Showing posts with label Pedro is Funny. Show all posts

Ilang buwan pa lang ako sa mundo ng blogging pero pakiramdam ko ay napakatagal ko ng nagbloblog. Medyo madami na rin akong naging kaibigan dahil dito. Mga kaibigan na hindi ko maituturing na online friends “lang”. Mga kaibigan na sandigan mo hindi lang sa saya at ligaya kundi pati sa hirap na rin at problema.

Mangilang beses na din ako lumabas at gumimik kasama ang mga bloggers na tinutukoy ko. At sa bawat pag labas ko na kasama sila ay isa lang ang masasabi ko, hindi matatawarang ligaya ang aking nadama sa mga panahong kapiling ko sila. Masarap sa pakiramdam, maginhawa ang bawat sandaling nagdaraan, at magaan ang usapan na nauuwi sa halakhakan. Pero siyempre mas masarap pa din ang sex, hallller?!?!?! Sex kaya ‘yon! Zeusdemet! Hehe, nakawin ko muna 'tong zeusdemet expression ni Tisay. =p

Una akong na-star struck sa mga blogger nung unang coke event. Isang linggo ang nakalipas ng sinundan ito ng maliit na pagtitipon bilang selebrasyon sa aking kaarawan. Ang ibang kwento ng selebrasyon na 'yon ay narito at meron din dito. Na nasundan pa ng pagnuod ng cinemalaya film entry na nauwi sa kainan, kwentuhan, inuman at pag-inom ng taho kasi inabot na kami ng sinag ng araw.

Kahapon ay ang pinakahuling party na napuntahan ko. Birthday treat ni Sam. Punta kayo sa site n’ya dito, may porn, hahaha. Ito din ang pinakamaagang pagkakataon na umuwi ako ng bahay galing sa bloggers party. Wala pang alas dose ay nasa bahay na ako. Sandaling panahon lang kami nagkasama sama ngunit umulan pa rin ng halakhak at bumaha ng tawa. Magmula sa masamang titig sa’kin ni Doc Mnel, hanggang sa temporary restraining order ni Trina Labandera, sa ALT + F4 ko, sa flanax ni onyok Mr.D, sa bangungot [link removed due to explicit content] ni eFBee, sa style ni Mariano ng pagpapababa ng kinain, sa mga wholesome na banat ni Saminella, at sa hinagap na kung magagawa ba ni Xienah ang site na para sa mga sangkapangitan. Salamat Sam Ampalaya sa isa nanamang gabi na hindi malilimutan. You're not the man, you are the woman! You rock! \m/

P.S. (Pahabol Salahat)
Nagkantahan kami ng mga tinagalog version ng umbrella, low at clumsy. Sinabay ni Doc si M at TL. Nauna na si Xienah, sabay si Sam at FB at umuwi ako kasabay si Manding, yikeeeee! Labing labing, hahaha. Galante at nilibre pa ako ng pamasahe sa aircon na bus.---Umabot na ng cubao at bumababa na ako. Naglalakad ako ng may mapansin akong kakaiba. Hindi na ako nag-atubili pa at walang patumpik-tumpik kong kinuhanan ang litrato ng isang kanto. Hango ito sa ideya ni Mr.D.

‘Di ba may bandang Gen. Mc Arthur? Bwahahahahahaha!

P.P.S. (Pinaka Pahabol Salahat)

Congrats kay Mr.D sa pagiging humor blogger for the month of august sa kwentongbarbero.com. Maging si xG ay natanghal na ding humor blogger for the month of january naman. Natutuwa ako na nakilala ko ang mga batikan at mga sikat na blogistang ito. Pa-autograph at papicture nekstaym ha! Hehe.

Sa kabila ng mga ganitong kasiyahan at parangal ay may mga bagay talagang ngyayari na hindi inaasahan. Kapalit ng mga malutong na halakhak ay mga luha pa lang naghihintay na kumawala. Taos puso akong nakikiramay kay FB sa pagpanaw ng kanyang lola. Malungkot man ngunit may mga bagay talagang ngyayari na hindi natin inaasahan. Isipin na lang natin na matanda na din naman na si lola, hindi na siya maghihirap pa sa karamdaman at nasa mas maayos na lugar na siya ngayon. Condolence uli kay efbee at sa kanyang buong pamilya.


10:15 kagabi ng dumating ang una sa maraming text message na dumagsa sa cellphone ko. Hindi ito galing sa mga tagahanga ni pedronggwapo na readers ng diakosipeterpromise.blogspot.com, kundi galing ito sa mga kumuha ng nursing licensure exam nuong nakaraang Hunyo. Una ay galing sa tita ko na mas bata sa akin ng tatlong taon, si tita lyndell. Ang cool kasi, tita ko siya tapos mas matanda ako sa kanya. Ang kyut nga pag nag-aaway kami, naalala ko pa ang sinasabi kong madalas na “tita wag kang makulit ha, babatukan kita!”, kyut noh? Wel eniwei, tenkyu daw sa mga panalangin at nakapasa daw siya sa nursing board exam. Sumunod ay galing naman sa kaibigan kong si karen, pasado din daw siya. Ok ‘yung si karen, gabi gabi ko kasing minamanyak sa text ‘yon. Maya maya pa ay narinig ko ang ingay ng aming kapitbahay at bilang isang pinoy eh hindi ko naiwasan ang ugali na kung tawagin ay pakikiusyoso. Pasado din ang aming kapitbahay na si Brenda na mangilang ulit ko ding binosohan sa maliit na butas ng kanilang banyo habang naliligo, sana magblow job out.

Ikinagagalak ko na marami sa aking mga kakilala ang pumasa. Sa lahat ng mga nagtext sa akin, salamat at naalala n’yo ako sa mga oras ng inyong pagbubunyi. Unang hakbang na ito sa pagtupad ng inyong mga pangarap. Kapag narating n’yo na ang inyong mga pangarap ay wag n’yo sanang kalimutan ang awiting “I’ll see you when you get there”, magkita kita tayo sa rurok ng tagumpay. Sa mga pupunta ng estados unidos at sa kahit na saan pang lupalop ng mundo, mag-ingat kayo dun at nawa’y pagpalain. Kapag nakarating sana kayo dun ay wag n’yo sanang kalimutan na large ang sukat ng damit ko, 34 ang waist line at 6 ½ ang kasyang sapatos sa aking mga paa. Wag na kayong mag-abala sa brief, medyas at panyo, ako na bahala dun. Mainam siguro kung sasamahan n’yo na din ng taster’s choice na kape, spam, imported na de lata at tsokolate, sawa na kasi ako sa nescafe, ligo, 555, at chocnut at bihira lang kasi talaga ako makatikim ng mga lasang isteytsayd. Abuso naman kung dadagdagan n’yo pa ng dolyar na nakaipit sa mga singit singit ng ipapadala n’yo. Pero kung marami talaga kayong sobra, tumatanggap din naman ako thru western union, atm at paypal account.

Sa eks gelps kong hindi pumasa, buti nga sa’yo. Ayus lang ‘yan kasi masaya naman kayo ni Brando. Hindi ka din naman kasi masyadong nag-aral kaya ganun. Bawi ka na lang sa susunod. Pasensya na pero tingin ko ay ‘yan talaga ang epekto ng nagsasasama sa mga bobo. Oooops. Naglalasang naudlot na pag-ibig, BITTER! Bwahahaha!---Nananawagan ako sa mga iba pang nakapasa na may balak magblow out. I-text n’yo na lang ako kung kelan at saan ang kainan islash inuman. Sa mga hindi nakakaalam ng number ko, mag-pm na lang kayo sa ym ko na makikita n‘yo dito sa kaliwa ng site na ito. Paalala lang, mahigpit kong ipinapatupad ang prinsipyo kong pers kam pers serb policy. Kaya kung sabay ang selebrasyon sa eksaktong oras at araw ay ikinalulungkot ko ngunit dun ako sa mas naunang nag-aya sosyal na party pupunta. Muli, kongratsyuleysiyon sa lahat ng pumasa. Mga ar-en na kayo, nurse 007, parang james bond na license to kill, astig! Rak en Rol! \m/

P.S. (Pahabol Salahat)

Malungkot: Ang isa kong pinsan na pangatlong subok na sa pagkuha ng exam ay bumagsak nanaman, iyak nanaman tuloy ng iyak, wala lang share ko lang. Pati yung isang kaibigan ko pa pala. Wawa naman. :(

Masaya: Ang gelps naman ng bunso kong kapatid ay pasado sa unang pagkuha ng pagsusulit. Palakpakan! :)

Wala lang: Ganyan talaga buhay, may pumapasa at may bumabagsak. Para lang life 'yan. Pft, wala nanamang kwenta. Wateber!

