Showing posts with label Pedro with Photo. Show all posts

Tama po ang inyong nabasa, Nagbalik na nga po ako sa mundo ng pagbloblog. Salamat sa mga makabagbag damdaming comments n'yo sa last blog post ko. Humigit kumulang isang tabong luha din ang nalipon ko magmula ng isa isa kong nabasa ang mga kumento n'yo. Hindi pa kasama dun ang tulo sipon at tagaktak pawis na kasalamuha ng aking mga luha dulot ng aking pag-iyak. Humihingi ako ng paumanhin sapagkat iniwan ko kayo sa ere. Kayo na halos araw araw na tumatambay dito at nagbabasa ng mga walang kwentang blog ko.

Mapait, masakit at mahirap ang lumayo ngunit ginawa ko 'yon para makapag-isip at makapag pahinga. At dahil sa ginawa kong 'yon ay nalaman kong marami pala ang nagnanasa sa katawan ko nagmamahal sa akin. Sa inyong lahat, tanggapin n'yo ang aking taos susong pusong pasasalamat. Muli akong magsusulat at sana ay samahan niyo uli ako sa bagong kabanata ng aking paglalakbay sa mundo ng blogosperyo. Hawak kamay, kapit bisig, dikit braso, pantay siko, kalawit bagang, labas pwet, magkayakap, at lips to lips nating tahakin ang bagong daan. Daan tungo sa katotohanan. Daan tungong kasiyahan at kaligayahan. Daan para sa ikatatahimik ng lahat. Daan papuntang kapayapaan. Isang daan. Dalawang daan. Sangandaan. Padaan! Dead end, walang daan. Acheche!

Ituring na lang nating isang pahina ng playboy magazine libro ang blog site na ito. Matapos basahin ay baunin na lang natin ang mga napulot na aral (kung meron man) at mga masasayang alaalang naidulot (kung meron lang din, hehe) ng blog site na ito. Ang pagsasara ng librong ito ay hudyat ng pagbubukas ng panibago. Hindi lang isang kabanata kundi unlimited na parang load lang sa cellphone. At hindi lang 'yon, may free text pa at garantisadong walang message failed.

This is not the end. It is just beginning. This is not goodbye. This is a hello 'coz i'll see you soon.

See you all there and once again, thank you very much for everything!
MABUHAY KAYONG LAHAT!

rakENrol \m/


P.S. (Pahabol Salahat)

Halina't samahan ako dito sa bagong bahay ko.


To my devoted readers,


After a week of thinking, I have decided to close this blog.

In light of the escalating matters and controversies and conflicts arising recently in the blogosphere, it is officially announced that this blog will be closed once and for all.

Some bloggers thought that they were victims, and somehow they have been affected in my so called “irresponsible” blogging/plurking. For the concerned bloggers, I just want you to know that I will not retract back the statements that I've made and I will stand by every word that I’ve published in this blog, in my twits and in my plurk. I’ll admit that I may have said harsh things. I’ve been a bully. But for all I know, I was just doing comedy with you guys. Those words are thrown to entertain internet people. Those phrases were never intended to harm anybody. “Kung sa kahit anong paraan eh nasaktan kita, pwes hindi kita ka-close at kaibigan. Kung nasaktan ka at napikon, isa lang ang masasabi ko sa’yo, walang karapatan mapikon ang mga taong malakas mang-asar na kagaya mo!

Sa lahat ng mga makikitid ang utak at mga nagkalat na bobo sa internet, sa mga mayayabang na sikat na blogger at sa mga pakiramdam nila sikat sila, sa mga feelingero at feelingera na nagfi-feeling na lahat ng nababasa nila sa blogosperyo ay tungkol sa kanila, sa mga mahahaba ang muka, sa mga exotic bloggers sa mga panget na nagpapaapekto sa mga sabi sabing panget sila, sa inyong lahat, you can go fuck yourselves! Blog lang 'to, internet lang, hiwalay 'to sa tunay na buhay, napaka-pathetic mo naman kung ito lang ang buhay mo.

Someone told me this “May mga taong sensitibo. I-expose ang sarili sa intarnets hindi naman pala kaya ang basura. Kung naapektuhan ka ng mga tao sa internet eh mabuti pa sa MS Word ka na lang tumambay. Tama lang ‘yon! Kung ikaw ang tipo ng tao na naapektuhan sa basura ng intarnets eh mabuti pa ngang umalis ka na lang.”- Sumasang-ayon ako dito ng isang daan at isang porsiyento!

I will not close this blog for the reason that I can’t take the hassle that this blog world is giving me. I will close this blog because it doesn’t make me happy anymore. Blogging is supposed to be fun, and if that’s the case, then why the hell do I feel this way? I’m not fucking happy anymore, and I’m too tired with all this shit. Although I felt really fucked up, at least I felt happy even for just a short period of time. No regrets.

To be totally honest, I never really thought I’d get in on the blogging phenomenon. Not because I think blogging sucks or anything, I think it’s great. I just didn’t think I’d be a blogger. Why? Well, I just never really thought I was all that interesting a guy. I mean, seriously, why would people want to read what I had to say? Plus, I’ve always been a pretty private guy. But it happened, I became a blogger and fortunately, daily hits on my site started to increase.

Blogging has been a great adventure, and I have met wonderful people through the web. In fact, they were too good to be true. I want to thank the people who have left comments here; I want you guys to know that it is very much appreciated. I don’t usually do this but for old time’s sake and world peace, here it is. For those people that got hurt in some way, sorry to have caused outrage due to the reckless blogging, twittering, and plurking. It is not intentional; believe me, I mean no harm.

Should anyone is still unhappy in anyway, please feel free to offer your opinion directly in the comments box.

Minahal ko ang blog site na ito. Maraming masasayang alaala ang iiwan ko dito. Isasara ko ito ngunit hinding hindi buburahin. Pinili kong panatalihin dito ang aking mga nailathala upang mabasa din ng mga iba pang taong mapapadpad dito. Nalulungkot ako sa pagsasara ng blog ko. Pakiramdam ko ay parang isang importanteng bagay ang aking inaabandona. Pero ganun talaga ang buhay, laging may pagtatapos sa bawat pagsisimula. Hindi ako nalulungkot dahil natapos na ito, masaya ako kasi kahit papano nangyari ang blog na ito.

Sometimes you have to let go of the one you love to find out if there is really something there. And after all that has been said and done, I realized that what happened is real, and it’s been fun. This is the end of something simple and the beginning of everything else.

Hindi ko alam kung magbabalik blogging pa ako. Hindi ko alam kung gagamitin ko pa rin ang parehong pseudonym na ginamit ko dito. Isa lang ang masasabi ko, kung sakaling babalik ako, ipapaalam ko agad sa inyo. Pangako 'yan! Sa lahat ng tumangkilik sa akin, MARAMING SALAMAT!

Ilang buwan pa lang ako sa mundo ng blogging pero pakiramdam ko ay napakatagal ko ng nagbloblog. Medyo madami na rin akong naging kaibigan dahil dito. Mga kaibigan na hindi ko maituturing na online friends “lang”. Mga kaibigan na sandigan mo hindi lang sa saya at ligaya kundi pati sa hirap na rin at problema.

Mangilang beses na din ako lumabas at gumimik kasama ang mga bloggers na tinutukoy ko. At sa bawat pag labas ko na kasama sila ay isa lang ang masasabi ko, hindi matatawarang ligaya ang aking nadama sa mga panahong kapiling ko sila. Masarap sa pakiramdam, maginhawa ang bawat sandaling nagdaraan, at magaan ang usapan na nauuwi sa halakhakan. Pero siyempre mas masarap pa din ang sex, hallller?!?!?! Sex kaya ‘yon! Zeusdemet! Hehe, nakawin ko muna 'tong zeusdemet expression ni Tisay. =p

Una akong na-star struck sa mga blogger nung unang coke event. Isang linggo ang nakalipas ng sinundan ito ng maliit na pagtitipon bilang selebrasyon sa aking kaarawan. Ang ibang kwento ng selebrasyon na 'yon ay narito at meron din dito. Na nasundan pa ng pagnuod ng cinemalaya film entry na nauwi sa kainan, kwentuhan, inuman at pag-inom ng taho kasi inabot na kami ng sinag ng araw.

