Showing posts with label Pedro's Thoughts. Show all posts

Bukas ay August 8, 2008. Eh ano ngayon? Swerte? Malas? May mga magandang mangyayari? Ano bang meron sa araw na ito? Maliban sa pagsisimula ng Beijing 2008 Olympic Games ay wala na akong alam na kaganapan sa araw na ito.

Sabi nila, numero daw ng demonyo ang 6. Samakatuwid, malas daw ito. Lalo na pag ginawa mong dalawa (69) (66), at mas lalo naman siguro pag ginawa mo pang tatlo (666). Eh bakit naman buhay pa ako? Bakit wala naman akong maalala na masamang nangyari sa'kin nuong June 6, 2006? Meron pa nga akong kalabing labing nun sa ilalim ng isang poste sa madilim na eskinita sa isang lugar sa maynila. Si Bruno! Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalan n'ya, gaaarrrrabe ba naman kasing maglaway.

Sex Sex Sex Six Six Six! Base sa aking pagsasaliksik sa intarnets, ang June 6, 2006 ay araw na masarap mag-sex hindi malilimutan. Ang araw na ito ay ika-222 na araw matapos ang muslim riots sa paris. Ika-333 na araw matapos ang London Train Bombings. Ika-444 na araw matapos ang ika-2 anibersaryo ng pagsakop sa bansang Iraq. Ika-555 na araw mula November 28, 2004. Anong meron sa November 28, 2004? Ito lang naman ang ika-333 na araw ng taon at matapos nito ay may nalabi pang 33 araw sapagkat leap year. Ang June 6, 2006 din daw ay ang ika-777 na araw matapos ang foiled sears tower attack. Nagkataon lang ba? O sinadya?

May mga taong naniniwala na ang numero 7 ay swerte. Sa mga slot machines sa casino ay makikita ang numero na ito. Maging sa report card ko nuong hayskul ako ay nagkalat din ang numerong ito, palakol. Kung maaalala n'yo ang dating punong bayan ng Calauan na si Antonio Sanchez na nakulong sa salang panggagahasa, ahmmm, teka, naaalala n'yo pa ba s'ya? Ah basta, isa siya sa sa mga kilalang tao na mahilig sa numero 7. Magmula sa plaka ng sasakyan hanggang, sa bahay, at sa mga palamuti ng alahas ay makikita ang numero 7. Isa rin si dating Pangulong Ferdinand Marcos na mahilig sa 7. Ayon sa aking pag-aaral, hindi man matapat sa 7 ay madalas gamitin ni Marcos ang mga numero na divisible by 7. Ang dating hardcore ng hard court at dating senador na si Robert Jaworski Sr. ay mahilig din sa 7. Totoo nga bang bwenas ang numerong ito?----July 7, 2007. Wala akong kaswertehan na naaalala nuong nagdaan ang araw na 'to. Kung maituturing na swerte ang pagkain ng balyu mil namber wan sa jollibbee, go lards isprayt en frays as wel, pwes tingin ko siniwerte nga ako.

Napag-alaman ko na enero pa lang ng taong ito ay fully book na para sa kasal ang August 8, 2008. Karamihan din sa mga ito ay nakareserb sa ganap na alas 8 ng umaga. Isa lang itong patunay na marami pa ring naniniwala na swerte nga talaga ang araw na 'to. Kung hindi man swerte eh atleast matawag man lang cool. Nagpakasal ka ba naman sa petsang 888, hindi ba cool 'yon? Minsan lang ang 888 sa isang siglo, kaya para sa'kin ay cool na cool ang mga araw na ganito. Maganda sana ang araw na ito para magpatuli pero takot pa rin talaga ako. Next year na lang para 999.

P.S. (Pahabol Salahat)

Bukas ng gabi ay tutungo ako sa isang pagtitipon para sa mga blogista. Ito ay ang coke event part 2. Swerte na bang masasabi ang makakain ng libreng hapunan at makainom ng libreng sopdrinks at alkohol? Oo na rin siguro, libre 'yon eh. Bihira na ang libre sa panahon ngayon.

Isang araw na pauwi ako ng bahay galing opisina ng bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Nakahalata yata ang mga ulap sa kalangitan na hindi ako naligo nung araw na ‘yon. Eeeew, kadirdir, it’s like crazy you know? Ang hirap pumara ng masasakyan at kung makasakay man ay siguradong mababagot lang din ako sa mala-longganisang haba ng trapiko. Naalala ko ang kaibigan kong si Herminihildo. (Hermi for short) Nakatira si Hermi malapit lang sa kinatatayuan ko nu’ng mga sandaling ‘yon kaya minabuti kong puntahan s’ya. Naisip ko na tumambay muna duon para magpalipas ng trapiko at magpatila ng ulan.

*tok tok tok----tok tok*

Binuksan ni Hermi ang pinto. Matapos ang maiksing kamustahan ay pinatuloy n’ya ako. Dinatnan ko ang mga pamangkin n’yang nanunuod ng sex scandals cartoons. Nagulat ako ng biglang umeksena si Tita Remedios, ang nanay ni Hermi, pinagalitan ni Tita ang mga bata kasi nga ay buong maghapon na daw silang nakatanghod sa harapan ng telebisyon. Napag-usapan tuloy namin ni Hermi ang mga bata. “Ibang klase ‘yang mga batang ‘yan” sabi sa’kin ni Hermi. “May PSP may i-pod at may cellphone pa, masyado kasi nilang ini-spoiled kaya ang hihina tuloy ng utak” dagdag pa nito. Spoiled nga sa isip isip ko. Habang nag-iisip ay bigla na lang nagsimulang magpatintero at luksong tinik ang mga bagay bagay sa isipan ko.

Kung tutuusin ay mas maswerte ang mga kabataan ngayon. Google lang ang katapat ng bawat takdang aralin. Ilang click lang at siguradong tapos na ang assignment. Hindi katulad dati na kailangan pang magsunog kilay sa pagbuklat ng dictionary, almanac at encylopedia. Masyadong time consuming. Pero naisip ko din na mas matalas ang utak ng tao nuon kaysa ngayon. Wala lang, isiningit ko lang ‘yon para kunwari ay matalas din ang utak ko. ---Dagsaan ang mga produkto ng teknolohiya sa panahong ito at dahil dito ay naniniwala akong nagiging tamad na sa pag-aaral ang mangilan-ngilan sa ating mga kabataan. Pati sa sining, edukasyong pampalakasan at musika ay nagiging mahina na din ang mga ito. Naniniwala din ako na teknolohiya din ang dahilan kung bakit mas mahina ang katawan ng mga kabataan at kung bakit sila kulang sa nutrisyon. Naisip ko lang, kung walang TV, baka sakaling magbasa sila ng libro. Kung walng i-pod, baka sakaling matuto silang mag drums, violin, at piano. Kung walang computer baka ganahan silang magsulat. At kung walang playstation at xbox ay baka sipagin silang maglaro ng mga sport na magsisilbing ehersisyo para sa kanilang katawan. Bakit dati, meron bang kahit mp3 player man lang si Bethoven? Meron bang i-phone at psp si Einstein? Meron bang digicam si Bonifacio? At meron bang laptop si Rizal?

Hindi ko sinasabing walang kwentang bagay ang mga “gadgets”. Aminado ako na dahil sa mga haytek na bagay na bigla na lang nagsulputan ay dumaling gawin ang mga something something sa ating so called layp, totoo ‘yon at hindi ako kokontra dun. Ganun pa man ay masasabi kong hindi rin ganun kaimportante ang mga ito sa ating buhay kasi kung importante ang psp, i-phone, laptop etc., matagal na sanang patay ang mga tao nuon. Hindi naman ako galit sa teknolohiya. Ang totoo ay gustong gusto ko pa nga ang mga ito. Kung walang computer edi hindi na ako nakapagblog. Haller?!?! Sige nga, ikaw nga ang magblog sa type writer kung pwede! Mahal ko ang mga kagamitang bunga ng teknolohiya. Sa katunayan n’yan ay meron din ako ng ilan sa mga ito.

