Tama po ang inyong nabasa, Nagbalik na nga po ako sa mundo ng pagbloblog. Salamat sa mga makabagbag damdaming comments n'yo sa last blog post ko. Humigit kumulang isang tabong luha din ang nalipon ko magmula ng isa isa kong nabasa ang mga kumento n'yo. Hindi pa kasama dun ang tulo sipon at tagaktak pawis na kasalamuha ng aking mga luha dulot ng aking pag-iyak. Humihingi ako ng paumanhin sapagkat iniwan ko kayo sa ere. Kayo na halos araw araw na tumatambay dito at nagbabasa ng mga walang kwentang blog ko.

Mapait, masakit at mahirap ang lumayo ngunit ginawa ko 'yon para makapag-isip at makapag pahinga. At dahil sa ginawa kong 'yon ay nalaman kong marami pala ang nagnanasa sa katawan ko nagmamahal sa akin. Sa inyong lahat, tanggapin n'yo ang aking taos susong pusong pasasalamat. Muli akong magsusulat at sana ay samahan niyo uli ako sa bagong kabanata ng aking paglalakbay sa mundo ng blogosperyo. Hawak kamay, kapit bisig, dikit braso, pantay siko, kalawit bagang, labas pwet, magkayakap, at lips to lips nating tahakin ang bagong daan. Daan tungo sa katotohanan. Daan tungong kasiyahan at kaligayahan. Daan para sa ikatatahimik ng lahat. Daan papuntang kapayapaan. Isang daan. Dalawang daan. Sangandaan. Padaan! Dead end, walang daan. Acheche!

Ituring na lang nating isang pahina ng playboy magazine libro ang blog site na ito. Matapos basahin ay baunin na lang natin ang mga napulot na aral (kung meron man) at mga masasayang alaalang naidulot (kung meron lang din, hehe) ng blog site na ito. Ang pagsasara ng librong ito ay hudyat ng pagbubukas ng panibago. Hindi lang isang kabanata kundi unlimited na parang load lang sa cellphone. At hindi lang 'yon, may free text pa at garantisadong walang message failed.

This is not the end. It is just beginning. This is not goodbye. This is a hello 'coz i'll see you soon.

See you all there and once again, thank you very much for everything!
MABUHAY KAYONG LAHAT!

rakENrol \m/


P.S. (Pahabol Salahat)

Halina't samahan ako dito sa bagong bahay ko.


To my devoted readers,


After a week of thinking, I have decided to close this blog.

In light of the escalating matters and controversies and conflicts arising recently in the blogosphere, it is officially announced that this blog will be closed once and for all.

Some bloggers thought that they were victims, and somehow they have been affected in my so called “irresponsible” blogging/plurking. For the concerned bloggers, I just want you to know that I will not retract back the statements that I've made and I will stand by every word that I’ve published in this blog, in my twits and in my plurk. I’ll admit that I may have said harsh things. I’ve been a bully. But for all I know, I was just doing comedy with you guys. Those words are thrown to entertain internet people. Those phrases were never intended to harm anybody. “Kung sa kahit anong paraan eh nasaktan kita, pwes hindi kita ka-close at kaibigan. Kung nasaktan ka at napikon, isa lang ang masasabi ko sa’yo, walang karapatan mapikon ang mga taong malakas mang-asar na kagaya mo!

Sa lahat ng mga makikitid ang utak at mga nagkalat na bobo sa internet, sa mga mayayabang na sikat na blogger at sa mga pakiramdam nila sikat sila, sa mga feelingero at feelingera na nagfi-feeling na lahat ng nababasa nila sa blogosperyo ay tungkol sa kanila, sa mga mahahaba ang muka, sa mga exotic bloggers sa mga panget na nagpapaapekto sa mga sabi sabing panget sila, sa inyong lahat, you can go fuck yourselves! Blog lang 'to, internet lang, hiwalay 'to sa tunay na buhay, napaka-pathetic mo naman kung ito lang ang buhay mo.

Someone told me this “May mga taong sensitibo. I-expose ang sarili sa intarnets hindi naman pala kaya ang basura. Kung naapektuhan ka ng mga tao sa internet eh mabuti pa sa MS Word ka na lang tumambay. Tama lang ‘yon! Kung ikaw ang tipo ng tao na naapektuhan sa basura ng intarnets eh mabuti pa ngang umalis ka na lang.”- Sumasang-ayon ako dito ng isang daan at isang porsiyento!

I will not close this blog for the reason that I can’t take the hassle that this blog world is giving me. I will close this blog because it doesn’t make me happy anymore. Blogging is supposed to be fun, and if that’s the case, then why the hell do I feel this way? I’m not fucking happy anymore, and I’m too tired with all this shit. Although I felt really fucked up, at least I felt happy even for just a short period of time. No regrets.

To be totally honest, I never really thought I’d get in on the blogging phenomenon. Not because I think blogging sucks or anything, I think it’s great. I just didn’t think I’d be a blogger. Why? Well, I just never really thought I was all that interesting a guy. I mean, seriously, why would people want to read what I had to say? Plus, I’ve always been a pretty private guy. But it happened, I became a blogger and fortunately, daily hits on my site started to increase.

Blogging has been a great adventure, and I have met wonderful people through the web. In fact, they were too good to be true. I want to thank the people who have left comments here; I want you guys to know that it is very much appreciated. I don’t usually do this but for old time’s sake and world peace, here it is. For those people that got hurt in some way, sorry to have caused outrage due to the reckless blogging, twittering, and plurking. It is not intentional; believe me, I mean no harm.

