Showing posts with label Pedro is Emo. Show all posts

Tama po ang inyong nabasa, Nagbalik na nga po ako sa mundo ng pagbloblog. Salamat sa mga makabagbag damdaming comments n'yo sa last blog post ko. Humigit kumulang isang tabong luha din ang nalipon ko magmula ng isa isa kong nabasa ang mga kumento n'yo. Hindi pa kasama dun ang tulo sipon at tagaktak pawis na kasalamuha ng aking mga luha dulot ng aking pag-iyak. Humihingi ako ng paumanhin sapagkat iniwan ko kayo sa ere. Kayo na halos araw araw na tumatambay dito at nagbabasa ng mga walang kwentang blog ko.

Mapait, masakit at mahirap ang lumayo ngunit ginawa ko 'yon para makapag-isip at makapag pahinga. At dahil sa ginawa kong 'yon ay nalaman kong marami pala ang nagnanasa sa katawan ko nagmamahal sa akin. Sa inyong lahat, tanggapin n'yo ang aking taos susong pusong pasasalamat. Muli akong magsusulat at sana ay samahan niyo uli ako sa bagong kabanata ng aking paglalakbay sa mundo ng blogosperyo. Hawak kamay, kapit bisig, dikit braso, pantay siko, kalawit bagang, labas pwet, magkayakap, at lips to lips nating tahakin ang bagong daan. Daan tungo sa katotohanan. Daan tungong kasiyahan at kaligayahan. Daan para sa ikatatahimik ng lahat. Daan papuntang kapayapaan. Isang daan. Dalawang daan. Sangandaan. Padaan! Dead end, walang daan. Acheche!

Ituring na lang nating isang pahina ng playboy magazine libro ang blog site na ito. Matapos basahin ay baunin na lang natin ang mga napulot na aral (kung meron man) at mga masasayang alaalang naidulot (kung meron lang din, hehe) ng blog site na ito. Ang pagsasara ng librong ito ay hudyat ng pagbubukas ng panibago. Hindi lang isang kabanata kundi unlimited na parang load lang sa cellphone. At hindi lang 'yon, may free text pa at garantisadong walang message failed.

This is not the end. It is just beginning. This is not goodbye. This is a hello 'coz i'll see you soon.

See you all there and once again, thank you very much for everything!
MABUHAY KAYONG LAHAT!

rakENrol \m/


P.S. (Pahabol Salahat)

Halina't samahan ako dito sa bagong bahay ko.


To my devoted readers,


After a week of thinking, I have decided to close this blog.

In light of the escalating matters and controversies and conflicts arising recently in the blogosphere, it is officially announced that this blog will be closed once and for all.

Some bloggers thought that they were victims, and somehow they have been affected in my so called “irresponsible” blogging/plurking. For the concerned bloggers, I just want you to know that I will not retract back the statements that I've made and I will stand by every word that I’ve published in this blog, in my twits and in my plurk. I’ll admit that I may have said harsh things. I’ve been a bully. But for all I know, I was just doing comedy with you guys. Those words are thrown to entertain internet people. Those phrases were never intended to harm anybody. “Kung sa kahit anong paraan eh nasaktan kita, pwes hindi kita ka-close at kaibigan. Kung nasaktan ka at napikon, isa lang ang masasabi ko sa’yo, walang karapatan mapikon ang mga taong malakas mang-asar na kagaya mo!

Sa lahat ng mga makikitid ang utak at mga nagkalat na bobo sa internet, sa mga mayayabang na sikat na blogger at sa mga pakiramdam nila sikat sila, sa mga feelingero at feelingera na nagfi-feeling na lahat ng nababasa nila sa blogosperyo ay tungkol sa kanila, sa mga mahahaba ang muka, sa mga exotic bloggers sa mga panget na nagpapaapekto sa mga sabi sabing panget sila, sa inyong lahat, you can go fuck yourselves! Blog lang 'to, internet lang, hiwalay 'to sa tunay na buhay, napaka-pathetic mo naman kung ito lang ang buhay mo.

Someone told me this “May mga taong sensitibo. I-expose ang sarili sa intarnets hindi naman pala kaya ang basura. Kung naapektuhan ka ng mga tao sa internet eh mabuti pa sa MS Word ka na lang tumambay. Tama lang ‘yon! Kung ikaw ang tipo ng tao na naapektuhan sa basura ng intarnets eh mabuti pa ngang umalis ka na lang.”- Sumasang-ayon ako dito ng isang daan at isang porsiyento!

I will not close this blog for the reason that I can’t take the hassle that this blog world is giving me. I will close this blog because it doesn’t make me happy anymore. Blogging is supposed to be fun, and if that’s the case, then why the hell do I feel this way? I’m not fucking happy anymore, and I’m too tired with all this shit. Although I felt really fucked up, at least I felt happy even for just a short period of time. No regrets.

To be totally honest, I never really thought I’d get in on the blogging phenomenon. Not because I think blogging sucks or anything, I think it’s great. I just didn’t think I’d be a blogger. Why? Well, I just never really thought I was all that interesting a guy. I mean, seriously, why would people want to read what I had to say? Plus, I’ve always been a pretty private guy. But it happened, I became a blogger and fortunately, daily hits on my site started to increase.

Blogging has been a great adventure, and I have met wonderful people through the web. In fact, they were too good to be true. I want to thank the people who have left comments here; I want you guys to know that it is very much appreciated. I don’t usually do this but for old time’s sake and world peace, here it is. For those people that got hurt in some way, sorry to have caused outrage due to the reckless blogging, twittering, and plurking. It is not intentional; believe me, I mean no harm.

Should anyone is still unhappy in anyway, please feel free to offer your opinion directly in the comments box.

Minahal ko ang blog site na ito. Maraming masasayang alaala ang iiwan ko dito. Isasara ko ito ngunit hinding hindi buburahin. Pinili kong panatalihin dito ang aking mga nailathala upang mabasa din ng mga iba pang taong mapapadpad dito. Nalulungkot ako sa pagsasara ng blog ko. Pakiramdam ko ay parang isang importanteng bagay ang aking inaabandona. Pero ganun talaga ang buhay, laging may pagtatapos sa bawat pagsisimula. Hindi ako nalulungkot dahil natapos na ito, masaya ako kasi kahit papano nangyari ang blog na ito.

Sometimes you have to let go of the one you love to find out if there is really something there. And after all that has been said and done, I realized that what happened is real, and it’s been fun. This is the end of something simple and the beginning of everything else.

Hindi ko alam kung magbabalik blogging pa ako. Hindi ko alam kung gagamitin ko pa rin ang parehong pseudonym na ginamit ko dito. Isa lang ang masasabi ko, kung sakaling babalik ako, ipapaalam ko agad sa inyo. Pangako 'yan! Sa lahat ng tumangkilik sa akin, MARAMING SALAMAT!

Halos mag tatatlong buwan na din simula ng magbukas ang blog site na ito. At sa loob ng halos tatlong buwan ng paglalathala ko ay wala pang kahit isang entry na sa tingin ko ay makabuluhan. Pakiwari ko ay puro ampaw lahat ng pinopost ko. Mababaw. Walang laman. Hindi kapupulutan ng aral. Walang kwenta. Sa madaling salita, BASURA!---Kaya heto ako ngayon sa inyong harapan. Magpapanggap na may sense. Mangangarap na may utak rin kahit papano. Magkukunwaring gumawa ng isang entry na educational kuno. Isang post na may saysay. Pero sa totoo, niloloko ko lang kayo, at higit sa lahat, niloloko ko lang ang sarili ko.

Natuto akong manigarilyo nung 2nd year hayskul pa lang ako. Feeling ko kasi dati, “in” ka pag marunong kang manigarilyo. You belong to the astigin upper class. Maporma! Maangas! Cool! Walang mambubully sa’yo kasi para kang si Robin Padilla na siga at palaban. Nagsimula lang sa ganito ang rason ng aking paninigarilyo, hanggang sa ma-adik na ko at tuluyang nalulong sa bisyong ito. Nagsisisi ba ako? HINDI!

Sa bawat isang pakete ng sigarilyo na mabibili mo, nakalagay dito ang ang mga babalang ito. GOVERNMENT WARNING: Cigarette Smoking is Dangerous to your Health, Cigarettes Kill, Cigarettes Cause Lung Cancer, Cigarettes Cause Emphysema, Cigarettes Cause Heart Disease;, Tobacco Is an Addicting Drug, Quitting Cigarettes Will Improve Health, Cigarettes May Cause Fatal Injury or Miscarriage, Cigarette Smoke is Harmful to Nonsmokers, Cigarettes Cause Stroke. Ilan lang yan sa mga nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo para kumbinsihin tayo na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Nagkalat din ang mga paalala sa mga tindahan, billboard sa edsa, at mga poster sa MRT. Oo na!!! Masama na sa katawan ang paninigarilyo. Yeah, yeah!!! Wateber!!!!