Naniniwala akong kung gagamitin sa tamang paraan ang mga bagay bagay ay magiging kapakipakinabang sa’tin ito. Ngunit kung aabusuhin at gagawin lang luho ay hindi na tama siguro. Mas makabubuti kung gagabayan na lang natin ang mga kabataan at bilang mga mas nakakatanda ay dapat maging responsable tayo. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko ang post na ito. Hindi ko din alam kung bakit ang entry na ito ay ganito kaseryoso. Sinimulan ko lang mag-type at nagulat ako na tapos na agad sa loob lang ng walong minuto. Walang kwenta, oo, binasa ko bago ko tapusin at ako mismo eh dismayado. Hindi ko mahanap ang mga wastong salita para makapaglathala ng maayos. Ganun pa man ay ipopost ko pa rin ito, para isang araw ay babasahin ko at babalikan, at aalamin ko kung saan ako nagkamali, ano ang kulang, at anong dapat gawin. Ang panget talaga. Hindi ko pa nga alam kung pano wawakasan ang istorya. Nagsimula sa ulan kaya marapat na tapusin ko din sa ulan. Nabanggit ko si Herminihildo na nawalang bigla sa usapan kaya dapat lang din atang ibalik ko s’ya sa pagtatapos. Pero hindi na. Pwede na ‘to. Ayos na ‘to. Tapos na ‘to. Ang panget talaga. Pft. Wakas!

Halos mag tatatlong buwan na din simula ng magbukas ang blog site na ito. At sa loob ng halos tatlong buwan ng paglalathala ko ay wala pang kahit isang entry na sa tingin ko ay makabuluhan. Pakiwari ko ay puro ampaw lahat ng pinopost ko. Mababaw. Walang laman. Hindi kapupulutan ng aral. Walang kwenta. Sa madaling salita, BASURA!---Kaya heto ako ngayon sa inyong harapan. Magpapanggap na may sense. Mangangarap na may utak rin kahit papano. Magkukunwaring gumawa ng isang entry na educational kuno. Isang post na may saysay. Pero sa totoo, niloloko ko lang kayo, at higit sa lahat, niloloko ko lang ang sarili ko.

Natuto akong manigarilyo nung 2nd year hayskul pa lang ako. Feeling ko kasi dati, “in” ka pag marunong kang manigarilyo. You belong to the astigin upper class. Maporma! Maangas! Cool! Walang mambubully sa’yo kasi para kang si Robin Padilla na siga at palaban. Nagsimula lang sa ganito ang rason ng aking paninigarilyo, hanggang sa ma-adik na ko at tuluyang nalulong sa bisyong ito. Nagsisisi ba ako? HINDI!

Sa bawat isang pakete ng sigarilyo na mabibili mo, nakalagay dito ang ang mga babalang ito. GOVERNMENT WARNING: Cigarette Smoking is Dangerous to your Health, Cigarettes Kill, Cigarettes Cause Lung Cancer, Cigarettes Cause Emphysema, Cigarettes Cause Heart Disease;, Tobacco Is an Addicting Drug, Quitting Cigarettes Will Improve Health, Cigarettes May Cause Fatal Injury or Miscarriage, Cigarette Smoke is Harmful to Nonsmokers, Cigarettes Cause Stroke. Ilan lang yan sa mga nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo para kumbinsihin tayo na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Nagkalat din ang mga paalala sa mga tindahan, billboard sa edsa, at mga poster sa MRT. Oo na!!! Masama na sa katawan ang paninigarilyo. Yeah, yeah!!! Wateber!!!!

Ang pinagtataka ko lang ay bakit walang naglalabas at nagsasabi ng mga benipisyong nakukuha sa paninigarilyo. Dahil ba sa wala talaga? O dahil ayaw lang nilang maglabas? Alam ba nila na enjoy manigarilyo? Alam ba nilang nakakatanggal ito ng stress? Nakakarelax, panlaban sa kabagutan, pwedeng alternatibong pampapayat kasi smoking burns up an extra 300 calories each day, nakakatulong din ang yosi para makapag-focus at maaari din na panlaban sa kalungkutan at depresyon. Oha, oha oha!!!!

Napag-alaman ko din na mas mababa ang pagkakataon na magkaroon ng Parkinson’s disease kapag naninigarilyo ka ayon sa artikulong ito. Ayon naman sa artikulong ito, nakakaprevent din daw ng atopic disorder ang paninigarilyo. Smoking also prevents rare skin cancer according to this piece of writing. Dagdag pa sa mga benipisyong yan ay maaari mo rin i-click ito para mabasa mo na ang paninigarilyo daw ay nakaka-reduce ng kanser sa suso ng mga babae. Maaari mo rin puntahan ang site na ito para malaman mo kung ano ang mga naitutulong ng nicotine sa katawan ng tao.

Napakarami din naman pa lang mga pag aaral na nagpapatunay na may mga magandang epekto din ang paninigarilyo sa katawan nating mga tao. Hmmm, pero kung ako ang tatanungin n’yo ngayon kung bakit ako naninigarilyo, simple lang ang sagot ko. Malapit kasi sa puso ang lungs. Kaya sa bawat hithit at sa bawat buga ng usok galing sa yosi, natatakpan nito ang puso ko. Binabalutan ng ulap. Ulap na nagpapamanhid sa damdamin. Parang anestisya. At sa ganitong paraan, lahat ng sakit sa puso ko ay nababawasan. Mas gugustuhin ko pa kasing maunang mawasak ang baga ko kaysa unti-unti akong patayin ng hapdi sa puso na dulot ng nararamdaman kong ito. Pft. Ang emo!



...

San ba nakakabili ng kasiyahan? Astig sana kung merong tindahan na basta may pera ka eh makakabili ka na ng ligaya. Pwedeng i-cash, pwedeng i-swipe gamit ang credit card at pwede pang lista muna kung close kayo ng may ari kasi ni-add mo siya sa friendster at multiply tapos lagi kayong nagpapalitan ng mga joke na text message tuwing umaga. Ang saya naman. Makakautang ka ng ligaya. Yikeee!---Sos! Wholesome entry to. Ibang ligaya nanaman kaagad yang nasa isip mo. Ang likot talaga ng imahinasyon ng utak mo. Malayo sa panandaliang aliw ang tinutukoy ko. Hindi pekpek ng pokpok ang hinahanap ko. Pft. Makapag sindi na nga muna ng isang stick ng sigarilyo.

*hithit, buga---hithit, buga---hithit, buga*

Ahmm, naisip ko lang, dumarating sa buhay ng kahit na sino ang lungkot. Kadalasan may batayan o pinag-uugatan ang isang kalungkutan. Minsan naman, nalulungkot na lamang ng walang kahit na anong dahilan. Paking shet! Ayoko ng ganitong eksena. Ayoko ng ganitong pakiramdam na napakawalang kwenta. Naniniwala kasi ako na ang pagiging masaya ng walang dahilan ay di hamak na mas mainam sa pagiging malungkot ng dahil sa wala.

Gusto kong pumasok uli sa isang unibersidad. Tapos kukuha ako ng kursong bachelor of arts major in cheerful living. Syempre dapat merong sab-dyek na happiness 101. Gusto ko ang titser ko ay isang payaso. Gusto ko din na mga komedyante lahat ng kaklase ko. Tapos sa taas ng pisara ng silid aralan, may mga katagang nakasaad na “SA CLASS ROOM NA ‘TO, BAWAL ANG NAKASIMANGOT!” Ang saya siguro kapag ganun. Walang drama at puro lang komedya. Palakasan ng tawa ang prelims. Pagandahan ng patawa ang midterm. At pakulitan ng pagme-make face ang finals. No wrong answers, lahat tama. May mock recitation. May biruan na sagutan. May kengkoy quiz. May joke time pagkatapos ng break time at may laugh trip kasabay ng field trip. Magmumulta ang mga estudyangteng iiyak. Mag flo-floor wax at magbubunot ang mga mahuhuling sisimangot. Magbubura ng black board sa loob ng isang linggo ang makikitang estudyanteng nakakunot ang noo. At iiskwat ng nakadipa ang mga kamay at lalagyan ng libro sa ulo at magkabilang palad sa loob ng isang oras ang kahit na sinumang mamamataan na hindi nakangiti. Walang peyboritisim at pati propesor ay walang eksempsiyon.---Sa unibersidad na ito, walang babagsak. Walang matalino walang bobo. Nakakatawa lang at corny. Pero kahit corny ka, hindi mababa ang ibibigay sa’yong marka. Corny ka na, pagtatawanan ka pa.