Bata pa lang ako ay hilig ko na talaga ang magsulat. Naalala ko pa nga nung minsang nagalit sa’kin ang lola ko sapagkat sinulatan ko ng uling ang pader namin. Wala lang, naikwento ko lang. Pagsusulat din ang naging sandata ko upang makamit ang matamis na oo ng unang babae na nauto ko aking naging kasintahan. Naalala ko din nung elementarya ako, sa paggawa ng sanaysay ako lagi nakakakuha ng mataas na marka. Puro kasi pambobola at kwentong barbero ang ginawa ko nuong minsang pinagawa kami ng sanaysay na ang titulo ay “Bakit mo paboritong guro si Ginang Marinyas?”

Naging kasapi ako ng pahayagan ng eskwelehan kong Montessori nung hayskul. Pagsusulat ng balitang isports ang naging linya ko. Taong 2000 ng mapasali ako sa isang journalism competition. Isa ako sa labintatlong estudyante na napili upang kumatawan sa aming eskwelahan. Nagsimula ang kompetisyon sa District Schools Press Conference at nangyari ang hindi inaasahan. Nakuha ko ang ika-pitong pwesto, ibig sabihin, pasok ako sa Division Schools Press Conference. Astig, aym da man! Marami akong ginulantang nuong mga panahon na ‘yon. Ultimo mga kasama kong kalahok at dalawang titser na walang silbing nagsilbi bilang coach sa’min sa kompetisyon ay hindi makapaniwala na nanalo ako. Hindi ko sila masisisi. Isa kasing pilyong palikerong gago ang naging imahe ko sa eskwelahan. Na-stereotype na ako, nailagay na ako sa isang kahon at nalagyan ng marka, marka na palatandaan na ako’y isang gago. Animo’y alam na nila kung ano lang ang kaya ko. Hanggang dun na lang ako. ‘Yun ang akala nila!

Magmula labingtatlo ay lima na lang kaming nakapasok sa DSPC. At muli ay nagwagi nanaman ako at nakapasok sa Regional Schools Press Conference. Tandang tanda ko pa, bilyar ang laro na gagawan ng balita. Mainam, kasi pamilyar ako sa mga salitang ginagamit sa larong ‘yon. Magaling ako sa mga tumbukan at takohan. Pati sa pagtira tira ay mahusay ako. Sargo kung sargo. Kahit na nakatuwad at nakaliyad kaya kong ipasok ang dapat ipasok. Alam ko ang rules, alam ko ang laro, madali lang ‘to sabi ko sa isip isip ko. Kilala ko na ang mga kalaban. Alam ko na kung gaano sila kagaling. Pero tiwala ako sa sarili ko. Alam ko na kaya kong umabot sa National Schools Press Conference. Tiniyak ko ‘yon sa nanay ko, sa mga kaibigan ko, sa punong guro namin, sa titser na gabay ko, sa mga kasamahan ko, sa takatak boy sa kanto na nagbebenta ng yosi, kending stork at vicks, kay mang carding na magtataho pati na sa alaga n’yang pusa na si mingming, sa mga harurot boys na traysikol drayber, at higit sa lahat, tiniyak ko ‘yon sa sarili ko. I’ll bring home the bacon! Yeah baby! Yeah!---Ngunit nabigo ako, at kung ano man ang kadahilanan ay hindi ko na ikwekwento. Ayokong sabihin pa na isinisisi ko ang kabiguan ko sa ibang tao.

Pumasok ako ng kolehiyo. Nabasa ko ang kampus nyus peyper. Binalak kong lumahok dito, ngunit umurong ang bayag ko. Wala na akong tiwala sa kakahayan ko. Kahit may pitpitang itlog pang maganap ay hindi na magbabago pa ang desisyon ko, hindi na ako ganado. Lumipas ng mabilis ang mga araw, buwan at taon. Halos patapos na ang kaleyds layp ko ng may mabalitaan akong patimpalak sa pamamahayag. Ito ay ang The Philippine Campus Journalism Awards. Nabuhay na naman ang sensasyon sa katawan ko. Parang gusto kong humablot ng bolpen at mag-ubos ng tinta sa kapirasong papel na hawak ko. Gusto ko kaagad gumawa ng draft para sa kompetisyon. Kakaibang pakiramdam, pakiramdam na apat na taon kong hindi nadama. Gumawa ako ng piyesa ko at napagdesisyunan kong ilahok ito. Anong nangyari? Putang ina, asa pa, edi syempre olats. Pip pleys lang ako. Ang masakit pa, pang lima ako samantalang aapat lang kami. Ayoko na, tama na, tapos na ang yugtong ito ng buhay ko, ‘yon ang tinatak ko sa kokote ko. (Impernes ay nanalo naman ako ng Texter’s Choice Award pero sigurado akong higit pa sa kalahati ng mga boto ay nanggaling sa akin mismo at sa mga kamag-anakan ko.)

Natapos na ako sa kolehiyo. Nagkaroon ako ng trabaho. Kinalimutan ko na ang pagsusulat. Hanggang isang araw na nag-iinternet ako at natuklasan ko ang salitang blog. Una kong nabasa ang blog ng isang blogger na kilala sa pangalang Xienah Girl. Hindi pa siya sa chiksilog.com dati. Dito pa siya sa site na ito naglalathala nuon at dahil sa inggitero ako ay gumawa din ako ng sarili kong blog site na hindi ko na babanggitin pa ang detalye. Matagal na panahon din akong naging lurker ni Xienah. Alam halos lahat ng nakakakilala sa’kin sa blogosperyo na si xG ang pinakahinahangaan kong blogista. Sa totoo lang, wala ako ngayon kung hindi dahil sa kanya. Sinara ko ang unang blog site na ginawa ko. Hinanap ko uli ang kumpiyansang nawala sa akin at ng matagpuan ko ito ay nagbukas muli ako ng panibago. Ito na iyon ngayon, ang ikalawang pagtatangka ko sa mundo ng blogosperyo.

Nuong bagong bukas ang diakosipeterpromise.blogspot.com ay may muka ko pa sa header/banner nito, subalit matapos ang ilang linggo ay tinanggal ko din ito agad at pinalitan ng panibago. Pinili kong magpaka-anonymous blogger kunwari sa paniniwalang hindi mahalaga ang kaanyuhan ng isang blogger, ang importante ay ‘yung mga kabuluhan ng pinagsasabi n’ya. (which in my case eh wala ding kwenta) Ayoko naman kasing dumating ang isang araw na may mga nagbabasa sa’kin dahil lang sa gwapo ako. Simple lang naman ang nais ko. ‘Yon ay walang iba kundi may magbasa sa mga pinaggagawa ko kasi nagugustuhan nila ang mga pinagsasabi ko. Kadalasan sa mga entry ko ay kwentong kutsero pero sitenta prosyento nito ay hango sa mga tunay na pangyayari ng buhay ko. Hindi ako mismo ang blog ko pero may pagkakakilanlan kami nito. Walang kwentang blog, emo na entry, masayang lathala, mahalay na post, maraming mali at may mga typo error. Ganun din ako, isang normal na gago tao, maraming pagkakamali sa buhay at hindi pekpek to perpekto.

Pinipilit kong maglathala sa wikang tagalog. Hangga’t maaari ay ayoko sanang may ingles na salita pero may mga pagkakataon talaga na ang pag gamit sa mga salitang banyaga ay hindi maiwasan. Pinili kong magpahayag sa wikang tagalong para mas maintindihan ito ng mas nakararaming kababayan natin. Hindi ko naman sinasabing bobo ang mga Pilipino para hindi makaintindi ng ingles. Ang punto ko lang, kung nanaisin ko na maiparating sa mga mambabasa ng derecho at malinaw ang mga sinasabi ko ay mabuting Filipino na lang ang wikang gamitin ko. Masaya ako ngayon sa ginagawa ko. Nagsusulat ng kung ano ano sa paraang hindi pormal. Walang sinusunod na batas sa pagsulat. Walang pinagbabatayang wastong istraktura. Walang tama, walang mali, mga opinyon lang at saloobin. Sariling pananaw na hindi ko naman pinagpipilitang gawin n’yo ding sarili n’yong pananaw.