Ang pinagtataka ko lang ay bakit walang naglalabas at nagsasabi ng mga benipisyong nakukuha sa paninigarilyo. Dahil ba sa wala talaga? O dahil ayaw lang nilang maglabas? Alam ba nila na enjoy manigarilyo? Alam ba nilang nakakatanggal ito ng stress? Nakakarelax, panlaban sa kabagutan, pwedeng alternatibong pampapayat kasi smoking burns up an extra 300 calories each day, nakakatulong din ang yosi para makapag-focus at maaari din na panlaban sa kalungkutan at depresyon. Oha, oha oha!!!!

Napag-alaman ko din na mas mababa ang pagkakataon na magkaroon ng Parkinson’s disease kapag naninigarilyo ka ayon sa artikulong ito. Ayon naman sa artikulong ito, nakakaprevent din daw ng atopic disorder ang paninigarilyo. Smoking also prevents rare skin cancer according to this piece of writing. Dagdag pa sa mga benipisyong yan ay maaari mo rin i-click ito para mabasa mo na ang paninigarilyo daw ay nakaka-reduce ng kanser sa suso ng mga babae. Maaari mo rin puntahan ang site na ito para malaman mo kung ano ang mga naitutulong ng nicotine sa katawan ng tao.

Napakarami din naman pa lang mga pag aaral na nagpapatunay na may mga magandang epekto din ang paninigarilyo sa katawan nating mga tao. Hmmm, pero kung ako ang tatanungin n’yo ngayon kung bakit ako naninigarilyo, simple lang ang sagot ko. Malapit kasi sa puso ang lungs. Kaya sa bawat hithit at sa bawat buga ng usok galing sa yosi, natatakpan nito ang puso ko. Binabalutan ng ulap. Ulap na nagpapamanhid sa damdamin. Parang anestisya. At sa ganitong paraan, lahat ng sakit sa puso ko ay nababawasan. Mas gugustuhin ko pa kasing maunang mawasak ang baga ko kaysa unti-unti akong patayin ng hapdi sa puso na dulot ng nararamdaman kong ito. Pft. Ang emo!



...

San ba nakakabili ng kasiyahan? Astig sana kung merong tindahan na basta may pera ka eh makakabili ka na ng ligaya. Pwedeng i-cash, pwedeng i-swipe gamit ang credit card at pwede pang lista muna kung close kayo ng may ari kasi ni-add mo siya sa friendster at multiply tapos lagi kayong nagpapalitan ng mga joke na text message tuwing umaga. Ang saya naman. Makakautang ka ng ligaya. Yikeee!---Sos! Wholesome entry to. Ibang ligaya nanaman kaagad yang nasa isip mo. Ang likot talaga ng imahinasyon ng utak mo. Malayo sa panandaliang aliw ang tinutukoy ko. Hindi pekpek ng pokpok ang hinahanap ko. Pft. Makapag sindi na nga muna ng isang stick ng sigarilyo.

*hithit, buga---hithit, buga---hithit, buga*

Ahmm, naisip ko lang, dumarating sa buhay ng kahit na sino ang lungkot. Kadalasan may batayan o pinag-uugatan ang isang kalungkutan. Minsan naman, nalulungkot na lamang ng walang kahit na anong dahilan. Paking shet! Ayoko ng ganitong eksena. Ayoko ng ganitong pakiramdam na napakawalang kwenta. Naniniwala kasi ako na ang pagiging masaya ng walang dahilan ay di hamak na mas mainam sa pagiging malungkot ng dahil sa wala.

Gusto kong pumasok uli sa isang unibersidad. Tapos kukuha ako ng kursong bachelor of arts major in cheerful living. Syempre dapat merong sab-dyek na happiness 101. Gusto ko ang titser ko ay isang payaso. Gusto ko din na mga komedyante lahat ng kaklase ko. Tapos sa taas ng pisara ng silid aralan, may mga katagang nakasaad na “SA CLASS ROOM NA ‘TO, BAWAL ANG NAKASIMANGOT!” Ang saya siguro kapag ganun. Walang drama at puro lang komedya. Palakasan ng tawa ang prelims. Pagandahan ng patawa ang midterm. At pakulitan ng pagme-make face ang finals. No wrong answers, lahat tama. May mock recitation. May biruan na sagutan. May kengkoy quiz. May joke time pagkatapos ng break time at may laugh trip kasabay ng field trip. Magmumulta ang mga estudyangteng iiyak. Mag flo-floor wax at magbubunot ang mga mahuhuling sisimangot. Magbubura ng black board sa loob ng isang linggo ang makikitang estudyanteng nakakunot ang noo. At iiskwat ng nakadipa ang mga kamay at lalagyan ng libro sa ulo at magkabilang palad sa loob ng isang oras ang kahit na sinumang mamamataan na hindi nakangiti. Walang peyboritisim at pati propesor ay walang eksempsiyon.---Sa unibersidad na ito, walang babagsak. Walang matalino walang bobo. Nakakatawa lang at corny. Pero kahit corny ka, hindi mababa ang ibibigay sa’yong marka. Corny ka na, pagtatawanan ka pa.

*balik seryoso na muna uli tayo*

May mga pagkakataong madali lang sumaya. Minsan nga, natutulog ka lang tapos pag gising mo, may isang di maburang ngiti agad ang namumutawi sa iyong mga labi. Ngiti na animo’y nanalo ka ng 235 milyon sa kara krus. Ngiti na parang may naka-sex ka na 5 sexy at magagandang babae kahit ba na kamuka mo pa si long mejia. Ngiti na parang nakakaloko. Ngiti na parang nakakagago. (pause for a while, ahmmm, mga 30 seconds, then, action) At may mga pagkakataon din naman na kahit nasa iyo na ang lahat eh parang kulang pa rin. Sa kabila ng lahat ng mga natamo mo ay hindi mo pa din magawang sumaya, hindi mo pa din makuhang maging maligaya.---Sabi nila, dalawa lang daw ang pinanggagalingan ng saya. Una ay ang pagmamahal at ikalawa ay ang pera. Ngunit ano nga ba sa dalawa ang mas mahalaga? Sa aking sariling pananaw, pagmamahal pa rin ang nangingibabaw sa mundo. Pagmamahal sa pera. Nakakalungkot mang isipin ay naniniwala akong tama ang paniniwala kong ito.

Kung ako ang papipiliin ninyo, hindi pera o pagmamahal ang magpapasaya sa’kin sa mga sandaling ito. Simpleng comment lang sa entry na ‘to masaya na ako. Nyahahaha! OXOX mahal ko kayong lahat. Pramis, peksman, koros may hart, ay swer, mamatay man si Popoy! Ahahaha, maiba lang, lagi na lang kasing si Mariano. =p

P.S. (Pahabol Salahat)

May bagong porn dito. Hahahaha. Joke lang. Kwelang Komiks yang mga yan. =p Sorry na xG. OXOX na tayo. Peace! :D




...

Huling araw ng Hunyo ng taong kasalukuyan, dakong alas syete ng umaga. Nagising ako sa boses ng tatlong tao. Isang babaeng mataba na nasa late 40’s ang edad. Dalawang lalake, ang isa ay pandak na nasa mid 20’s at ang isa naman ay maitim at butas butas ang muka na boses tin-ey-jer. Sabay sabay umaawit ang tatlo ng “hapi bertdey 2 U.” Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Unti unti kong nasilayan ang liwanag. Pag dilat ko, isang cake lang na may kandila ang tumambad sa aking muka. Kung pekpek sanang may kandila natuwa pa ako. Naaninag ko ang mga muka ng mga pinang-gagalingan ng mga sintonadong boses-----ang nanay ko pala, kuya ko at ang bunso kong kapatid. Naisip ko na lang bigla, oo nga, bertdey ko nga pala. Bahagya akong bumangon. Pumikit muli ng panandalian. Taos pusong sinambit sa isipan ang isang kahilingan. (peace on earth) At agad agad kong inihipan ang sindi ng mga kandilang ilang minuto ko na ding pinagmamasdan.

Bumangon ako, nag-almusal, naligo at nagtooth brush para maiba naman. Bertdey ko so kinailangan kong magsipilyo. Humalik sa pisngi ng aking nanay. Nagpasalamat sa dalawa kong kapatid. Umalis ng bahay at lumisan patungong opisina. Nagulat ako nung dumating ako ng opisina. Himala, ako pa lang ang tao. Imposible sabi ko sa sarili ko. Magmula kasi ng nagsimula ako sa kumpanyang pinapasukan ko, wala pa akong naaalala na ako ang kauna-unahang tao pag bukas nito. Alam ko na agad kung ano ang ibig sabihin ng tahimik na kwarto. Isang surpresa galing sa mga kasamahan ko. Orgy lang kasama ang sampung babae, masaya na ako.