*balik seryoso na muna uli tayo*

May mga pagkakataong madali lang sumaya. Minsan nga, natutulog ka lang tapos pag gising mo, may isang di maburang ngiti agad ang namumutawi sa iyong mga labi. Ngiti na animo’y nanalo ka ng 235 milyon sa kara krus. Ngiti na parang may naka-sex ka na 5 sexy at magagandang babae kahit ba na kamuka mo pa si long mejia. Ngiti na parang nakakaloko. Ngiti na parang nakakagago. (pause for a while, ahmmm, mga 30 seconds, then, action) At may mga pagkakataon din naman na kahit nasa iyo na ang lahat eh parang kulang pa rin. Sa kabila ng lahat ng mga natamo mo ay hindi mo pa din magawang sumaya, hindi mo pa din makuhang maging maligaya.---Sabi nila, dalawa lang daw ang pinanggagalingan ng saya. Una ay ang pagmamahal at ikalawa ay ang pera. Ngunit ano nga ba sa dalawa ang mas mahalaga? Sa aking sariling pananaw, pagmamahal pa rin ang nangingibabaw sa mundo. Pagmamahal sa pera. Nakakalungkot mang isipin ay naniniwala akong tama ang paniniwala kong ito.

Kung ako ang papipiliin ninyo, hindi pera o pagmamahal ang magpapasaya sa’kin sa mga sandaling ito. Simpleng comment lang sa entry na ‘to masaya na ako. Nyahahaha! OXOX mahal ko kayong lahat. Pramis, peksman, koros may hart, ay swer, mamatay man si Popoy! Ahahaha, maiba lang, lagi na lang kasing si Mariano. =p

P.S. (Pahabol Salahat)

May bagong porn dito. Hahahaha. Joke lang. Kwelang Komiks yang mga yan. =p Sorry na xG. OXOX na tayo. Peace! :D




...

Gaya nga ng sinabi ni XienahGirL ako daw ay isang ginoong kompyus ang katauhan. Marahil ay ganun na nga, sa kadahilanang, laging may mga mumunting bagay na bumabagabag sa aking isipan. Eto nanaman ako, nabanggit ko nanaman na nag-iisip ako. Nakalimutan ko nanaman na wala nga pala akong isip at kung meron man eh kakapiranggot lang.

Mabalik ako sa primaheng usapin. Nakatunganga nanaman ako buong maghapon at bigla kong naisip kung pareho lang ba ang salitang "ok" at "fine". Napansin ko lang kasi na minsan, may nagtatanong ng "are you ok?" tapos ang isasagot eh "yeah, im fine." Naisip ko tuloy, pwede mo sabihing "im asking if you are ok, im not asking if you are fine." Kaso parang mas lalong gugulo lang. Ikalawang halimbawa. Pag sinabi sayo ng kasintahan mo ang ganito "ayoko na sa iyo!" maaari kang sumagot ng "ok!" o di naman kaya ay "fine!" Kaya kahit anong isip ko, parang pareho talaga ang ibig sabihin ng "ok" at "fine".

Habang naninigarilyo ako, bigla na lang sumagi sa aking hinagap ang ideyang ito. Kung pareho ang ibig sabihin ng "ok" at "fine" bakit may mga taong nagsasabi ng "i'm ok, but im not fine." at ng " i'm fine, but im not that ok." Parang analogy lang din eh. Halimbawa:

Given: (considering ok and fine are the same)

Fine = Ok
Red = Red

Pag sinabi mong "i'm ok, but im not fine", para mo na ring sinabing, pula ang suot ko pero hindi pula. Anak ng kaanak anakang anak ng mga anak. Aba'y parang pinagloloko pala tayo ng mga amerikano eh. May nalalaman pa ang gobyerno na proyektong ESL (English as a Secondary Language). Eh magulo naman ang mga salita ng mga amerikano. Yeah, I speak the language. But i did it because it is mandatory in school's academic subjects. And in order to graduate, you have to follow the rules. English/American people kept on saying that you should follow the rules but i can't help but notice that they keep breaking it themselves. For example, the word laughter, is the gh sounds ff? NO! How about the word manslaughter, it has the word laughter in it but we read it as man-isloter not mans-lafter. Now, I agree with ESL (English is a Stupid Language) DEMET!

Hinagilap ka ang ibig sabihin ng "ok" at "fine sa google, at eto ang mga nakalap ko:

OK

or o·kay n., pl. OK's or o·kays.

Approval; agreement: Get your supervisor's OK before taking a day off.

adj.
  1. Agreeable; acceptable: Was everything OK with your stay?
  2. Satisfactory; good: an OK fellow.
  3. Not excellent and not poor; mediocre: made an OK presentation.
  4. In proper or satisfactory operational or working order: Is the battery OK?
  5. Correct: That answer is OK.
  6. Uninjured; safe: The skier fell but was OK.
  7. Fairly healthy; well: Thanks to the medicine, the patient was OK.
adv.

Fine; well enough; adequately: a television that works OK despite its age.

interj.

Used to express approval or agreement.

FINE

adj. fin·er, fin·est
1. Of superior quality, skill, or appearance: a fine day; a fine writer.
2. Very small in size, weight, or thickness: fine type; fine paper.
3.
a. Free from impurities.
b. Metallurgy Containing pure metal in a specified proportion or amount: gold 21 carats fine.
4. Very sharp; keen: a blade with a fine edge.
5. Thin; slender: fine hairs.
6. Exhibiting careful and delicate artistry: fine china.
7. Consisting of very small particles; not coarse: fine dust.
8.
a. Subtle or precise: a fine difference.
b. Able to make or detect effects of great subtlety or precision; sensitive: has a fine eye for color.
9. Trained to the highest degree of physical efficiency: a fine racehorse.
10. Characterized by refinement or elegance.
11. Satisfactory; acceptable: Handing in your paper on Monday is fine.
12. Being in a state of satisfactory health; quite well: I'm fine. And you?
13. Used as an intensive: a fine mess.
adv.
1. Finely.
2. Informal Very well: doing fine.
tr. & intr.v. fined, fin·ing, fines
To make or become finer, purer, or cleaner.

Ayun, naliwanagan na ako, ang "ok" at "fine" ay literal na hindi magkapareho ngunit nagiging pareho, depende sa konteksto ng pangungusap. Ang "ok" ay mayoryang ginagamit sa pag sang ayon while "fine" is majority used in saying the state of one's self being well.

Maliwanag na madilim, maayos na magulo, naiintindihan na parang hindi, oo, siguro nga kompyus lang talaga ang katauhan ko. O siya, paalam, nagugutom na ako, kain muna ko.

Analogy is a comparison based on such similarity and a similarity in some respects between things that are otherwise dissimilar. The process by which words or morphemes are re-formed or created on the model of existing grammatical patterns in a language, often leading to greater regularity in paradigms. It is also a form of logical inference or an instance of it, based on the assumption that if two things are known to be alike in some respects, then they must be alike in other respects.

Example:

God is love.

Love is Blind.

Therefore. God is blind. Haha!