Kahapon ay ang pinakahuling party na napuntahan ko. Birthday treat ni Sam. Punta kayo sa site n’ya dito, may porn, hahaha. Ito din ang pinakamaagang pagkakataon na umuwi ako ng bahay galing sa bloggers party. Wala pang alas dose ay nasa bahay na ako. Sandaling panahon lang kami nagkasama sama ngunit umulan pa rin ng halakhak at bumaha ng tawa. Magmula sa masamang titig sa’kin ni Doc Mnel, hanggang sa temporary restraining order ni Trina Labandera, sa ALT + F4 ko, sa flanax ni onyok Mr.D, sa bangungot [link removed due to explicit content] ni eFBee, sa style ni Mariano ng pagpapababa ng kinain, sa mga wholesome na banat ni Saminella, at sa hinagap na kung magagawa ba ni Xienah ang site na para sa mga sangkapangitan. Salamat Sam Ampalaya sa isa nanamang gabi na hindi malilimutan. You're not the man, you are the woman! You rock! \m/

P.S. (Pahabol Salahat)
Nagkantahan kami ng mga tinagalog version ng umbrella, low at clumsy. Sinabay ni Doc si M at TL. Nauna na si Xienah, sabay si Sam at FB at umuwi ako kasabay si Manding, yikeeeee! Labing labing, hahaha. Galante at nilibre pa ako ng pamasahe sa aircon na bus.---Umabot na ng cubao at bumababa na ako. Naglalakad ako ng may mapansin akong kakaiba. Hindi na ako nag-atubili pa at walang patumpik-tumpik kong kinuhanan ang litrato ng isang kanto. Hango ito sa ideya ni Mr.D.

‘Di ba may bandang Gen. Mc Arthur? Bwahahahahahaha!

P.P.S. (Pinaka Pahabol Salahat)

Congrats kay Mr.D sa pagiging humor blogger for the month of august sa kwentongbarbero.com. Maging si xG ay natanghal na ding humor blogger for the month of january naman. Natutuwa ako na nakilala ko ang mga batikan at mga sikat na blogistang ito. Pa-autograph at papicture nekstaym ha! Hehe.

Sa kabila ng mga ganitong kasiyahan at parangal ay may mga bagay talagang ngyayari na hindi inaasahan. Kapalit ng mga malutong na halakhak ay mga luha pa lang naghihintay na kumawala. Taos puso akong nakikiramay kay FB sa pagpanaw ng kanyang lola. Malungkot man ngunit may mga bagay talagang ngyayari na hindi natin inaasahan. Isipin na lang natin na matanda na din naman na si lola, hindi na siya maghihirap pa sa karamdaman at nasa mas maayos na lugar na siya ngayon. Condolence uli kay efbee at sa kanyang buong pamilya.

Stepping into a different land with unique culture and incomparable attractions was never that usual with me. It was my first international trip and now I could finally describe how was it being far and knew how things work in a not so familiar place where I’ve stay for five unforgettable days. (ehem, si pedro sosyal, haha) After a couple of months preparing for the tour that was very much taxing for me where I faced so many responsibilities and duties, I then felt relaxed and lastly received my reward to have fun and be able to think just for myself. Thailand, here I come!


(click dito)


I had a very good sleep the night before the tour and I could honestly tell that I’m an early bird who came just in time because I woke up early and had fixed myself before the assembly at our meeting place. (eksayted eh, bakit ba? hehe) I took lots of pictures even before arriving at the airport; cam-whoring started early, as if there were no other place and no time for that. My buddy (let’s just call her gorgonya for privacy’s sake) wasn’t able to have her breakfast too so immediately after having our boarding pass we ate and roam around to observe the facilities in the airport. After a few minutes, we’re able to board on the plane and woke up just when the plane landed. I was amazed with the structure of their airport and I definitely experienced an excellent airport scene even though it was so big that we need to walk and used their “walkalator”. Meeting people from other countries in one place was really fun. I have to overhear their discussions to know their nationality. So when we met our very own tour guide Mr. Bong (James Bong, it’s not funny, I know, haha) we begun to asked questions about their language and few commonly used words that we might use during our stay. After our immediate transfer to the hotel, we felt starvation that we had to call for room food delivery service and had to pay Baht after we received the food. It was like we hadn’t eaten anything yet. I said this because for a very short period of time, we were done eating and upon receiving the ketchup for the pizza, it was all gone to our stomach. (patay gutom attacks!) Before we convene at the lobby I took a bath because it was just exactly like in Manila that I felt the need to freshen up after being exposed to heat. The running city tour was a blastoff, the streets in Bangkok were flashing on me as I observed their tuktuk and colorfully painted cabs and as we proceed to Siam Niramit (the must see show of Thailand) we first had our full buffet dinner that made our tongue really hot and afterwards posed together with the elephants and few participants of the show. The Siam Niramit was never boring; it was full of magic and fantasies that fed our eyes all through the night despite of having the feeling of weariness. My first day was just the beginning of my wonderful travel; I had very good sleep with smile in my dreams.


The next day, we deposited our luggage at the concierge and proceed to our temple tour. On the bus I felt so distress because I had no shoes to use in the Grand Palace where they require the visitors to wear shiny, formal shoes and decent attire, but then it was a problem for I don’t brought any shoes with that kind and I had to wear again my used slacks since it was never advised to wear shorts or rugged jeans that will show my tattoos. I’m so much upset when I further realized that I can’t come to see the reclining Buddha which I am hoping to see even before that I even make the research about it. When I tried to enter the palace with my chuck taylor shoes (pasaway talaga ang mga noypi) nobody attended to stop me so I’m so overwhelmed viewing the beautiful palace and so as the reclining Buddha which I thought that I will never see anymore. It was a very hot noon and we had to walk going to the boat for our lunch at Supatra river. We are all exhausted and as we came in to the restaurant they gave us cold towels to lessen the heat in our body. Our lunch was very satisfying and still we’re not able to eat it all. We went back to the bus and we felt really sleepy so on our way going to Pattaya, which took us more than two hours, the bus went into silent mode. After we checked in at the Golden Beach Hotel in Pattaya and had our dinner at Phayamaimuang Restaurant we saw a very much different show and the international phenomenon Alcazar Cabaret show. The night showcased the very much talented gays whom I couldn’t identify as I see them performing. It was a lot of glamour and talents. It was funny that I was seated together with the Koreans and my eyes are so much alike with them (ehem, chinito kasi ako, haha, how I wish) so as they clapped for their traditional dance my friends asked me to do the same way. That night answered few of my questions about the Enthaicing Siam.


The third day was a thrill, everyone was excited to go at the beach and try different water fun activities. Before, I am so afraid to try parasailing but then I was wrong, it was fabulous and if I just had so much enough money during that time, I will try it over and over again because it’s so cool to fly and get free, flew away with the wind and felt breeze from the sea. It was a very treasured experience. We went to the bitch beach afterwards and stayed there the whole time. Even I’m not in the mood during that time, it never bothered me not to swim and have fun with my friends playing and making macho-gwapito poses for their immediate posting of pictures on their Friendster and Multiply accounts. I stayed the whole time in water and it’s just when I needed to eat lunch that I went up, and ate so much having the tastiest seafood basket on the table. I ended up having a very much tan colored skin with distinguished color on my face because of the eyeglasses I wore on the beach. I’m very exhausted but still I have to fix myself up because there was still Teakwood temple waiting. We wore hardhats as we enter the temple (the one that those engineers wear in construction sites) for the reason that it was under renovation and for safety measures that there might things to fall. My friends and I had fun at the dolphin show, it was cool but when we were about to touch them, we discovered that it will cost us, so we instead just looked at it. (kuripot ba talaga ang mga pinoy, or it’s just me?) We visited gems gallery where we are able to learn how those precious gems was done, I’m very much happy when we tried to go inside the jewelry store. (sayang hindi ako nakapitik kahit isa man lang) The third day might burn our skin so much but it definitely made us happy and experienced a difference. Damn, it was so amazing!