Sa letrang I, numero bente kwatro, BINGOOO!! Hindi ako binigo ng aking hinala. Hindi man group sex ay tumama pa rin ako na surpresa nga ang dahilan kung bakit tahimik ang kwarto. Ilang minuto lang kasi ang lumipas mula ng ako’y naupo sa cubicle ko, narinig ko agad ang isang putok kasabay ng pagbagsak ng mga confetti. Makukulay ang mga papel na nagbabagsakan. Malalakas ang palakpakan ng mga ka-opisina ko. May mga dalaginding pang naghihiyawan ng mga katagang “marry me PEDRO, marry me!” Isa isang naglapitan sa akin ang mga tao at kasunod nuon ay ang pagbati nila sa akin ng maligayang kaarawan. Sinamantala ko ang pagkakataon at ang lahat ng babae ay aking pinaghahalikan. Matapos ng batihan batian, ay may cake nanaman. As usual, nagwish nanaman ako. (pagkain sa mga plato ng mga nagugutom) At inihipan ko na ang dalawapu’t apat na kandila sa ibabaw ng cake na hawak ng isang napakasexy, napakabango at napakalaki ng [binura pagkat malaswa] na katrabaho.

Binuksan ko ang aking kompyuter. Nag log-in ako sa yahoo messenger, sandamakmak na offline message ng pagbati sa aking kaarawan galing sa iba’t iba kong mga kaibigan ang bumungad sa muka kong kyut at gwapong gwapo. Walang humpay din ang pagtunog ng selepono ko. (tutut tutut) (tutut tutut) Puro pagbati din ang karamihan sa mga ito, maliban sa isa na namis-sent ata at ang nakalagay ay ang mensaheng “hu u?” Nagbukas ako ng plurk account ko. As usual, puro birthday greetings din. Pati na din sa friendster, twitter, multiply, facebook, e-mail, dinagsa din ng mga pabati. Natapos din ang walang patid na pag bati, nagsimula na akong magtrabaho, natapos ang araw at umuwi na ako.

Gaya ng nakagawian ko, sumaglit muna ako sa tambayan kong tattoo shop bago ako umuwi. Pag dating ko sa shop, SAUCE, SANTISIMA, JUICE MIYO, MAMA MIA, OHH LALA! Isa nanamang hindi ko inaasahang pangyayari ang naganap. Sandamukal na pulutan at hindi mabilang na bote ng red horse ang nakalatag sa isang lamesa. At sa isang pader, nakalagak ang isang banner na may nakalimbag na “Happy 24th birthday PEDRO!” Isa nanamang cake ang iniabot sa akin, syempre nagwish nanaman ako. (tahanan para sa mga walang masilungan) At inihipan ko na ang mga kandilang may apoy. Matapos nun ay nagkamayan, nagbatian, nagkainan, nagtawanan, nagkulitan, at nag-inuman. Natapos ang gabi at umuwi na ako.

Habang sakay ng isang fx pauwi ay tulala ako. Ang saya sana ng birthday ko kung totoo lang sanang naganap ang lahat ng mga sinabi ko. Pero hindi, walang katotohanan at isang kathang isip na gawa gawa lamang ng malawak kong imahinasyon ang mga kaganapan na nabanggit ni PEDRO. Pft. Wala talaga akong kwenta, gumagawa ng sariling kaarawan at sariling kasiyahan sa sarili kong mundo. Nadagdagan nanaman ng isa ang edad ko. Eh ano naman? Dalawampu’t apat na taong gulang na pala ako. 7 years shy para mawala na ang numero sa kalendaryo. Tumatanda na, wala pa rin pinagbago. Pinanganak na emo at mamamatay na emo. Welkam sa buhay ko. Ang basurang kasaysayan ni PEDRO!

P.S. (Pahabol Salahat)

Taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan. Buong buhay kong dadalin ang saya na naidulot niyong ligaya sa espesyal na araw kong ito. Pangako ko, hinding hindi ko kayo malilimutan, ngayon, bukas at magpakailanman.

Nagmamahal,

Ang inyong kapamilya,

Tita Charo




...

Pedronggwapo, saan ko nga ba nakuha ang pangalang ito? Yung parte ng Pedro madali lang ipaliwanag sapagkat ‘yun ang pangalan ko. Sa parteng gwapo, ‘yan ang medyo mahihirapan ako. Mali! Hindi pala medyo kundi sobra pala, kaya uulitin ko na lang. ‘Yan ang sobrang mahihirapan ako.

Kung may tao mang magsasabi sa’tin ng gwapo o maganda tayo, ‘yan ay walang iba kundi ang mga magulang natin. Pero ibahin n’yo ang nanay ko. IMPAKTO, ‘yan ang bansag sa’kin ng pinakamamahal kong ina. Naalala ko tuloy, isang araw na nag-uusap kami, sabi niya “Ang panget mo talaga! Dun ka nga sa malayo, dun sa hindi ka maabot ng paningin ko.” Haha, ang sweet ng nanay ko no? :)

Mangilang beses na rin akong nagkaroon ng gelps. Oo, kahit ganito ang pagmumuka ko ay may natisod at nabingwit din naman ako kahit papano. Sa kakaunting bilang ng kababaihan na nahumaling sa akin, nobenta’y nuebe porsyento nito ang tsamba. Sa natitirang isang porsyento ay hindi ko pa rin masigurado hanggang sa mga sandaling ito kung ano ang dahilan at sila’y nabulagan sa’kin ng husto.

Walang babaeng dumaan sa buhay ko na hindi ko tinanong kung gwapo ba ako. Sa maniwala kayo’t sa hindi, wala ni isa sa kanila ang sumagot ng oo. Mabait ka. Totpul. May natatago kang apil. Matalino ka. Napapasaya mo ako. ‘Yan ang mga sagot na kadalasang natatanggap ko. Simpleng tanong hindi masagot. A o B lang pero C ang sagot. True or False tapos ni-leave it blank. Yes or No lang, sinagot nga pero binura pa rin kahit pa may nakasaad na erasure means wrong. Parang kumuha ng pagsusulit na 500 items, ‘yan ang nabakas ko sa muka ng mga ex-gelps na napagtanungan ko. Hindi ko tuloy alam kung mahirap ba ‘yung tanong o bobo lang talaga ‘yung mga babaeng napaibig ko. Kaya kahit masama ang loob ko, pinish or not pinish, past your paper na lang ang ginawa ko. Hindi ako gwapo. Samakatuwid, panget ako.

“Pare hindi ka panget!” Ito ang sabi sa’kin ng isang kaibigan nung minsang nag-iinuman kami. Nalito’t nakompyus nanaman tuloy ang kakapiranggot na utak ko. Ano ba talaga? Hindi daw ako gwapo. Ngayon naman, hindi daw ako panget. Nagugulo na talaga me! Katahimikan. Katahimikan. Katahimikan. ----Nakailang bote pa kami ng inuming nakalalasing at habang unti-unting nauubos ang bawat bote ay nagsimula siyang magsalita muli. Pinaliwanag n’ya ang mga bagay bagay at matapos ang ilang oras ay naintindihan ko na ang lahat. Hindi ako gwapo pero hindi din naman ako panget. Plain lang ang muka ko, walang something something, walang X paktor, hindi pansinin, walang angas, nothing special at sa madaling salita, ordinaryong pagmumuka lang na may sariling hulmahan.

Ilang araw kong tinimbang ang mga sinabi ng mga tao sa paligid ko. Ang nakakakilig na tawag sakin ng nanay ko at ang mga katagang kaakibat nito. Ang mga tila sagot sa periodical test ng mga ex-gelps ko, ang mga payo at paliwanag ng mga butihing kaibigan at ang sariling pananaw at opinyon ko. Matagal akong nag-isip. Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. Apat na oras. Limang oras. Anim na oras. Natapos din sa wakas ang pag-iisip at nanaig pa rin ang sarili kong opinyon. Putang ina! Gwapo ako, at kailanman ay hindi n’yo maaagaw sa akin ang katotohanang ‘yon.
GWAPO AKO! BWAHAHAHAHA! Masayang araw. Isa pang masayang araw. Isa pang masayang araw uli. At isa pang masayang araw. Masayang linggo. Masayang linggo uli. Isa pang masayang linggo. Isa nanamang masayang linggo. At isa pang masayang linggo muli. Hanggang dumating ang………

(epeks: thunderbolt and lightning ---- BAGAAAAAM!)


Isang malungkot na gabi kasama ang isang bote ng alak at isang kahang sigarilyo. Umiinom ako mag-isa sa sulok ng madilim kong kwarto. Nakikinig ako ng radyo, tumutugtog ang kantang Feeling Gwapo na kinanta ni Tado and the G Girls. Biglang sumagi sa hinagap ko, sino sino pa ba ang magtutulungan kundi sila Me, Myself, and I lang. Isama mo pa si ako at si AKO. Walang magmamahal sakin ng lubos maliban sa sarili ko. “Paminsan minsan ay hindi masamang magbuhat ng sariling bangko.” Isang linyang hinding hindi ko makakalimutan galing sa yumao kong lolo. Gamit ang mga katagang ito, nahabi sa aking isipan at nagsimula ang kapanganakan ng isang malupit na pangalan. Isang sawi, isang talunan, isang walang patutunguhan at isang walang kwentang nilalang. PEDRONGGWAPO! Nyahahaha! Parang gago lang!