Sino ba kasi nakaimbento ng analohiya na yan. Pinapagulo lang nyan at ginagawang kumplikado ang mga titik, pangungusap, salita, at parirala. Pa-ana-analohiya pang nalalaman. Gunggong! Wahaha.. \m/

Nakita ko nanaman ang sarili ko. This line really struck me. It's so simple yet so complex and meaningful.

I was on my way home from work yesterday when i saw my tattoo artist/friend alex checking things on his new tattoo shop. He then called me the moment he saw me. He ask something about increasing the free space of his partitioned hard disk without losing any data, lucky him that i have my software utilities with me and since i realized that i dont have anything to do at home, i decided to help him and do it by myself instead of just telling him the instructions.

I dont have any intentions of staying long in his shop, i said to myself that i will go home immediately after i finished the thing that i am doing, but then he said, "pare trip mo bang uminom? tara, shot tayo!" then i replied "parang totoo ah, kala ko ba pass ka muna sa mga alak, kung iinom ka, cge ok lang" i said those things because i knew for a fact that he's been sobber for already more than a month. After he heard my reply, he called his tattoo model/brother nog nog and he texted few regular customers/friends like my older brother jude, dr. tan tan and arman just to name a few, to come over and have a drink. Then he gave money to his henna artist and asked him to buy some booze. After that, my cellphone beeps and when i read it, it's a message from one of my newly found friend, saying that she dont have anything to do and so bored, so i decided to invite her to come over. I went out of the shop for a while to puff a stick of cigar and i felt the cold breeze of wind brought by the typhoon cosme. I love the chillin' sensation. Wheeew! I was still taking a puff in my cigar and before i finish it my friend arrived...

The night is so young and the weather is so inviting. Large number of beers are already on the table, some tube ice, fried duck and pig's face for pulutan (yummy-high-blood-stuffs). Alex and i were starting to get drunk while waiting, then one by one, the invited ones came as fast as a speeding bullet. While sound tripping, we drank, we shared stories, we had plans for our future tattoos, we tease each other, we bullied everbody, we clowned each and everyone of us, we had fun and then alex stopped for a while and looked at the mirror, then he said "nakita ko nanaman ang sarili ko" then he laughed. The sentence was so straight forward. Literally, he really saw his self in the mirror but what he was really trying to say last night was, he saw his real him again. I knew alex for quite a while now. And i know that drinking booze is not a hobby for him anymore, it's already part of his lifestyle, but recently, he decided to lay low for a while. He's not drinking for almost two months already and for me, in my meek opinion, that is already a huge accomplishment to a certain extent.

It's alright to moderate things, it's alright to stop bad habits, it's alright to be health conscious, and it's definitely alright to change things for the better. But you know what is not alright? It's not alright to change things if some part of your personality will be taken away from you. When you change for the better but in reality, it's not making you better, when it's already making you a different person, that's definitely not alright. Hindi ka na nag eenjoy, masaya ka nga pero kulang na kulang yung araw mo. Hindi ka na masyadong nagsasaya at natutuwa, para sa akin, hindi na maganda yung ganun. Hindi ko naman sinasabing maging lasenggo ka, ang sinasabi ko lang, mahirap alisin ang isang bagay na alam mong nagpapasaya sayo. Bakit mo ba itinigil yun? Para sa ikakabubuti mo? Eh pano mo naman masasabing nakakabubuti nga sayo yong ginawa mo, kung sa kaloob looban ng sarili mo eh nararamdaman mong may kulang sa pagkatao mo?

My point here is, it's hard to change, especially if you dont want the new someone that you'll become. I will change if it's for the better, if not, then I will stay as what I am right now. I don't want to happen that one time, when I'm standing in front of the mirror, I will not see my real self, all I can see is a different person that i dont even recognize. I will not allow that to happen me. Magpapakatotoo lang ako, magpapakasaya ako at mamatay akong masaya...Yun lang!

Nasubukan mo na ba nung bata ka na pinangakuan ka ng nanay mo na kakain sa labas tapos hindi natuloy? Yung matagal mong hinintay, tapos sobrang excited ka, maaga ka lagi natutulog, ang sigla sigla mo sa umaga, tapos parang ang bilis bilis ng takbo ng araw, tapos pag gising mo sa araw na yun, biglang sasabihin na "anak may importante akong gagawin, hindi tayo matutuloy". Oo naiintindihan mo na importante yung gagawin na yun, pero bakit parang ang pakiramdam eh iba, bakit di mo maiwasang magtampo. May sense ba yung sinasabi ko? Kasi ako, parang di ko din maintindihan sinasabi ko eh, walang kwenta no?

O sige try kong explain ng mabuti, ibang analogy naman. Ganito yan, sabihin natin na gusto mong mag basketball, tapos, nag aya ka ng mga kaibigan mo, so ang ginawa mo, nagpareserve ka ng court, matagal pa yung date na napareserve mo kasi it's eighter na hindi available yung ibang inaya mo, o kaya may pasok ka sa trabaho, o kaya naman, may nakareserve na sa court. So may nakita ka ng date, let's say friday, tinxt mo yung mga kalaro mo, at ok daw sila nun, so pinareserve mo na yung court. Tapos pag sapit ng monday, biglang may nagsabi na hindi siya pwede ng friday, thursday na lang daw, so ikaw naman, kahit na hindi ka pwede nun kasi marami kang gagawin sa work eh pumayag ka na kasi gustong gusto mong magbasketball at gustong gusto mo ng makasama yung mga kaibigan mo at makalaro sila. Ngunit, subalit, datapwat, pag sapit ng wednesday night, biglang may nagtxt, siya rin yung isang hindi pwede ng friday na siya ding nagpamove ng sched sa thursday tapos sinabi na may importante daw siyang gagawin bukas, ang araw na napagkasunduan nyong magbasketball. Ang punto ko lang, I was trying so hard para lang makalaro at makasama sa basketball ang mga kaibigan ko, pero no matter how I tried, lagi na lang hindi natutuloy. Ginagawa ko na ang lahat, pati schedule ko ilang beses ko ng inayos para lang matuloy yung araw na yun, but then, hindi pa rin, bigo pa rin, malungkot pa rin, totoo talagang SHIT really HAPPENS! Pero kahit ganun pa man, hindi pa rin ako magagalit na hindi siya pwede, at hindi natuloy ang basketball, magtatampo lang ako pero maiintindihan ko pa rin siya. Masasaktan ako pero ok lang, kasi kahit ilang beses pang mangyari ang ganito, paulit ulit kitang maiimtimdihan kahit paulit ulit pa akong madisapoint at masaktan. Ganun talaga, ala naman akong magagawa. At kung meron man, ayoko namang gawin.

Naintindihan nyo na ba yung sinasabi ko? Ako kasi hindi pa rin, kaya ang walang kwentang bagay na ito ay ganito na lang at bigla na lang magwawakas……

  • ANG BUHAY AY PARANG GULONG:

Minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa vulcanizing shop, alam ko korni! haha..

  • ANG BUHAY AY PARANG AKO:

Masarap, haha. (di mo ako matitikman, wahahha)

  • ANG BUHAY AY PARANG BATO:

It's hard. And it hurts too. (IT HARTS YU KNOW?)

seryoso na muna:

  • ANG BUHAY AY PARANG YELO:

Natutunaw, nauubos at iyong makikita sa linaw ng tubig ang lahat ng iyong ginawa, malinis ba o madumi? Ngunit sino nga ba talaga tayo upang humusga kung ano ang malinis at madumi? At kung ang pagiging madumi ay mali, at hindi karapat-dapat.


  • ANG BUHAY AY PARANG KOMIKS:

Sa komiks may hatid na drama, bakbakan at romansa sa bawat kabanata. Mayroon ding takot at luha na nababalot sa bawat pahina. Sa bawat paglipat, may pahinang nabubuklat. Sa bawat pahina, may istoryang nakikita. At sa bawat istorya, may buhay na nararamdaman.