Nagbabalak na akong dalin sa ibang lebel ang kaganapang ito ng buhay ko. Pinag-iisipan kong bumili ng sariling domain kaso ay wala pa akong maisip na magandang pangalan para dito, maliban sa supotsipedro.com at maliitnaetitsnipedro.com. Kung iisipin n’yong kinakarir ko na ito, ngayon pa lang ay uunahan ko na kayo. Seryoso po ako sa ginagawa ko dahil napapasaya ako ng bagay na ito. Ngunit hindi porke seryoso ako ay kinakarir ko na ito. Naglilibang lang ho ako. Hindi ko nanaising sumikat o makilala. Sa nakikita ko kasi ngayon, binabatikos lang at ginagawan pa ng isyu kapag sikat ka. Ayoko ng ganun. Hindi cool. Wala din akong balak na gawing training ground ang blogging para sa seryosohang pagsusulat. Hindi sumasagi sa isip kong mag-enroll ng short courses sa pagsusulat. Wala akong planong mag-apply at gumastos sa mga writing workshop sa ABS-CBN 2 at GMA 7. Hindi ko pangarap na makapagsulat ng libro dahil hindi ko kayang harapin ang hamon ng katanyagan. Hindi ako sanay sa mga pagkakataong magriring ang cellphone ko at malalaman kong si BOY and KRIS pala ang nasa kabila ng linya at iniimbitahan akong mag guest sa kanilang programa. Wala akong lakas ng loob para magpromote ng isang baguhang produktong papasikatin sa pamamagitan ko. Hindi ko kayang i-handle ang pressure pag inalok ako ng isang politiko para i-endorse siya sa susunod na eleksyon. Ayokong magpagamit sa mga telebisyon isteysiyon, sa mga produktong wala namang saysay, sa mga trapo at buwaya ng lipunan alang alang lang sa pera. Kung may mga tao mang nakatakda para gawin ang mga bagay na ‘yon ay nakasisiguro akong hindi ako isa sa kanila. Nais ko lang lumigaya at ang kaligayahang ‘yon ay natagpuan ko sa mundo ng pagbloblog. Ganun lang kasimple, walang labis at walang kulang. Tapos ang usapan. Tuldok. Wakas!

Gusto kong magpasalamat sa mga naging kaibigan ko sa pamamagitan ng blog. Sa mga taong walang sawang nagbabasa sa mga walang kabuluhan kong lathala. Sa mga taong nagkukumento. Sa mga nag-iiwan ng mensahe sa chatbox at nagsasabi ng care to x-link? Sa mga lurker kung meron man. Sa mga kumokontak sakin sa pamamagitan ng yahoo messenger para itanong kung wala pa ba akong bagong post. Sa mga nagsasabing wrong ispeling at wrong grammar daw ako. Sa mga kritiko, sa mga pumupuna, sa mga pumupuri at sa mga babaeng handang mag-alay sakin ng kanilang puri. Kung alam n’yo lang, hindi matatawaran ang ligayang dulot nito sa’kin. Sa lahat lahat, ipinapaabot ko sa inyo ang aking taos pusong pasasalamat.

100 araw na po simula ng ginawa ko ang blog site na ito. May 7,975 page loads. 4,558 unique visitors. 8 categories. 46 entries. 330 comments. At milyong milyong mambabasa mula sa iba’t ibang panig ng mundo na nag-aral pang magtagalog para lang mabasa ang mga lathala ko. Sa inyong lahat, maraming salamat! oxox tayong lahat. Kapit kamay, buklod buklod, sama sama, at walang bibitaw. Ang magpaiwan may tae sa pwet. Paramis! :D



...

San ba nakakabili ng kasiyahan? Astig sana kung merong tindahan na basta may pera ka eh makakabili ka na ng ligaya. Pwedeng i-cash, pwedeng i-swipe gamit ang credit card at pwede pang lista muna kung close kayo ng may ari kasi ni-add mo siya sa friendster at multiply tapos lagi kayong nagpapalitan ng mga joke na text message tuwing umaga. Ang saya naman. Makakautang ka ng ligaya. Yikeee!---Sos! Wholesome entry to. Ibang ligaya nanaman kaagad yang nasa isip mo. Ang likot talaga ng imahinasyon ng utak mo. Malayo sa panandaliang aliw ang tinutukoy ko. Hindi pekpek ng pokpok ang hinahanap ko. Pft. Makapag sindi na nga muna ng isang stick ng sigarilyo.

*hithit, buga---hithit, buga---hithit, buga*

Ahmm, naisip ko lang, dumarating sa buhay ng kahit na sino ang lungkot. Kadalasan may batayan o pinag-uugatan ang isang kalungkutan. Minsan naman, nalulungkot na lamang ng walang kahit na anong dahilan. Paking shet! Ayoko ng ganitong eksena. Ayoko ng ganitong pakiramdam na napakawalang kwenta. Naniniwala kasi ako na ang pagiging masaya ng walang dahilan ay di hamak na mas mainam sa pagiging malungkot ng dahil sa wala.

Gusto kong pumasok uli sa isang unibersidad. Tapos kukuha ako ng kursong bachelor of arts major in cheerful living. Syempre dapat merong sab-dyek na happiness 101. Gusto ko ang titser ko ay isang payaso. Gusto ko din na mga komedyante lahat ng kaklase ko. Tapos sa taas ng pisara ng silid aralan, may mga katagang nakasaad na “SA CLASS ROOM NA ‘TO, BAWAL ANG NAKASIMANGOT!” Ang saya siguro kapag ganun. Walang drama at puro lang komedya. Palakasan ng tawa ang prelims. Pagandahan ng patawa ang midterm. At pakulitan ng pagme-make face ang finals. No wrong answers, lahat tama. May mock recitation. May biruan na sagutan. May kengkoy quiz. May joke time pagkatapos ng break time at may laugh trip kasabay ng field trip. Magmumulta ang mga estudyangteng iiyak. Mag flo-floor wax at magbubunot ang mga mahuhuling sisimangot. Magbubura ng black board sa loob ng isang linggo ang makikitang estudyanteng nakakunot ang noo. At iiskwat ng nakadipa ang mga kamay at lalagyan ng libro sa ulo at magkabilang palad sa loob ng isang oras ang kahit na sinumang mamamataan na hindi nakangiti. Walang peyboritisim at pati propesor ay walang eksempsiyon.---Sa unibersidad na ito, walang babagsak. Walang matalino walang bobo. Nakakatawa lang at corny. Pero kahit corny ka, hindi mababa ang ibibigay sa’yong marka. Corny ka na, pagtatawanan ka pa.

*balik seryoso na muna uli tayo*

May mga pagkakataong madali lang sumaya. Minsan nga, natutulog ka lang tapos pag gising mo, may isang di maburang ngiti agad ang namumutawi sa iyong mga labi. Ngiti na animo’y nanalo ka ng 235 milyon sa kara krus. Ngiti na parang may naka-sex ka na 5 sexy at magagandang babae kahit ba na kamuka mo pa si long mejia. Ngiti na parang nakakaloko. Ngiti na parang nakakagago. (pause for a while, ahmmm, mga 30 seconds, then, action) At may mga pagkakataon din naman na kahit nasa iyo na ang lahat eh parang kulang pa rin. Sa kabila ng lahat ng mga natamo mo ay hindi mo pa din magawang sumaya, hindi mo pa din makuhang maging maligaya.---Sabi nila, dalawa lang daw ang pinanggagalingan ng saya. Una ay ang pagmamahal at ikalawa ay ang pera. Ngunit ano nga ba sa dalawa ang mas mahalaga? Sa aking sariling pananaw, pagmamahal pa rin ang nangingibabaw sa mundo. Pagmamahal sa pera. Nakakalungkot mang isipin ay naniniwala akong tama ang paniniwala kong ito.

Kung ako ang papipiliin ninyo, hindi pera o pagmamahal ang magpapasaya sa’kin sa mga sandaling ito. Simpleng comment lang sa entry na ‘to masaya na ako. Nyahahaha! OXOX mahal ko kayong lahat. Pramis, peksman, koros may hart, ay swer, mamatay man si Popoy! Ahahaha, maiba lang, lagi na lang kasing si Mariano. =p

P.S. (Pahabol Salahat)

May bagong porn dito. Hahahaha. Joke lang. Kwelang Komiks yang mga yan. =p Sorry na xG. OXOX na tayo. Peace! :D




...

Una sa lahat nais ko munang batiin si Badoodles ng belated happy birthday sa kanyang katatapos lamang na kaarawan. Hindi ko na din sasayangin pa ang pagkakataong ito upang siya'y pasalamatan sa pagbuo ng patimpalak na [ito] kung saan ang mananalo sa rapols ay maaaring makapag uwi ng isa sa tatlong sumusunod:

(1) Nokia N70 Music Edition
(2) Sony Cybershot Digital Camera
(3) Halagang 15,000 pesos.

Kung nais n'yong magkaroon ng pagkakataon na makamit ang kahit na ano sa tatlong pa-premyo ay magpunta lamang kayo [dito] para malaman ang paraan ng pag sali sa Project Lafftrip Laffapalooza.