P.S. (Pahabol Salahat)
Tanggap ko na panget ako. Kaya hayaan n’yong sa pangalan man lang ay maramdaman kong gwapo ako. Sabi nga sa simbahan “Sa mata ng dyos, walang panget at walang maganda, lahat tayo ay pantay pantay.” Oh ha! =)

More P.S. (More Pahabol Salahat)
Ang magbabasa na hindi mag-iiwan ng comment, mas panget pa sakin. Hahahaha!





...

(click dito para mabasa ang umpisa ng istorya)


Lumipat ako ng eskuwelahan. Itago na lang natin ito sa pangalang Montesorri. Sa eskuwelahan na ‘yon ko natutunan na umiwas muna sa pagmamahal. Hindi sa pagmamahal ng kaibigan kundi sa pagmamahal ng babae. Iwas bebot muna, parang masamang bisyo kasi, nakakaadik kahit na puro kabiguan pa ang hatid nito. Minabuti ko na lang na mag-aral ng husto. Painom inom at payosi yosi paminsan minsan. En samtayms, a litel seks drags en rak en rol. Sa ganun umikot ang istorya ng sekon yir hayskul ko.


May nakilala akong babae. Ayan nanaman, may nakilala nanaman. (Matigas talaga! ‘Di pa nadala ang putang ina!) Ngunit tinatamad na akong ikwento ito. Puro sakit at hinagpis lang kasi ang dinulot sa’kin ng mga alaalang sariwa pa rin hanggang sa mga oras na ito. Kaya para hindi ko na maalala pa, pas-porward na lang ang kwento. Natapos ko ang hayskul at ang iskor kard.


Oo – 1, Hindi –13 , Di-Tiyak - 1


Wuhooooo, akalain mo nga namang nakabingwit ng isa si PEDRO. Pero ‘di rin nagtagal ang lab istori, ayaw kasi ng pamilya niya sa kagwapuhan ko. (Dey eyes eyes my personality). Mga matapobre, muka namang mga mahihirap ang pag-uugali. Kaya muli, bigo nanaman ako. Sauce, lumang istorya na sakin yun, ano pa ba ang bago? Gusto ko lang linawin na sa 13 na sumagot ng hindi, eh hindi po sila 13 na tao, 5 tao lang yan. May isang tao lang na binasted ako ng siyam na beses. Matigas din kasi ang aking ulo, sinabi ng hindi, ipipilit pa, pag ayaw, edi ayaw, move on, galaw galaw, makulit pa kasi, ayan, inubos tuloy ang mala-pusang buhay ng puso ko.


Bumalik ako ng maynila upang magkolehiyo. Umpisa pa lang ng klase, may nakilala na agad ako. Lumipas ang ilang buwan, nahulog na saking bitag ang babaeng ito. Tangnang yan, akalain mo nga namang nakatsamba nanaman ako. Nagtagal din kami. Ayos naman sana ang lahat, dumating lang sa punto na nag sawa ako. Xet bago to, minsan lang ako makatsamba, nag sawa pa ako. Kaya ayun, lumayo siya, at hindi ako makapaniwala na may babaeng nasaktan ng dahil sa kagwapuhan ko. Ibang iba ang pakiramdam ko nung mga panahong ‘yon. Hindi na LOSER ang tingin ko sa sarili ko. Ngunit kahit ganun ang ngyari, hindi ko maiwasang malungkot para sa babaeng nasaktan ko.


Oo – 2, Hindi –13 , Di-Tiyak – 1


Pinarusahan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi ang sama sama kong tao. Minsan na lang may magmahal sa’kin, tapos iniwan at pinaiyak ko pa. Hindi na ako nagmahal simula nuon. Hindi ko magawang magmahal sapagkat nakakaramdam pa rin ako ng pagkaguilty sa nagawa ko. Pero kahit anong pag-iwas at pagpipigil ko, may mga bagay talagang dumarating sa buhay ng tao, na hindi mo kayang balewalain kahit ano pang pagtitimpi mo.


Nakatapos na ako ng kolehiyo. At may trabaho na din ako. Isang gabi, nagbukas ako ng kompyuter ko, i-clinick ko ang ym ko at nakita kong online si Lorna, kabatch ko noong hayskul pa ako. Nagkamustahan, nagkwentuhan at pag sapit ng alas dose ng gabi, natuloy na ang lahat sa landian. Ilang oras na nagpatuloy ang aming landian hanggang sa sumapit na ang alas kwatro at nagpasya na kaming matulog pareho.


Siya: Uy, inaantok na ako, tulog na tayo.

Ako: Sino ba kasama mo diyan sa kwarto, pwede bang tumabi sayo?

Siya: Wala, ako lang, ahihihi, sakto, nilalamig pa naman ako.

Ako: Sige next time na lang, kunin ko na lang ang number mo.

Siya: Sure. Eto na. 0919xxxxxxx. Sige good night. Muahs. Text mo ko ha.

Ako: Ok, text kita minsan. Good night din.


Nagtext ako kinaumagahan. Ilang araw na naging ganun ang routine ng buhay namin. Magmula good morning pagkagising ng umaga, hanggang good night bago matulog sa gabi. Kulang na lang pati sa pag tae magtext pa rin kami, ganun kadalas ang pag-uusap namin na ngyari. Naging malapit kami sa isa’t isa, at isang araw, bigla n’ya na lang sinabi na mahal n’ya daw ako.


Umaariba talaga si PEDRO, nakabingwit nanaman ng pangatlo. Akala n’yo ba ayos ang ngyaring ito? Akala n’yo lang ‘yon. Parang karma sa akin ang relasyon na ‘yon, kasi lahat ng sakit natanggap ko. Isang bawal na relasyon. Isang pagtatagpo na nagaganap lang pag talikod ng kasintahan n’yang si Brando. Ang ending ng istorya: iniwan ako at pinili n’ya si Brando.


Oo – 3, Hindi –13 , Di-Tiyak – 1


Naulit pa ang ganitong katangahan sa buhay ko. Sa pagkakataong iyon ay sa katauhan naman Fe. Parehong eksena. May kasintahan din si Fe, si Restituto. At gaya ng kasabihang laytning strayks tways, naging kami subalit sa huli, mas pinili n’ya pa rin ang orihinal na kasintahan n’yang si Restituto. Bigo nanaman ako.


Oo – 4, Hindi –13 , Di-Tiyak – 1


Ngayong panahong ito, binabalikan n’ya ako, pero hindi n’ya pa rin maiwan si Restituto. Sabi ko sa kan’ya, minsan na akong nagpakagago, i-galang mo naman sana ang natitirang respeto ko sa sarili ko at wag mo naman sana ako gawing tarantado. Tanga lang ako, pero hinding hindi ako tarantado, itatak mo ‘yan sa kukote mo. Akala ko ay titigil na s’ya matapos ang usapan na ‘yon. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin. Lahat na ata ng kagaguhan para lang sa ngalan ng putang inang pag-ibig eh ginawa ko na. Pero sadyang hindi pa rin talaga dumarating yung talagang babae na para kay PEDRO. Pagod na din ako. Hindi naman sa sumusuko na ako. Ang sinasabi ko lang, single ako, pwede ko bang makuha number mo? Haha!


Para sa darating na huling babae sa buhay ko. Sa isang mapagmahal, mabait at malaki ang suso puso. Ito lang ang masasabi ko sa’yo. Mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko. ‘Iyong ‘iyo lang ang aking katawan ako hanggang kamatayan! ‘Yan ang itaga mo sa bato. Kumbaga sa red horse, i-bottom less mo! Hindi ko maipapangako na parang sun cellular na 24/7 ang magiging serbisyo ko sa’yo. ‘Wag naman ganun. ‘Wag ka namang abuso. Hindi ako si kuya germs (walang tulugan) at lalong lalong hindi rin ako ang sinasabi ni mike enriquez (hindi natutulog ang balita). Umiidlip din naman ako. Kung ang mantika nga natutulog din, ako pa kaya na tao lang. Oo nga, tama ka, sinabi ko na parang red horse na i-bottom less mo, ngunit gaya nga ng sinabi ko, hindi ako robot, tao lang ako, at sa haba haba ng inuman, darating at darating sa puntong malalasing din ako. Pero para hindi ka na magtampo, ito ang maipapangako ko sa’yo. Kung ikaw man ang magiging dahilan ng kalasingan ko, kahit mistulang magdilim ang paningin ko at mag black out pa ako, sumpa ko sa tatlong bituin, araw at walong sinag nito, kahit huling patak mo, lalagukin ko. At kailan man ay hinding hindi kita isusuka, kahit na magka-hang over pa ako.