  • ANG BUHAY AY PARANG CREDIT CARD:

Buy now, pay later, hiram lang ang atin buhay na ginagamit ngayon kaya kung ano man ang mga gagawin natin habang gamit natin ito ay siguradong pagbabayaran din natin ito sa bandang huli pag dating ng takdang panahon.

  • ANG BUHAY AY PARANG SINTAS:

Minsan mahaba, minsan maiksi, isa lang ang sigurado, ang sintas, kadalasan magulo, anong gagawin mo? Hahayaan mo bang madapa ka kasi buhol buhol ang sintas mo, o titigil ka muna para itali ito ng maayos para deredrecho ang pag lalakad mo?

  • ANG BUHAY AY PARANG ROLLER COASTER:

Mabilis magbago ang estado at kinalalagyan mo. Kailangan mong sabayan ang lahat, kahit na nahihirapan ka na. Hindi ka dapat sumuko kahit anong hirap na ng sitwasyon. Ayus lang mahilo, wag ka lang susuka.


  • ANG BUHAY AY PARANG ELEVATOR:

Dahil masyado ng gamit ang roller coaster at hindi naman laging nagsa-cyclone loop ang buhay, may mga taas baba lang, at darating din ang isang minsan na magiging steady lang. Chillax lang mga pare, STEADY LANG!


  • ANG BUHAY AY PARANG LANSANGAN:

Madumi at mabaho pero pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat, nasa lugar na at mabango na. Isang pagbabagong idudulot ng pagtitiyaga.

  • ANG BUHAY AY PARANG BASEBALL:

Kung ang taga bato ng bola ay sinaktan ka minsan eh ayus lang, parte ng laro yun, hindi sinasadya. Pero kung paulit ulit ka na nyang binabato at sinasaktan, anong gagawin mo? Gagamitin mo ba ang bat mo para bweltahan siya at hampasin hanggang magtanda siya o hahayaan mo na lang kasi nakakaintindi ka? Ganyan lang din ang buhay.


  • ANG BUHAY AY PARANG RUBIK'S CUBE:

Maraming kulay, parang buhay. Umiikot ng paulit ulit, minsan nasa baba, minsan nasa taas, sa likod sa harap at minsan nasa tagiliran. Bigla na rin itong bumabaliktad pag pinihit at nag rarambol ang kulay kada pihit. Mabubuo ba o hindi? Magtutugma ba ang mga kulay o maghahalo halo na lang hanggang masira?

GANYAN LANG TALAGA ANG BUHAY, PARANG LIFE!

WAG PADADAIG!

WAG PAPATALO!

CHILLAX!

STEADY!

AT MAGING MASAYA LANG TAYO!

Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang hingin ang inyong walang hanggang pagpapakumbaba sa biglaan kong pagkakaroon ng init sa katawan pagpapahayag. Nawa’y maging handa tayong lahat sa paglabas ng ideya ko mula sa kahon na natabunan na ng samot saring kung ano man na hindi ko alam ang tawag. Ang totoo nyan, tinatamad akong maglahatla ng kahit na ano sa panahong ito. Anong dahilan? Hindi ko alam, marahil ay inatake lang ako ng sakit na kung tawagin ay katam.

Para sakin kasi ang pagsusulat ay hindi nadadaan sa paramihan, o sa pagandahan. Hangga’t nanggagaling sa PUSO mo ang iyong isinusulat, sapat na yun. Ang dati ko ngang motto nung writer pa ako sa school newspaper namin nung hayskul (Infant Jesus Montesorri School) eh ganito: “I write to express not to impress” (tamang yabang!) hehe . Mabalik ako sa usapan, eto ngayon ang tanong. Pano ba makakagawa ng ka-BLOG-stugan na galing sa SUSO PUSO?

Unang una, syempre kelangan ko ng ideya, ideya na kung minsan ay sangkaterba sandamakmak kung magsulputan sa utak kong kakapiranggot kakapiraso, kung minsan na man ay wala kang maisip kahit na isa at kahit na gaano ka pa katagal mag isip, wala pa din. Kahit pa maghintay ka pa ng kalibugan kabilugan ng buwan, wala pa din, kaya ako, kahit sa pagtulog, may ballpen at papel na malapit sa higaan ko, kasi naniniwala ako na minsan, may mga ideyang susulpot, kahit pa sa mahimbing na pag tulog mo. Eto ngayon, sabihin na natin na mayroon ka ng natatanging ideya, bukod sa ideya ano pa ang kelangan?

Kelangan ng inspirasyon, ang inspirayon ay isang malaking aspeto sa pagsusulat, maari mong isipin ang insperasyon na yun habang nagsasalsal nagsusulat ka, at minsan ay tila mararamdaman mong kusang lumalapat na lang ang mga daliri mo sa bawat titik na nakalimbag sa modernong makinilya na kung tawagin ay kompyuter. It’s like your heart, soul and body are interconnected with each other and your brain cells rapidly dictates letters and words from you heart and soul directed to your body specifically to the tips of your fingers. Wow, I rili lab may inglish, wahaha.

Nabasa ko ang isa nanamang blog ng kapwa kong BLOG-istang si viny at dahil nabanggit nya nanaman ang aking pangalan, nagkaroon ako ng ideya na sagutin ang ilan sa mga nakalathala sa blog na ito.

Sang ayon ako sa sinabi nyang Kung mahal mo ang isang bagay o isang tao, hindi ka dapat magkakaron ng rason.” Isaang daang porsyento ang aking pag sang ayon sa pahayag na yan. Bibigyan ko kayo ng halimbawa, (paalala, matagal ng naganap ang mga pangyayaring ito) nag-uusap kami ng kaklase ko dati, may gusto din kasi siya sa babaeng ako ay may natatangi ring pag tingin (yiheee!) tinanong ko siya, sabi ko, “pare bakit mo siya mahal?” sabi nya, “ganyan kasi tipo ko pre, maputi, ang linis linis tignan, ayokong magpakaplastik, syempre yung pisikal kaagad yung una kong napansin, pero sa pagtagal ng panahon, nalaman ko din na malambing, mapagmahal sa kaibigan at pamilya, at masipag at mabait din siya, yun ang dahilan kung bakit ko siya mahal”, tumahimik kaming pareho ng bahagya, at maya maya pa ay umutot ako, syiiieeet! Amoy mangga na may alamang. Matapos nun ay siya naman ang nagtanong “eh ikaw pre, bakit mo siya mahal?” sabi ko, “di ko alam pre, basta ang alam ko lang, mahal ko siya” tapos sabi nya “ayos sa sagot ah” sabi ko naman “may mga bagay talagang hindi mo alam ang dahilan pre, parang hangin, di ko nakikita pero nararamdaman ko, parang diyos, pinaniniwalaan ko kahit na walang katibayan na may diyos, ganun lang din yung pagmamahal sa kanya, nararamdaman ko, kahit walang dahilan” tapos dinugtungan ko pa ng, “mahal ko siya at seryoso ako sa kanya, para sa akin, sapat na yun at hindi ko na kailangang magkadahilan pa kung bakit, sang ayon ako sa mga sinabi mo kung bakit mo siya mahal, totoo ang lahat ng iyon, pero para sa akin, dahilan lang yun para magustuhan ko siya at may mas malalim na dahilan kung bakit ko siya mahal, kung ano man yun, hindi ko pa alam.” Tapos sabi niya, “*#%ang ina ang gwapo mo naman” kaya ang nasabi ko na lang “pre, it is stupid to state the obvious, haha” (ang mga susunod na pangyayari ay gawa gawa na lang ng aking di naman ganon kalawak na imahinasyon) naghurumentado na siya at sinabi nya ang ganito “pare this time I still want to state the obvious, ako ang mahal niya, can’t you sense that” totoo yung sinabi nya, naniniwala ako dun kaya eto na lang ang nasabi ko “alam ko naman na mas mahal ka niya. kasalanan ko ba na katawan ko lang ang habol niya sa akin? Ikaw pa ang galit eh ako na nga itong agrabyado, pero ok lang, bagay naman kayo, isang basura at isang basurera, haha!” Seryoso na uli, tama na muna ang kagaguhan.