Sa dinami dami ng mga mahuhusay na humor blogger sa buong Pilipinas ay hindi man lang ako nahirapang mag-isip kung sinu-sino ang aking mga iboboto. Nagblog hop ako at isa isa kong tinignan ang mga lathala ng mga nominado at ito ang ginamit kong batayan para ako'y makapili. Maraming nakakatawa ngunit mangilan ngilan lang ang matatalino. Matapos ang ilang buwan ng pagpili ay nakapagpasya na din ako sa wakas. At ang mga napili ko ay ang mga sumusunod:

Una sa puso ko si:

Xienahgirl - A copious amount of wit, plus solid humor and a smack of sarcasm. Hmm, xienah na xienah di ba? Astig 'to! Pag may nagtatanong sakin kung bakit siya ang paborito kong blogger, brains niya kaagad ang binibida ko. Bilib ako sa utak ng babaeng bakla na ito. Sobrang brilliant n'ya at para sakin, wala ng mas gagaling pa sa kanya. With her xGMonologues and exceptional hirits, kelan ba naman ako di napatawa nitong babaeng baklang to? Sobrang naaaliw ako dito kasi she never runs out of things to say. She made her readers laugh without even trying. 'Yan ang dahilan kung bakit una sa puso ko ang Dyosa ng Sangkaitlugan!

Pangalawa sa puso ko si:

Mr.D - This guy needs no introduction. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Mr.D? Edad pitumpu't anim kung hindi ako nagkakamali. Number one fan ni Mr. Diaz ang nanay ko. Hindi pa ako pinapanganak, nagbloblog at nagpapasaya na siya. Kasabayan nya sila Salvador Tampac, Pablito Sarmiento, Alfonso Tagle, at Rodolfo Quizon. Wala pa sila Tito, Vic at Joey may Mr. D na. 'Yan ang dahilan kung bakit pangalawa sa puso ko ang Hari ng Sangkatandaan!

Pangatlo sa puso ko si:

FerBert - A humorous, foul-mouthed unidentified creature from another planet. Nagmula sa ibang planeta, tinungo ng tang inang alien na ito ang Pilipinas upang maghasik ng kalibugan kasiyahan. Pinatunayan n'yang nasa utak lang ng tao ang kalaswaan. Matalinong alien ito sapagkat nagagawan n'ya ng paraan na ipaliwanag ang mga bagay bagay ng walang halong kahalayan, kalaswaan at kahit isang bahid ng kabastusan. Respectable blogger. Disenteng manunulat. Kagalang galang na mamahayag. Ikatlo sa puso ko ang Hari ng Sangkalibugan!

Ikaapat sa puso ko si:

Mariano - A man with a comical character, backed up with logic. Ayan si Mariano Huwantso! If I have to define this person, I can say that he's a "street smart" kind of guy. Ibang mag-isip (malaswa), mag-jojoke pro may sense, minsan corny pero kadalasan nakakatawa. Bihira ang taong ginagamit ang utak sa pag papatawa. Ayaw ko mang sabihin at ayaw ko mang tanggapin pero wala akong magagawa, kelangan kong sabihin sa lahat na humanga ako sa husay ng taong ito. Mariano Huwantso, dating LOSER (hindi na ngayon), isang romantiko, isang gago, at isang tunay na manunulat! Pang-apat sa puso ko si M, ang Hari ng Sangkagaguhan!

Wala ng pang lima. Hindi na pumasa sa criteria ko yung iba, hahaha. Biro lang. Ang totoo, hindi ako nagbibiro, hindi naman kasi pwedeng i-boto si Badoodles, siya dapat ang number one sa puso ko eh (sipsip) Wahahaha!



...

Dumating ako kila uncle at hinainan na ako ng makakain pag dating na pag dating ko pa lang. Inihaw na liempo, longganisa na galing pang lukban quezon, atsaka nilagang baboy na mainit init pa ang sabaw, mga 103 degress celsius siguro, ganun. Kumain kami at ng matapos kumain ay nanuod muna kami ng balita. (yung news anchor na butas butas ang muka, yung nagsasabi ng, ehem! Excuse me po, at hindi daw natutulog ang balita, idlip lang daw) Ganun pa rin ang news, alang pinagbago. Puro patayan, holdapan, at pagtaas ng kung anu anong bilihin gaya ng bigas, gulay, karne, condom (ay hindi pala kasali yun) at langis. Ang hirap na talaga ng buhay ngayon. Otso na ang pamasahe sa jeep. Kwarenta pesos na ang isang kilong bigas. Pati alak at sigarilyo, nagtaas na din. Tatlong bagay na lang ang hindi tumataas, ang fishball na singkwenta sentimos pa rin ang isang tusok, ang height ng pangulo ng pilipinas na 4 plat pa rin at ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa na tres siyentos bente singko pa rin isang araw. At tanging dalawang bagay na lang ang bumababa. Ang mga panga at panty ng mga babae pag nakikita nila si PEDRO.


Matapos ang balita ay tinignan ko na ang sirang kompyuter, ng malaman ko na ang sira ay sinabi ko kay uncle na madali lang ang sira nun. Sauce, sisiw! Kinantiyawan ko siya na magpainom na muna para ganahan ako at mamaya ko na titirahin yung sirang kompyuter.


Nagtungo kami sa tindahan upang bumili ng inuming nakalalasing at sigarilyong magdamag naming hihithitin. Tinignan namin ang grocery at nakita kong kahit pala mahirap ang buhay ay makakapagbisyo ka pa rin pala sa murang halaga. May sigarilyo na nakapakete lang, lima ang laman. So bale pag binili mo yun, sasabihin mo sa nagtitinda, pabili nga ho ng sigarilyo, yung half half pack. (anu daw??!!) At may ginebra san miguel gin na rin na nakatetra pack. Samahan mo pa ng pisong iced tubig na gagamitin bilang chaser. Pitong piso at singkwenta sentimos yung sigarilyo, sampung piso yung gin at piso yung iced tubig. Paghahatian nyo pa ang presyo nito, depende kung ilan kayong iinom. So bale ang equation ay X = (S+G+I); where S = presyo ng sigarilyo; G = presyo ng gin; I = presyo ng iced tubig and X = final price. Magiging ganito pa yan kung hindi lang ikaw ang iinom. Y = X/M; where X = final price; M = number of drinkers and Y = Chip-in price of each one. So pag dalawa kayong iinom, Voila! Sa halagang siyam na piso at bente singko sentimos, solb na ang gabi mo. Pero dahil sa hindi naman kami gipit sa salapi, syempre RH = red horse ang binili namin. I-bottom less mo, sabi pa nga ng uncle ko.


(click dito para makita ang yosi) at (click dito para makita ang gin)


Nakabili na kami ng alak. Bumalik na kami sa bahay at sinimulang uminom. Tawanan, kulitan, asaran, tapos asaran, kulitan at tawanan. Hindi lang yun, nagtawanan, asaran at kulitan din kami. Dami naming ginawa noh? Sayang di man lang namin nagawa na makapagtawanan, kulitan at asaran. Acheche!


Medyo gumagabi na at nag-umpisa ng umepekto ang espirito ng alak. Kung anu ano ang mga natutunan ko nung gabing yun. Nalaman ko na ang mga pangalan na; Salvador Tampac, Pablito Sarmiento at Alfonso Tagle ay walang iba kundi sila Cachupoy, Babalu, at Panchito pala. Nagtagal pa at binanatan na ako ng uncle ko ng mga malulupit na linya, mga tipong ganito:


lt is a melancholy truth that even great men have poor relations . – Dickens

You will hear the beat of… - Kipling

All great truths begin… - Shaw

Man is the only animal that blushes, or needs to. – Mark Twain


Nose bleed si PEDRO, ang lupit ng mga binitawan eh. Pag humirit eh parang kaututang dila at text mate niya lang si William Shakespeare. Malupit, malupit! Sa sobrang kasiyahan ay hindi namin namalayan na wala na palang alak. Tinapos na namin ang gabi. Ano ang ending? Hindi ko na nagawa ang sirang kompyuter. Hahaha!


P.S. (Pahabol Salahat, hehe!)


Ginawa ko din ang sirang kompyuter at nagawa ko naman ito kinabukasan pagkagising na pagkagisng ko. =)


WAKAS….



...

Ika labing anim ng hunyo ng taong kasalukuyan, nakaupo ako sa cubicle ko sa opisina, nagmumuni muni habang nakatitig sa monitor ng kompyuter. Napadaan ang aking mga mata sa bandang kanan at baba ng screen at nakita ko ang oras. Tik…5:20…Tak…5:30. Nag umpisang bumuo ng ngiti ang aking mga labi. Isa lang kasi ang ibig sabihin ng oras na iyon. UWIAN NA!!!!!


Pag labas ko ng opisina, nagsindi agad ako ng isang stick ng sigarilyo, marlboro lights, yung gold. Naglakad ako hanggang sa kanto sapagkat doon ang sakayan. Ilang minuto pa ng maubos ko ang sigarilyo at marating ko na ang lugar ng tamang sakayan. Nag aabang ako ng pampasaherong sasakyan ng biglang kumulimlim…..