I’m in a need of a sleep for a long time so as my friends. I should have not waked up early but I did and it seems that every part of my body was aching. Early that day, we checked out and went back to Bangkok and proceeded to the Siam Ocean World. Big Aquariums shocked me over seeing those beautiful sea creatures. I had fun having pictures of the aquariums with different animals on it. It was a sanctuary of beauty and life in water. My lunch was fairly unique, as we went to mbk mall I wanted to eat at a fastfood so when we went up to Mcdonalds and saw their menu we moved to KFC because they serve rice which I really wanted. We went over at the Tiangge and had a time to roam around as we entered into a bowling center and arcade which was occupied by Thai teenagers align with the scenario at mall in Manila. We had so much time there and went back at the hotel and prepared back for shopping and had the very much awaited dinner at Baiyoke Sky. I experienced elegance and fun all night viewing Bangkok on top view.


The very last day is the farewell day with our kind tour guide who partly made our stay at Thailand worthy and loaded with joy. As I prepared myself, I thought of nothing. I’m just happy and hoping to visit back. I was fucking packing my stuff toy things when I heard the voice of my mom. “Pedro, huy pedro! Bumangon ka na diyan at malelate ka na sa trabaho mo! Tinutubuan ka na ng ugat diyan! Hindi ka nanaman ba papasok? Umiral nanaman yang katamaran mo! Anong oras ka na ba umuwi kagabi? Saan ka nanaman ba nanggaling? Uminom ka nanaman ng uminom? Nakipaglasingan ka nanaman ba? Hala, bilis! Bangon na diyan! Gusto mo pa yatang bungangaan kita hanggang tanghali!” Waaaaaaaaaaah!!! NOOOOOOOOOO! What the f*ck happened? I can’t believe what I saw when I opened my eyes. It was my f*ck*ng, stinky room! Just to make sure that it was certainly my room, I turned around and I saw avril lavigne’s human size poster hanging on the wall, it was really my room. (haha, avril lavigne pa daw? bakla nga ako, bakit ba?) I can’t accept the fact that I had an out of the country vacation in my dream. I love the vacation but what the f*ck?!?! It was just a f*ck*ng dream! I quickly got out of my bed and searched for my camera as fast as I can. And when I found it, I browsed its content in a high-speed manner, and to my dismay, the pictures in Thailand wasn’t there, not even one of those that I took. It was confirmed that all of it was just a dream. Damn it!


I took so many pictures and I was excited to upload it on my account. I can’t explain the f*ck*ng feeling. I missed all the videos and pictures during my stay in my dream vacation and I never had the chance to browse it over and over. The moments at the enthaicing Siam that was captured by my camera was all gone! I should get over onto it but I don’t know how. I have to blame somebody! Nice one mom! Bakit kasi ginising mo pa ako. Haha! Tang inang panaginip yan, bad trip. Yaan nyo guys, pag totoo ng nakapunta ako, i-po-post ko agad dito ang mga fektyurs. Promise! =)



...

maligayang kaarawan edilberto legaspi (tunog ng tambol kasabay ng masigabong palapakpakan)


ika-tatlo ng hunyo, nagpapaantok ako, pagtingin ko sa oras sa aking telepono cellepono, nakita kong alas dose na pala ng gabi. pinindot ko ang matigas na pindutan ng bulok na cellepono kong 5110i (paalala uli, hindi lang yan basta bastang 5110, may i yan, may i!!!) pumindot ako ng pumindot hanggang mabuo ko ang mga katagang, "maligayang kaarawan, pre", matapos nun ay ipinadala ko na ito sa numero ni pareng edi. naipadala na ang mensahe. maya maya pa ay tumunog ang aking cellepono, (twit twit, twit twit) ganun na ganun ang tunog, medyo choppy lang kasi nga bulok na. binasa ko ang mensahe at ang nakasulat dito ay, "wala pang alas dose pre", dali dali akong sumagot kaagad at sinabing, "alas dose na dito sakin pre, tumanda ka nanaman". nagpatuloy ang usapan hanggang sa natapos ito sa sagot nyang "sa sabado pre ha, dito tayo sa bahay". nagliwanag at umaliwalas kaagad ang muka ko sa aking nabasa. tila kumislap ang mga mata ko sa pagkakatitig sa aking cellopono. (kiting! kiting!) isa lang ang ibig sabihin nito, libreng kain at libreng inom. *yeah!*


dumating na ang takdang araw, ika-pito ng hunyo, sabado. pumasok muna ako sa opisina at nagtrabaho. nung hapon na, tinatamad na akong kumilos at nakatingala na lang ako sa kisame. pakiramdam ko ay may mga pagkain dun, parang pelikulang cartoons na may naghahabulan na kanin at ulam paikot sa ulo ko, bigla akong ginutom. bandang mga alas singko ng hapon, ng makatanggap ako ng mensahe mula sa magdidiwang ng kaarawan, ito ang nakasaad sa mensaheng aking natanggap, "pre asan na kayo" biglang naghilab ang aking sikmura, bigla na lang sumagi sa aking hinagap na hindi pa nga pala ako kumakain magmula pag gising ko nuong umaga, naisip ko kasi na sayang ang pera, babawi na lang ako sa kaarawan na aking dadaluhan, kakain ako, yung maraming marami, para kahit hindi na ako kumain uli kinabukasan eh ayus na. dali dali akong sumagot at kahit matigas ang mga pindutan nito ay mabilis kong nailagay ang mga letra na bumuo ng pangungusap na "dyan lang u, papunta na me" (o di ba? baklang bakla yung text, haha!)

ilang saglit lang ay dumating na ako sa pagdarausan ng kaarawan. binati ko agad si edi (the celebrant) pagkabati ko sa kanya ay dali dali akong pumasok agad sa kanilang bahay at dire-diretso sa kusina, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinunggaban ko kaagad ang mga nakahandang pagkain. nagsunuran na ring kumain ang ibang mga nauna sa aking panauhin. mabuti na lang pala at sinumulan ko na. maya maya pa ay natapos na ang lahat, subalit ako'y nanatili pa rin sa harap ng hapag kainan, ninamnam ang bawat PUTA-heng pumapasok sa aking bibig, nginunguya ng malumanay bago ito lunukin. tapos na silang lahat, pero ako? hmmm, nagsisimula pa lang ang himagsikan! tuloy pa rin ang rebolusyon ng mga bulate sa aking tiyan na mag mula umaga pa lang ay hayok na hayok ng masayaran ng biyaya. lumipas ang ilang oras, at medyo nahiya na ako, kaya kahit hindi pa ako ganun kabusog ay tinapos ko na ang aking pagkain. ang daming pagkain, grabe. it's like, the sky is the langit! (tama ba yun?) yah! wateber! basta maraming pagkain, ayun!