Para sa kaibigan kong si BastiBasurero, ang masasabi ko lang eh tama ka, mag isip ka muna, huwag hayblad, pag ganyan eh baka makagawa ka ng mali. Laging pakaalalahanan na “nakakatuwa ang tama, nakakatawa ang maliIsang kamalian ang isama sa matematiks na hindi piliin ang babaeng nagpapasaya sayo tapos sasampa ka sa roleta at ivivideo mo para panoorin mo pagkatapos kung saan ka titilapon, una muka sa semento. Oo nakakatawa yun pero hindi masaya. Wala naman talagang pormula para maging masaya dahil tayo ang talagang magpapasya sa kung paanong paraan natin gugustuhing maging maligaya. Isa pang bagay share ko lang, ilang lines mula sa pelikulang No Reservations na pinagbibidahan ni Catherine Zeta-Jones.

Kate: I wish there was a cookbook for life, you know? With the recipes telling us exactly what to do. (pause) I know. I know. You're gonna say, "How else can we learn, Kate?"

Therapist: No. Actually, I wasn't gonna say that. You wanna guess again?

Kate: Oh, no, go ahead.

Therapist: What I was gonna say was, you know better than anyone. It's the recipes you create yourself that are the best.

Sinigit ko lang din pala, ung nabanggit ko kaninang kapiranggot tsaka kapiraso, alam nyo ba pinagkaibahan nun? yung nauna para sa kambing at yung pangalawa naman ay para sa dog, mga bata, ulitin natin ha, hahaha, kapirang-GOAT at kapir-ASO, korni talaga, sana di ko na siningit, nyahaha..=)

Kaya kung saan ka masaya dude, suportahan taka. Hehe! =) Post nga ako ng kanta, pangulit lang, at para majustify man lang yung title ng blog, wahahaha..


Katext ko kagabi yung isa sa mga girlfriend ko (ehem ehem, ang gwapo ko, ahaha) paalala lang girlfriend yun as in babaeng kaibigan (bakla po ako at wala po akong syota, haha), mabalik ako, katext ko siya at kung anu ano lang pinag uusapan namin. Bakit kaya may time na ganun? Yung kahit na walang kwenta mga pinag uusapan nyo eh parang hindi nakakasawa kahit na napupudpod na yung daliri at keypad ng celphone eh ayus lang. Minsan mapapangiti at mapapatawa ka pang mag-isa.

Well anyway, nag aasaran kami tapos bigla na lang naging ganito ang takbo ng usapan:

Ako: may time bang may sinabi ako sau o ginawa na kinilig ka?.

Siya: ano naman klaseng tanong yan?

Ako: seryosong tanong, sagutin mo na lang kasi.

Siya: aus lng.

Ako: ano namang klaseng sagot yan?

Siya: aus nga lang.

Ako: ah, so wala talaga? ok lang yun naiintindihan ko, hindi naman talaga ako kakilig kilig eh, hehe..

Siya: haha ang drama moh!

Ako: hehe, di naman, totoo naman kasi eh..

Siya: ahaha, humble ah.

Ako: wala ba talaga?

Siya: meon dn.

Ako: kanina aus lang, ngaun meron ng bigla?

Siya: meron nga din.

Ako: ows? Di ako naniniwala.

Siya: haha..bakit naman?

Ako: eh kasi si peter lang ako, bakit ka naman kikiligin sakin.

Siya: hahahaha..ang drama mo talaga.

Ako: o cge nga, kung meron talaga, ano naman ung ginawa ko at kinilig ka?

Siya: edi yung mga sinesend mo sakin sa friendster.

Ako: ano naman nakakakilig dun?

Siya: hahaha, ok naman eh, natuwa naman ako.

Ako: akala ko ba kinilig ka, bakit ngaun natuwa ka naman? Ano ba talaga?

Siya: natuwa lang.

Ako: kanina kinilig ka ngaun naman natuwa ka lang. magkaiba kasi un, ano ba talaga?

Siya: natuwa nga lang..

Ako: ah so natuwa ka lang pala, ako may time ng kinilig sayo.

Siya: haha, ang korni at ang baduy mo..haha..san naman?

Ako: yung unang nagmessage ako sa friendster mo, tapos natuwa ka, sabi mo ang sweet sweet ko.

Siya: eh sweet ka naman talaga eh.

Ako: oo nga cguro, sa sobrang kasweetan ko nga natuwa ka lang eh.

Siya: ahaha. Teka lang ligo lang ako.

Ako: cge.

****matapos ang ilang minuto****

Siya: wui, gising ka pa.

Ako: oo. Bakit?

Siya: wala lang, kakatapos ko lang maligo.

Ako: ah ok.

Siya: tulog na din ako maya maya.

Ako: ako tulog na ko ngaun, ge gud nyt.

Siya: antok ka na?

Ako: indi naman, baka kasi may masabi lang ako sayong sweet eh matuwa ka lang nanaman..

Siya: ahaha..

Ako: ndi, antok na din talaga ako, ge gud nyt miss natuwa lang ako.

WAKAS

Walang kwentang blog noh? Hahaha, wala kang magagawa blog ko to eh, edi gumawa ka ng sarili mo, haha..indi pa talaga ako inaantok kagabi ang katunayan nyan, inatake nanaman ako ng pagka moody ko, nakakatuwa naman kasi na may ginawa ka para kiligin ang isang tao tapos natuwa lang pala sayo. Para kang nagluto ng sinigang tapos sabi ng pinakain mo, wow ang sarap naman ng nilaga mo, nabusog ako, haha..wala akong maisip na i-blog ngayon, so para lang maubos oras ko, pinagtyagan ko na to.

Naisip ko lang ano ba talaga ang kilig? I can't help but wonder why "kilig" seems so unique among filipinos. the amorphous concept itself has no direct english translation (if i'm not mistaken, it's translated at best as “butterflies in the stomach”) and expresses so many levels of feelings and suits a variety of moods. and it's more impressive to feel that current in your veins that give you a rather warm tug or a tickle and suddenly makes you smile, after a tiring day.

There, I already have my definition of it, but like what I always do, naging hobby ko na ang humingi ng second opinion sa mga kaibigan ko. Parang pagpapacheck up lang yan, sabi sa ganitong ospital may dengue ka daw, hindi ka naniwala so humingi ka pa ng second opinion sa ibang ospital at sinabi sayo na wala kang dengue may cancer ka at mamatay ka na sa isang taon, ok di ba? Ang importante, atleast wala kang dengue, eh kung ikamatay mo un?.(ang hirap talaga tumawa pag ipinilit na lang yun joke, indi na nakakatawa, wahahha)

****Balik Sa Topic****

I texted and asked a friend what’s the translation of “kilig” to English. He couldn’t figure out a direct translation, but he says that it has everything to do with romance. How your body reacts to romance – the butterflies in the stomach (dito kami nagkaparehas), goosebumps, the way your heart beats faster, breaking out into a nervous sweat, uncontrollable giggling, blushing, that big, goofy grin that you can’t wipe off your face, and the list goes on. Shit ang haba, so nagtxt pa ako sa isang tropa ko, mahusay din kasi yun at hindi xa maxadong kumplikadong tao sabi ko “pare ano ba ang kilig?” sabi nya “naranasan mo na ba yung ihing ihi ka na, tapos mahaba pa yung pila, so ikaw tamang tiis ka lang muna tapos pag ikaw na, yung rapid outburst ng ihi mo, yung pakiramdam nay un, yung sensation, parang ganun din yung kilig” ahahaha, pota natawa ako kaya nireplayan ko na lang xa ng “indi na sana kita tinxt, ala ka talagang kwentang kausap”.

***OFF TOPIC***

Now I’m thinking kung ano naman ang definition at translation ng natutuwa. At bigla kong naisip na the word is so easy to understand, an eight letter self explanatory word, kaya nyo na yan.