Naisip ko na ayos yung ganun para naman lumamig ang panahon kahit kaunti. Maginhawa na sana, malamig na, kaso hindi pa ako nakakasakay ng biglang magpapansin ang mga ulap at nag-umpisa ng umepal ang mga malalaking patak ng ulan. Ayokong maulanan at baka dumami ako, mahirap pag ngyari yun, masyadong dadami ang mga magagandang lalake sa sanglibutan. Kaya minabuti kong gumilid muna sa may tindahan. Kinuha ko ang aking celphone na 5110i para tignan ang oras (para sa mga hindi pa nakakaalam, may i yung celphone ko, hindi basta basta 5110 lang) Alas sais na pala ngunit hindi pa rin ako nakakasakay. Unti unting naglaho ang mga patak ng ulan at lumapit na ako sa kalsada para mas madaling pumara ng sasakyan. Akala ko wala na yung ulan ng biglang dumagundong ang isang napakalakas na kulog, BAGAAAAAM!!! Putang inang yan! Kumuha lang pala ng buwelo ang sangkalangitan, at tsaka ibinuhos ang final assault. Parang fatality sa larong mortal kombat pag sinabi na ang salitang FINISH HIM! Ganun ang nangyari.


Nakasakay na ako at ilang saglit lang ay nasa bahay na ako. Basang basa ako kaya minabuti kong maligo agad para hindi matuyuan ng tubig ulan at maiwasan ang magkasakit. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay kung anu anong bagay ang pumasok sa aking isipan. Naisip ko lang, ang tagal ko na palang single, walang kasintahan, walang iniirog, walang minamahal, walang pag-ibig, walang syota, at sa madaling salita, TAGLIBOG TIGANG! Parang lupa na uhaw sa ulan. Naisip ko tuloy, baka parang nata de coco na yung kwan ko, parang kaong, parang buko na malasado, tatlo na yun ah, konti na lang makakabuo na ng fruit salad. Naalala ko tuloy yung usapan ng dalawang lasing na lalake sa c.r ng isang resto-bar nung minsan na lumabas kaming magbabarkada at nagdesert kami ng fruit salad after ng dinner.


Lasing 1: Pare ang lake ng etits mo ah!

Lasing 2: Putang ina! Malaki nga hindi ko naman magamit!


May point siya. Oo nga naman, aanuhin mo nga naman yung malaking etits kung hindi mo din maitatarak sa dapat tarakan? Halleeer! Einubah? (haha, parang si xienah lang ah)Hindi niya man lang maexperience yung parang sa larong basketbol sa mga kanto na kung tawagin ay balik shoot. Naisip ko tuloy, para kang may magarang sapatos pero putol naman ang iyong paa. Wala ding silbi. Pero naisip ko mas malala problema ko kesa kay lasing 2. Kasi yung sakin, ga-toothpick na nga lang, di ko pa magamit. Pffft! Boo! Loser! Walang kwenta! Basura!


Para malibang ay binuksan ko na lang ang telebisyon at tumambad sakin ang parabista (tv commercial) ng nalalapit na bagong telepantasiyang dyosa na pinagbibidahan ni anne curtis. Ako’y napa-huwawwww! Ang sexy sobra, sa isip isip ko, sarap naman kumain, parang ginutom tuloy ako. Maya maya pa ay biglang may kumiliti sa aking isipan. Nakaisip ako ng ideya para mawala ang aking pagkatigang. KITING! Tila isang bumbilya na may 100 watts na liwanag ang nag appear sa taas ng aking sentido. Uhmmm, ahhhhh, YEAH!!! Akma ko na sanang gagawin ang naisip ko ng biglang tumunog ang aking 51110i. Sobra ng isang 1, 5110i lang pala. KIRIRING KIRIRINGGGG! Tumatawag ang uncle ko, pinapapunta ako sa kanila para gawin ko daw ang sirang kompyuter. Bad trip! Nakakabitin. Sa ibang araw na nga lang ako magbabate. Magbabate ng itlog at kakain ng marami. Dun na lang ako kila uncle kakain, balita ko kasi eh maganda daw na diversion ang pagkain kapag tigang ka. Especially ang papaya. :D


Itutuloy……….


Spoiler:


Dumating ako kila uncle at hinainan na ako ng makakain. Inihaw na liempo, longganisa na galling pang lukban quezon, atsaka nilagang baboy na mainit init pa ang sabaw.


...

maligayang kaarawan edilberto legaspi (tunog ng tambol kasabay ng masigabong palapakpakan)


ika-tatlo ng hunyo, nagpapaantok ako, pagtingin ko sa oras sa aking telepono cellepono, nakita kong alas dose na pala ng gabi. pinindot ko ang matigas na pindutan ng bulok na cellepono kong 5110i (paalala uli, hindi lang yan basta bastang 5110, may i yan, may i!!!) pumindot ako ng pumindot hanggang mabuo ko ang mga katagang, "maligayang kaarawan, pre", matapos nun ay ipinadala ko na ito sa numero ni pareng edi. naipadala na ang mensahe. maya maya pa ay tumunog ang aking cellepono, (twit twit, twit twit) ganun na ganun ang tunog, medyo choppy lang kasi nga bulok na. binasa ko ang mensahe at ang nakasulat dito ay, "wala pang alas dose pre", dali dali akong sumagot kaagad at sinabing, "alas dose na dito sakin pre, tumanda ka nanaman". nagpatuloy ang usapan hanggang sa natapos ito sa sagot nyang "sa sabado pre ha, dito tayo sa bahay". nagliwanag at umaliwalas kaagad ang muka ko sa aking nabasa. tila kumislap ang mga mata ko sa pagkakatitig sa aking cellopono. (kiting! kiting!) isa lang ang ibig sabihin nito, libreng kain at libreng inom. *yeah!*


dumating na ang takdang araw, ika-pito ng hunyo, sabado. pumasok muna ako sa opisina at nagtrabaho. nung hapon na, tinatamad na akong kumilos at nakatingala na lang ako sa kisame. pakiramdam ko ay may mga pagkain dun, parang pelikulang cartoons na may naghahabulan na kanin at ulam paikot sa ulo ko, bigla akong ginutom. bandang mga alas singko ng hapon, ng makatanggap ako ng mensahe mula sa magdidiwang ng kaarawan, ito ang nakasaad sa mensaheng aking natanggap, "pre asan na kayo" biglang naghilab ang aking sikmura, bigla na lang sumagi sa aking hinagap na hindi pa nga pala ako kumakain magmula pag gising ko nuong umaga, naisip ko kasi na sayang ang pera, babawi na lang ako sa kaarawan na aking dadaluhan, kakain ako, yung maraming marami, para kahit hindi na ako kumain uli kinabukasan eh ayus na. dali dali akong sumagot at kahit matigas ang mga pindutan nito ay mabilis kong nailagay ang mga letra na bumuo ng pangungusap na "dyan lang u, papunta na me" (o di ba? baklang bakla yung text, haha!)

ilang saglit lang ay dumating na ako sa pagdarausan ng kaarawan. binati ko agad si edi (the celebrant) pagkabati ko sa kanya ay dali dali akong pumasok agad sa kanilang bahay at dire-diretso sa kusina, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinunggaban ko kaagad ang mga nakahandang pagkain. nagsunuran na ring kumain ang ibang mga nauna sa aking panauhin. mabuti na lang pala at sinumulan ko na. maya maya pa ay natapos na ang lahat, subalit ako'y nanatili pa rin sa harap ng hapag kainan, ninamnam ang bawat PUTA-heng pumapasok sa aking bibig, nginunguya ng malumanay bago ito lunukin. tapos na silang lahat, pero ako? hmmm, nagsisimula pa lang ang himagsikan! tuloy pa rin ang rebolusyon ng mga bulate sa aking tiyan na mag mula umaga pa lang ay hayok na hayok ng masayaran ng biyaya. lumipas ang ilang oras, at medyo nahiya na ako, kaya kahit hindi pa ako ganun kabusog ay tinapos ko na ang aking pagkain. ang daming pagkain, grabe. it's like, the sky is the langit! (tama ba yun?) yah! wateber! basta maraming pagkain, ayun!


matapos ang kainan ay sinimulan na ang inuman at kantahan. unang tagay sakin at inalok kaagad sa akin ang talaan ng mga kanta at ang mikropono. tinanggihan ko ito at sinabing maya maya na lang ako aawit. ang totoo, maganda naman talaga ang boses ko, pwede nga akong maging sikat na mang aawit kung aking nanaisin, ngunit ayaw ko lang gamitin ang aking mala-ibong adarnang tinig para kumita ng salapi, hindi ito ang linya ko. mabalik sa usapan, tumanggi ako sa dahilang, marami kasing mga panauhin ang naruon, mahiyain kasi akong tao, nsabi ko na lang sa aking sarili na mga 4 o 5 tagay pa, talu talo na. dumating nga ang oras na aking hinhintay, ang pagsapit ng ika limang tagay, tinantiya ko ang aking sarili, demet! aym drank! laban na to. muling iniabot sa akin ang talaan ng mga awit at ang mikropono, sinabi ko na pag pasensiyahan na nila ako kasi hindi ako handa. at para mapatunayan ko sa kanilang hindi ako handa, ay inabot ko ang mikropano ngunit hindi ko na tinignan ang talaan ng maaawit at bigla kong binigkas ang mga numerong 159625. (haha, hindi daw handa!) matapos ang kanta, nagpalakpakan ang lahat, hindi lang ang mga bisita kundi pati ang mga kapit-bahay na rin. haaay, kaya ayokong kumakanta eh.