Umpisa pa lang ng lathalang ito, sinabi ko ng hindi ito emo. Pero binabawi ko na ang sinabi ko. Kahit kasi pagbabalik-baliktarin pang basahin ‘to, madrama pa rin at emong-emo. Kompyus na nanaman tuloy ako sa katauhan ko. Komedyante ba talaga ako o isang emo?


Si willie revillame ng wowowee, isang komedyante, naglitanya ng “ikaw joey de leon, lagi mo na lang ako tinitira, wala naman akong ginagawa sayo.” (sabay luha pagkasabi nito) Si joey de leon ng eat bulaga, isang institusyon ng komedya at patawa, sumagot sa startalk “ilang beses mong inulit ulit ang pag banggit sa pangalan ko, pinalabas mong kontrabida ako, tingin tuloy ng mga bata, ang sama sama ko. Nakikita n’yo ba tong luhang to? Tunay to, hindi to peyk.” (tinuturo ang mga luhang pumapatak galing sa mata) Dalawa lang yan sa patunay na may karapatan din na maging emo ang mga komedyante. Ngayon ay alam ko na ang sagot ko sa kompyus na utak ko. ISA AKONG KOMEDYANTENG EMO! PAKE MO?


...

Siyam na taong gulang pa lamang ako ng unang tumibok ang aking puso. Takot ako sa karayom nung bata pa ako, kaya grade 4 na ako, hindi pa rin ako tuli. Pero kahit supot pa ako nuon, naglakas pa rin ako ng loob na ipagtapat ang nararamdamam ko sa babaeng unang nagpatibok ng aking puso. Ano ang kanyang kasagutan nung tinanong ko siya kung mahal n’ya rin ba ako? HINDI! Tang ina kasi, kung bakit ba naman ang aga kong lumandi.


Oo – 0, Hindi - 1


Nasaktan ako at sa sobrang sama ng loob ko, sinira ko ang lahat ng mga pag-aari ko na nagpapasaya sakin. ‘Yung battery operated at remote controlled na kotse, yung mga G.I Joe, ‘yung mga mumurahing tau-tauhan, ‘yung mga jolens at trumpo, ‘yung mga teks (tsub, tsa, tagilid, akin) kasama pa yung paborito kong pamato na batas ng korenta’y singko. Pati ‘yung mga funny comics ko, ‘yung may eknok, combatron at planet of the apes, lahat yun, sinunog ko. Nagfile ako ng Leave Of Absence sa eskuwelahan na pinapasukan ko (elementary, LOA???), nagkulong ako sa kwarto habang nakikinig ng mga musika ng my chemical romance at the used, (aba teka, meron na ba tong bandang to nung panahon ko?) natuto akong manigarilyo at uminom ng alak. Sayang lang at patay na ang tatay ko, wala man lang tuloy nagsabi sakin ng, “Anak, ano ba ‘yang ginagawa mo sa buhay mo? Naturingan ka pa namang gwapo!”


Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan at taon. Sa wakas naka move-on na din ako. Matagal kong hinintay to, ang masaya at masiglang pagbabalik ni PEDRO. :D


*sound epek --- opening song ng voltes V*


Back to school na uli ang drama ko. Balik grade 4 nga lang. Kundi ba naman kasi ako tanga’t gago! Ng dahil lang sa babae, nagpakasira ako. Unang araw pa lang ng klase, napag-initan agad ako ng teacher ko. Mrs. Mariล„as! Hinding hindi ko makakalimutan kailanman ang guro na nagpakain sa’kin ng siling labuyo. Napahiya ako sa buong klase pero hindi sumama ang loob ko, dahil sa araw din na ‘yon, nakilala ko si anna, ang babaeng nagtanong sa’kin kung ok lang ba ako.


Naging mabuti kaming magkaibigan ni anna. Ume-steady lang ako, chillax kumbaga, just goin’ with the flow ika nga ng mga amerikano. Hindi ko minadali ang pagsuyo, binansagan tuloy ako ng mga kaklase ko na diskarteng marino. Masaya ang araw kapag kasama ko si anna. Animo ngiting McDo ang laging mababakas sa aking mga labi. Sa isip isip ko tuloy nuong mga panahong ‘yun, sure ball na ‘to, kahit ipusta n’yo pa pati nanay at tatay n’yo!


Grade 6 na kami ni anna. Ok na sana, masaya na. Ng bigla bigla na lang mapagdesisyunan ng aking ina na ilipat kami sa probinsiya. Simula kasi ng pumanaw si itay sa aking murang edad na lima, ang aking ina lang ang nagsilbing nanay at tatay sa aming tatlong magkakapatid. At sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, napagpasiyahan ni nanay na lumipad patungo sa lupa ng mga banyaga. Umalis siya at iniwan kaming tatlong magkakapatid sa aming lolo’t lola sa probinsiya. Anong ngyari kay anna? Natapos ang istorya na hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.


Oo – 0, Hindi – 1, Di-Tiyak - 1


Nakatapos na ako ng elementarya (ehem!), bagong kabanata nanaman ng aking buhay ang aking sinimulang tahakin. Hayskul layp! Yebah! Pers yir hayskul, praybeyt skul, bagong pakikisama, bagong mga muka, bagong mga kaklase, bagong mga chicks, at syempre, sana, bagong lablayp.


First day of school dapat cool na cool!
Mas cool pa sa tubig ng swimming pool!
Dapat talaga maganda na agad ang pasok
Pagpasok mo ng classroom, dapat umuusok!


Literal na parang umuusok ang ulo ko sa init ng araw na ‘yon. Papasok pa lang kasi ako, dinampian na ako ng ‘sanglibo’t isang kamalasan. Mahuhuli na ako sa flag ceremony, nakakahiya, unang araw pa naman ng klase. Tumatakbo ako ng bigla akong may nakabanggaan na babae, sumabog ang mga dala dala nyang libro. Humingi ako na paumanhin kasabay ng pagtulong ko sa kanya sa pagpulot sa mga gamit n’ya sa semento. Nagkadikit ang aming mga kamay at bigla kaming nagkatinginan. Tila may 630 volts na kuryente ang dumaloy sa aking katawan. At sa mga sandaling ‘yon, tila siya at ako ay naging isa. Yiheeeeeeeeeee!


Masaya ang unang araw ng klase. Panget man ang naging simula nito, napawi naman ito agad, sa sandali na nasilayan ko ang nakasisilaw na kagandahan ng isang babae, babaeng sa unang tingin ko pa lang ay tinigasan na agad ako nabighani agad ang aking puso. Iba talaga magbiro ang pagkakataon, sa dinami dami ng magiging kaklase ko, yun pang babaeng maganda na nakabanggaan ko, siyempre, kinilig naman agad ako. Nilapitan ko agad siya at muli ay nagpaumanhin ako, at dali daling tinanggap n’ya naman ito. Mabilis kaming nagkagaan ng loob ni Aida. Madalas kaming kumain ng sabay sa kantina ng eskuwelahan. Lagi din kami magkasamang naglalakad sa school ground sa hapon bago kami magsi-uwian. Ilang buwan din na nagpatuloy ang ganung set-up namin, hanggang dumating ang isang araw na kinausap n’ya ako.


Paparating pa lang s’ya nuon sa tagpuang lugar na aming napag-usapan ay bakas na bakas kaagad sa kanyang mga muka ang kasiyahan. Naisip ko tuloy, xet, dis is it, mahal na ata ako nito. Panandaliang tumahimik kaming dalawa. Lumipas ang limang minuto.Tik Tak Tik Tak. At lima pang muli. Tik Tak Tik Tak. At limang minuto pang muli. Tik Tak Tik Tak. Hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang bumasag ng katahimikan. “ano ba yung sasabihin mo?” tanong ko sa kanya. Tumingin s’ya ng diretso sa aking mga mata, malapad ang kanyang mga ngiti, at para akong nabingi sa mga lumabas na salita sa kanyang mga labi. Namuo at nangilid ang mga luha sa dulong bahagi ng aking mga mata. Nagyakapan kami ng sobrang higpit. Maya maya pa ay napagpasyahan na naming umuwi. Habang naglalakad ako pauwi, napangiti ako at nanumbalik sa aking isipan ang kanyang mga sinabi. “PEDRO, sinagot ko na si Afredo!” Bigo nanaman si PEDRO.


Oo – 0, Hindi – 2, Di-Tiyak - 1


Itutuloy……….


...

Itong mga nakaraang araw, puro fektyurs lang at mga kagaguhan ang mga ipinaglalagay ko dito, kaya naisipan ko ngayong gumawa naman ng lathala na puro letra, salita at parirala. Kagaguhan pa rin, pero sa pinaka konti (at least, haha) hindi na puro litrato at larawang wala namang kapararakan.

Heto na! Ang emo ay putol na salitang hinango sa salitang emotional, sa madaling sabi, maarte, nag-iinarte, maraming alam na kaartehan, madrama, isang nobela ang buhay, maaaring pang maalaala mo kaya at magpakailanman ang sandaling kwento ng buhay na walang kasing gulo na parang isang pelikulang wala namang katuturan ang istorya. Matatapos ito na siya pa rin ang bida. Ngunit sa huli di nya man lang masasabi na mahal ka nya. Ayun ang emo!