matapos ang kainan ay sinimulan na ang inuman at kantahan. unang tagay sakin at inalok kaagad sa akin ang talaan ng mga kanta at ang mikropono. tinanggihan ko ito at sinabing maya maya na lang ako aawit. ang totoo, maganda naman talaga ang boses ko, pwede nga akong maging sikat na mang aawit kung aking nanaisin, ngunit ayaw ko lang gamitin ang aking mala-ibong adarnang tinig para kumita ng salapi, hindi ito ang linya ko. mabalik sa usapan, tumanggi ako sa dahilang, marami kasing mga panauhin ang naruon, mahiyain kasi akong tao, nsabi ko na lang sa aking sarili na mga 4 o 5 tagay pa, talu talo na. dumating nga ang oras na aking hinhintay, ang pagsapit ng ika limang tagay, tinantiya ko ang aking sarili, demet! aym drank! laban na to. muling iniabot sa akin ang talaan ng mga awit at ang mikropono, sinabi ko na pag pasensiyahan na nila ako kasi hindi ako handa. at para mapatunayan ko sa kanilang hindi ako handa, ay inabot ko ang mikropano ngunit hindi ko na tinignan ang talaan ng maaawit at bigla kong binigkas ang mga numerong 159625. (haha, hindi daw handa!) matapos ang kanta, nagpalakpakan ang lahat, hindi lang ang mga bisita kundi pati ang mga kapit-bahay na rin. haaay, kaya ayokong kumakanta eh.


ilang oras pang nagpatuloy ang inuman at kantahan, umiinom ako ng bigla akong nakarinig ng kaguluhan sa labas, nagkakagulo ang mga tao, nagtatabukhan patungo sa direksyon namin. naalarma agad ako, naisip kong marahil ay may mga nag away sapagkat nakainom na ang mga tao. ngunit nagkamali ako. nung matunton na ng mga tao ang aming kinauupuan, ay biglang sabay sabay silang nagsigawan ng "PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! " hindi na maawat ang mga tao, humihiling sila na kumanta ako. eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kung bakit kasi kinanta kanta ko pa yung time of my life ni david cook.


kinailangang dumaan ako sa daanan sa likod para lang matakasan ang mga dumagsang kapit-bahay na ayaw paawat na marinig ang aking boses. ang sarap talagang dumalo sa isang kaarawan. busog ka na, lasing ka pa. at etong mga kalokohang ito ang pruweba na hanggang ngayon ay lasing pa ako. haha.


SIR EDI, HAPPY BIRTHDAY! next year ulit. yung tupperware na pinaglagyan ko ng mga inuwi kong pagkain, tsaka ko na lang ibabalik. =)

Akalain mong parang si flash din pala ang bilis ng takbo ng araw. Parang kailan lang at mayo a-uno pa lang. Ginawa ko ang unang walang kwentang lathala ko para sa buwan ng mayo. Gumawa din ako ng isang poll kung sino ang may pinakamakulit na sideline sa tatlo at eto ang mga iyon kung maaalala mo.

a.) Si PEDRO ba? (silipin dito)


b.) Si RENTOTZ ba? (tignan dito)

c.) O si BASTI ba? (wow fenk! haha, apihin si viny, APIHIN!! haha) (pagtyagaan dito wahaha!)


Matapos ang halos isang buwan, ay lumabas na ang resulta:

Sino Ang May Pinakamakulit Na Sideline?

At gaya ng inaasahan, ang nagwagi ay walang iba kundi si pedro. Wahaha. Patrip trip lang, pasulat sulat lang, papindot pindot lang na mga letra, di ko man lang namalayan, nalilibang na pala ako. Kasabay ng pagtatapos ng poll na ito, ay kasabay din ng pagkakamit ko ng mahigit isang libong hits sa site ko. Nakakatuwa din kahit papano, kasi naisip ko, may mga nagsasayang din pala ng oras sa pagbabasa sa walang kwentang kagaguhan ko. Ayun. Sana, dumami pa, para marami na akong nagagago, wahahaha. Salamat! Salamat! =)













Ika labing-isa ng mayo, taong dalawang libo’t walo. Nagsimula ang aking araw, ika-pito ng umaga, sa isang simpleng pag gising, dahan dahang pagmulat ng mata, pagbibinat binat at pagkukuyos ng mga kamay sa mata upang tanggalin ang mga namuong muta. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at nilisan ko na ang aking malambot na higaan. Agad akong bumababa sa sala, (habang binibigkas ang mga letra ng awiting dahil mahal na mahal kita na inawit ni binibining rosel nava, wahaha, biro lang..) at nakapikit na dumerecho sa kusina patungo sa lababo upang maghilamos at magsipilyo. Matapos nun, pinunasan ko ang aking basang basa sa tubig na muka ng aking tuwalya na nakasampay sa aking balikat na siya kong kinuha sa sabitan na nakasampay malapit sa aking higaan bago ako bumababa. Matapos nun, nakita ko ang hapag kainan na may nakahain na pan cake, butter, syrup, tinapay, itlog, cheesedog, bacon, ham at isang pitsel na calamansi juice na nakatabi sa isang botelya ng centrum. Naisip ko, huwaw, almusal pa lang fiesta na, anong meron? Bigla kong nakita ang isang post it may pandikit na papel na may nakasulat na mensahe na nakapaskil sa botelya ng bitamina at eto ang nakasaad doon: “I prepared breakfast, mag-a-aerobics lang ako with your tita esther, (nanay ko talaga, as if naman kasing papayat pa, hahaha) eat well my sons, I love you all – mama”. Ang lambing talaga ng butihing ilaw ng aming tahanan. Nasabi ko na lang sa sarili ko, teka sandali lang, bakit ang dami naman ata nitong masyado para sa aming tatlo, ganito ba kami kalakas lumamon? Ano kayang meron? Kumuha muna ako ng isang tinapay, nilagyan ito ng isang itlog, pinatungan ng isa pang tinapay, nilagyan ito ng hinati hati ko sa maliliit na cheesedog, nilagyan ko uli ng isa pang tinapay, dinagdagan ko ng ham, muli ay pinatungan ko uli ito ng isa pang tinapay, nilagyan ko pa ng bacon at dinagdagan ko pa ng isa pang tinapay para sa huling patong, hmmmm, talap. Matapos nun ay nag lagay ako ng calamansi juice sa isang baso at tinignan ang aking nakatatanda at bunsong kapatid, nasilayan ng aking mga mata na nahihimbing pa sila sa kanilang pagkakatulog, marahil ay nasa kabilang mundo pala sila, sa mundo ng kanilang mga imahinasyon, sa mundo ng kanilang mga panaginip, naisip ko ang kasabihan na respetuhin ang mga natutulog kaya sila’y akin na lang munang hinayaan at kumain na ako. Habang ako’y ngumangata ng aking espesyal na almusal, bigla na lang ako napatingin sa talaan ng mga petsa na kung tawagin ay kalendaryo at agad kong naalala na araw nga pala ng mga ina. Tsaka ko lang naisip na, “ahhhh, kaya pala madaming almusal, ang bait bait talaga ng nanay ko, hindi naman kaya nilalagnat lang yun?” (hehe) Matapos kong kumain ay naligo na ako, nagbihis at pagkatapos kong magbihis, napansin kong tulog na tulog pa rin ang dalawa kong kapatid kaya hindi ko na sila ginising at nilisan ko na ang aming pamamahay.

Mag-i-ika-siyam na ng umaga, nasa labas na ako ng aming tahanan at pumara ako ng isang pampublikong sasakyan (jeepney) patungong proyekto walo (project 8) upang puntahan ang isang kakilala na magpapagawa ng kanyang personal na makinarya (personal computer), inalok nya ako ng almusal na binili sa isang banyagang establisimyentong ang pangalan ay ronald mcdonald, dahil sa ako’y busog pa, tinanggihan ko ang alok niya kahit na ako’y nanghihinayang sapagkat libre ang mga pagkain na yun, sayang, hehe. Ginawa ko na ang aking sinadya duon at maya maya pa ay natapos ko na ito, madali lang naman pala, hindi naman pala ganun kakumplikado gaya ng aking inaasahan. Nag paalam na ako sa mag asawang nagpagawa ngunit hindi nila muna ako pinayagan at ipinilit nila na dun na ako mananghalian, tumingin ako sa aking orasan at nalaman ko na alas dose na pala ng tanghali, ang bilis ng oras at hindi ko man lang namalayan. Sa pag aalalang baka gutumin ako sa aking paglalakabay pauwi, pumayag na din akong duon na managhalian.