ilang oras pang nagpatuloy ang inuman at kantahan, umiinom ako ng bigla akong nakarinig ng kaguluhan sa labas, nagkakagulo ang mga tao, nagtatabukhan patungo sa direksyon namin. naalarma agad ako, naisip kong marahil ay may mga nag away sapagkat nakainom na ang mga tao. ngunit nagkamali ako. nung matunton na ng mga tao ang aming kinauupuan, ay biglang sabay sabay silang nagsigawan ng "PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! PEDRO! " hindi na maawat ang mga tao, humihiling sila na kumanta ako. eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kung bakit kasi kinanta kanta ko pa yung time of my life ni david cook.


kinailangang dumaan ako sa daanan sa likod para lang matakasan ang mga dumagsang kapit-bahay na ayaw paawat na marinig ang aking boses. ang sarap talagang dumalo sa isang kaarawan. busog ka na, lasing ka pa. at etong mga kalokohang ito ang pruweba na hanggang ngayon ay lasing pa ako. haha.


SIR EDI, HAPPY BIRTHDAY! next year ulit. yung tupperware na pinaglagyan ko ng mga inuwi kong pagkain, tsaka ko na lang ibabalik. =)

Gaya nga ng sinabi ni XienahGirL ako daw ay isang ginoong kompyus ang katauhan. Marahil ay ganun na nga, sa kadahilanang, laging may mga mumunting bagay na bumabagabag sa aking isipan. Eto nanaman ako, nabanggit ko nanaman na nag-iisip ako. Nakalimutan ko nanaman na wala nga pala akong isip at kung meron man eh kakapiranggot lang.

Mabalik ako sa primaheng usapin. Nakatunganga nanaman ako buong maghapon at bigla kong naisip kung pareho lang ba ang salitang "ok" at "fine". Napansin ko lang kasi na minsan, may nagtatanong ng "are you ok?" tapos ang isasagot eh "yeah, im fine." Naisip ko tuloy, pwede mo sabihing "im asking if you are ok, im not asking if you are fine." Kaso parang mas lalong gugulo lang. Ikalawang halimbawa. Pag sinabi sayo ng kasintahan mo ang ganito "ayoko na sa iyo!" maaari kang sumagot ng "ok!" o di naman kaya ay "fine!" Kaya kahit anong isip ko, parang pareho talaga ang ibig sabihin ng "ok" at "fine".

Habang naninigarilyo ako, bigla na lang sumagi sa aking hinagap ang ideyang ito. Kung pareho ang ibig sabihin ng "ok" at "fine" bakit may mga taong nagsasabi ng "i'm ok, but im not fine." at ng " i'm fine, but im not that ok." Parang analogy lang din eh. Halimbawa:

Given: (considering ok and fine are the same)

Fine = Ok
Red = Red

Pag sinabi mong "i'm ok, but im not fine", para mo na ring sinabing, pula ang suot ko pero hindi pula. Anak ng kaanak anakang anak ng mga anak. Aba'y parang pinagloloko pala tayo ng mga amerikano eh. May nalalaman pa ang gobyerno na proyektong ESL (English as a Secondary Language). Eh magulo naman ang mga salita ng mga amerikano. Yeah, I speak the language. But i did it because it is mandatory in school's academic subjects. And in order to graduate, you have to follow the rules. English/American people kept on saying that you should follow the rules but i can't help but notice that they keep breaking it themselves. For example, the word laughter, is the gh sounds ff? NO! How about the word manslaughter, it has the word laughter in it but we read it as man-isloter not mans-lafter. Now, I agree with ESL (English is a Stupid Language) DEMET!

Hinagilap ka ang ibig sabihin ng "ok" at "fine sa google, at eto ang mga nakalap ko:

OK

or o·kay n., pl. OK's or o·kays.

Approval; agreement: Get your supervisor's OK before taking a day off.

adj.
  1. Agreeable; acceptable: Was everything OK with your stay?
  2. Satisfactory; good: an OK fellow.
  3. Not excellent and not poor; mediocre: made an OK presentation.
  4. In proper or satisfactory operational or working order: Is the battery OK?
  5. Correct: That answer is OK.
  6. Uninjured; safe: The skier fell but was OK.
  7. Fairly healthy; well: Thanks to the medicine, the patient was OK.
adv.

Fine; well enough; adequately: a television that works OK despite its age.

interj.

Used to express approval or agreement.

FINE

adj. fin·er, fin·est
1. Of superior quality, skill, or appearance: a fine day; a fine writer.
2. Very small in size, weight, or thickness: fine type; fine paper.
3.
a. Free from impurities.
b. Metallurgy Containing pure metal in a specified proportion or amount: gold 21 carats fine.
4. Very sharp; keen: a blade with a fine edge.
5. Thin; slender: fine hairs.
6. Exhibiting careful and delicate artistry: fine china.
7. Consisting of very small particles; not coarse: fine dust.
8.
a. Subtle or precise: a fine difference.
b. Able to make or detect effects of great subtlety or precision; sensitive: has a fine eye for color.
9. Trained to the highest degree of physical efficiency: a fine racehorse.
10. Characterized by refinement or elegance.
11. Satisfactory; acceptable: Handing in your paper on Monday is fine.
12. Being in a state of satisfactory health; quite well: I'm fine. And you?
13. Used as an intensive: a fine mess.
adv.
1. Finely.
2. Informal Very well: doing fine.
tr. & intr.v. fined, fin·ing, fines
To make or become finer, purer, or cleaner.

Ayun, naliwanagan na ako, ang "ok" at "fine" ay literal na hindi magkapareho ngunit nagiging pareho, depende sa konteksto ng pangungusap. Ang "ok" ay mayoryang ginagamit sa pag sang ayon while "fine" is majority used in saying the state of one's self being well.

Maliwanag na madilim, maayos na magulo, naiintindihan na parang hindi, oo, siguro nga kompyus lang talaga ang katauhan ko. O siya, paalam, nagugutom na ako, kain muna ko.

Analogy is a comparison based on such similarity and a similarity in some respects between things that are otherwise dissimilar. The process by which words or morphemes are re-formed or created on the model of existing grammatical patterns in a language, often leading to greater regularity in paradigms. It is also a form of logical inference or an instance of it, based on the assumption that if two things are known to be alike in some respects, then they must be alike in other respects.

Example:

God is love.

Love is Blind.

Therefore. God is blind. Haha!

Sino ba kasi nakaimbento ng analohiya na yan. Pinapagulo lang nyan at ginagawang kumplikado ang mga titik, pangungusap, salita, at parirala. Pa-ana-analohiya pang nalalaman. Gunggong! Wahaha.. \m/

Nakakapagod ang walang ginagawa, nakakapagod tumunganga. Nakakangawit maupo ng buong hapon. Put*%$ In@#g kumpanya to, binabayaran ako para mag internet, magchat at magblog. Ayoko na ng ganito, hindi na ako masaya. Hindi ko naprapractice yung field of expertise ko. Teka, may expertise ba ako? Naku, wala ata, pero kahit na, tao pa din ako, ayokong kumikita ako ng pera sa pamamagitan lang ng pagtunganga. I feel like im so useless, walang silbi, walang kwenta, palamunin, paswelduhang nakatunganga lang, mangmang, bobo at isa't kalahating tanga. I feel like I already reach the peak of knowledge that the company has to offer. I feel like crap, basura, trash, mga kalat na tinatapak tapakan, sinisipa sipa. Ang nakakainis pa, wala akong magawa, literal na wala akong magawa kasi nga wala akong ginagawa, kasi nga wala namang pinapagawa sakin at kahit na magtanong ako sa mga boss ko kung anong gagawin ko, ang isasagot lang nila eh wala, "i will call you when i need you" amputzz why dont they just tell me that they dont need me. Pero naisip ko, kung di nila ako kelangan, eh bakit andito pa rin ako, bakit di pa nila ako tanggalin, bakit pa di nila ako sisantehin, "SUNOG KA NA" (you are fired) bakit di na lang nila sabihin yun? Nakapagtataka, siguro swerte ako sa kumpanyang ito, ako siguro ang swerte nila, kaya siguro kahit di nila ako pinapakinabangan eh hindi nila ako tinatanggal. Ganun na nga siguro. Kung ganun, since swerte pala ako, dapat pala humingi ako ng increase, tapos takutin ko sila na aalis na ako pag hindi nila binigay ang gusto ko sabay biglang sabi na "gusto nyo bang mawala swerte nyo?" Haaay, walang kwenta, hindi ko pa rin majustify kung bakit ganito. Gusto ko na talagang maglahong parang bula. Everytime na pumapasok ako at nasa opisina ako, naiisip ko na lang na i'm just here to do my time, siyeeet parang preso, binubuno ang sintensiya. Aalis na talaga ako, eto na, 5, 4, 3, 2, 1, 0. 5:30 na kasi, uwian na, wahahaha, yey! \m/

BABALA (WARNING)
Ang ka-BLOG-stugan na ito ay naglalaman ng mga di kanais nais at masasagwang muka.
Tignan at basahin sa inyong sariling kagustuhan (View and Read at your own risk)
Patnubay ng magulang ay kailangan (Parental guidance is advised)
Hindi mo na ako maaaring matahin (You cannot eyes me anymore)
Balang araw maghihiganti ako sayo (Bullet day I will giant you)
Hindi ako basta basta (I'm not just just)
syieeeet, i rili lab may inglish!