Kwentong Emo:

May lalakeng nagtext sa babae, nagreply ang babae, nagpalitan sila ng mensahe, ilang araw na ganun ang ngyari. (hanggang sa....) Isang araw, nakahalata na ang babae, tinanong nya ang lalake, sabi nya, "ikaw lalake, crush mo ba ako?, nililigawan mo ba ako?" sagot ng lalake "ha? bakit mo naman naitanong yan" sabi ng babae, "eh kasi nahahalata na kita, aminin mo na, na may gusto ka sakin, ok lang naman eh" sagot ng tatanga tangang lalake, "hindi kita crush, mahal na kita, panaginip ba ito? kasi kung ito'y panaginip, ayoko ng magising pa" sagot ng babae, "ah ganun ba?, sorry ha, kaibigan lang kasi tingin ko sayo eh, pwede bang friends na lang?" sagot ng lalake __________ ehem ehem, sagot ng lalake ___________, EHEM EHEM (umuubo na ako ng malakas na tila nagpapapansin) EHEM EHEM, sagot ng lalake _____________, ayun, hindi na sumagot ang lalake, malamang ay nagpatiwakal na, kinitil ang sariling buhay na pinahiram lang ng maykapal. Emo kills! Ops Ops Ops, blog ko to, walang eepal!

Makatang Tulang Emo:

kung ikaw ay isang tula
pipilitin kong maging makata
magaakda ng pariralang ikaw at ako ang paksa
lilikha ako ng kwento ng aking pagnanasa...

***sumingit ang babae, sabi "stop, don't and NO!"***
LALAKE: nagpakamatay at hindi na natapos ang tula..

Kantang Emo:

♫ ♪ ♪
Nalimot mo na ba?
♫ ♫ ♪ ♪ ♫ ♫ ♪ ♪ ♪
Nang minsan kong ulit-uliting mahal pa rin kita
♫ ♪ ♪ ♫
Lagi na lang ganyan
♪ ♫ ♫ ♪ ♪ ♪ ♫ ♪ ♫
Sa tuwing kailangan mong muli ay saka lang lalapitan
♫ ♪ ♪ ♫ ♫ ♫ ♫ ♫ ♪ ♫ ♫
Ilang ulit na kayang nagmumukhang tanga sayo at naiwang nag-iisa
♫ ♫ ♫
Parang kahapon lang
♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫
Sinasabay na naman ang luha sa buhos ng ulan

***dumungaw ang babae, isinarado ang bintana at pinatay ang ilaw***
LALAKE: nagbigti at hindi na nawakasan pa ang awiting nilikha ng kanyang imahinasyon na binase sa nararamdaman nya, sa pag ibig na bukal, sa pagmamahal na wagas na handa nyang iaalay sa babaeng pinakamamahal nya.

Iilan lamang ito sa mga halimbawang produkto ng pagiging emo, paminsan minsan, ayus lang maging ganito, makikining sa malulungkot at malalaman na musika, iinom ng serbesa, titingin sa kawalan at nanamnamin ang oras ng pag-iisa. Matapos nun, sa alak ay malalango na, sa higaan ay tutungo na, sa panaginip ay sasama na, at ang nararamdaman ay tila mapapawi at sa isang iglap ay papanaw na. Ganun lang sana kadali, subalit hindi.

Pag bangon sa umaga, kasabay ng pag hikab at pagmulat ng mata, pag naalis na ang espirutu ng alak, pag ang dating madilim ay maliwanag na, pag ang katinuan ay nag balik na, andun pa din ang lungkot, andun pa din pagdurusa, andun pa din ang duguang pusong, kahit anung pilit mong buuin ay wala na, wasak na wasak na, at kailanman hindi na iibig pa. Parang....

***walang nagbasa sa lathalang ito***
LALAKE: ayus lang, ano ako siraulo? magpapakamatay para sa inyo? hahaha, gago ako pero hindi sira ang ulo ko. Nyahaha.

P.S. (Paalala Salahat, hehe)
Iwasan ang pagiging malungkot, kung nahihirapan kayo sa buhay nyo, isipin nyo na lang na ganun talaga. Wala namang madali eh, lahat mahirap. Pagsubok lang ang lahat ng yan, sabi nga eh, there are obstacles that GOD created for you and all of it was designed to make you tough, although shit really happens, everything happens for a reason, always remember that if it doesn't kill you, it will make you stronger.

Kung kayo naman ay bigo sa pag-ibig, isipin nyo na lang ganun talaga, sa pinanganak kayong panget eh, haha, biro lang, buti sana kung ako kayo, isang gwapo't matalino, ano pang hahanapin mo? Hahaha, biro lang uli, kahit gwapo ako, nasasawi din ako, (gwapo daw, kasinungalingan!, hahaha, yung parteng nasasawi, yan ang kapanipaniwala ;p) ayan di na biro yan, hehe. Para mapakalma nyo mga sarili nyo pag sawi kayo sa pag ibig, isipin nyo na lang na hindi siya yung para sa inyo, kung kayo edi kayo, kung hindi edi hindi, mahaba ang pila, next!!! pucha, ganun kasimple. Kung iniwan ka naman ng mahal mo, wag mo siyang iyakan, hindi siya kawalan, huhuhuhu (humahagulgol sa iyak), nyahaha, be a positive thinker, be optimistic, demet, ang daling magpayo, pero pag sa sarili na ngyari ang hirap hirap ng gawin, it is always easier said than done, well, that's the irony of life. Ganun talaga eh! Ano angal? hehe, biro lang. O siya, Paalam! ;p

More P.S. (Paalala Salahat, hehe)

Naalala ko lang yung sinabi ng babae sa taas na "stop, don't and NO!" Para kasing di ko pa naexperience yun, kadalasan kasing sinasabi sakin, NO! DON'T STOP! wahahaha! lmao!

Nasubukan mo na ba nung bata ka na pinangakuan ka ng nanay mo na kakain sa labas tapos hindi natuloy? Yung matagal mong hinintay, tapos sobrang excited ka, maaga ka lagi natutulog, ang sigla sigla mo sa umaga, tapos parang ang bilis bilis ng takbo ng araw, tapos pag gising mo sa araw na yun, biglang sasabihin na "anak may importante akong gagawin, hindi tayo matutuloy". Oo naiintindihan mo na importante yung gagawin na yun, pero bakit parang ang pakiramdam eh iba, bakit di mo maiwasang magtampo. May sense ba yung sinasabi ko? Kasi ako, parang di ko din maintindihan sinasabi ko eh, walang kwenta no?

O sige try kong explain ng mabuti, ibang analogy naman. Ganito yan, sabihin natin na gusto mong mag basketball, tapos, nag aya ka ng mga kaibigan mo, so ang ginawa mo, nagpareserve ka ng court, matagal pa yung date na napareserve mo kasi it's eighter na hindi available yung ibang inaya mo, o kaya may pasok ka sa trabaho, o kaya naman, may nakareserve na sa court. So may nakita ka ng date, let's say friday, tinxt mo yung mga kalaro mo, at ok daw sila nun, so pinareserve mo na yung court. Tapos pag sapit ng monday, biglang may nagsabi na hindi siya pwede ng friday, thursday na lang daw, so ikaw naman, kahit na hindi ka pwede nun kasi marami kang gagawin sa work eh pumayag ka na kasi gustong gusto mong magbasketball at gustong gusto mo ng makasama yung mga kaibigan mo at makalaro sila. Ngunit, subalit, datapwat, pag sapit ng wednesday night, biglang may nagtxt, siya rin yung isang hindi pwede ng friday na siya ding nagpamove ng sched sa thursday tapos sinabi na may importante daw siyang gagawin bukas, ang araw na napagkasunduan nyong magbasketball. Ang punto ko lang, I was trying so hard para lang makalaro at makasama sa basketball ang mga kaibigan ko, pero no matter how I tried, lagi na lang hindi natutuloy. Ginagawa ko na ang lahat, pati schedule ko ilang beses ko ng inayos para lang matuloy yung araw na yun, but then, hindi pa rin, bigo pa rin, malungkot pa rin, totoo talagang SHIT really HAPPENS! Pero kahit ganun pa man, hindi pa rin ako magagalit na hindi siya pwede, at hindi natuloy ang basketball, magtatampo lang ako pero maiintindihan ko pa rin siya. Masasaktan ako pero ok lang, kasi kahit ilang beses pang mangyari ang ganito, paulit ulit kitang maiimtimdihan kahit paulit ulit pa akong madisapoint at masaktan. Ganun talaga, ala naman akong magagawa. At kung meron man, ayoko namang gawin.