Should anyone is still unhappy in anyway, please feel free to offer your opinion directly in the comments box.

Minahal ko ang blog site na ito. Maraming masasayang alaala ang iiwan ko dito. Isasara ko ito ngunit hinding hindi buburahin. Pinili kong panatalihin dito ang aking mga nailathala upang mabasa din ng mga iba pang taong mapapadpad dito. Nalulungkot ako sa pagsasara ng blog ko. Pakiramdam ko ay parang isang importanteng bagay ang aking inaabandona. Pero ganun talaga ang buhay, laging may pagtatapos sa bawat pagsisimula. Hindi ako nalulungkot dahil natapos na ito, masaya ako kasi kahit papano nangyari ang blog na ito.

Sometimes you have to let go of the one you love to find out if there is really something there. And after all that has been said and done, I realized that what happened is real, and it’s been fun. This is the end of something simple and the beginning of everything else.

Hindi ko alam kung magbabalik blogging pa ako. Hindi ko alam kung gagamitin ko pa rin ang parehong pseudonym na ginamit ko dito. Isa lang ang masasabi ko, kung sakaling babalik ako, ipapaalam ko agad sa inyo. Pangako 'yan! Sa lahat ng tumangkilik sa akin, MARAMING SALAMAT!

Bukas ay August 8, 2008. Eh ano ngayon? Swerte? Malas? May mga magandang mangyayari? Ano bang meron sa araw na ito? Maliban sa pagsisimula ng Beijing 2008 Olympic Games ay wala na akong alam na kaganapan sa araw na ito.

Sabi nila, numero daw ng demonyo ang 6. Samakatuwid, malas daw ito. Lalo na pag ginawa mong dalawa (69) (66), at mas lalo naman siguro pag ginawa mo pang tatlo (666). Eh bakit naman buhay pa ako? Bakit wala naman akong maalala na masamang nangyari sa'kin nuong June 6, 2006? Meron pa nga akong kalabing labing nun sa ilalim ng isang poste sa madilim na eskinita sa isang lugar sa maynila. Si Bruno! Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalan n'ya, gaaarrrrabe ba naman kasing maglaway.

Sex Sex Sex Six Six Six! Base sa aking pagsasaliksik sa intarnets, ang June 6, 2006 ay araw na masarap mag-sex hindi malilimutan. Ang araw na ito ay ika-222 na araw matapos ang muslim riots sa paris. Ika-333 na araw matapos ang London Train Bombings. Ika-444 na araw matapos ang ika-2 anibersaryo ng pagsakop sa bansang Iraq. Ika-555 na araw mula November 28, 2004. Anong meron sa November 28, 2004? Ito lang naman ang ika-333 na araw ng taon at matapos nito ay may nalabi pang 33 araw sapagkat leap year. Ang June 6, 2006 din daw ay ang ika-777 na araw matapos ang foiled sears tower attack. Nagkataon lang ba? O sinadya?

May mga taong naniniwala na ang numero 7 ay swerte. Sa mga slot machines sa casino ay makikita ang numero na ito. Maging sa report card ko nuong hayskul ako ay nagkalat din ang numerong ito, palakol. Kung maaalala n'yo ang dating punong bayan ng Calauan na si Antonio Sanchez na nakulong sa salang panggagahasa, ahmmm, teka, naaalala n'yo pa ba s'ya? Ah basta, isa siya sa sa mga kilalang tao na mahilig sa numero 7. Magmula sa plaka ng sasakyan hanggang, sa bahay, at sa mga palamuti ng alahas ay makikita ang numero 7. Isa rin si dating Pangulong Ferdinand Marcos na mahilig sa 7. Ayon sa aking pag-aaral, hindi man matapat sa 7 ay madalas gamitin ni Marcos ang mga numero na divisible by 7. Ang dating hardcore ng hard court at dating senador na si Robert Jaworski Sr. ay mahilig din sa 7. Totoo nga bang bwenas ang numerong ito?----July 7, 2007. Wala akong kaswertehan na naaalala nuong nagdaan ang araw na 'to. Kung maituturing na swerte ang pagkain ng balyu mil namber wan sa jollibbee, go lards isprayt en frays as wel, pwes tingin ko siniwerte nga ako.

Napag-alaman ko na enero pa lang ng taong ito ay fully book na para sa kasal ang August 8, 2008. Karamihan din sa mga ito ay nakareserb sa ganap na alas 8 ng umaga. Isa lang itong patunay na marami pa ring naniniwala na swerte nga talaga ang araw na 'to. Kung hindi man swerte eh atleast matawag man lang cool. Nagpakasal ka ba naman sa petsang 888, hindi ba cool 'yon? Minsan lang ang 888 sa isang siglo, kaya para sa'kin ay cool na cool ang mga araw na ganito. Maganda sana ang araw na ito para magpatuli pero takot pa rin talaga ako. Next year na lang para 999.

P.S. (Pahabol Salahat)

Bukas ng gabi ay tutungo ako sa isang pagtitipon para sa mga blogista. Ito ay ang coke event part 2. Swerte na bang masasabi ang makakain ng libreng hapunan at makainom ng libreng sopdrinks at alkohol? Oo na rin siguro, libre 'yon eh. Bihira na ang libre sa panahon ngayon.

Subscribe to: Posts (Atom)