Alas dose y medya na ng hapon ng matapos kami, muli akong nagpaalam at inabutan ako ng pera ng mag asawa, bayad daw nila sa serbisyong ginawa ko, tanggapin ko na daw, pamasahe ko daw pauwi. Hindi na ako nakatanggi, kaya kahit na hiyang hiya ako ay tinanggap ko na din at ibinulsa ang kanilang ibinigay. Nagsabi na kami ng pasasalamat sa isa’t isa at kami ay nagpaalamanan na, pagtingin ko sa binigay nilang pera, napamura na lang ako at nasabing “putang inang pamasahe yan, dalawang libo?!? Bakit san ba ko pupunta? Sa davao?”. Habang ako ay naglalakad pauwi at naghihintay ng masasakyan, nabaling ang aking mga mata sa isang tindahan at binasa ang pangalan nito “ukay-ukay” at may nakalagay pang “we are on sale”, nasabi ko na lang sa sarili ko, ang sosyal naman ng ukay ukay na to, paenglish english pa. Pumasok ako at may bumati sakin ng “welcome sir, enjoy your ukay” tsk tsk, talaga naman, si ate gumaganun pa, tumingin tingin muna ako at sa tagal tagal ng aking paghahalukay ng mga damit na ukay sa ukay ukay ay may nakita akong isang damit ukay na kulay ube na pawisang damit (sweat shirt, hehe, korni) na ang tatak ay rip curl, “huwaw ang ganda” yun na lang ang aking nasambit, agad kong tinanong sa nagbabantay kung magkano ang halaga ng damit panlamig na iyon. “sixty-five only” yun ang kaniyang isinagot (aba si ate, parang hindi ko kakayanin ah, inglesera talaga) “hindi ho ba maaaring singkwenta na lang” yun ang aking sinabi at sumagot siya ng “mababa na yun iho, wala na kaming kikitain pag binigay ko pa sa iyo yan sa halagang hinihingi mo” (ayuuunnnn, marunong na man pa lang magtagalog si ate)kaya sinabi ko na lang ay ganito “sige na ate, kahit 60 na lang, kaganda ganda pa naman din ho ninyo” at sumagot siya ng “naku! binola mo pa ako, ok 50, take it” (haneffff talaga si ate, take it pa daw?!?) at ayun nga sa halagang animnapung piso, nabili ko ang rip curl na damit panlamig. Lumabas na ako at awa naman ng diyos, wala namang nagsabi ng “thank you sir, come again”.

Ala una na ng hapon ng ako’y makasakay. Nagpunta ako ng dangwa para bumili ng bulaklak para sa aking pinakamamahal na ina.


Pasado alas tres na ng ako ay makabalik sa aming tahanan. Pinuntahan ko ang aking nanay sa taas at binigay ang bulaklak, tapos nun ay binati ko siya ng maligayang araw ng mga ina at sabay hinalikan siya sa pisngi. Wala ang aking nakakatandang kapatid, umalis kasama ang kaniyang kasintahan kaya tatlo lang kami sa bahay. Habang kami ay nagkwekwentuhan kasama ang aking ina at bunsong kapatid ay nabanggit ng aking ina na gusto niyang mapanuod ang pelikula na pinagtatampukan ni aga muhlach at anne curtis. At dahil sa mainit ang panahon, naisipan ko ding magpalamig at dahil sa nagkaroon naman ako ng dalawang libong piso ng bigla bigla, inaya ko na lang sila na mamasyal sa nunal (mole ay MALL pala yun, mali!). Paalis nanaman ang nanay ko kaya naisipan ko na din siyang ilabas (i-date). Medyo tinatamad na akong magtype pumindot sa keyboard makabagong makinilya at magpanggap na makata, hirap na hirap na akong magtagalog, haha, kaya papaiksiin ko na lang ang blog lathalang ito.

  • Sumakay kami ng taxi.
  • Nagkulitan kaming magkapatid at nagpicture picture muna habang nasa byahe.
  • Dumating kami sa the block, sm north edsa.


  • Nanuod kami ng when love begins dahil yun ang gusto ni mama. (pero alibi ko lang si mama, gusto ko din talaga yun panuorin kasi ang gwapo gwapo ni aga, wahahaha)
  • Hindi kami nakuntentong magkapatid kaya bumili muna kami ng pop corn at softdrinks at nanuod ng what happens in vegas.
  • Kumain kami sa wham! burgers.
  • Yey, may isang daan pang sukli, haha.


  • Naghintay sa aming inorder.
  • Double 1/3 pounder wham, cheese burger (bale 2/3, haha, tama ba? 1/3 + 1/3 = 2/3, sa presinto ka na magpaliwanag, nyahaha).


  • Mauubos ko ba yan?


  • Huwaw talap!
  • Yum yum!
  • I want more.
  • Picture picture uli pagtapos kumain.
  • Pati sa mga comics.
  • At pati ang poster hindi pinatawad, haha!
  • Yosi muna habang abang taxi pauwi. (lagot ako kay rosel, hindi ako nagpaalam, hehe, ok lang naman cguro, ngaun na lang naman na uli, busog eh, haha)
  • Sa dami ng tao, ang hirap sumakay ng taxi kaya nag-fx na lang kami.
  • Haaay, kapagod, but it was all good!
  • To my one and only parent, my mom,

  • Hindi na namin kelangan si darna, si alwina ng mulawin, si lyka ng lobo, si marina, si dyesebel, volta, super booba, inday bote, at kahit na sino pang super hero, para sa amin, hindi ka lang isang ulirang ina, ikaw ang nag-iisang super hero sa buhay namin. Happy mother’s day mom-c! We love you too. A lot! =)

P.S (Pahabol Salahat, wahaha!)

Kung may araw na masakit ang ulo nyo, isipin nyo na lang na wala yan sa sakit ng ulo na nabibigay nyo o naibigay nyo sa mga nanay nyo, maligayang araw ng mga ina sa nanay nating lahat!

  • ANG BUHAY AY PARANG GULONG:

Minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa vulcanizing shop, alam ko korni! haha..

  • ANG BUHAY AY PARANG AKO:

Masarap, haha. (di mo ako matitikman, wahahha)

  • ANG BUHAY AY PARANG BATO:

It's hard. And it hurts too. (IT HARTS YU KNOW?)

seryoso na muna:

  • ANG BUHAY AY PARANG YELO:

Natutunaw, nauubos at iyong makikita sa linaw ng tubig ang lahat ng iyong ginawa, malinis ba o madumi? Ngunit sino nga ba talaga tayo upang humusga kung ano ang malinis at madumi? At kung ang pagiging madumi ay mali, at hindi karapat-dapat.


  • ANG BUHAY AY PARANG KOMIKS:

Sa komiks may hatid na drama, bakbakan at romansa sa bawat kabanata. Mayroon ding takot at luha na nababalot sa bawat pahina. Sa bawat paglipat, may pahinang nabubuklat. Sa bawat pahina, may istoryang nakikita. At sa bawat istorya, may buhay na nararamdaman.

  • ANG BUHAY AY PARANG CREDIT CARD:

Buy now, pay later, hiram lang ang atin buhay na ginagamit ngayon kaya kung ano man ang mga gagawin natin habang gamit natin ito ay siguradong pagbabayaran din natin ito sa bandang huli pag dating ng takdang panahon.