Naintindihan nyo na ba yung sinasabi ko? Ako kasi hindi pa rin, kaya ang walang kwentang bagay na ito ay ganito na lang at bigla na lang magwawakas……

maraming bagay na tayong mga pinoy lang ang gumagawa, maraming salita na dito lang sa atin meron, maraming pangyayari at kaganapan na tayo lang mga pinoy ang may pakana at pakulo. ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod.

unang punto: sa pilipinas ka lang makakakita ng gwardiya na na may baril ngunit walang bala, may silbato ngunit hindi tumutunog, ang tanging sandata lang nila ay ang kanilang batuta at ang mahiwagang toothpick. im just wondering, bakit lagi silang may toothpick sa bibig, hehe.

ika-lawang punto: sa pilipinas lang ngyayari na ang tinatapon lang sa manok eh ang feathers, palong at kuko, lahat kinakain, magmula ulo hanggang pekpek este pakpak pala, haha. ang dugo iniihaw at kung tawagin nila ay beta max, ang atay ginagawang adobo, ang paa iniihaw din, at kung tawagin naman ay adidas, pati ulo iniihaw din at helmet naman kung tawagin, iba talaga mga pinoy.

ika-tlong punto: nakahiligan na din ng pinoy ang pag popoint gamit ang mga labi. pointing of lips ika nga, hehe, it’s so pinoy, and you know what’s hella pinoy? the accompanying of the uhmm sounds to the pointing of lips. and it’s so important because that uhmm sounds pertain to the distance of the object you are pointing to and the longer you sustain that uhmm sound, the farther the distance is. here’s an example, kunyari ung ballpen nasa harap mo lang, tapos yung upuan andun sa dulo then may magtatanong, “do you have a pen?” sasabhn mo “yeah” tapos ask niya uli, “where” tpos sasabhn mo, “uhm” (tapos nakanguso ka toward the pen na malapit sayo) then sasabhn nya “nangangawit na ko kakatayo, do you have an extra chair?” tapos sasabhn mo “yeah” tapos ask nya uli “where” tapos sasabhn mo “uhmmmmm” (tapos nakanguso ka toward the chair na malayo sayo), see my point? that’s hella pinoy, hehe.

ika-apat na punto: dito lang sa pilipinas ngyayari na ang babae at lalake ay iisa, we have differences but we are treated fair because here in the philippines we are one. ayaw mong maniwala? here’s the proof. dito sa atin walang tayong pronoun for a girl and a boy, we don’t have a he or she, we only have one word for that and that’s SIYA, o di ba? here’s another proof, pag nasa jollibbee ka, tapos nakapila ka sa counter habang nakatingin ka sa menu sa bandang taas at iniisip mo kung anong oorderin mo, pag dating mo dun sa counter babatiin ka nya at sasabhin nya “good afternoon ma’am sir, may I take your order” o di ba? ma’am ka na, sir ka pa. haha. hay nako, mga pinoy talaga.

ika-limang punto: ang pinoy lang ang nangungulangot tapos bibilugin pa ito pagkatapos.

ika-anim na punto: pinoy lang din ang umaamoy sa kuko nila matapos itong gupitin mula as hinlalaki ng paa.

ika-pitong punto: manyana habit, pwede namang gawin ngayon pero sasabihin, mamaya na lang, parang ako, sa sobrang dami pang kaugaliaang pinoy, ayoko ng gawin ngaun, pagod na ko, mamaya na lang uli, hehe.

yung iba sa mga nabanggit ko eh original ng isa sa mga paborito kong stand-up comedian na si Mr. Rex Navarette.

dumako naman tayo sa mga kakaibang salita, eto ang ilan sa mga salita na sobrang pinoy na pinoy.

1. BAKTOL --- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili.
ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit,
at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o
FX.

Halimbawa:
”Sh*t!!!, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!”

2.KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo
dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung
hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas
madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

Halimbawa:
”Honey, maligo ka na para maalis yang KUKURIKAPU mo”

3.MULMUL --- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag
kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis,
kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

Halimbawa:
“How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti!”รถ

4.BURNIK --- buhok mula sa malapit na butas sa pwet hanggang pataas sa cleavage na pagitan ng pwet. Sinasabing kunektado daw sa pilik mata ngunit ito ay di pa napapatunayan. (maari nyo itong patunayan sa inyong sarili) subukan daw bunutin sa pamamagitan ng kamay ang burnik at mapapapikit kayo, senyales daw na kunektado talaga ito sa pilik mata.

Halimbawa:
“Nice ass, long hair na yung BURNIK mo ah, hehe!!”

5.PULTIT --- taeng sumabit sa burnik o di kaya naman ay taeng nagmarka sa salawal. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ngyayari din ito minsan kung may sumasamang “something something” pagkatapos umutot.

Halimbawa:
“Pucha na-PULTITan ko ata yung brief ko!”

6. KIR-RIT --- kahuli hulihang balat sa kasingit singitan ng iyong singit

Halimbawa:
“Ano ba naman yang bathing suit mo? Halos makita na yang KIR-RIT mo!!”

tama na muna ang mga kakaibang salita at baka nandidiri na ang mga readers ko, haha, punta naman tayo sa pagiging sutil ng mga pilipino (para sa akin, isa ang pilipino sa mga pinaka-humorous na tao sa buong mundo), na ginagawang biro ang lahat para hindi maxadong maramdaman ang kahirapan, eto ang aking mga nakalap na larawan.

STARBUCKS pa daw??!! haha..

ang korni nung kuryente itinaas ng meralco, wahaha, kaw gloria hindi ka na tataas kasi punggok ka, nyahaha..(may naalala tuloy ako sa punggok, si OTEL , yiheee, hehe, unano din kasi yun, wahahaha)

mga nakakatawa at nakakaaliw na signages, featured on GMA 7's TV show Mel & Joey.



For the latest Philippines news stories and videos, visit GMANews.TV

wala na ko maisip, hanggang sa muli mga kagago, hehe.. paalam mga fans! nyahaha..

Katext ko kagabi yung isa sa mga girlfriend ko (ehem ehem, ang gwapo ko, ahaha) paalala lang girlfriend yun as in babaeng kaibigan (bakla po ako at wala po akong syota, haha), mabalik ako, katext ko siya at kung anu ano lang pinag uusapan namin. Bakit kaya may time na ganun? Yung kahit na walang kwenta mga pinag uusapan nyo eh parang hindi nakakasawa kahit na napupudpod na yung daliri at keypad ng celphone eh ayus lang. Minsan mapapangiti at mapapatawa ka pang mag-isa.

Well anyway, nag aasaran kami tapos bigla na lang naging ganito ang takbo ng usapan:

Ako: may time bang may sinabi ako sau o ginawa na kinilig ka?.

Siya: ano naman klaseng tanong yan?

Ako: seryosong tanong, sagutin mo na lang kasi.

Siya: aus lng.

Ako: ano namang klaseng sagot yan?

Siya: aus nga lang.

Ako: ah, so wala talaga? ok lang yun naiintindihan ko, hindi naman talaga ako kakilig kilig eh, hehe..

Siya: haha ang drama moh!

Ako: hehe, di naman, totoo naman kasi eh..

Siya: ahaha, humble ah.

Ako: wala ba talaga?

Siya: meon dn.

Ako: kanina aus lang, ngaun meron ng bigla?

Siya: meron nga din.

Ako: ows? Di ako naniniwala.

Siya: haha..bakit naman?

Ako: eh kasi si peter lang ako, bakit ka naman kikiligin sakin.

Siya: hahahaha..ang drama mo talaga.

Ako: o cge nga, kung meron talaga, ano naman ung ginawa ko at kinilig ka?

Siya: edi yung mga sinesend mo sakin sa friendster.

Ako: ano naman nakakakilig dun?

Siya: hahaha, ok naman eh, natuwa naman ako.

Ako: akala ko ba kinilig ka, bakit ngaun natuwa ka naman? Ano ba talaga?

Siya: natuwa lang.

Ako: kanina kinilig ka ngaun naman natuwa ka lang. magkaiba kasi un, ano ba talaga?

Siya: natuwa nga lang..

Ako: ah so natuwa ka lang pala, ako may time ng kinilig sayo.

Siya: haha, ang korni at ang baduy mo..haha..san naman?

Ako: yung unang nagmessage ako sa friendster mo, tapos natuwa ka, sabi mo ang sweet sweet ko.

Siya: eh sweet ka naman talaga eh.

Ako: oo nga cguro, sa sobrang kasweetan ko nga natuwa ka lang eh.

Siya: ahaha. Teka lang ligo lang ako.

Ako: cge.

****matapos ang ilang minuto****

Siya: wui, gising ka pa.

Ako: oo. Bakit?

Siya: wala lang, kakatapos ko lang maligo.

Ako: ah ok.

Siya: tulog na din ako maya maya.

Ako: ako tulog na ko ngaun, ge gud nyt.

Siya: antok ka na?

Ako: indi naman, baka kasi may masabi lang ako sayong sweet eh matuwa ka lang nanaman..

Siya: ahaha..

Ako: ndi, antok na din talaga ako, ge gud nyt miss natuwa lang ako.