***OFF TOPIC***

So in general, ang point lang ng blog na ito eh ang, ahhhh, ehhhh, ahmmm, uhmmm, ahmmm, shit wala akong maisip, then I therefore conclude that this blog is pointless (wahaha) shit, ang kauna unahan kong blog na sobrang walang kwenta, haha, bad trip, grrrrrrrrr. (padabog na clinick ang publish post)

Before individuals come into a relationship each one has a past history. They have past memories that are in the form of letters, letters of their first love, cards, and scrap books, text messages in cell phones, pictures with her ex in her laptop or cell phone as well and so on. Many couples when they come together into a new relationship like to keep their reminiscences of the past in some or the other form. These collections have a special meaning to each one and have sentiments attached to it.

Usually the opposite sex partner does not realize the importance of these collection and do not consider it valuable at all which in my opinion is KAKITIRAN NG UTAK. On the other hand the owner of these belongings has a special meaning for these and is very sentimental about it. Therefore it is important for their mates to RESPECT the partner’s sentiments. Special care should be taken not to hurt the partner with satire. He should never be made fun off and consider the behavior childish. There are couples who even make a grave mistake of suspecting their partner which is so wrong and immature. They dig out the box that has been kept as a secret by the mate and search for what is present no more (hello?!?!?! kaya nga tinawag na past di ba, tanga ka ba? Ikaw na nga ang mahal nya ngayon, bakit naiinsecure ka pa???). They try to look for an opportunity to read those letters or see those pictures out of fear of being cheated or just curiosity. Which is wrong, so wrong? Just like consumers privacy, employee privacy, PERSONAL PRIVACY too is necessary and you have to give it to your mate if you really love her. Remember bf ka pa lang nya, nagagawa mo na yan, pano pa kung mag asawa na kayo? Do you want her to think that you’re the kind of man who wants to control her life? I don’t think so.

However it is normal to suspect a person if something is kept as a secret but one thing should be borne in mind that true relationship depends on trust and faith. Moreover each one of us has the right to privacy. An individual person can have things completely to oneself without others interfering or having a look at it, even the life partners (so kung may katext ang girlfriend mo and you are trying to take a peek dun sa kung anu man ang pinag uusapan nila, para sakin, sarili kong pananaw, kabastusan na un at kawalan ng tiwala). All of us require some space and should be given that required liberty. One should respect his partner’s privacy. Give space to your partner and give time so that your partner on her own will show those collections to you. At times what happens is that people hesitate to show their stuff to their partners due to embarrassment or fear of not being understood correctly (kasi nga childish, maarte at masyado kang maduda). And as a result do not make an effort to show these collections of the past. As the soul mate you should never suspect your partner and try to be neutral towards that secret box owned by your partner. You should not show any curiosity towards it or make your partner uncomfortable about those items that she cherishes. If you behave in a dignified manner and show complete trust then your partner without any hesitation will show you whatever she owns privately. In fact your partner will be more than happy to share the past that would help you to come out of the emotions.

But after that trust that she showed to you, you should not take it for granted, you should cherish it and treasure it for life because for me, love is easier to give than trust and once you screwed up and broke that trust that she gave you, it’s so hard to get it back or maybe you’ll never will. It may be given to you again, but it’s different already, not like the one that she gave you before. One thing more, you should be happy that she shared that secret box to you, you should be glad that she took the risk to show her pictures with her ex on her laptop and so on. A lot of courage is needed to do those things, and by doing that, it only means one thing, she TRUST YOU. It’s normal that you will feel a stab of jealousy but her past is her own. Don’t do anything stupid. Don’t attempt to light those letters and scrap books on fire. Don’t delete those pictures in her cell phone or laptop. Because one thing is for sure, you’ll just disappoint your partner and you’ll just break her trust. And lastly, you can fire those letters or throw it in a garbage can, you can delete those photos in her laptop but one fact I am sure of, you can never erase those memories that they’ve shared together, NEVER. She kept that pictures, she kept that secret box because she has fond memories of everything at the time, not just him, but the group of friends she had and the places she visited with them, but even though the secret box and pictures are there, just be happy because she loves you a lot and she is next to you every time you wake up, and that counts for a lot more than some pics.

Remember that a relationship depends on mutual understanding and trust. If in a relationship partners care for each other even their past that relationship never faces any problems and are strongly nit together.


absent ako kahapon, ala tuloy akong post na blog dito sa friendster. nagkasakit kasi ako. kaya ngayun lang uli makakapagpost..

well anyway, napanuod ko si tado sa boy and kris kahapon, may clothing line na pala ang gagong aktibista na yun. the shop was called limiTADO, infairness kay tado, mahusay ang mga t-shirt na tinitinda nya, iba talaga ang humor ng mga pinoy.

meron yung isang shirt, napaisip talaga ako, nakalagay kasi sa harap, "buti nga sayo" naisip ko, parang ang panget nga ng salitang tagalog, kasi yung print sa likod eh yung english nung nakalagay sa harap. and the english of that phrase says "good for you". o di ba? pag nadapa ang isang taong kinaiinisan mo, sasabihin mo, buti nga sayo. pag nakapasa ang kaibigan mo sa board exam o sa kung saan man, at kwinento nya sayo, sasabihin mo, good for you. literary parang pareho kasi tinagalog mo lang ung english pero pag dineliver mo na yung sentence, iba na ang dating. hehe, galing, natuwa ako.

meron pang isang shirt dun, nakalagay, "pinili kong maging masaya dahil mas madaling ngumiti kaysa ipaliwanag kung bakit ako malungkot", hmmmm, tama nga naman, may point nanaman si tado, tangna ka tado, tado ka talaga..

isa pang nakakuha ng aking atensyon ay yung isang plain white na t-shirt na may nakasulat na ang pag-ibig daw ay parang ulan, eto ang laman ng tula:

"ang pag-ibig parang ulan,

kung kelan ka hindi handa

tsaka naman bubuhos

kahit anong tago mo, mababasa ka...

ang nakakalungkot, kung kelan

nag eenjoy ka na

tsaka tila mawawala..."

nice naman..

andito pa ang ibang mga sample ng mga t-shirt ni tado:

at ito ay mabibili sa # 57 N. Roxas St., Kalumpang, Marikina City , Near San Roque Elementary School eto po ay bukas magmula martes hanggang linggo magmula alas tres ng hapon hanggang alas onse ng gabi. maari nyo ring puntahan ang kanyang multiply account sa http://www.bigtimetado.multiply.com at para sa mga advance orders maari nyo siyang i-email sa limitado24@yahoo.com o di naman kaya ay itext nyo mismo si tado sa, 0916 78 40 522..at siya nga pala, 250 lang ang isang shirt.

haha, para akong naging PR ni tado ah, natuwa lang kasi ako sa mga design, at pag may naappreciate akong isang bagay, isinishare ko talaga sa iba, ayun lang yun, kapwa pinoy naman natin si tado, pinoy na pinoy din mga damit na gawa nya, kaya pinoy pride pa rin yan kahit papano. isang araw, pupunta ako sa limitado at bibili ng mga damit, sana makatawad ako kay tado, hehehe..

isinulat ni PEDRO (walang magawa eh)

TAGPO: Isang araw, nag usap si PUSO at si UTAK.

PUSO: Eto kasing si utak, parang hindi nag-iisip!

UTAK: Anong hindi nag-iisip? Ikaw nga itong padalus-dalos dyan. Puro bugso ng damdamin. Alam natin na sa ating dalawa, ako ang palaging gumagawa at nag-iisip ng mga solusyon sa mga problema. eh ikaw?

PUSO: Kaya pala ako ang sinisisi mo kapag namomroblema ka dyan sa pag-ibig!

UTAK: Eh sino pa ba naman ang sisisihin ko? Ikaw itong walang ibang ginawa kundi mahulog kung kani kaninong loob.