Pahabol: This is for adults............ALSO.
:)

wala akong ma-iblog kaya poll na lang, hehe.
ang tanong:
"Sino ang may pinakamakulit na sideline sa tatlo?"

a.) Si PEDRO ba? (silipin dito)

b.) Si RENTOTZ ba? (tignan dito)

c.) O si BASTI ba? (wow fenk! haha, apihin si viny, APIHIN!! haha) (pagtyagaan dito wahaha!)

nasa inyo na po ang pagpapasya, ang magwawagi ay mananalo ng isang kilong NFA rice at sa mga bumoto sa nanalo, bubunot ang mga hurado na sina (Peter, Pedro, Paul, Me, Myself and I) ng isang magwawagi ng trip to jerusalem, tama na kasi korni na, haha..

maraming bagay na tayong mga pinoy lang ang gumagawa, maraming salita na dito lang sa atin meron, maraming pangyayari at kaganapan na tayo lang mga pinoy ang may pakana at pakulo. ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod.

unang punto: sa pilipinas ka lang makakakita ng gwardiya na na may baril ngunit walang bala, may silbato ngunit hindi tumutunog, ang tanging sandata lang nila ay ang kanilang batuta at ang mahiwagang toothpick. im just wondering, bakit lagi silang may toothpick sa bibig, hehe.

ika-lawang punto: sa pilipinas lang ngyayari na ang tinatapon lang sa manok eh ang feathers, palong at kuko, lahat kinakain, magmula ulo hanggang pekpek este pakpak pala, haha. ang dugo iniihaw at kung tawagin nila ay beta max, ang atay ginagawang adobo, ang paa iniihaw din, at kung tawagin naman ay adidas, pati ulo iniihaw din at helmet naman kung tawagin, iba talaga mga pinoy.

ika-tlong punto: nakahiligan na din ng pinoy ang pag popoint gamit ang mga labi. pointing of lips ika nga, hehe, it’s so pinoy, and you know what’s hella pinoy? the accompanying of the uhmm sounds to the pointing of lips. and it’s so important because that uhmm sounds pertain to the distance of the object you are pointing to and the longer you sustain that uhmm sound, the farther the distance is. here’s an example, kunyari ung ballpen nasa harap mo lang, tapos yung upuan andun sa dulo then may magtatanong, “do you have a pen?” sasabhn mo “yeah” tapos ask niya uli, “where” tpos sasabhn mo, “uhm” (tapos nakanguso ka toward the pen na malapit sayo) then sasabhn nya “nangangawit na ko kakatayo, do you have an extra chair?” tapos sasabhn mo “yeah” tapos ask nya uli “where” tapos sasabhn mo “uhmmmmm” (tapos nakanguso ka toward the chair na malayo sayo), see my point? that’s hella pinoy, hehe.

ika-apat na punto: dito lang sa pilipinas ngyayari na ang babae at lalake ay iisa, we have differences but we are treated fair because here in the philippines we are one. ayaw mong maniwala? here’s the proof. dito sa atin walang tayong pronoun for a girl and a boy, we don’t have a he or she, we only have one word for that and that’s SIYA, o di ba? here’s another proof, pag nasa jollibbee ka, tapos nakapila ka sa counter habang nakatingin ka sa menu sa bandang taas at iniisip mo kung anong oorderin mo, pag dating mo dun sa counter babatiin ka nya at sasabhin nya “good afternoon ma’am sir, may I take your order” o di ba? ma’am ka na, sir ka pa. haha. hay nako, mga pinoy talaga.

ika-limang punto: ang pinoy lang ang nangungulangot tapos bibilugin pa ito pagkatapos.

ika-anim na punto: pinoy lang din ang umaamoy sa kuko nila matapos itong gupitin mula as hinlalaki ng paa.

ika-pitong punto: manyana habit, pwede namang gawin ngayon pero sasabihin, mamaya na lang, parang ako, sa sobrang dami pang kaugaliaang pinoy, ayoko ng gawin ngaun, pagod na ko, mamaya na lang uli, hehe.

yung iba sa mga nabanggit ko eh original ng isa sa mga paborito kong stand-up comedian na si Mr. Rex Navarette.

dumako naman tayo sa mga kakaibang salita, eto ang ilan sa mga salita na sobrang pinoy na pinoy.

1. BAKTOL --- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili.
ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit,
at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o
FX.

Halimbawa:
”Sh*t!!!, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!”

2.KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo
dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung
hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas
madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

Halimbawa:
”Honey, maligo ka na para maalis yang KUKURIKAPU mo”

3.MULMUL --- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag
kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis,
kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.

Halimbawa:
“How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti!”รถ

4.BURNIK --- buhok mula sa malapit na butas sa pwet hanggang pataas sa cleavage na pagitan ng pwet. Sinasabing kunektado daw sa pilik mata ngunit ito ay di pa napapatunayan. (maari nyo itong patunayan sa inyong sarili) subukan daw bunutin sa pamamagitan ng kamay ang burnik at mapapapikit kayo, senyales daw na kunektado talaga ito sa pilik mata.

Halimbawa:
“Nice ass, long hair na yung BURNIK mo ah, hehe!!”

5.PULTIT --- taeng sumabit sa burnik o di kaya naman ay taeng nagmarka sa salawal. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ngyayari din ito minsan kung may sumasamang “something something” pagkatapos umutot.

Halimbawa:
“Pucha na-PULTITan ko ata yung brief ko!”

6. KIR-RIT --- kahuli hulihang balat sa kasingit singitan ng iyong singit

Halimbawa:
“Ano ba naman yang bathing suit mo? Halos makita na yang KIR-RIT mo!!”

tama na muna ang mga kakaibang salita at baka nandidiri na ang mga readers ko, haha, punta naman tayo sa pagiging sutil ng mga pilipino (para sa akin, isa ang pilipino sa mga pinaka-humorous na tao sa buong mundo), na ginagawang biro ang lahat para hindi maxadong maramdaman ang kahirapan, eto ang aking mga nakalap na larawan.

STARBUCKS pa daw??!! haha..

ang korni nung kuryente itinaas ng meralco, wahaha, kaw gloria hindi ka na tataas kasi punggok ka, nyahaha..(may naalala tuloy ako sa punggok, si OTEL , yiheee, hehe, unano din kasi yun, wahahaha)

mga nakakatawa at nakakaaliw na signages, featured on GMA 7's TV show Mel & Joey.



For the latest Philippines news stories and videos, visit GMANews.TV

wala na ko maisip, hanggang sa muli mga kagago, hehe.. paalam mga fans! nyahaha..

Ang pagbla-blog ay:

1.) Nakakatanggal ng stress.
2.) Nakakalawak ng bokabularyo.
3.) Nakakapractice ng speed typing.
4.) Maaring gawing emotional outlet.
5.) Nagbibigay sayo ng karapatan na manlait, at wala silang magagawa, wahaha.
6.) Nakakatulong sa ibang tao sa simpleng paraan.
7.) Nakapagbibigay kasiyahan sa iba.
8.) Kalungkutan sa iba.
9.) At kabwisitan sa karamihan, haha.
10.) At marami pang iba.

Sa mga nagbabasa ng aking walang kwentang blog, maraming salamat sa inyo, umpisa pa lang ito..marami pang darating sa mga susunod na araw, buwan at taon, kaya jan lang kayo, at dito lang naman ako..hehe..

lubos akong nagpapasalamat sa mga sumusunod:

sa matalik kong kaibigan na si MONET sa kanyang walang sawang pag tulong sa akin sa photoshop at sa pag gawa ng mga fektyurs ng mga tattoo ko. Siya rin ang tao sa likod ng aking banner sa blog site na ito. (dahan dahan lang, silipin nyo, andun xa sa likod, haha)

sa dati kong klasmeyt na si john viny marquez, sa pag banggit niya sa aking pangalan at site sa kanyang isang article sa blog site nya.

kay OTEL na aking kaibigan sa pagpapahiram nya sakin ng playlist nya at sa pagiging unang nag comment sa shoutbox ko..

sa inyong lahat, salamat, at mabuhay kayo!

isinulat ni PEDRO (walang magawa eh)

TAGPO: Isang araw, nag usap si PUSO at si UTAK.