  • ANG BUHAY AY PARANG SINTAS:

Minsan mahaba, minsan maiksi, isa lang ang sigurado, ang sintas, kadalasan magulo, anong gagawin mo? Hahayaan mo bang madapa ka kasi buhol buhol ang sintas mo, o titigil ka muna para itali ito ng maayos para deredrecho ang pag lalakad mo?

  • ANG BUHAY AY PARANG ROLLER COASTER:

Mabilis magbago ang estado at kinalalagyan mo. Kailangan mong sabayan ang lahat, kahit na nahihirapan ka na. Hindi ka dapat sumuko kahit anong hirap na ng sitwasyon. Ayus lang mahilo, wag ka lang susuka.


  • ANG BUHAY AY PARANG ELEVATOR:

Dahil masyado ng gamit ang roller coaster at hindi naman laging nagsa-cyclone loop ang buhay, may mga taas baba lang, at darating din ang isang minsan na magiging steady lang. Chillax lang mga pare, STEADY LANG!


  • ANG BUHAY AY PARANG LANSANGAN:

Madumi at mabaho pero pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat, nasa lugar na at mabango na. Isang pagbabagong idudulot ng pagtitiyaga.

  • ANG BUHAY AY PARANG BASEBALL:

Kung ang taga bato ng bola ay sinaktan ka minsan eh ayus lang, parte ng laro yun, hindi sinasadya. Pero kung paulit ulit ka na nyang binabato at sinasaktan, anong gagawin mo? Gagamitin mo ba ang bat mo para bweltahan siya at hampasin hanggang magtanda siya o hahayaan mo na lang kasi nakakaintindi ka? Ganyan lang din ang buhay.


  • ANG BUHAY AY PARANG RUBIK'S CUBE:

Maraming kulay, parang buhay. Umiikot ng paulit ulit, minsan nasa baba, minsan nasa taas, sa likod sa harap at minsan nasa tagiliran. Bigla na rin itong bumabaliktad pag pinihit at nag rarambol ang kulay kada pihit. Mabubuo ba o hindi? Magtutugma ba ang mga kulay o maghahalo halo na lang hanggang masira?

GANYAN LANG TALAGA ANG BUHAY, PARANG LIFE!

WAG PADADAIG!

WAG PAPATALO!

CHILLAX!

STEADY!

AT MAGING MASAYA LANG TAYO!

BABALA (WARNING)
Ang ka-BLOG-stugan na ito ay naglalaman ng mga di kanais nais at masasagwang muka.
Tignan at basahin sa inyong sariling kagustuhan (View and Read at your own risk)
Patnubay ng magulang ay kailangan (Parental guidance is advised)
Hindi mo na ako maaaring matahin (You cannot eyes me anymore)
Balang araw maghihiganti ako sayo (Bullet day I will giant you)
Hindi ako basta basta (I'm not just just)
syieeeet, i rili lab may inglish!

Pahabol: This is for adults............ALSO.
:)

wala akong ma-iblog kaya poll na lang, hehe.
ang tanong:
"Sino ang may pinakamakulit na sideline sa tatlo?"

a.) Si PEDRO ba? (silipin dito)

b.) Si RENTOTZ ba? (tignan dito)

c.) O si BASTI ba? (wow fenk! haha, apihin si viny, APIHIN!! haha) (pagtyagaan dito wahaha!)

nasa inyo na po ang pagpapasya, ang magwawagi ay mananalo ng isang kilong NFA rice at sa mga bumoto sa nanalo, bubunot ang mga hurado na sina (Peter, Pedro, Paul, Me, Myself and I) ng isang magwawagi ng trip to jerusalem, tama na kasi korni na, haha..


eto yung sinasabi kong helmet na nabanggit ko sa last blog ko, wahehehe..

maraming bagay na tayong mga pinoy lang ang gumagawa, maraming salita na dito lang sa atin meron, maraming pangyayari at kaganapan na tayo lang mga pinoy ang may pakana at pakulo. ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod.

unang punto: sa pilipinas ka lang makakakita ng gwardiya na na may baril ngunit walang bala, may silbato ngunit hindi tumutunog, ang tanging sandata lang nila ay ang kanilang batuta at ang mahiwagang toothpick. im just wondering, bakit lagi silang may toothpick sa bibig, hehe.

ika-lawang punto: sa pilipinas lang ngyayari na ang tinatapon lang sa manok eh ang feathers, palong at kuko, lahat kinakain, magmula ulo hanggang pekpek este pakpak pala, haha. ang dugo iniihaw at kung tawagin nila ay beta max, ang atay ginagawang adobo, ang paa iniihaw din, at kung tawagin naman ay adidas, pati ulo iniihaw din at helmet naman kung tawagin, iba talaga mga pinoy.

ika-tlong punto: nakahiligan na din ng pinoy ang pag popoint gamit ang mga labi. pointing of lips ika nga, hehe, it’s so pinoy, and you know what’s hella pinoy? the accompanying of the uhmm sounds to the pointing of lips. and it’s so important because that uhmm sounds pertain to the distance of the object you are pointing to and the longer you sustain that uhmm sound, the farther the distance is. here’s an example, kunyari ung ballpen nasa harap mo lang, tapos yung upuan andun sa dulo then may magtatanong, “do you have a pen?” sasabhn mo “yeah” tapos ask niya uli, “where” tpos sasabhn mo, “uhm” (tapos nakanguso ka toward the pen na malapit sayo) then sasabhn nya “nangangawit na ko kakatayo, do you have an extra chair?” tapos sasabhn mo “yeah” tapos ask nya uli “where” tapos sasabhn mo “uhmmmmm” (tapos nakanguso ka toward the chair na malayo sayo), see my point? that’s hella pinoy, hehe.

ika-apat na punto: dito lang sa pilipinas ngyayari na ang babae at lalake ay iisa, we have differences but we are treated fair because here in the philippines we are one. ayaw mong maniwala? here’s the proof. dito sa atin walang tayong pronoun for a girl and a boy, we don’t have a he or she, we only have one word for that and that’s SIYA, o di ba? here’s another proof, pag nasa jollibbee ka, tapos nakapila ka sa counter habang nakatingin ka sa menu sa bandang taas at iniisip mo kung anong oorderin mo, pag dating mo dun sa counter babatiin ka nya at sasabhin nya “good afternoon ma’am sir, may I take your order” o di ba? ma’am ka na, sir ka pa. haha. hay nako, mga pinoy talaga.

ika-limang punto: ang pinoy lang ang nangungulangot tapos bibilugin pa ito pagkatapos.

ika-anim na punto: pinoy lang din ang umaamoy sa kuko nila matapos itong gupitin mula as hinlalaki ng paa.

ika-pitong punto: manyana habit, pwede namang gawin ngayon pero sasabihin, mamaya na lang, parang ako, sa sobrang dami pang kaugaliaang pinoy, ayoko ng gawin ngaun, pagod na ko, mamaya na lang uli, hehe.

yung iba sa mga nabanggit ko eh original ng isa sa mga paborito kong stand-up comedian na si Mr. Rex Navarette.

dumako naman tayo sa mga kakaibang salita, eto ang ilan sa mga salita na sobrang pinoy na pinoy.

1. BAKTOL --- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili.
ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit,
at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o
FX.

Halimbawa:
”Sh*t!!!, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!”

2.KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo
dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung
hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas
madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

Halimbawa:
”Honey, maligo ka na para maalis yang KUKURIKAPU mo”

3.MULMUL --- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag
kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis,
kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

Halimbawa:
“How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti!”รถ

4.BURNIK --- buhok mula sa malapit na butas sa pwet hanggang pataas sa cleavage na pagitan ng pwet. Sinasabing kunektado daw sa pilik mata ngunit ito ay di pa napapatunayan. (maari nyo itong patunayan sa inyong sarili) subukan daw bunutin sa pamamagitan ng kamay ang burnik at mapapapikit kayo, senyales daw na kunektado talaga ito sa pilik mata.