PUSO: Hoy! Wag mo akong susumbatan! Ikaw itong nagsasabi na okay at pwede syang matipuhan. Tapos ngayon, ako itong sisisihin mo!

UTAK: Pero hanggang doon lang ang sinabi ko! Meron pa bang iba? Wala na di ba?

PUSO: Kaya pala ha... Sino ang nagsabing kailangan ko syang idate? Di ba ikaw din?

UTAK: Oo, date lang naman yun.. Wala na! Sinabi ko bang mahulog ka sa kanya?

PUSO: Ah basta! Kasalanan mo pa rin! Kung hindi mo pinagawa saakin lahat yun,wala sana tayong problema. Pag-ibig na naman! Kagagawan mo ito!

UTAK: Akala ko ba, hindi nadidiktahan ng utak ang puso! Kaya pala may kasabihan pa kayong "kung anong nasa puso mo, sundin mo!". Kakornihan nyo lang pala iyon!

PUSO: Ako ba ang nagsabing mahalin sya? PUSO ba? o UTAK?

UTAK: Baka yun lang talaga ang nasa puso nya? Kasalanan mo pa rin!

PUSO: Ako na lang palagi! This is unfair...

UTAK: Unfair? Unfair? Hallleeer!! Sige nga, kapag namomroblema na sa pag-ibig? Sino sinisisi nila? Ako din naman di ba? May maarte pa dyang sasabihing, "Madapakinshit naman oh! Kelangan me makalimutan all the problems of love! Hindi ko matake na makita ko syang may kasamang iba. I wana die! Di ko maforget yunnnn!" Ako din naman namomroblema ha. At yun ay dahil sa mga kagagawan mo! Nagmahal ka kasi!

PUSO: Why is that everytime na may naiinlab, laging puso ang kailangan sisihin? Nasa akin ba ang LOVE?? Hindi ba nasa UTAK lang LOVE!!

UTAK: Aba, malay! Basta ang alam ko, wala sa akin! Itanong mo kay Penis, baka nandoon.

PUSO: Ok. wait.

(Mabilis na pinindot ni Puso ang mensahe niya para kay Penis)

... Ay. ay. ay pag-ibig, nakakakilig, parang sine, parang..... (<>)

Huminto muna si Penis at mabilis na kinuha ang celfone nya nung narinig nya itong nagring.. text lang pala at dali dali nya itong binasa

MSG mula kay PUSO: [NASN ANG LUV? GGGRRRR! TXT BAK ASAP]

PENIS: Anak ng Titi nga naman. Bat ako hinahanapan neto? Hmmmm... Ano ako, LOST AND FOUND?

(Magrireply si Penis)

MSG mula kay PENIS: [BUWAKANGINAMO! Bk8 mo ba hnanap yng lab sakn? D q alm. Ikw ang puso. Dpat alm mo yn!]

MSG mula kay PUSO: [EH IKW NMN KC PALAGNG NAG A-I LUV U DBA? B4 KA TITIRA, SSBHIN U, I LUV U! PGKATPOS, I LUV U!]

(Biglang uminit ulo ni Penis sa pang iinsulto ni Puso)

MSG mula kay PENIS: [TANg INA nga nmn! Mahilig nga aq mg-iluv u pro hndi ibg sabhin nun ay nsa akin yang katrntaduhng hnahanap mo! Hapi aq khit wlng luv. Kya wag nyo na aq idmay, OK?]

MSG mula kay PUSO: [EH C UTAK KC. LAGI AQNG CNICC JAN SA PG-IBIG NA YN. CMULA PA NOON. EH, NATNONG Q LANG SAU DHIL SA ATNG 3, IKW KDLSANG NAG-A-ILUVU. KAKAKILALA MO PA LNG SA TAO. INA-ILAB UHAN MO NA!]

(Sabay tayo si PENIS at naninigas sa gigil)

PENIS: Gagong PUSO to! Dinadamay ako sa problema nila. Hindi ko kailangan ang Pag-ibig para mabuhay! Kaya kung magtrabaho kahit mag-isa! Eh sila? Mga gago! Isasali pa ako!

....

(Dahil sa di mapigilang galit ni Penis, tinawagan nya si Puso)

...Where is the LOVE.. Where is the LOVE.. the LOVE.. (<>)

PENIS: Ayaw sumagot! Anak ng tete naman oh!

(nagdial ulit si PENIS)

..Where is the LOVE.. Where is the LOVE.. the LOVE..

PENIS: HEEELLLLOOO!!! HHEELLLOOO!!! Isa ka ba sa mga tangang Puso?

(Pasigaw na Hello ni PENIS dahil sa galit)

PUSO: Pare naman! Wag naman mainit ang ulo mo! Dahan dahan lang! Palagi ka na lang galit! Kaya iyan, namumula ka na naman sa galit!

PENIS: Eh, gago ka pala eh! Sinasali nyo ako sa usapang hindi naman dapat ako kasali!

PUSO: Nagtatanong lang naman kami! Ang init lagi nyang ulo mo! Tapos mamaya, ikaw din naman ang iiyak! Pasalamat ka at wala ako sa mood na sumipa ng bayag!

PENIS: Eh gago kasi kayo! Ginagalit nyo ako palagi! Wala saakin ang Pag-ibig na yang hinahanap nyo!

PUSO: HHuwaaatt?? paano nangyari yun? Eh madalas mong nababanggit ang salitang I LOVE YOU!! Tapos sasabihin mong wala sayo? Niloloko mo ba ako?

PENIS: Kung hindi ka naman pala gunggong eh! Titi lang ako! Anak ng TITI! At... SEX lang ang gusto ko! Walang LOVE LOVE na yan!

PUSO: Akala ko pa naman nasa sayo ang LOVE! Pareho ka din pala ni UTAK!

PENIS: (Nakalimutan nyang galit sya kaya napapangiting nagsalita) Kaya nga kami bestfriends nun eh. Kung anu iniisip nya, naiisip ko na rin! Hehehe.

(nagalit si PENIS ulit)

PENIS: Bat mo kasi hinahanap samin yun! Hindi ba dapat nasa puso yun?

PUSO: Sino ang nasabing nasa puso ang pagmamahal? Sabi ni Nora, himala lang ang nasa puso ng tao! Hindi Pag-ibig!!! TANGA!!!

PENIS: Lalong lalo nang wala sa PENIS ang pag-ibig! Kumusta ka naman di ba?

PUSO: Akala mo lang wala! Wala! pero meron! Meron! Meron!

PENIS: Nasa PUSO anga pagmamahal! Nasa PUSO! Nasa kaloob looban ng damdamin!

(bumilis ang tibok ni PUSO dahil sa galit)

PUSO: Palagi na lang ako! Ako! Ako! Ako na walang malay! Ako na ang tanging Kasalanan ay maging.... ano?

PENIS: Oh ano?? Aber?? Tama na! Tama na! Kung lagi lang tayong magbabangayan, walang mangyayari satin!

PUSO: Ikaw naman itong palaging mainit ang ulo at galit!

PENIS: Wag ka kasing highblood! Ang PUSO mo!

PUSO: O cge, sorry na..

(naiyak sa konsensya si PENIS)

PENIS: (paluha) Kaya sa susunod pare, wag mo ako ginagalit. Lumalabas tuloy mga ugat ko!

PUSO: Pasensya na pare.

PENIS: Oo na. Alam ko naman na malambot na Puso ka.

(hindi na galit.. malambot na si PENIS)

PUSO: Matigas ang ulo......Hello? Hello? Hello.... Paksyit!

(tunog ng lowbat na celfone dahil na lowbat si PENIS)

PENIS: TITI naman oh! Di pala ako nakapagcharge! Saksak ko muna ito!

.......

WAKAS

PERO Nasaan nga ba ang pagmamahal? NAKAY PUSO? KAY UTAK? O KAY PENIS? Wala kasing umamin eh... MY goodness! GRRRRRRR…


Subscribe to: Posts (Atom)