PUSO: Eto kasing si utak, parang hindi nag-iisip!

UTAK: Anong hindi nag-iisip? Ikaw nga itong padalus-dalos dyan. Puro bugso ng damdamin. Alam natin na sa ating dalawa, ako ang palaging gumagawa at nag-iisip ng mga solusyon sa mga problema. eh ikaw?

PUSO: Kaya pala ako ang sinisisi mo kapag namomroblema ka dyan sa pag-ibig!

UTAK: Eh sino pa ba naman ang sisisihin ko? Ikaw itong walang ibang ginawa kundi mahulog kung kani kaninong loob.

PUSO: Hoy! Wag mo akong susumbatan! Ikaw itong nagsasabi na okay at pwede syang matipuhan. Tapos ngayon, ako itong sisisihin mo!

UTAK: Pero hanggang doon lang ang sinabi ko! Meron pa bang iba? Wala na di ba?

PUSO: Kaya pala ha... Sino ang nagsabing kailangan ko syang idate? Di ba ikaw din?

UTAK: Oo, date lang naman yun.. Wala na! Sinabi ko bang mahulog ka sa kanya?

PUSO: Ah basta! Kasalanan mo pa rin! Kung hindi mo pinagawa saakin lahat yun,wala sana tayong problema. Pag-ibig na naman! Kagagawan mo ito!

UTAK: Akala ko ba, hindi nadidiktahan ng utak ang puso! Kaya pala may kasabihan pa kayong "kung anong nasa puso mo, sundin mo!". Kakornihan nyo lang pala iyon!

PUSO: Ako ba ang nagsabing mahalin sya? PUSO ba? o UTAK?

UTAK: Baka yun lang talaga ang nasa puso nya? Kasalanan mo pa rin!

PUSO: Ako na lang palagi! This is unfair...

UTAK: Unfair? Unfair? Hallleeer!! Sige nga, kapag namomroblema na sa pag-ibig? Sino sinisisi nila? Ako din naman di ba? May maarte pa dyang sasabihing, "Madapakinshit naman oh! Kelangan me makalimutan all the problems of love! Hindi ko matake na makita ko syang may kasamang iba. I wana die! Di ko maforget yunnnn!" Ako din naman namomroblema ha. At yun ay dahil sa mga kagagawan mo! Nagmahal ka kasi!

PUSO: Why is that everytime na may naiinlab, laging puso ang kailangan sisihin? Nasa akin ba ang LOVE?? Hindi ba nasa UTAK lang LOVE!!

UTAK: Aba, malay! Basta ang alam ko, wala sa akin! Itanong mo kay Penis, baka nandoon.

PUSO: Ok. wait.

(Mabilis na pinindot ni Puso ang mensahe niya para kay Penis)

... Ay. ay. ay pag-ibig, nakakakilig, parang sine, parang..... (<>)

Huminto muna si Penis at mabilis na kinuha ang celfone nya nung narinig nya itong nagring.. text lang pala at dali dali nya itong binasa

MSG mula kay PUSO: [NASN ANG LUV? GGGRRRR! TXT BAK ASAP]

PENIS: Anak ng Titi nga naman. Bat ako hinahanapan neto? Hmmmm... Ano ako, LOST AND FOUND?

(Magrireply si Penis)

MSG mula kay PENIS: [BUWAKANGINAMO! Bk8 mo ba hnanap yng lab sakn? D q alm. Ikw ang puso. Dpat alm mo yn!]

MSG mula kay PUSO: [EH IKW NMN KC PALAGNG NAG A-I LUV U DBA? B4 KA TITIRA, SSBHIN U, I LUV U! PGKATPOS, I LUV U!]

(Biglang uminit ulo ni Penis sa pang iinsulto ni Puso)

MSG mula kay PENIS: [TANg INA nga nmn! Mahilig nga aq mg-iluv u pro hndi ibg sabhin nun ay nsa akin yang katrntaduhng hnahanap mo! Hapi aq khit wlng luv. Kya wag nyo na aq idmay, OK?]

MSG mula kay PUSO: [EH C UTAK KC. LAGI AQNG CNICC JAN SA PG-IBIG NA YN. CMULA PA NOON. EH, NATNONG Q LANG SAU DHIL SA ATNG 3, IKW KDLSANG NAG-A-ILUVU. KAKAKILALA MO PA LNG SA TAO. INA-ILAB UHAN MO NA!]

(Sabay tayo si PENIS at naninigas sa gigil)

PENIS: Gagong PUSO to! Dinadamay ako sa problema nila. Hindi ko kailangan ang Pag-ibig para mabuhay! Kaya kung magtrabaho kahit mag-isa! Eh sila? Mga gago! Isasali pa ako!

....

(Dahil sa di mapigilang galit ni Penis, tinawagan nya si Puso)

...Where is the LOVE.. Where is the LOVE.. the LOVE.. (<>)

PENIS: Ayaw sumagot! Anak ng tete naman oh!

(nagdial ulit si PENIS)

..Where is the LOVE.. Where is the LOVE.. the LOVE..

PENIS: HEEELLLLOOO!!! HHEELLLOOO!!! Isa ka ba sa mga tangang Puso?

(Pasigaw na Hello ni PENIS dahil sa galit)

PUSO: Pare naman! Wag naman mainit ang ulo mo! Dahan dahan lang! Palagi ka na lang galit! Kaya iyan, namumula ka na naman sa galit!

PENIS: Eh, gago ka pala eh! Sinasali nyo ako sa usapang hindi naman dapat ako kasali!

PUSO: Nagtatanong lang naman kami! Ang init lagi nyang ulo mo! Tapos mamaya, ikaw din naman ang iiyak! Pasalamat ka at wala ako sa mood na sumipa ng bayag!

PENIS: Eh gago kasi kayo! Ginagalit nyo ako palagi! Wala saakin ang Pag-ibig na yang hinahanap nyo!

PUSO: HHuwaaatt?? paano nangyari yun? Eh madalas mong nababanggit ang salitang I LOVE YOU!! Tapos sasabihin mong wala sayo? Niloloko mo ba ako?

PENIS: Kung hindi ka naman pala gunggong eh! Titi lang ako! Anak ng TITI! At... SEX lang ang gusto ko! Walang LOVE LOVE na yan!

PUSO: Akala ko pa naman nasa sayo ang LOVE! Pareho ka din pala ni UTAK!

PENIS: (Nakalimutan nyang galit sya kaya napapangiting nagsalita) Kaya nga kami bestfriends nun eh. Kung anu iniisip nya, naiisip ko na rin! Hehehe.

(nagalit si PENIS ulit)

PENIS: Bat mo kasi hinahanap samin yun! Hindi ba dapat nasa puso yun?

PUSO: Sino ang nasabing nasa puso ang pagmamahal? Sabi ni Nora, himala lang ang nasa puso ng tao! Hindi Pag-ibig!!! TANGA!!!

PENIS: Lalong lalo nang wala sa PENIS ang pag-ibig! Kumusta ka naman di ba?

PUSO: Akala mo lang wala! Wala! pero meron! Meron! Meron!

PENIS: Nasa PUSO anga pagmamahal! Nasa PUSO! Nasa kaloob looban ng damdamin!

(bumilis ang tibok ni PUSO dahil sa galit)

PUSO: Palagi na lang ako! Ako! Ako! Ako na walang malay! Ako na ang tanging Kasalanan ay maging.... ano?

PENIS: Oh ano?? Aber?? Tama na! Tama na! Kung lagi lang tayong magbabangayan, walang mangyayari satin!

PUSO: Ikaw naman itong palaging mainit ang ulo at galit!

PENIS: Wag ka kasing highblood! Ang PUSO mo!

PUSO: O cge, sorry na..

(naiyak sa konsensya si PENIS)

PENIS: (paluha) Kaya sa susunod pare, wag mo ako ginagalit. Lumalabas tuloy mga ugat ko!

PUSO: Pasensya na pare.

PENIS: Oo na. Alam ko naman na malambot na Puso ka.

(hindi na galit.. malambot na si PENIS)

PUSO: Matigas ang ulo......Hello? Hello? Hello.... Paksyit!

(tunog ng lowbat na celfone dahil na lowbat si PENIS)

PENIS: TITI naman oh! Di pala ako nakapagcharge! Saksak ko muna ito!

.......

WAKAS

PERO Nasaan nga ba ang pagmamahal? NAKAY PUSO? KAY UTAK? O KAY PENIS? Wala kasing umamin eh... MY goodness! GRRRRRRR…


Subscribe to: Posts (Atom)