha! j/k.

    ano bang itsura ng 5110i at proud na proud ka? teka igo-google ko muna.

  2. Pedro  

    @tisay, ay oo, mas malaki yung kay ef bee. pero ok lang, di nya din naman magamit eh, bwahahaha!

    indi meyd in china yun, bale made under the mango tree kasi dun ako ginawa ng mama at papa ko. alam ko korni! haha.

    maganda yun bale yun yung pangalawa sa pinaka bulok na celphone, unang nilabas ang 5110 taong 1998 ata, tapos sumunod ang 5110i, upgraded, o di ba bongga? pwedeng pambato sa syota mong siraulo. bwahahaha! *evil laugh*

  3. Anonymous  

    anak ng tinapa. gutom na ko. lalo pa akong nagutom sa entry mo.

    bakit ba palakihan ang labanan ng mga lalake? aanhin mo ang malaki kung di naman magaling...








    ...magmasahe. sos. ang lalaki ng mga kamay niyo di naman kayo magaling magmasahe ng likod. sarap kaya magpamasahe lalo na kung pagod. =P

  4. Dean and Lee Schroeder  

    obsolete na ang 5110 ah yung may i ba? oo obsolete na rin yun... change your phone now! Mine was blackberry, hahahahafv

  5. Anonymous  

    wahahahahahaha! No comment. :p

  6. Pedro  

    @doc mnel, natumbok mo, tumpak, tama, right, corrected by malibay pasay.

    masarap talaga ang malaki lalo na pag alam gamitin. nakakakiliti ang dampin, swabeng swabe ang hagod, at swak na swak ang lapat ng mga malalaking kamay sa likod.

    masarap talaga magpamasahe. =p

  7. Pedro  

    @hazelicious929, i wasnt born with a silver spoon in my mouth. neither a golden plate on our table. i am from poor a family with no foods on our plate.

    *sigh* *hahahaha*

    kaya kung may mga pinaglumaan kang cellphone para mapalitan na yung 5110i ko, cge message mo ko, bigay ko address kung san mo papadala. nyahahaha! =p

  8. Pedro  

    @hachi, thanks for you no comment, comment. hahahaha.

  9. Anonymous  

    wahh.. na struck ako sa comment ni mnel..

    aanhin mo ang malaki kung hindi naman magaling. ahahaha..

    paano mo ba masasabi na magaling? lols. curious ako. ahahaha..

    pero okay lang yan kahit ga tooth pick ang iyo, kaysa naman gabulb*l aba eh baka hindi mo na madistinguish kung anong pagkakaiba. ahaha..

    at ngayon lang ako nakarinig ng dalawang lalaking nag uusap ng ganon. ahaha. ni minsan hindi ko naranasan yan kasi iba ang papasok sa malikot kong utak..

    kaunting exercise lang siguro yan pedro para magkalaman ng kaunti ang *toot* mo. kung paano? yan ang hindi ko alam. :D

  10. Anonymous  

    ebasta ako

    sikat ako
    hahahahaha

    seryos?
    may 5110i?
    hahahaha

    wala akong pakealam sa malaki
    dun tayo sa masarap
    bwahahaha

  11. Pedro  

    @kingdaddyrich, cge try ko i-excercise.

  12. Pedro  

    @xG, sikat ka ba? kala ko star ka? :D

    corrected by: 5110i, sampu yung ganun ko para pag nasira, may reserva pa. :)

    at amen to that. dun tayo sa masarap! wahaha, alangya, napatawa mo nanaman ako, nyahahaha! gumaganun pa, wag ganun! haha. =)

  13. Anonymous  

    hindi na ko nagsusulat ng mga ganitong entry eh (ata, sa tingin ko lang) kaya nakikita kita ko na ang papalit sakin bilang hari ng mala-xerex na entry! it's not teh size it's teh way how ye use it..

    give me a call.. sagot ko katigangan mo sister.. hahahaha

  14. Pedro  

    @ferbert, oo na born again ka na. mahihindutin ka na ngaun.

    wala akong balak palitan ka, ferbert is still ferbert, hari ng kabilugan at kalibugan. haha! tsaka auko naman mabansagan ng FB THE SECOND, i dont want to hear something like "you're nothing, but a second cat, trying rate, copy hard!" =P mas ok yung PEDRO THE FIRST, o di ba ang angas. :D

    for how many times do i need to tell you? you are not my type! :D

  15. Anonymous  

    dun na lang ako sa spoiler mg cocoment..di aq maka relate eh..

    weeehh!
    so aun,ang breakfast ko knina
    eh longanisang lucban..
    kahit madami nun dito samin.
    di pa rin nkakasawa kasi msarap tlga.

    btw,ung cp ko pala mejo latest kesa sau 3210i,hehe.

  16. Pedro  

    @churvah, masarap talaga longganisa lucban, subo tapos labas pasok bago kagat kagatin, haha.

    xet churvah, ang yaman mo! hahahaha! :D

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)