WAKAS

Walang kwentang blog noh? Hahaha, wala kang magagawa blog ko to eh, edi gumawa ka ng sarili mo, haha..indi pa talaga ako inaantok kagabi ang katunayan nyan, inatake nanaman ako ng pagka moody ko, nakakatuwa naman kasi na may ginawa ka para kiligin ang isang tao tapos natuwa lang pala sayo. Para kang nagluto ng sinigang tapos sabi ng pinakain mo, wow ang sarap naman ng nilaga mo, nabusog ako, haha..wala akong maisip na i-blog ngayon, so para lang maubos oras ko, pinagtyagan ko na to.

Naisip ko lang ano ba talaga ang kilig? I can't help but wonder why "kilig" seems so unique among filipinos. the amorphous concept itself has no direct english translation (if i'm not mistaken, it's translated at best as “butterflies in the stomach”) and expresses so many levels of feelings and suits a variety of moods. and it's more impressive to feel that current in your veins that give you a rather warm tug or a tickle and suddenly makes you smile, after a tiring day.

There, I already have my definition of it, but like what I always do, naging hobby ko na ang humingi ng second opinion sa mga kaibigan ko. Parang pagpapacheck up lang yan, sabi sa ganitong ospital may dengue ka daw, hindi ka naniwala so humingi ka pa ng second opinion sa ibang ospital at sinabi sayo na wala kang dengue may cancer ka at mamatay ka na sa isang taon, ok di ba? Ang importante, atleast wala kang dengue, eh kung ikamatay mo un?.(ang hirap talaga tumawa pag ipinilit na lang yun joke, indi na nakakatawa, wahahha)

****Balik Sa Topic****

I texted and asked a friend what’s the translation of “kilig” to English. He couldn’t figure out a direct translation, but he says that it has everything to do with romance. How your body reacts to romance – the butterflies in the stomach (dito kami nagkaparehas), goosebumps, the way your heart beats faster, breaking out into a nervous sweat, uncontrollable giggling, blushing, that big, goofy grin that you can’t wipe off your face, and the list goes on. Shit ang haba, so nagtxt pa ako sa isang tropa ko, mahusay din kasi yun at hindi xa maxadong kumplikadong tao sabi ko “pare ano ba ang kilig?” sabi nya “naranasan mo na ba yung ihing ihi ka na, tapos mahaba pa yung pila, so ikaw tamang tiis ka lang muna tapos pag ikaw na, yung rapid outburst ng ihi mo, yung pakiramdam nay un, yung sensation, parang ganun din yung kilig” ahahaha, pota natawa ako kaya nireplayan ko na lang xa ng “indi na sana kita tinxt, ala ka talagang kwentang kausap”.

***OFF TOPIC***

Now I’m thinking kung ano naman ang definition at translation ng natutuwa. At bigla kong naisip na the word is so easy to understand, an eight letter self explanatory word, kaya nyo na yan.

***OFF TOPIC***

So in general, ang point lang ng blog na ito eh ang, ahhhh, ehhhh, ahmmm, uhmmm, ahmmm, shit wala akong maisip, then I therefore conclude that this blog is pointless (wahaha) shit, ang kauna unahan kong blog na sobrang walang kwenta, haha, bad trip, grrrrrrrrr. (padabog na clinick ang publish post)

Before individuals come into a relationship each one has a past history. They have past memories that are in the form of letters, letters of their first love, cards, and scrap books, text messages in cell phones, pictures with her ex in her laptop or cell phone as well and so on. Many couples when they come together into a new relationship like to keep their reminiscences of the past in some or the other form. These collections have a special meaning to each one and have sentiments attached to it.

Usually the opposite sex partner does not realize the importance of these collection and do not consider it valuable at all which in my opinion is KAKITIRAN NG UTAK. On the other hand the owner of these belongings has a special meaning for these and is very sentimental about it. Therefore it is important for their mates to RESPECT the partner’s sentiments. Special care should be taken not to hurt the partner with satire. He should never be made fun off and consider the behavior childish. There are couples who even make a grave mistake of suspecting their partner which is so wrong and immature. They dig out the box that has been kept as a secret by the mate and search for what is present no more (hello?!?!?! kaya nga tinawag na past di ba, tanga ka ba? Ikaw na nga ang mahal nya ngayon, bakit naiinsecure ka pa???). They try to look for an opportunity to read those letters or see those pictures out of fear of being cheated or just curiosity. Which is wrong, so wrong? Just like consumers privacy, employee privacy, PERSONAL PRIVACY too is necessary and you have to give it to your mate if you really love her. Remember bf ka pa lang nya, nagagawa mo na yan, pano pa kung mag asawa na kayo? Do you want her to think that you’re the kind of man who wants to control her life? I don’t think so.

However it is normal to suspect a person if something is kept as a secret but one thing should be borne in mind that true relationship depends on trust and faith. Moreover each one of us has the right to privacy. An individual person can have things completely to oneself without others interfering or having a look at it, even the life partners (so kung may katext ang girlfriend mo and you are trying to take a peek dun sa kung anu man ang pinag uusapan nila, para sakin, sarili kong pananaw, kabastusan na un at kawalan ng tiwala). All of us require some space and should be given that required liberty. One should respect his partner’s privacy. Give space to your partner and give time so that your partner on her own will show those collections to you. At times what happens is that people hesitate to show their stuff to their partners due to embarrassment or fear of not being understood correctly (kasi nga childish, maarte at masyado kang maduda). And as a result do not make an effort to show these collections of the past. As the soul mate you should never suspect your partner and try to be neutral towards that secret box owned by your partner. You should not show any curiosity towards it or make your partner uncomfortable about those items that she cherishes. If you behave in a dignified manner and show complete trust then your partner without any hesitation will show you whatever she owns privately. In fact your partner will be more than happy to share the past that would help you to come out of the emotions.

But after that trust that she showed to you, you should not take it for granted, you should cherish it and treasure it for life because for me, love is easier to give than trust and once you screwed up and broke that trust that she gave you, it’s so hard to get it back or maybe you’ll never will. It may be given to you again, but it’s different already, not like the one that she gave you before. One thing more, you should be happy that she shared that secret box to you, you should be glad that she took the risk to show her pictures with her ex on her laptop and so on. A lot of courage is needed to do those things, and by doing that, it only means one thing, she TRUST YOU. It’s normal that you will feel a stab of jealousy but her past is her own. Don’t do anything stupid. Don’t attempt to light those letters and scrap books on fire. Don’t delete those pictures in her cell phone or laptop. Because one thing is for sure, you’ll just disappoint your partner and you’ll just break her trust. And lastly, you can fire those letters or throw it in a garbage can, you can delete those photos in her laptop but one fact I am sure of, you can never erase those memories that they’ve shared together, NEVER. She kept that pictures, she kept that secret box because she has fond memories of everything at the time, not just him, but the group of friends she had and the places she visited with them, but even though the secret box and pictures are there, just be happy because she loves you a lot and she is next to you every time you wake up, and that counts for a lot more than some pics.

Remember that a relationship depends on mutual understanding and trust. If in a relationship partners care for each other even their past that relationship never faces any problems and are strongly nit together.


You know when jokes are funniest? When your not supposed to be laughing.

It's when you're studying in a library, or attending a funeral, or enduring Citizen's Military Training, that the stupidest, corniest, most nonsensical bits of monkey business becomes laugh riots. The fact that you're in danger of being reprimanded, thrown out of a church, or being made to do 100 push-ups makes you want to howl even harder.

Maybe that's why we need humor and corny jokes. With the economy in such sad shape, crime running rampant, and international events causing more apprehension than ever, we're not supposed to laugh.

Si Erap nakalaya na, si Jinggoy against na sa impeachment ni GMA,
7.50 na uli ang pamasahe, ang hirap na ng buhay mas humihirap pa.

What's so funny about that?!?

Wala! Pero ganun pa man, wala din nman maitutulong kung sisimangot at magmumukmok ka na lang sa isang tabi diba?

Wala ka mang kaibigan, hindi ka man mahal ng pamilya mo, naiwanan ka man ng asawa mo, bumalik man ung mahal mo sa boyfriend nya at iniwan ka, wala ka mang pera pambili ng yosi, wala ka mang magawa para makabili ng beer, tumawa ka na lang, isipin mo na lang, HAM yan, isipin mo na lang, MERON pa, tapos matulog ka, at sana pag gising mo, marealize mong marami pang bagay na dapat ipagpasalamat, na sa pag gising mo, anjan na ang magpapasaya sayo, maayos na, at kailanman hindi ka na iiwan. Kaya tawa lang, gano man kalungkot ang buhay, wag kang mag padala, wag kang malungkot, wag kang magdrama kasi magmumuka ka lang tanga. Just live life, smile, be happy. Laging pakatandaan na, we all have a choice, at sa pagpili, dapat pilin natin ang landas kung san tayo liligaya. Kung malungkot ka sa buhay mo, dude, kasalanan mo yun, pinili mo yan, labas kami jan, at wala na kaming magagawa jan.

Subscribe to: Posts (Atom)