Halimbawa:
“Nice ass, long hair na yung BURNIK mo ah, hehe!!”

5.PULTIT --- taeng sumabit sa burnik o di kaya naman ay taeng nagmarka sa salawal. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ngyayari din ito minsan kung may sumasamang “something something” pagkatapos umutot.

Halimbawa:
“Pucha na-PULTITan ko ata yung brief ko!”

6. KIR-RIT --- kahuli hulihang balat sa kasingit singitan ng iyong singit

Halimbawa:
“Ano ba naman yang bathing suit mo? Halos makita na yang KIR-RIT mo!!”

tama na muna ang mga kakaibang salita at baka nandidiri na ang mga readers ko, haha, punta naman tayo sa pagiging sutil ng mga pilipino (para sa akin, isa ang pilipino sa mga pinaka-humorous na tao sa buong mundo), na ginagawang biro ang lahat para hindi maxadong maramdaman ang kahirapan, eto ang aking mga nakalap na larawan.

STARBUCKS pa daw??!! haha..

ang korni nung kuryente itinaas ng meralco, wahaha, kaw gloria hindi ka na tataas kasi punggok ka, nyahaha..(may naalala tuloy ako sa punggok, si OTEL , yiheee, hehe, unano din kasi yun, wahahaha)

mga nakakatawa at nakakaaliw na signages, featured on GMA 7's TV show Mel & Joey.



For the latest Philippines news stories and videos, visit GMANews.TV

wala na ko maisip, hanggang sa muli mga kagago, hehe.. paalam mga fans! nyahaha..

absent ako kahapon, ala tuloy akong post na blog dito sa friendster. nagkasakit kasi ako. kaya ngayun lang uli makakapagpost..

well anyway, napanuod ko si tado sa boy and kris kahapon, may clothing line na pala ang gagong aktibista na yun. the shop was called limiTADO, infairness kay tado, mahusay ang mga t-shirt na tinitinda nya, iba talaga ang humor ng mga pinoy.

meron yung isang shirt, napaisip talaga ako, nakalagay kasi sa harap, "buti nga sayo" naisip ko, parang ang panget nga ng salitang tagalog, kasi yung print sa likod eh yung english nung nakalagay sa harap. and the english of that phrase says "good for you". o di ba? pag nadapa ang isang taong kinaiinisan mo, sasabihin mo, buti nga sayo. pag nakapasa ang kaibigan mo sa board exam o sa kung saan man, at kwinento nya sayo, sasabihin mo, good for you. literary parang pareho kasi tinagalog mo lang ung english pero pag dineliver mo na yung sentence, iba na ang dating. hehe, galing, natuwa ako.

meron pang isang shirt dun, nakalagay, "pinili kong maging masaya dahil mas madaling ngumiti kaysa ipaliwanag kung bakit ako malungkot", hmmmm, tama nga naman, may point nanaman si tado, tangna ka tado, tado ka talaga..

isa pang nakakuha ng aking atensyon ay yung isang plain white na t-shirt na may nakasulat na ang pag-ibig daw ay parang ulan, eto ang laman ng tula:

"ang pag-ibig parang ulan,

kung kelan ka hindi handa

tsaka naman bubuhos

kahit anong tago mo, mababasa ka...

ang nakakalungkot, kung kelan

nag eenjoy ka na

tsaka tila mawawala..."

nice naman..

andito pa ang ibang mga sample ng mga t-shirt ni tado:

at ito ay mabibili sa # 57 N. Roxas St., Kalumpang, Marikina City , Near San Roque Elementary School eto po ay bukas magmula martes hanggang linggo magmula alas tres ng hapon hanggang alas onse ng gabi. maari nyo ring puntahan ang kanyang multiply account sa http://www.bigtimetado.multiply.com at para sa mga advance orders maari nyo siyang i-email sa limitado24@yahoo.com o di naman kaya ay itext nyo mismo si tado sa, 0916 78 40 522..at siya nga pala, 250 lang ang isang shirt.

haha, para akong naging PR ni tado ah, natuwa lang kasi ako sa mga design, at pag may naappreciate akong isang bagay, isinishare ko talaga sa iba, ayun lang yun, kapwa pinoy naman natin si tado, pinoy na pinoy din mga damit na gawa nya, kaya pinoy pride pa rin yan kahit papano. isang araw, pupunta ako sa limitado at bibili ng mga damit, sana makatawad ako kay tado, hehehe..

Beer, gin, rhum, whisky, vodka, tequila, scotch, ilan lang ito sa mga klase ng inuming nakalalasing. According to the social weather station survey, 7 out of 10 people ages 17-24, drinks liquor.Eto ngaun ang tanong, bakit kaya masarap uminom? Unang una, ang mahal ng alak, 19 ang san mig light, ang red horse, 23 ang isa, ang grand matador 55 ang generoso naman 65, ang gin 26, plus ung pang chaser pa, sampung piso isang litro pack, sa tindahan pa lang yan, wala ka pa sa bar. Kung sakali mang libre, pupuyatin ka lang nito tapos ang hirap kumilos kinabukasan ng dahil sa hang over tapos masakit pa ung mga buto buto mo at mas lalo na ung mga joints, ahwwww, sakit tapos walang katapusang pakikipag heart to heart talk pa sa inidoro, wow, astig!. Minsan, masasabi mo na lang, tangna, ayoko ng uminom, pero pag nakaharap na sa hapag alakan, sige banat nanaman.


Isa pang panget sa alak ay ang amoy nito, eh ang baho ng amoy ng nakainom, amoy masangsang na hindi mai-eksplika, eeeew, disgusting kaya the smell, it’s like something chaka that stinks, haha. Tapos iba iba pa ang epekto ng alak sa tao, merong taong pag nalalasing, tamang senti, iyak iyak, tamang reminisce ng mga nakaraan, “akala ko mahal niya ko”, “tangna nya, ayaw ko na din sa kanya” “nilaro nya lang ung akin, este pinaglaruan nya lang pala ako” “ako na lang ang laging nakikitaan ng mali sa bahay” “ang tanga tanga ko talaga” at marami pang iba. Dinadamdam nya maxado kng gano kapathetic ang buhay nya, hindi mo tuloy alam kng anong gagawin at sasabihin mo sa kanya kasi isang saglit lang, nag-iinuman kayo then the following scene, pang Oscar award na drama ng kainuman mo, minsan, parang gusto mo na lang bang sabihin na, “oo, isa kang malaking loser, you just put a big L on ur forehead or better yet, pakamatay ka na lang, wag kang maglalaslas at baka di mo pa mapuruhan ung ugat, wag ka ding mag-o-overdose at hindi din masyadong sure un, inum ka na lang ng bubog shake with matching thumb tacks at blade tapos hampas mo ulo mo sa kahoy na may pakong nakausli”. Sabi ng iba, suicide is a permanent solution to a temporary problem. Kaso pang duwag lang yun eh, papayag ka bang hanggang sa libingan mo eh loser ang dating mo? It’s ur choice dude, feel free to choose and do what ever you want, it’s ur life, suit urself pare. May mga tao namang pag nakainom, hanap away naman ang trip, matignan lang, sasapakin na, mabangga lang, gugulpihin na, may marinig lang, feeling nya agad siya na ung pinag-uusapan tapos pagmumumurahin ka na. Masangga mo lang dulo ng kuko nya papatayin na buong pamilya mo. Anong napatunayan? Matapang xa ganun? Lalakeng lalake xa? Ang babaw kaya nun, cheap shot, phew. Meron naman pag tinatamaan na ng espirito ng alak, lumalakas na ang loob, ang mga dating di kaya sabihin, this time, all out na, “tay sorry, bakla ako” (from alvin babaran to his dad tito Arthur, haha!!) pwede din namang, “oo, bestfriend mo lang ako, and it was the biggest mistake of my life, falling in love with my bestfriend” hanep, lakas ng dating, parang si jolina at marvin. Maari din namang pag ginabi eh bubungad ka na lang sa mga magulang mo ng “Bakit ako ginabi? Bakit ngaun lng ako? Bakit ako lasing?” (a line from raymond dy to his mom, haha, dami ko ng nilalaglag ah) then suka, tapos derecho tulog. Madami pa, si cocoy limn a sumikat sa linya nyang “ella bakla ba ko?” hehe, at si jc manuel sa pang academy nyang “graceeeee, mahal kita” haha..


Iba ibang tao, iba iba ang epekto sa kanila ng iba’t ibang klaseng alak. Meron ding mga fud trip lang ang gusto pag katapos uminom, ung iba lugaw sa boyaks ang trip, ilokano’s best lugaw, may lugaw wid egg, lugaw wid twalya, lugaw wid mata ng baka, lugaw wid isaw at xempre hindi mawawala ang lugaw na may kasamang tokwa’t baboy. Ung iba naman mga ihaw ihaw naman ang gusto, barbeque, isaw, ulo, betamax, adidas, pakpak. O diba ayos? Dito lang sa Pilipinas ka makakakita ng magmula ulo hanggang pekpek (este pakpak pala) eh nakakain. Ung iba naman, pares ang trip, sa katipunan, sa espanya, sa welcome rotonda at sa kung san san pa. Ang iba naman sosyal, magpapadrive thru sa kownloon, pork pao siopao na halagang 45 pesos lang naman pala at sharks fin na 90 pesos tatlo ata un, huwaw, mukang sosyal pero di sing mahal, sarappppp!!! Maliban sa fud trip may mga, manyak din pag nakainom, mapalalake man o babae, they get agressive or slutty or whatever. They said it’s because drink accentuates the mood that the person was in before they actually got drunk. Or, it can just put someone into a state of mind that they would never usually be in when sober. Parang si gretchen bareto, nalasing, ayun, halos mamaga nguso sa pakikipaghalikan kay john estrada. Yesssss, showbiz!!! Sorry ruffa at ylmaz hindi ko alam kng pano ko kayo isisingit eh, haha. Hmmm, bakit nga ba ganito ang mga tama pag nakainom? According to my professor in my psych class, she said that “when you are under the influence of liquor, the "truth" is not coming out because ur drunk. It is fact that when you drink alcohol, the effect caused is the cutting off of certain neurons in the brain (Yes, alcohol chews away at your brain cells) through neural connections being eroded, the alcohol strips away certain behaviors regulated by the brain, and therefore your inhibitions are down and you act different!” Very well said Ma’am. Professor a.k.a Ms. Tapia, pero ni isa wala man lang ako naintindihan, ingles kasi, ay kent anderstand a sing-gel word dat yu sed, tagalugin mo naman ah so dat ay ken anderstand, hehe. Sabi din sa bible, it is wrong to get drunk, sabi sa Proverbs chapter 20 verse 1, “It isn't smart to get drunk! Drinking makes a fool of you and leads to fights”. Sabi naman sa Hosea chapter 4, verse 11, The Lord says, "Wine, both old and new, is robbing my people of their senses!", at sa Ephesians chapter 5 verse 18, “Don't be drunk with wine, because that will ruin your life. Instead, let the Holy Spirit fill and control you”. Eh kaso, ibang espiritu ang gusto ng nakararami eh, ang espiruto ni san Miguel, haha. Ang sakit na ng ulo ko, ang totoo nyan, may hang over pa kasi ako, 5:30 na kasi kami natapos uminom kagabi, este kaninang medaling araw pala or dapat ko atang sabihing, umaga na. Yun yun eh. Birthday kasi ni me-an, tamang kulitan at inuman lang, si alma nakasampung ice tea ata, haha, si joyce cguro mga lima lang, hehe, tapos kami lang ni meme ang alak, kasi si shervin lady’s drink lang din, nyahahaha. Tapos ngaun, nakaonline ako sa ym, kanina pa nangungulit si “Karen Kay Bayawa” nagyaya nanaman uminom (o ayan, naisingit ko na pangalan mo ha, hahaha!!), tapos sila me-an nagyayaya nanaman sa quattro kasi uwi na daw sila sa santiago at matagal tagal daw kaming di magkikita kita. Ang haba na nito, dapat ng tapusin, hehe. Sa aking sariling pananaw, masarap uminom pag nagsasaya at nagrerelax, kulitan, kantyawan (wala lang mapipikon), may kanya kanyang joke (kahit korny, pwede na) at pampakwelang baon ang bawat isa tulad ng mga card tricks at puzzle using inuman parapernalyas na maari mo namang ibida sa mga ibang taong makasasalamuha mo sa harapan ng mesang may alak sa mga susunod pang mga araw, lingo, buwan at taon. Masarap din uminom pag may problema, hindi man tuluyan nawala at nasolusyunan ang iyong problema eh atleast even for just a while, nakawala ka sa magulong mundo ng iyong isipan. Ganun lang ang labanan sa buhay, inom lang ng inom hangga’t gusto, respetuhan lang naman yan eh, sa mga hindi umiinom, irespeto nyo naman kami gaya ng pag respeto namin sa inyo, walang pakialaman, tsaka nyo na kami pakialaman pag pineperwisyo na namin kayo, pero kng hndi naman namin kayo ginugulo, wala naman kayong naririnig samin, hangga’t sa tiyan at hindi sa ulo namin pinapasok ang alak at hindi namin hinihingi sa inyo ang bawat pisong ibinibili namin para sa bawat isang patak ng alak na dumadampi sa aming labi at dumadaloy sa aming lalamunan eh wala kayong karapatan na pakialaman kami, eto lang masasabi ko sa inyo, “try nyo, masarap malasing!”. Sa mga maxado ng hayok sa alak, intindihin na lang natin sila kasi I believe na behind every heavy drinker is a reason that made him/her that way. Sa mga gimikero at gimikera namang big time na de kotse, hinay hinay lang sa pag-inom at magmamaneho pa kayo pauwi, drive safe kasi bawal maaksidente at mamatay kasi bukas may inuman pa uli =). Pero isn’t it weird, kasi sabi nila if you drive, don’t drink and if you drink, don’t drive, pero bakit sa mga inuman eh may mga parking space, hehe, ang kitid ba ng utak ko? Eh kasi naman, hindi naman lahat ng may kotse eh may driver di ba? So that literally means na ang mga law enforcers natin are tolerating these kind of acts. Well anyway, maiba naman tayo, sa mga estudyante at mga nagtratrabaho naman. Busy people who work so hard and students who study well need to relax at least once in a while din naman, and one way of doing it is to sit, talk and laugh with friends and drink some booze. They deserve it, mahirap kasi pag maxadong seryoso sa trabaho at pag aaral, nakakasira ng ulo, ok lang kng magpapetix petix naman minsan, si Einstein nga eh, bagsak sa physics pero naging isang sikat na scientist, deden deden, tayo na, sa sineskwela, tuklasin natin ang sensiya, har har, ang korni. =) Dapat balance lang ang lahat. You have a career but at the same time you must also have a life. Cheer up, sit back, relax and drink. But also don’t forget the commercial line na “drink moderately” hehe, =)


Hanggang dito na lang po. Tatapusin ko ang blog na ito sa pamamagitan ng isang linyang napulot ko sa pelikulang hitch. Quoting Alexander Hitch, “life is not measured by the amount of beer you drink, it is measured by the moments in every drinking session that u make” haha, ang layo. Salamat sa mga nagtyagang magbasa. Hehe. Paalam at hanggang sa susunod kong blog na mapagtripan.. =)

Subscribe to: Posts (Atom)